Monday, October 28, 2013

Koryah Pre-Adventure Tips ni Teh

Hope you are well, mga teh! Ngayon, samahan si Teh in the adventures in Seoul, South Koryah (Korea)! Pero bago 'yan, sasabihin ko muna sa inyo ang mga dapat ihanda at paghandaan sa pagpunta sa Seoul...
Teh lost in the 2nd best airport in the world... :3
~ Mga Paghahanda (at Nalimutang Ihanda) for Koryah ~
Kung kayo ay Philippine Passport holder, kakailanganin ninyong mag-apply ng tourist visa for Koryah. Maski hindi pa kayo nakakabili ng airline ticket, makakakuha pa rin kayo ng tourist visa dahil ito lang ang mga requirements (for employed Filipinos)[1]:
1. Application Form ~ you can download on this link)
2. 1 pc. of Passport size colored picture ~ mas maganda kung may collar sa picture, parang 'pag nag-aapply ng trabaho
3. Original Passport ~ should be valid for more than 6 months, dito kasi ipi-print ang visa 
4. Photocopy of Passport Bio-page ~ 'yung page kung nasaan ang pangalan, birthday at date and place of issue ng passport
Anong mali sa picture na ito? >_< (10 pts.)
5. Original Certificate of Employment ~ dapat may contact number, address of company and date of issue
6. Original Personal Bank Certificate ~ tip lang mga teh, mas convenient kung may account kayo sa BPI. Agad-agad, makukuha niyo na. Antay lang ng konti. :3
7. Photocopy of Latest ITR (Income Tax Return) or Form 2316
8. Original & Photocopy of valid visa/s and arrival stamps to OECD member countries for the past 5 years ~ optional lang ito mga teh, kung meron kayong visa sa mga OECD Countries. Paalala lang mga teh, hindi counted ang Korean Visa.

Na-realize ni Teh, mas practical unahin ang visa instead of plane ticket. Pero madali lang namang makakuha ng tourist visa, basta kumpleto kayo ng requirements. Mabilis pa ang pag-evaluate ng requirements. Si Teh, dumating sa embassy ng 8:30 AM at natapos ako ng 9:00 AM. Walang inip factor. :3

By the way, ito ang schedule ng pagpapasa at pagkuha ng visa:
9:00 AM ~ 11:00 AM - visa applications submission (safe kung latest na punta eh 10 AM para sure na tatanggapin)
2:00 PM ~ 4:00 PM - claiming of passports

Also mga teh, take note of the following...
*Processing Time: 
~ 3 working days (for those who have visas of OECD member countries) 
~ 5 working days (for those who do not have visas of OECD member countries)
*Visa Fee:
~ 59 days (or less) stay in Korea -- GRATIS (Libre!)
~ 60 to 90 days stay in Korea -- Php 1,350.00

Kapag may visa na, dizizit! Book na ng ticket to South Koryah! ^_^
Boarding pass nina Teh. :3
Choi's House: Our room (top) and the Lobby (bottom)
Ngayong may visa at plane ticket na si Teh, naghanap naman ako kung saan ako matutulog. Kung tulad ko, naniniwala kayong ang lodging dapat basic lang kasi tulugan at taguan lang naman 'to ng gamit, Teh suggests that you find a hostel or guesthouse para makamura. Pero kung wala kayong magawa sa pera, tumira kayo ng 4- or 5-star hotel. :D

Bus stop, subway and sights near Choi's House
At katulad ng mga nakaraang adventures ni Teh, unang-una kong tinitignan yung mga feedbacks sa hostel or guesthouse. Kung nega, ekis agad. Pero kung malinis, gora na. Next, inaalam ni Teh kung may sariling banyo ang room. Pero kung okay naman sa inyo ang shared bathrooms, go for a dormitory. Mas mura 'yon kaya lang risky kasi may iba kayong kasama sa kuwarto. 'Pag nagkawalaan ng gamit, nganga. :O Lastly, inaalam ni Teh kung maganda ang location ng guesthouse in terms of distance from subway and/or bus stop. 'Pag 5 minutes away or less lang from subway, keriboom! :)




Airport Limousine Bus stop near Hansung University
Sa lahat ng hinahanap ko, pasok ang Choi's House. May sariling banyo, maganda ang feedback sa agoda at malapit sa subway, around 3 minutes walk. Also, 5 minutes away lang ito from the Airport Limousine Bus Stop kaya convenient pa rin. Para kay Teh, sulit ang room kahit maliit ang space kasi meron halos lahat ng puwede kong kailanganin. Condo-type ang room, kaya naman may sariling lutuan at washing machine pa. Kahit pang-2 days na damit lang dala mo, keri! 'Yun nga lang, sa picture, paulit-ulit ang damit mo. :)))








A cozy room, I should say. At doon sa lobby, unlimited ang drinking water, tea, coffee, cereal and other American breakfast goodies. ^_^

For room rates and direct booking visit Choi's House webpage (Booking section).




