Showing posts with label Cavite. Show all posts
Showing posts with label Cavite. Show all posts

Monday, January 13, 2014

Adik sa Roadtrip ~ From South to West

Hello mga teh! Narito na naman ako para mag-share sa inyo ng roadtrip experience kasama ang mga bagong (at lumang) ka-tropa sa gala ni Teh ~ T-squared (Tropang Tagaytay) at ADHICs! :)

The annual UST Paskuhan usually (kasi minsan may nagkaklase pa after) marks the beginning of the much-awaited Christmas vacation naming mga Tomasino. Ang ganap eh dito ang aming starting point. After Paskuhan, nag-roadtrip ang T-squared papuntang Tagaytay...
The "Kilometer Zero": The Royal and the Pontifical University in Asia :*>
~ 1st Stop: Yellow Cab Tagaytay, Cavite ~
Activities: Lamon, tambay, tawa at palamig nang konti
Duration: around 2 hours (3:00AM~5:00AM)

Noong mga time na 'yon, sobrang hopia[1] naming lahat na merong fireworks (na nabasa huhu </3 </3 </3) nung Paskuhan, kaya mga 1 AM na kami naka-gora papuntang Tagaytay. Eh mga 2:30AM na kami nakarating ng Tagaytay. Ramdam ni Teh na medyo marami nang saradong tambayan sa Tagaytay around that time. Kaya nag-call a friend pa si Teh sa isang ka-tropa ko sa F/P para magtanong kung anu-ano pa ang mga bukas na tambayan sa Tagaytay. Sarado ang Sky Ranch pati 'yung magandang Starbucks at gutom na rin kami kaya heto, nauwi kami sa Yellow Cab. Hay talaga naman, nakakatawa lang na nagpakalayo-layo pa kami para lang mag-Yellow Cab. Eh wala eh, 'yan na lang ang open. (Buti nga may nadatnan kaming bukas na kainan, kung hindi, nganga to the highest level!) Hindi lang halata mga teh, pero sa Tagaytay 'yan. Pramis! Teh's green trench coat is the evidence dahil na-predict kong giginawin ako rito. (Buti binaon ko galing office, at least may ebidensya... Atlit!) :)))
Tambay time ni Teh with T-squared (Tropang Tagaytay). :)
So asan ang ebidensyang Tagaytay branch nga 'yan?! :))
Since may mga trabaho pang papasukan ang ibang mga members ng Tropang Tagaytay, pagkahatid nina Teh sa kanila, natira ang ADHICs na siyang umaura papuntang Potipot. From South to West Luzon ~ medyo kaadikan itong ginawa namin. Dahil relyebo sa pagda-drive si Teh, nakaw-nakaw din ng tulog 'pag may chance!

Nakatulog ako habang nasa NLEX kami at nagising ding nasa NLEX pa rin. May banggaang morbid nang slight kaming nadaanan kaya medyo na-delay kami nang kaunti. Pero keri lang. Roadtrip naman eh... Maganda ang sikat ng araw kaya magaganda rin ang mga natanaw namin along NLEX and SCTEX. Para kang nasa ibang bansa kung oobserbahan mo ang mga views sa paligid. Lalo na sa SCTEX na magaganda talaga ang views. ^_^
Roadtrip sceneries along NLEX and SCTEX. (Pasensya na sa mga tabinging shots.) :D
~ 2nd Stop: Chowking along the highway, Subic, Zambales ~
Activities: Brunch, freshen-up
Duration: 1.5 hours (10:00AM~12:30PM)

Nagutom ang ADHICs kaya stopover muna. Pero hindi ko na pinost dito 'yung picture kasi kita gums ni Teh hahaha (panay kasi ang tawa :|). Dito na rin kami naghilamos at nag-tootbrush. (Sorry, Chowking, sa paggamit namin ng maraming tubig...) Sinama ko lang 'tong stop na ito sa kuwento para well-documented. (Chot.)

