In Teh's 20+ years of existence, ngayon lang ako nakapunta ng Enchanted Kingdom. Kaya tuloy pakiramdam ko, wala akong childhood. :))
Situated near SLEX Sta. Rosa, Laguna Exit, we visited EK on a Saturday (na walang pasok sa trabaho). Medyo maraming tao, pero kasi eto lang ang time na nagkaroon kami kaya keri na rin. :)
Salamat sa mga tropa at mga students ni Teh (na hindi ko na-handle sa maski anong klase, pero basta students ko sila :D), sa wakas natanggal na ang curiosity ko sa kung ano ba ang meron sa EK. Malamang may mga buwis-buhay rides, pero hindi ko ine-expect na kaya niyang makipagsabayan sa mga theme parks sa labas, halimbawa na lang ay ang Universal Studios sa Singapore.
Left: Teh with friends and students Right: Regular Passes and Student Passes |
As of December 2013, Regular Pass costs Php 600. At kapag ikaw ay ay student ID, you will be allowed to avail the Student Pass which is worth Php 450. Sayang talaga dahil hindi na-claim ni Teh ang kanyang student ID sa Graduate School. (Isang quarter lang kasi akong nag-aral...) This is so sad. Pang-aura din ang extra Php 150 hehe. Anyway let go of that na. Tara na at mag-rides! (Patay ka naman, Teh! Huhuhu... X_X)
~ 1st Ride: Dodgem Bump Cars ~
Duration: around 2 minutes
Buwis-buhay Intensity: Level 0
Para makapag-ready sa mga buwis-buhay rides, pumila muna kami sa bump car. Warm up ba. Pasensya na mga teh, walang picture. Busy kaming lahat na banggain ang bawat isa. :))
Astig lang ng student ni Teh na kumuha nito... Habang naiiyak na si Teh sa lula. :)) |
~ 2nd Ride: Anchors Away ~
Duration: around 2~3 minutes
Buwis-buhay Intensity: Level ∞ X_X
Pangalawang ride palang pero naramdaman ni Teh na gusto ko nang umatras sa lahat ng rides. Siguro, isang rason na rin kung bakit never kong napuntahan ang EK ay ang pagkakaroon ko ng Acrophobia, lalong-lalo na 'pag pababa. Walang ibang tumatak sa isipan ko kundi sobrang sumpa ng ride na ito. Sa lahat, isa ito sa mga ayokong ulitin. As in never... The longest 2~3 minutes of Teh's life. X_X
Well, okay na rin. Mukhang nag-enjoy naman 'yung mga kasama ko. :))
Ang gaganda ng mga ngiti ng mga kasama ni Teh. Magra-rides na kasi ulit. Hehe. (Patay na naman si Teh. X_X) |
~ Lunch Break Mode ~
Recommended Budget: Php 150 ~ 200
Since hindi naman praktikal na lumabas pa ng EK para kumain, dito na kami kumain sa outdoor food court. Medyo pricey nga lang ng konti pero better kaysa lumabas at magdoble ng bayad sa parking. ;)
Recharge muna bago ulit ang mga susunod pang buwis-buhay rides. :))
~ 3rd Ride: Disk-O-Magic ~
Duration: around 2~3 minutes
Buwis-buhay Intensity: Level 1000 -_-
Being one of the newest attractions in EK, this will surely give you one helluva ride! As in, impyerno para sa mga tulad ni Teh. :))
Hindi ko gets kung ako ba ang nagdasal o sadyang may malas lang sa mga nakapila pero habang nakapila kami nag-down ng mga ilang minuto ang ride na ito. Eh kaya lang, malapit na kaming makasakay nang mga panahong 'yon kaya nagtiyaga na rin kaming mag-antay hanggang sa naayos ang ride. Ibig sabihin, walang takas si Teh! :)) :(( :)) :((
One of the worst feelings in this world ay umiikot ang ride mo tapos nagsabay ang pababang direksyon ng inuupuan mo at ng buong disk. X_X
Sa pagkakabilang ni Teh, nasa 30 times back and forth ang tinatagal ng ride na ito. Nagbilang talaga ako para makundisyon ko ang sarili sa kung matagal pa bang matatapos o malapit na. Nung unang bilang ko, habang nakapila pa kami, nasa 25 times lang. Kaya nung 25 na ang bilang ko at hindi pa humihinto, mega panic si Teh. :)))
Creative shots by Teh's students. Mabuti na lang at may kagandahang natatanaw sa ride na ito. :)) |
~ 4th Ride: Flying Fiesta ~
Duration: around 2 minutes
Buwis-buhay Intensity: Level -10
*Hilo Intensity: Level +10! @_@
Negative ang buwis-buhay intensity kasi walang matinding ganap dito. Nakakahilo lang siya, at masaya si Teh sa ride na ito dahil it allowed me to undergo recovery. Hehe.