Eto na naman po tayo. Maraming zeros.
Hirap na naman mag-convert si Teh. T_T
Next thing that you will need for the travel is, of course, pera. In Korea, the currency is called Korean Won (KRW). (Exchange rate: PHP 1.00 ≈ KRW 25.00) Tip lang mga teh, kung may time kayo, umorder kayo sa banko ng KRW kung mapapayagan kayo sa branch of account ninyo (yep, dapat  may sarili kayong bank account). Kung hindi puwede sa branch niyo, you will need to acquire an endorsement from your branch of account para makabili ng 3rd currency[2] sa other branch na nagbebenta no'n. Pero, kung matutulad kayo kay Teh na last minute lang nakapag-prepare (gawaan kasi ng grades nang mga panahong 'yan T_T), magpapalit na lang ng US Dollar (USD) or mag-withdraw na lang sa airport ATMs. Kung magbabaon ng USD, tip ulit. Mas palabas ng arrival area, mas maganda ang exchange rates. Mali lang talaga ni Teh, dahil excited ako, sa looban pagkalagpas ng immigration ako nagpapalit, doon sa Hana Bank. Nag-panic din kasi si Teh, thinking na baka wala nang pagpapalitan ng pera sa labas. Ayan tuloy, laking lugi, promise. Parang tapon pera. Nakakaiyak... T_T Kaya mas maganda mga teh, kung mag-withdraw na lang kayo sa ATM. Promise. Hashtag: #Bitterla #Nganga. T_T

Pagkatapos maihanda ang visa, plane ticket, bahay at pera, pinaghandaan din ni Teh ang climate ng Korea on my adventure days. Depende sa season, magbaon ng damit na naaayon sa klima. Nagpunta ako ng late October kaya nagbaon ako ng mga damit na pang-Autumn. Medyo overestimated ko ang lamig sa Koryah kaya napabigat ang dala kong gamit. Before leaving for Korea, check the temperature forecast first. Kapag nasa 15°C~18°C ang forecasted temperature, okay na 'yung dalawang layer. Isang inner shirt na panlamig at isang jacket or trench coat. Parang Baguio coldness lang, mga ganung uri. Pero kapag bumagsak ng 10°C~14°C, dapat mas makapal na ang jacket mo. Noong last day ni Teh, bumagsak ng 12°C ang temperature at mahangin pa kaya mas makapal na ang sinuot ko. Infairness, mega enjoy si Teh sa pagrampa in Koryah dahil fashionable in nature ang Autumn Wear... :3
Autumn Aura clothes ni Teh. :D
Clockwise from top-left: 
Day 1, Day 4 morning, Day 2, 
Day 3, Day 5, then Day 4 evening attire.
Ready for Koryah! :)

























Siguro for safety na rin, gumamit ng one-time use plastic locks para sa mga zippers na hindi niyo feel bilhan ng padlock pero gusto niyong makasigurong hindi kayo mawawalan ng gamit tulad ng nasa bag na ito ni Teh. Salamat kay Darlene-sensei the explorer, na-discover kong hindi lang pala ito pang-packaging ng mga wires ng saksakan at price tags sa damit. :)))
Ang camera plug ni Teh. (Buti na lang...)

Last na, mga teh. Kailangang magbaon ng ganitong uri ng AC Adapter para sa power sockets sa Koryah kung nais makapag-charge ng mga bagay-bagay. Ito ang nakalimutan ni Teh. Buti na lang, yung charger ng camera ko ganito. :3

So I guess, wala na tayong nakalimutan, mga teh. Puwede na tayong rumampa sa Koryah! ^_^


~ Arriving at Koryah ~
Thanks to Cebu Pacific Air's promo fare, nasakyan din ni Teh sa wakas ang isa sa mga brand new A330 plane nila. Hashtag: #FirstTime. XD 
The new Airbus A330. Medyo phresh pa. :3
Submit these forms to KISS ♥ and Customs. :D
Anyway, just like any other international destination, you will be required to fill in the Arrival Forms to be submitted to the Korean Immigration Smart Service (KISS in short, very creative hehe) and to the Korean Customs.

Take note that South Korea's timezone is GMT+9. Dahil ang Pilipinas ay GMT+8, pagdating ng Koryah, you will need to advance your clock by 1 hour.

