Thursday, January 2, 2014

Balay Sa Talisay + Mini Roadtrip

Hello mga teh! Ngayon naman, samahan sina Teh at ang ADHICs[1] sa aming retreat at mini roadtrip sa south. :D
Roadtrip mode, the 2nd time around... :3
~ 1st Stop: Club Balai Isabel, Talisay, Batangas ~
Activities: Retreat (weh?), Tawanan, Photo-ops, Kaing-bitay :))
Duration: 3 days, 2 nights

The first time na nagpunta rito si Teh, wala akong baong camera. (Husay!) Kaya nung nalaman kong magma-MacArthur ako rito, nagdala na ako. :D
Map of Balai. Baka maligaw?
Sa totoo lang, classy ang lugar na ito. Kung si Teh lang mismo ang gagastos, hindi ako talaga pupunta rito. But anyway, thanks sa retreat at sa dati kong employer, ako ay nakarating dito. Very comfortable and spacious ang mga rooms and includes bathroom with hot and cold shower. Basta may hot shower, party!... dahil ginawin si Teh. :))
Our boys' quarters. Susyal, may 2nd floor pa. :D
Akala lang ninyo, complimentary sa room accommodation ang family picture na nakikita niyo sa baba. Pero hindi, hindi! Kinuha lang namin 'yan sa mirror. Basta mga ganyang uri ng picture, push kung push. :))
Our quarters kung saan si Teh ay nagkaroon ng family pic at nag-bathroom dance. 
Ooops, TMI. :))
Dahil retreat ang okasyon, kinakailangan naming magtagpo-tagpo sa isang malaking lugar. Dito sa Balai, they have a function hall that can accommodate more than 100 people. At siyempre pa, busog na busog kami palagi sa pagkain dahil buffet type ang hinahain sa amin. Party! :D

Pero sa totoo lang mga teh, kahit noong unang punta ko rito, medyo seasonal ang pagkakaluto ng food. Minsan sobrang sarap, minsan keri lang... Siguro konting love sa pagluluto pa? :)
The Function Hall. Dito ang retreat and dining area nina Teh and officemates.
Astig nung Blue Drink! (na hindi ko maalala kung ano...)
During free time, hindi nag-aksaya ng oras sina Teh at ang ADHICs para i-enjoy ang lugar. Explore-explore, tapos emote-emote! :))
Emote-emote din kasi may time. :))
Kung ayaw niyo namang mag-emote at mas bet niyong magbaliw-baliwan, let's do the jumpshots and fight shots. :))
Baliw-baliwan shots: Jumpshot and Fight shot
Siyempre, pagsapit ng gabi, magliliwanag ang mga tree lights sa paligid ng Balai. Kaya more emote pa mga teh! :D
Night emo shots ni Teh. (Totoo ba?) :))
Something that I find unique in this resort is that sa loob nito, may chapel na puwedeng pagdausan ng misa. At dahil first time kong nakapasok dito nung retreat, nag-wish at nag-moment si Teh...
Spousal of Mary and Joseph chapel. Sana matupad ang wish ni Teh. :)
Hashtag: #FirstVisit
~ 2nd Stop: Bag of Beans, Tagaytay, Cavite ~
Activities: Pasalubong Hunting, Coffee Drinking
Duration: around 30 minutes

Dahil naisipan na naman ng ADHICs na mag-sidetrip kung saan, napadpad kami rito. Sikat sila sa pagtitinda ng iba't ibang klase ng kape tulad ng Kapeng Alamid[2]. Kung trip niyong tumambay dito, Teh recommends the veranda seats for you to be able to view Taal. ;)
Coffee time! :D
~ 3rd Stop: Conti's Nuvali, Sta. Rosa, Laguna ~
Activity: Late Lunch
Duration: around 1 hour

Inabot na ng gutom ang ADHICs bago mag-SLEX kaya naman huminto muna kami rito sa Nuvali para mananghalian. Sa gitna, merong pond ng napakaraming Koi fishes. As in para silang Solid going Liquid na molecules. :)) 

Dahil sila ay Koi, nag-wish na naman si Teh ng kung ano. Hehe. :D
Koi pond near Conti's. Made a wish. ^_^
Sa totoo lang, wala namang pinagkaiba ang lasa ng pagkain dito at sa Serendra branch. At maski ano ata ang orderin niyo rito, siguradong masarap. Conti's is well known for their mouth-watering cakes kaya naman after the main course, hindi pinalagpas nina Teh ang chance na kumain ng cakes. Buti at walang laway conscious kaya natikman namin ang cake ng bawat isa. Isa pa, nakakaumay naman kung paulit-ulit ang lasa. ;)
Lahat ay masarap... 'Yun lang ang masasabi ni Teh. ^_^
Pagkatapos nito ay umuwi na ang ADHICs at nagpahinga. The end. :3

Muli, salamat sa inyong pagbisita sa The Adventures of Teh! Till our next adventure! ^_^

Special thanks to the following who made this adventure possible:
  • UST Faculty of Engineering for the wonderful retreat venue... ^_^
  • ADHICs sa pagkaladkad kay Teh sa adventure na ito... ^_^
  • ECE Family sa kulitan shots... ^_^
  • Mom Joy for some of the photos... ^_^
  • The big machine, Troy, for keeping us safe and bringing us to each and every place na napuntahan namin... ^_^

~ Vocabulary ni Teh ~
[1] ADHICs - title ng barkada ni Teh sa UST.
[2] Kapeng Alamid - kapeng galing sa pupu ng pusang Civet. :& Pero masarap daw. :))

No comments:

Post a Comment