Recovery time ni Teh: Pagsakay sa Flying Fiesta XD |
Duration: around 5 minutes
Buwis-buhay Intensity: Level 100
Ang masasabi lang ni Teh, medyo traydor ang ride na ito. Akala mo masaya 'yun pala buwis-buhay rin. Ang nakakatawa pa, habang pababa ang sinasakyang log may kukuha ng litrato niyo. Kitang-kita kung sino ang takot. Huhuhu... X_X
Habang kami ay nakapila para sa ride na ito, pinagtatalunan namin kung saan ba dapat maupo para hindi mabasa masyado. Kung sa harap ba, sa gitna o sa likuran ba dapat. Paano naman kasi, walang dalang pampalit si Teh. (I was not informed. Kdot.) At nauwi ako sa pag-upo sa harapan. Conclusion: kahit saan ka maupo, mababasa ka talaga. Nakakaloka lang, may machine kasi sa labas ng ride na ito na pampatuyo. 'Yun nga lang, Php 150 ang bayad 'pag gagamit. Dahil kuripot ako, kthnxbye na lang. Matuyuan na kung matutuyuan. :))
Akyat nang dahan-dahan tapos... XD |
~ 6th Ride: EKstreme Tower Ride ~
Duration: around 30 seconds (going up), 1 second (going down)
Buwis-buhay Intensity: Level 7.5
Napaka-ironic lang na sa lahat naman ng rides, ito pa ang pinakanagustuhan ni Teh. Habang umaangat ang upuan, nag-iisip talaga ako ng paraan kung paano ko malilimutan ang takot ko. At habang tumataas kami, nabighani ako sa night view. Kahit hindi masyadong marami ang ilaw, inaliw ko na lang ang sarili ko sa view nang hindi natitingin sa paanan ko. Kung natingin si Teh sa baba, deads talaga. X_X
Personally, madali akong ma-badtrip 'pag ginugulat ako. Kaya sa ride na ito, kinundisyon ko ang sarili kong hindi magulat. Mabuti rin at 1 second lang naramdaman ni Teh ang pagbagsak. Conquered EKstreme, oh yeah! XD
Top and Bottom Right Pic: Hours before sumakay sa Space Shuttle. Bottom Left Pic: Ang pag-iisip ni Teh nang malalim kung sasakay o hindi. :)) |
Duration: around 2 minutes
Buwis-buhay Intensity: Level 1000
For the first time in Teh's life, nagkaroon ako ng lakas ng loob/napilitan akong sumakay ng rollercoaster. At talagang pinag-iisipan ko kung tutuloy ba ako o hindi. Napaka-life changing kasi para sa Acrophobic.
Noong nakasakay na kami, habang inaangat ang buong shuttle para makabuwelo sa pag-ikot ng dalawang beses, walang ibang sinasabi si Teh kundi "you only live once". Paulit-ulit 'yan. Unli ako eh.
Sa naaalala ko, ang resulta ng ride na ito is that nanakit ang kanang balikat ko dahil maluwag ata ang seat lock ko kaya nabugbog ako sa upuan habang paikot-ikot ang space shuttle. Buti na lang, buhay pa si Teh. Kundi, wala sanang nagkukuwento sa inyo ngayon. Walang one minute of silence na ganap.
~ 8th Ride: Rialto 3D ~
Duration: around 2 minutes
Buwis-buhay Intensity: Level 0
Isa na naman ito sa mga attractions na sumaya si Teh dahil hindi ko kailangang magbuwis ng buhay rito. At medyo enjoy ako sa 3D kasi mas dama ko ang pinapanood ko. Though sa totoo lang, medyo hindi thrilling 'yung natyempuhan naming palabas pero okay na rin. At least nakatulong sa pagsulit sa passes namin. (Atlit!) ^_^
Paglabas namin, saktong naabutan namin ang dancing lights na nasa picture. Step Up 3 ang peg though hindi namin tinapos kasi gusto pa naming nilang mag-rides. :))
Rialto at night + Dancing lights intermission number. :D |
~ 9th Ride: Wheel Of Fate ~
Duration: >5 minutes
Buwis-buhay Intensity: Level 3
The last ride that we had was at EK's ferris wheel named Wheel Of Fate. 'Di ko G kung bakit 'yan ang pangalan niya, pero medyo nanghina si Teh sa ride na ito. Naulan kasi noong nakasakay kami rito at napakalamig ng ihip ng hangin sa itaas. At 'eto pa ang malupit diyan. Sa lahat ng rides, maging ang mga kasama ko, dito napa-request si Teh na maibaba pero hala sige pa rin 'yung operator na dalhin kami sa itaas. Para raw kasi sa balancing ng weight. Oh well, better safe than sorry. ;)
OTW to the Wheel of Fate. Malalaman kaya ni Teh ang kapalaran niya rito? :) |
Medyo weird at nakakahilo ang ride na ito kasi puwedeng ikutin ang gondolang sinasakyan namin gamit ang manibela sa gitna nito. @_@
Isa sa mga naa-appreciate ni Teh sa heights lalo na 'pag gabi, despite my Acrophobia, ay ang view na matatanaw mo mula sa itaas. At bonus na rin siguro 'yung makita mo ang theme park na wala na masyadong tao. Hindi magulo tignan, puro ilaw lang and empty space. ;)
Ang ebidensyang sina Teh, friends and students ang nagsara ng EK. Emptiness. :)) |
Masasarhan na kami ng EK. Time to go home and call it another fun and survival day... ^_^
Till Teh's next adventure! Paalam and thanks for visiting my blog... :)
Special thanks to the following people who made The Adventures of Teh in EK successful:
- Ms. Nerriza Ann Abundo for sharing her great photos to Teh. (Super thank you! ^_^)
- Students and tropa ni Teh for bringing me to EK sa unang pagkakataon. (Childhood retrieved!) :D
- Troy, the big machine, for bringing us to EK and back to Manila safe and sound... :)
No comments:
Post a Comment