Since Gimpo International Airport has been partially replaced by Incheon International Airport, the new main entry point from the Philippines to South Korea is the Incheon province. Nasa western outskirt lang naman ito ng Seoul, parang Bulacan with respect to Metro Manila. 
The Incheon International Airport exterior and the train station inside. (Cool, ne?)
Teh was very impressed with Incheon International Airport. Imagine, sa loob ng airport, may train shuttle pa from Arrival Gates going to immigration. Gano'n siya kalaki. No wonder that this is one of the best airports in the world. Ranked 2nd in the article of Business Insider as of 2013[3].
The interior... 
The boarding gate nung uwian time. :(
Airport Limousine Bus # 6011.
Stops near Choi's House. :)
In reaching the heart of Seoul, you have three options. One is to ride a taxi, specifically yung color orange. Marunong daw kasi mag-English ang mga drivers ng ganitong uri ng taxi. Kaya lang, masyadong mahal ang pagtataxi. Aabutin kasi ng KRW 65,000 ~ KRW 70,000 (PHP 2600 ~ PHP 2800) ang bayad. Malayo rin kasi ang Incheon to downtown Seoul. Kaya kahit pinaka-convenient ang magtaxi, hindi 'to ginawa ni Teh. Kemahal! :(

Fasten your seatbelt while riding the limousine bus. :3
Another option is to ride the AREX (Airport Railroad Express). This is the cheapest (if non-express) option but very inconvenient kung marami kang dala. A ride to downtown Seoul Station costs around KRW 3,700 for non-express/commuter (arrives every 6 minutes) and KRW 13,300 'pag non-stop/express (arrives every 30 minutes) to Seoul Station[4].

The 3rd option is to ride the Airport Limousine Bus. Ang kagandahan kasi ng bus, hindi na kayo paakyat-panaog sa hagdan. At porters pa ang bahalang magpasok ng baggage niyo sa estribo. May claim tag pang ilalagay para sure na kayo lang ang makakakuha ng sarili mong gamit. Bus fare is KRW 10,000. If staying at Choi's House, ride the bus number 6011 at arrival gate 5B or 12B then alight at Sungshin Women's University stop. Ito ang ginawa ni Teh. :3



~ Adventure Necessities ~
Sa mga tulad ni Teh na mas trip ang mag-DIY tour, tip lang mga teh, kumuha ng mapa sa airport o sa guesthouse na tutuluyan ninyo. Kaya natuwa rin si Teh kay Mr. Choi ng Choi's House kasi automatic binigyan niya ako ng mga tourist maps pagdating. Promise, ang laking tulong.

Sample T-Money Card. Bought from GS25. :3


Kung DIY tour ang inyong gagawin, sure akong subway ang magiging sandigan ninyo sa paggala. Kung ako sa inyo, mag-avail kayo ng T-money card. KRW 2,500 yung mismong card (remembrance na siya kasi non-returnable) plus yung amount na nais i-load sa inyong card. You may buy from the airport or convenience stores. For 5 days, KRW 20,000 load is just enough. (As in, KRW 50 lang natira sa card ni Teh. Gano'n ka-exact. Hehe.)


The Last Korean Supper:
Seafood and Soft Silken Tofu Stew
Ang paboritong karinderya ni Teh.
Near Sungshin Women's University Bus Stop.

Of course, hindi naman puwedeng rampa lang tayo ng rampa sa Koryah. Kailangan din nating kumain. Sa bawat lugar namang mapupuntahan, 'wag mangamba sa makakainan dahil meron at meron kayong matatagpuang kainan malapit sa mga tourist spots na pupuntahan. Nabuhay si Teh sa pagkain-kain sa mga local Korean karinderyang hindi ko alam ang mga pangalan. (Hindi ako marunong magbasa ng Korean eh... T_T). Pero naaalala ko naman kung saang malapit na tourist spot sila matatagpuan. Dahil favorite ni Teh ang noodles at kimchi, party-party talaga ang bawat kain. :D


Korean food (at naligaw na cake). Choose your pick. :)
Kapag nanawa naman sa Korean dishes, nandiyan ang mga convenience stores and fastfood chains tulad ng Lotteria, Dunkin Donuts at McDonalds. :3
Convenience store and fastfood edibles. @_@
Take note, konti lang ang nahuhumaling sa fastfood sa Koryah.
Kaya skinny ang Koryans. (Hay buti pa sila...)
And for our last necessity on the list, pagbili ng baong tubig! Kung sa tingin ninyong mahal ang bottled water sa Koryah, actually depende 'yan sa kung anong brand. A 500-mL bottled water typically costs from KRW 500 to KRW 1000 (PHP 20 ~ PHP 40). Kahit sabihin nating malamig ang Autumn, kailangan pa ring mag-hydrate dahil mahahabang lakaran ang ginagawa ni Teh sa isang araw.  

So I hope na kung pupunta kayo ng Koryah mga teh at nabasa niyo ito, you will be more than ready to explore Seoul. Sa susunod, ililibot kayo ni Teh sa mga palasyo at ibang historical sites na napuntahan ko. Till next time... Thank you very much for visiting my travel journal! ^_^

~ Vocabulary/Sources ni Teh ~
[1] Tourist Visa Requirements - referred to this link
[2] 3rd Currency - foreign currencies other than US Dollar.
[3] Top 10 Airports Article - referred to this article by Business Insider. No copyright infringement intended.
[3] AREX Fares from Incheon to Seoul  - referred to this link.

No comments:

Post a Comment