Sa Vigan, may nag-iisang kalye roon na never pinasemento ng gobyerno, for the purpose of having the rich culture of Vigan preserved. Ito ay ang Kalye Crisologo, also known as the Heritage (ang weird, pero ganun talaga tawag ng iba). This is a great place to dine and shop for some souvenirs! ^_^
Sa kalye na ito, bawal ang mga auto. Ang puwede lang dumaan ay, mga tao siyempre, at mga Kalesa. Somehow, this is a pollution-free street (kaso airborne ang pollution galing sa mga tambutso ng mga sasakyan na dumadaan sa karatig-kalye kaya damay din X_X). Kung nais magpaka-sosy, sumakay ng kalesa habang tinatahak ang kalyeng ito. Ayun nga lang, mapapamahal ka kung mahina kang tumawad. Nung huling sakay ko ng kalesa, high school pa ako noon. Nasa Php40 ang bayad kapag iikutin lamang ang vicinity ng lagoon sa harap ng Vigan Cathedral. Php100 naman kung mula sa Centro papunta sa baryo namin. Eh noon pa 'yun, anong petsa na? :(
Kalye Crisologo, at a glance. |
Along this kalye, may mga class restaurant and bar na pupuwedeng pagpartyhan ng mga turista. Ilan sa mga ito ay ang Casa Leona and Max's Fried Chicken (Wow! Bago 'yun ha! XD)
Souvenir Shops along Kalye Crisologo |
Sa bawat bakasyon, isang bagay ang never makakalimutang gawin ng isang turista - ang mamili ng pasalubong.
The abubut corner in a souvenir shop in Crisologo. |
Now, for buying pasalubong tips from Teh, read carefully. Sa pagbili ng pasalubong sa Vigan, madalas talo ang mga turistang may katamaran mag-scout kung saan mura ang presyo (well, kahit saang lugar ka naman mag-tour, talo ang gano'n). Simple lang ang tip ko sa inyo - suyurin ang bawat tindahan at magtanong-tanong ng presyo. Kasi para sa isang item, magkakaiba ng dinidiktang presyo ang iba't-ibang tindahan. At dahil time-consuming ang magsulat ng pangalan ng mga tindahang napuntahan mo and their corresponding offer prices for the products that you want, magandang gawin ay kunan ng picture ang mga nakitang souvenir, kasunod agad ng pangalan ng shop na iyong napuntahan. Para kapag inatake ka ng Alzheimer's, may record ka ng mga shop na napagtanungan mo na. A tickler for listing down the prices may come handy, kung mabilis ka namang magsulat. Then browse mo na lang later sa camera mo 'yung mga nakunan mo ng picture. ;)
Teh's tip mentioned earlier is also for the benefit of those who usually find it hard haggling and would prefer walking around. Pero minsan, kahit nakita mo na kung saan ka makakamura, either puwede ka pang tumawad ng mas mababang presyo or kakailanganin mong i-check 'yung quality ng nais mong bilhin.
Souvenir shirts, local handicrafts and other Ilocos memorabilia. |
Si Teh, tuwing gumagala sa kung saang lupalop ng Pilipinas, ay mahilig mamili ng Souvenir Shirt. Halos pinagod ko lahat ng pinsan kong kasama sa aking pasalubong hunting, sa kakahanap ng souvenir shirt na gusto ko sa pinakamababang presyo. Bukod sa mga souvenir shirt, meron ding mga wood-carved accessories na nabibili sa mga shops and kung mahilig ka naman sa mga antiques, marami ring antique shops along the old street. Once namili si Teh ng pocket watch. Pero dahil antigo na nga, hindi na siya umaandar. :(
Ang Ilocos ay proud producer din ng various handicrafts - weaved pamaypay, banig, baskets and a lot more. But among these handicrafts, nangingibabaw ang kumot na Abel. Nagre-range ang price ng Abel blanket from Php 150 up to Php 500, depende sa klase at laki ng kumot na bibilhin mo. May dalawang klase kasi ng Abel blanket. Single, or 'yung mas manipis na klase and Double, or 'yung mas makapal na klase ng Abel blanket. Sa totoo lang, mas mura kung sa Vigan Public Market ka na lang bibili ng Abel blanket, around Php 50 to Php 100 less ang price sa public market, dry goods section.
A Vigan Longganisa store with a Welcome signboard |
Vigan pasalubong is not only about non-edible goodies. Maaari ka ring magpasalubong ng food, tulad ng Vigan Longganisa (uncooked), and Vigan Bagnet (cooked or uncooked). Again, kung nais makamura, sa public market (wet goods section) mamili ng mga nabanggit. Prices are not fixed, and Teh is not updated kasi tita ko ang namimili ng mga nabanggit, bago kami magbiyahe ng nanay pabalik ng Maynila.
Compared with Pampanga longganisa na matamis ang lasa, hindi matamis ang Vigan longganisa. Nangingibabaw ang pagiging maalat niya kapag kinain. Ang Bagnet naman, literally, is just a Vigan version of Crispy Pata or Lechon Kawali. I don't taste anything distinct when I eat this, but what impresses me about the Bagnet is that, even after a long period of time (within a day, the longest), the crispiness is preserved, compared with the ordinary pata or lechon kawali. A friendly reminder from Teh, eating too much bagnet may lead you to have severe heart problems. Pero, masarap kumain ng bawal. ;)
Kung sweet delicacies naman ang hanap mo, meron namang Vigan suman and bibingka. Hindi na ako updated sa presyo, kasi madalas din, binibilhan kami ng mga kamag-anak namin. Kung hindi naman kamag-anak, mga friendship ng nanay ang nagbibigay. What makes the Vigan bibingka distinct is that most of the time, wala siyang niyog (if buying from Mom's Royal Bibingka). Also, dominant ang lasa ng gatas and 'pag kinain mo siya, semi-liquid ang feeling sa bibig. Gano'n siya kalambot. For Vigan suman naman, well I can't fully say na distinct siya from other suman. Maybe distinct from Antipolo suman, kasi Vigan suman is already sweet by itself, no need for a sugar dip. :) However I find it similar with the taste of Northern Cagayan Valley's Patupat (a triangular-shaped suman).
Outside Cordillera Inn |
Aside from the pasalubong stores, some hotels are located along Kalye Crisologo. One of them is Cordillera Inn. Though I'll never get to know the rates, kasi hindi ko na kailangan mag-hotel when I visit Vigan. But based from the reviews I've read, the price is reasonable, considering that its location is quite superb since it is along the Kalye Crisologo.
Dahil walang mabili si Teh, nagposing na lang. O_O |
Kung wala namang budget masyado para mamili ng mga souvenirs and delicacies, enjoy rin naman ang magpicture-picture along Kalye Crisologo. Tayo dito, click! Pose doon, click! Camera at posing talent lang ang puhunan. ;)
Teh, Lost in Vigan |
At kapag naubusan na ng baterya ang digicam, maglakad-lakad at i-feel ang cobble-stoned ground. ^_^
Pagkatapos magliwaliw sa Ilocos Sur at mamili ng mga pasalubong, it's time to go home na... (Awww! :( )
See you soon, Ilocos Sur! Truly, Teh had a great time! ^_^
Girl, I like this one! SOON! :D I'll make copy of your itinerary okay? hahaha - conyo
ReplyDelete