~ 3rd Stop: Potipot Island, Candelaria, Zambales ~
Activities: Nganga, photo-ops, selfie, snorkel
maglibing sa buhangin ng tao o ng paa, swimming, sunset viewing
Duration: 3.5 hours (2:00PM~5:30PM)
Boat ride fee: Php 350 (roundtrip)

Finally! After N years of traversing the national road... ADHICs reached the destination! :)

Sa totoo lang, mga 1:30 PM kami dumating dito kaya lang medyo 10 years bago kami nadala ng boatman sa mismong isla. Hay medyo wasted ang 30 minutes ng mga buhay namin pero keber na rin dahil nakapag-picture-picture kami sa tabing-dagat while waiting...
Views and moments captured while waiting by the shore of Potipot Gateway Resort...
Bottom-right pic: The ADHICs. (Mga adik talaga.) :D
Kahit gustong magpa-tan (yehess) ni Teh, masama rin sa balat ang sunrays kasi ansabi eh cancerous daw. Mabuti na lang at may nabili si Jeje Friend na sunblock. (Thanks teh! ^_^) Alright, time to beach bum! So happy, love na love kasi ni Teh ang dagat... ^_^
The lovers and an empty space. :*>
3 hours may seem a bit short pero marami pa rin kayong magagawa niyan mga teh. Time management lang, hehe... 
Left pic: Aura jumpshots. Waging-wagi si Jeje Friend sa jumpshot na ito. :)) Hashtag: #Aura
Right pic: Moment ni Teh. Somehow reminds me of Bulalacao Island in Coron...
Medyo hindi ko nga lang malimutan ang snorkeling experience ko rito. Dahil mahina ang lungs ni Teh, maya't maya bumabalik ako sa tabing-dagat para magreplenish ng hininga. Bandang una kasi, hindi ako nagsuot pa ng lifejacket. Tapos muntik na akong malunod dahil napasukan ng tubig ang snorkel gear ko. Medyo panic-panic nung una kasi naman nasa malalim na part pa ako ng dagat. Ang masama pa no'n, medyo hirap na akong huminga dahil nakainom ako ng tubig-dagat at nanghihina mga braso at legs ko. Naisip ko nang mga time na 'yun na paano kung hindi ako makabalik sa mababaw. Paano ang mga pangarap ni Teh sa buhay? Mabuti na lang, naisipan kong mag-float at nakahinga na ako nang maayos kaya nakakalma ako. Grabe lang mga teh, akala ko talaga I won't make it. Thank you Lord, buhay pa si Teh! :))

Kahit pa kamuntikan akong nalunod, pabalik-balik pa rin ako sa gitna. Thank you Lord, mahal ko pa rin ang dagat. Hindi ako na-trauma. At hindi pa rin ako nag-lifejacket hangga't hindi ako nakaramdam ng pagod. Nung last na balik ko sa gitna, nag-lifejacket na si Teh para makapagtagal ako sa gitna at makachikahan ang mga isda. (Eh baka sumagot 'pag kinausap?) Sa gitna kasi ako nakakita ng maraming isda at corals. Kaya lang medyo high tide no'n kaya malabo nang konti ang tanaw sa ilalim... :3
Photo credits: Beks of ADHICs
Top pics: Nang napagod at nag-lifejacket na si Teh...
Bottom-left pic: Ang mga sumulit sa white sand. :))
Bottom-right pic: Feeling photographer si Teh. :))
Sa totoo lang, hanggang 5PM lang dapat kami rito kasi 'yun ang sabi sa amin ng resort na time limit. By sundown, the island must be vacated. Eh dahil hindi naman kami tinawag ni kuya boatman, hindi kami umaahon. Haha. Pero nag-panic kami nang malaman naming iniwan na kami ng boat. Buti na lang at binalikan kami. Pagkaalis namin ng Potipot Island, tumambad sa ADHICs ang napakagandang sunset na ito. What a beautiful life, sabi ni Teh sa sarili nang makita ko ito... ^_^
The beautiful sunset in Potipot Island... ♥
~ 4th Stop: Potipot Gateway Resort Restaurant ~
Activities: Dinner, kuwentuhan
Duration: 1.5 hours (6:00 PM~7:30PM)


