Ngayon, ibabahagi ni Teh ang roadtrip with Tropang Board Exam. Sana ay maging gabay ito kung paano ninyo papagurin ang mga sarili ninyo, marating lamang ang mga lugar na ito sa loob ng halos 1 day (22 hours, mga gano'n)...
Pero bago ang lahat, siguraduhing handa sa maski anong weather condition na madadatnan sa mga lugar na dadaanan at pupuntahan. Pag-akyat kasi namin ng Baguio, maaliwalas ang panahon. Pero noong pababa na kami, naulan na ng malakas. Anyway, sa isang Shell Station sa La Union, bago pumanhik ng Baguio, may naka-post malapit sa restroom na "Motorist Assistance Road Condition". For important hotlines and information about passable roads to Baguio, just refer to it. :)
A roadtrip is not a roadtrip kung hindi ka kukuha ng litrato ng mga kalsada. ;) Additional: Motorist Assistance Road Condition bulletin. |
~ 1st Stop: Shrine of Our Lady of Manaoag, Pangasinan ~
Activities: Attend Mass, Pray, Wish
Duration: 2.5 hours (5:30AM~8:00AM)
So umalis kami ng mga 2:30AM from Manila at nakarating kami ng Manaoag in 3 hours! Hashtags: #Imba #MedyoKaskasero. :)) Pero chos lang, wala naman kasing traffic nang mga oras na 'yan kaya feasible 'yan. ;)
Anyway, since 5:00AM~6:00AM ang unang misa at medyo alanganin 'yung pagdating namin, natapos kami sa pag-attend ng misa ng 7:00AM. After that, we visited each and every prayer area na nasa paligid ng simbahan para mag-alay ng mga dasal at mag-wish para sa mga kasama ni Teh na magbo-board exam nang mga panahong 'yon. Sa halagang Php 5~10, depende sa design, makabibili na kayo ng kandilang ititirik sa mga designated areas. Hindi man nakunan ng picture ni Teh, masasabi kong ang pinakamaganda roon ay ang pagpapalutang ng mga mini candles sa still water.
Ito ang unang punta ko sa Manaoag kaya nag-wish ako. Kahit alam kong hindi naman genie si God.
Teh's first sights of Manaoag |
~ 2nd Stop: Lion's Head, Baguio ~
Activities: Photo-ops, Mabilisang Aura
Duration: 10 minutes
Kahit wala pang nakaing almusal, push lang sa picture taking. Salamat sa Lion's Club para sa pagpapaganda ng landmark na ito. Ang pagpapa-picture dito ay isa sa mga valid evidences na kayo ay nakarating ng Baguio. Usually, inaakyat din ito ng mga motorcyclists and bikers kaya naglipana sila rito. May mga mabibiling made in Baguio products dito kaya lang mas mahal nang konti compared dun sa mga presyo sa palengke ng Baguio. Advisable mamili rito kung pagkarating niyo sa Lion's Head eh bababa na kayo agad-agad or kung gusto niyong suportahan ang mga nagtitinda rito. :)
♫ I've got the eye of the lion~ ♫ *Rawr!* :D |
~ 3rd Stop: Forest House Restaurant, Baguio ~
Activities: Brunch, Aura while Waiting
Duration: 1.5 hours (11:30AM~1:00PM)
Noong ginawa namin ang itinerary, nawala sa isip namin ang time allotment for breakfast. Mabuti na lang at ang mga pasahero ay tulog sa biyahe kaya nakalimot sila sa gutom. At mabuti na lang din, tamad mag-almusal si Teh. Hehe.
