About Teh


Si Teh ay graduate ng Unibersidad ng Santo Tomas (Viva, Tomasino!). Siya ay nakapagtapos ng kursong B.S. Electronics and Communications Engineering noong Marso 2011. Dati siyang nagtrabaho bilang IT Consultant sa Hewlett Packard Philippines, kung saan niya nakilala ang ilan sa kanyang mga travel buddies. Pagkagaling ng HP, si Teh ay nagturo bilang Full-time Instructor sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ngayon, kasalukuyang nag-aaral si Teh sa Graduate School of Engineering, University of Tokyo bilang pagtupad sa isa sa daan-daang pangarap ni Teh, ang maging guro at mananaliksik. 


Natagpuan ni Teh ang kanyang pagmamahal sa paglalakbay kung saan-saan simula nang matuto siyang sumakay ng eroplano at provincial bus nang mag-isa. At napalalim pa ang pagmamahal na iyon ng mga promo fares ng Cebu Pacific. (Ehem, sponsorship please? Hehe...) Sinimulan ni Teh ang pagsusulat ng kanyang blog noong Enero 2012.


Come on, don't be shy. Visit Teh's pages and blog posts now. Comments are very much welcome... ^_^



At kung may nais ipa-feature na lugar kay Teh o kung nais maging sponsor ni Teh, huwag mag-atubiling mag-iwan ng mensahe sa aking mga pahina. :)

No comments:

Post a Comment