ADHICs and Teh (model ng suka). :))
Bago pa kami pumunta ng isla, umorder na ang ADHICs ng dinner para pagkabanlaw, kain agad. Sa dami ng energy na nagamit nina Teh sa buong magdamag, bumawi kaming lahat ng kain dito. 'Yung isang bowl ng kanin na good for 3-4 persons, nakatatlong order kami. Haha. Medyo pig ang peg. Around Php 800 ang nagastos namin dito (sa aming lima na 'yun) kasama na ang mga extra rice. Keri na ang price para sa restaurant level. :)

Naulan nang malakas saglit kaya naman nagkuwentuhan/nagnakaw pa kaming lahat ng saglit na tulog. We left the resort at almost 8PM. Uwian time na mga teh. (Awww...) 

So far 'eto ang isa sa mga roadtrip na medyo inantok si Teh habang nagda-drive. Kasi naman habang pasahero ako, 'pag nakapikit, hindi makatulog. 'Pag nakadilat, inaantok naman. Hay. :((

Anyway mga teh, sana nag-enjoy kayo sa kuwentong roadtrip ni Teh. Thank you so much for reading my adventures! ^_^

Currently preparing for the upcoming 2nd anniversary ng The Adventures of Teh. Abangan ang next post ni Teh! ^_^

Special thanks to the following who made this roadtrip adventure of Teh successful:
  • T-squared and ADHICs for the YOLO roadtrip moments. (Drama?) :))
  • Beks for sharing his photos for this post... :)
  • Potipot Gateway Resort staff for being very accommodating to our requests. :)
  • Sa mag-jowang 30 years in the making dumating sa sakayan ng boat to Potipot. ('Di naka-move on si Teh sa dalawang 'yon.) XD
  • Troy, the big machine for bringing us everywhere safe and sound... ^_^
~ Vocabulary ni Teh ~
[1] Hopia - hopeful, umaasa, abangers. :))

Thursday, January 2, 2014

Balay Sa Talisay + Mini Roadtrip

Hello mga teh! Ngayon naman, samahan sina Teh at ang ADHICs[1] sa aming retreat at mini roadtrip sa south. :D
Roadtrip mode, the 2nd time around... :3
~ 1st Stop: Club Balai Isabel, Talisay, Batangas ~
Activities: Retreat (weh?), Tawanan, Photo-ops, Kaing-bitay :))
Duration: 3 days, 2 nights

The first time na nagpunta rito si Teh, wala akong baong camera. (Husay!) Kaya nung nalaman kong magma-MacArthur ako rito, nagdala na ako. :D
Map of Balai. Baka maligaw?
Sa totoo lang, classy ang lugar na ito. Kung si Teh lang mismo ang gagastos, hindi ako talaga pupunta rito. But anyway, thanks sa retreat at sa dati kong employer, ako ay nakarating dito. Very comfortable and spacious ang mga rooms and includes bathroom with hot and cold shower. Basta may hot shower, party!... dahil ginawin si Teh. :))
Our boys' quarters. Susyal, may 2nd floor pa. :D
Akala lang ninyo, complimentary sa room accommodation ang family picture na nakikita niyo sa baba. Pero hindi, hindi! Kinuha lang namin 'yan sa mirror. Basta mga ganyang uri ng picture, push kung push. :))
Our quarters kung saan si Teh ay nagkaroon ng family pic at nag-bathroom dance. 
Ooops, TMI. :))
Dahil retreat ang okasyon, kinakailangan naming magtagpo-tagpo sa isang malaking lugar. Dito sa Balai, they have a function hall that can accommodate more than 100 people. At siyempre pa, busog na busog kami palagi sa pagkain dahil buffet type ang hinahain sa amin. Party! :D