Medyo fail lang sa simula. Dahil sablay ang GPS, mga 30 minutes muna kaming naligaw bago namin narating ang Forest House. X_X
Kung inyong babalikan dito mga teh, nasarapan sina Teh at ang F/P Team sa mga pagkain dito kaya dito namin pinlanong kumain ng lunch sana. Pero dahil no breakfast ang lahat, naging brunch ang kain namin dito. Medyo naging binge eating tuloy ang peg namin. Bawi-bawi rin ng gutom kasi may chance. :))
Forest House revisited. ^_^ Inaway pa kami ng mga foreigner sa veranda dahil sa pagpi-picture nina Teh dito. X_X |
Around 20~30 minutes muna ang lilipas bago mai-serve ang mga orders dito kaya habang nag-aantay, aliwin muna ang mga sarili by the fireplace. Mukha namang naaliw sila sa paghawak ng bulaklak ni Teh. :))
Great landscapes, great food, cool weather = wonderful ambiance... ^_^ (Chos!) |
Sa wakas, dumating na ang mga pinakahihintay namin! Teh highly recommends their sulit Bagnet Meal Package! May soup, bagnet (malamang), vegetables (na naaalala kong may kasamang ampalaya pangontrang high-blood) and then 2 desserts of your choice. Nakaka-enganyo ang mga desserts kasi todo effort sa design. ^_^
Caters 4-5 persons with an average appetite. (Or depende sa takaw.) :D
Bagnet Sulit Meal Package (nalimutan ni Teh ang totoong title ng meal package na ito... X_X) |
~ 4th Stop: The Mansion, Baguio ~
Activity: Photo-ops
Duration: 15 minutes
Since mga 3:00PM pa naman naming planong bumalik ng Manila, nag-sightseeing muna sina Teh. Sa totoo lang, enough na ang isang maghapon para malibot ang mga famous landmarks ng Baguio. (Pagoda cold wave lotion nga lang pagkatapos...) Kaya hindi namin pinalagpas ang pagkakataong mabisita ang tahanan ng mga pinuno ng Pilipinas sa Baguio. :)
Moments sa harap ng The Mansion... ~_~ |
~ 5th Stop: Mines View Park, Baguio ~
Activities: Pasalubong Hunting, Photo-ops, Meet and Greet Douglas
Duration: 30 minutes
The last time that Teh went here, medyo undesirable ang weather. Mabuti na lang, kahit paano, maaraw nang konti nung nagpunta kami rito. Dahil diyan, natanaw na ni Teh ang view sa Mines View. ^_^
Kung tinatamad or walang time pumunta ng Baguio Market, maipapayo ni Teh na dito na kayo mamili ng mga pasalubong. Tip, magtanong-tanong muna bago pumili ng tindahang bibilhan. At isa pang tip, makakabili kayo ng walis tambo rito na good quality. :3
At siyempre pa, hindi kinaligtaan ni Teh na dalhin ang mga tropa ko kay Douglas para magpa-picture. Same rate pa rin, Php 25 per camera shot and Php 50 for 3 camera shots. Pero bali-balitang narinig ni Teh, as of late December 2013, wala na si Douglas sa Mines View Park. (One minute of silence...) Ang chika eh lumipat na sila ng amo niya sa Burnham Park para iwas competition. (Meganon?) Nagkalat na rin kasi ang mga Saint Bernard na aso sa Mines View.
Good times at Mines View Park. Beautiful landscape + cool dog = fun! ^_^ |
~ 6th Stop: Good Shepherd Convent, Baguio ~
Activities: Strawberry and Ube Jam + Other Baguio Goodies Hunting, Photo-ops
Duration: 30 minutes
Nagpunta na rin lang kami ng Baguio, bakit hindi pa namin sadyain ang pagawaan ng Strawberry at Ube Jam? Also, kapag bumili kayo rito mga teh, nakakatulong kayo sa mga scholars na pinag-aaral ng Sisters of Good Shepherd kaya bili na kayo here! (Major credit cards accepted, btw...) ^_^
Hindi rin napansin ni Teh before na may tanawin sa side ng tindahan. Well, nakakaumay man para sa iba dahil pare-pareho lang ang mga natatanaw sa Forest House veranda, Mines View Park at dito, sige pa rin ako sa pag-picture. Sayang pagiging turista ni Teh, hehehe.
Buy jams for a good cause. Direct from the factory. ;) |
~ 7th Stop: Our Lady of Lourdes Grotto, Baguio ~
Activities: Pray, Wish, Emote
Duration: 30 minutes
Of course, to complete the pilgrimage, most especially para sa mga magte-take ng board exam, we visited the famous grotto in Baguio. Same pa rin, Php 3 lang ang kandila sa self-service/honesty policy based na bilihan dito. Pero kung may special intention kayo, siguro okay na ring bumili ng Php 10 colored candles mula sa mga nagtitinda sa parking area. For example, ang Red ay para sa Love at ang Black ay para sa namayapang mahal sa buhay. (Medyo creepy nga lang 'yung black 'pag meron...)
Teh using the candle as an incense. (Hindi kasi nauso insenso rito...) |
Bilang dagdag-ebidensya na kami ay nagtungo ng Baguio, picture-picture ulit! Siyempre, dahil ako ang taga-kuha ng picture madalas, nag-emo shot na lang si Teh sa kung saan dito. :P
Photo-ops from top-left, clockwise: Group photo (na waley si Teh); Statue ni Jesus; Moment ni Teh; Beautiful Violet Flower (malay ko kung anong pangalan nito hehe) |
Lumalapit na ang paglubog ng araw at nagbabadya na ang malakas na unos. Panahon na para umuwi...
At dito nagtatapos ang roadtrip nina Teh at ang Tropang Board Exam sa Manaoag at Baguio. Hanggang sa muli, paalam! Salamat nang marami sa inyong pagbabasa ng The Adventures of Teh... ^_^
Special thanks to the following people who made this roadtrip successful:
- Tropang Board Exam for including Teh in this roadtrip... ^_^
- Waiter ng Forest House sa pagbibigay sa amin ng direksyon (sa Baguio)... ^_^
- Troy, the big machine for bringing us to our destinations safe and sound... ^_^
No comments:
Post a Comment