Wednesday, January 1, 2014

Adik sa Roadtrip ~ The CY Principle

Aparisyon ni Teh. 
Muling magpaparamdam ngayong 2014. :))


Happy New Year mga teh! As the anniversary of The Adventures of Teh approaches, na-realize kong ang dami na palang ganap na hindi pa naikukuwento ni Teh. :3

Ngayon, nais ikuwento ni Teh ang mga ganap sa unang roadtrip kasama ang mga bago niyang set of friendships sa kanyang bagong trabaho (last June 2013 pa, bagong-bago 'di ba hehehe).

So out of the blue, nagkayayaang mag-roadtrip ang mga kabataan sa opisina. At ito ay tinawag naming "The CY Principle"... :))

Back then, it was a Thursday night when the roadtrip commenced. Holiday kasi ang sumunod na araw kaya pinush namin ang roadtrip. We left Manila at 9PM...
The CY Principle blueprint. Imba talaga yung X raised to -1. :))
Stopover: Jolibee :D

~ 1st Stop: NLEX ~
Activities: Dinner + Tawanan
Duration: 30 minutes (10PM ~ 10:30PM)

Nag-stopover muna kami sa NLEX para mag-dinner. Mahirap atang bumiyahe nang walang laman ang tiyan. Salamat sa Jolibee para sa pantawid-gutom. :D

Pier One bands na naabutan nina Teh. :)







~ 2nd Stop: Pier One, Subic Bay ~
Activities: Chillin', Drinkin' (para sa hindi nag-drive), Piggin' Out
Duration: 3 hours (12MN ~ 3AM)


So nagpakalayo-layo sina Teh and friends para lang tumambay sa bar by the bay. Dalawang banda ang naabutan namin kaya medyo sulit ang stay. Rak kung rak! :D


Kain-kain habang nakikinig sa banda at nagpo-program si CY. :))








At siyempre, dahil may mga uminom sa amin, hindi puwedeng mawala ang mga pulutan. Well, astig rin namang mag-program ng kung ano sa computer habang nakikinig sa banda. Umiinom sila, pero si Teh bawal uminom. Relyebo kasi ako sa pagda-drive. Mahirap na. Gusto pa naming makauwi nang buhay. :)))





Next destination sana ay Potipot Island. Kaya lang nalagpasan namin. So kami ay umusad na lamang sa Alaminos. Along the way, inabutan na kami ng sunrise. Hay ang sarap sa pakiramdam na masilayan ito... :)
Good morning, Pangasinan! :)
Breakfast @ Lando & Yolly. :)

~ 3rd Stop: Hundred Islands Docking Area, Alaminos, Pangasinan ~
Activities: Breakfast, Souvenir Hunting, Photo-ops
Duration: 1 hour (6AM ~ 7AM)


Puwede ba namang hindi kami kumain ng famous Pangasinan Bangus during this stop? Near a diver's statue in the docking area, may nakainan kaming karinderya. Mura, malinis at masarap. :)
Souvenir hunting ng roadtrip team




Dahil ito ay roadtrip, medyo wala sa plano namin ang pagsakay ng boat for Hundred Islands sightseeing. So namili na lang kami sa docking area ng souvenirs.




At least man lang sa malayo, tanaw namin ang ibang islands ng Hundred Islands kaya dito na lang kami nag-picture-picture. Hehe.
The docking area. :3
~ 4th Stop: Somewhere down the road to Enchanted ~
Activity: Photo-ops
Duration: 15 minutes 


As we rushed along the ravenous path towards the Enchanted Cave in Bolinao, Pangasinan, (yehesss, meganon), huminto kami saglit sa isang pampang para mag-picture-picture. Kahit hindi lumangoy at bumuo ng sand castle, basta may pictures. 'Yan kami eh. :))
Wacky and emo shot by the white sand shore of Bolinao. Ano ang peg?
Emo poses kasi nasa garden? :))

~ 5th Stop: Enchanted Cave, Bolinao, Pangasinan ~
Activities: Swimming time (yey!), Photo-ops
Duration: 4.5 hours (8:30AM ~ 1:00PM) 


Dizizit! The highlight of the roadtrip... Dito kasi kami nakapagtagal nang bonggels. Sa labas, mala-garden ang aura. Tapos pagkaakyat-baba sa isang hagdan, matatagpuan ang mismong Enchanted Cave.
Miming time! Yey! ^_^







Sabi sa amin ng aming guide sa loob, tubig tabang ang nasa loob ng cave at kapag high tide ang dagat, tumataas din ang tubig sa loob. Bukod diyan, every 5~8 minutes napapalitan ang tubig sa loob ng cave nang hindi namamalayan kaya siguradong malinis ang tubig dito. (Basta walang pasaway sa loob...)





Crystal clear ang tubig dito kaya kahit malayuan ang underwater pics, kita pa rin ang kinukunan ng picture. Paalala lang mga teh, bawal po jumingle dito habang nagsu-swimming dahil ito ay freshwater. :D
Ang ebidensyang malinis at klaro ang tubig dito. :D
~ 6th Stop: Resort ???, Bolinao, Pangasinan ~
Activity: Lunch (sana...)
Duration: 15 minutes 


Nakalimutan ko ang pangalan ng resort na ito dahil walang maihaing lunch sa roadtrip team ang restaurant dito. While deciding, Teh grabbed the opportunity to take photos ng dalampasigan dito. 'Yun lang. :3
Teh loves the sea. ♥
~ 7th Stop: Bolinao Seafood Grill ~
Activity: Lunch (totoo na 'to...)
Duration: 1.5 hours (2:00PM ~ 3:30PM)


Dahil natagalan kami sa paghahanap ng makakainan, naparami ang order nina Teh and friends. Mabuti na lang at matatakaw kami kaya naubos ang food. Masarap ang pagkakaluto kaya seafood cravings are satisfied. :))
Seafood and boodle fight is  ♥. :))
Hashtag: #HappyTummy
~ 8th Stop: Susie's Cuisine and the Shop Beside It ~
Activity: Pasalubong hunting (na fail)
Duration: 10 minutes

Dahil sarado ang Susie's sa Concepcion, Tarlac, we checked out the store beside it. Only to find out na wala pala kaming mabibili in the end. :))
Sarado ang Susie's. Wala ring mapili sa kabila. Hay...
~ 9th Stop: Meryenda at CY's Place ~
Activity: Meryenda (malamang)
Duration: 1 hour (8PM ~ 9 PM)

Since nasa Concepcion, Tarlac na rin lang kami, binisita na rin namin ang bahay ni CY. Ice cream break bago matapos ang roadtrip... :3
Ang panapos: Ice cream :3
Nakakapagod ang roadtrip na ito. Sa naaalala ko, 29 hours gising si Teh at 1 hour tulog during the roadtrip. Pero sobrang saya. Puro tawa ang ganap. :)))

At dito nagtatapos ang roadtrip nina Teh and friends. (Aww...) Thanks for visiting my travel journal! Hanggang sa susunod na adventure ni Teh! ^_^

For making this roadtrip possible, Teh would like to thank the following:
  • Master CY for the CY Principle Blueprint (the trip planner)
  • The big machine, Troy, for helping the roadtrip team reach our destinations

No comments:

Post a Comment