Pero sa totoo lang mga teh, kahit noong unang punta ko rito, medyo seasonal ang pagkakaluto ng food. Minsan sobrang sarap, minsan keri lang... Siguro konting love sa pagluluto pa? :)
The Function Hall. Dito ang retreat and dining area nina Teh and officemates.
Astig nung Blue Drink! (na hindi ko maalala kung ano...)
During free time, hindi nag-aksaya ng oras sina Teh at ang ADHICs para i-enjoy ang lugar. Explore-explore, tapos emote-emote! :))
Emote-emote din kasi may time. :))
Kung ayaw niyo namang mag-emote at mas bet niyong magbaliw-baliwan, let's do the jumpshots and fight shots. :))
Baliw-baliwan shots: Jumpshot and Fight shot
Siyempre, pagsapit ng gabi, magliliwanag ang mga tree lights sa paligid ng Balai. Kaya more emote pa mga teh! :D
Night emo shots ni Teh. (Totoo ba?) :))
Something that I find unique in this resort is that sa loob nito, may chapel na puwedeng pagdausan ng misa. At dahil first time kong nakapasok dito nung retreat, nag-wish at nag-moment si Teh...
Spousal of Mary and Joseph chapel. Sana matupad ang wish ni Teh. :)
Hashtag: #FirstVisit
~ 2nd Stop: Bag of Beans, Tagaytay, Cavite ~
Activities: Pasalubong Hunting, Coffee Drinking
Duration: around 30 minutes

Dahil naisipan na naman ng ADHICs na mag-sidetrip kung saan, napadpad kami rito. Sikat sila sa pagtitinda ng iba't ibang klase ng kape tulad ng Kapeng Alamid[2]. Kung trip niyong tumambay dito, Teh recommends the veranda seats for you to be able to view Taal. ;)
Coffee time! :D
~ 3rd Stop: Conti's Nuvali, Sta. Rosa, Laguna ~
Activity: Late Lunch
Duration: around 1 hour

Inabot na ng gutom ang ADHICs bago mag-SLEX kaya naman huminto muna kami rito sa Nuvali para mananghalian. Sa gitna, merong pond ng napakaraming Koi fishes. As in para silang Solid going Liquid na molecules. :)) 

Dahil sila ay Koi, nag-wish na naman si Teh ng kung ano. Hehe. :D
Koi pond near Conti's. Made a wish. ^_^
Sa totoo lang, wala namang pinagkaiba ang lasa ng pagkain dito at sa Serendra branch. At maski ano ata ang orderin niyo rito, siguradong masarap. Conti's is well known for their mouth-watering cakes kaya naman after the main course, hindi pinalagpas nina Teh ang chance na kumain ng cakes. Buti at walang laway conscious kaya natikman namin ang cake ng bawat isa. Isa pa, nakakaumay naman kung paulit-ulit ang lasa. ;)
Lahat ay masarap... 'Yun lang ang masasabi ni Teh. ^_^
Pagkatapos nito ay umuwi na ang ADHICs at nagpahinga. The end. :3

Muli, salamat sa inyong pagbisita sa The Adventures of Teh! Till our next adventure! ^_^

Special thanks to the following who made this adventure possible:
  • UST Faculty of Engineering for the wonderful retreat venue... ^_^
  • ADHICs sa pagkaladkad kay Teh sa adventure na ito... ^_^
  • ECE Family sa kulitan shots... ^_^
  • Mom Joy for some of the photos... ^_^
  • The big machine, Troy, for keeping us safe and bringing us to each and every place na napuntahan namin... ^_^

~ Vocabulary ni Teh ~
[1] ADHICs - title ng barkada ni Teh sa UST.
[2] Kapeng Alamid - kapeng galing sa pupu ng pusang Civet. :& Pero masarap daw. :))