It's time for another adventure mga teh! This time, samahan ninyo ako sa adventures of Teh, ADHICs and students in Mabini, Batangas. :D
Dahil ang isang tropa ni Teh ay taga-rito (si Beks), dito na napagplanuhan ng lahat na mag-outing. Mura na, may dagat pa! Dinala kami ni Beks sa JVC resort para mag-stay ng overnight. Basic amenities include Teh's favorite, the videoke (Rent: Php 100/hour), big kubo (kung saan namin iniwan ang mga gamit namin), then a very long table to accommodate ang mga adik sa baraha. Bukod pa diyan, we were allowed to create a bonfire by the shore kung saan kami ay nag-ihaw ng marshmallow. YOLO experience para kay Teh dahil sa outing na ito ko lang nalamang puwede palang ihawin ang marshmallow. At medyo buwis-buhay ang pag-iihaw kasi mahangin. Maya't maya hinahabol kami ng apoy. (Baka crush kami ng apoy. Hehe. Chos lang.) Noong mga time na 'yon, wala rin kaming barbeque stick kaya "improvised" barbeque stick ang gamit namin ~ walis tingting! Kung anong dulo ng walis tingting ang pinantusok namin sa marshmallow, kayo nang bahalang mag-isip. (Dami kong sabi...) :))
Bonfire, cards and shots, grilled marshmallow, hugot songs sa videoke = YOLO mode |
Bukod pa sa mga naunang amenities nang nabanggit ni Teh, you can also cook here! Sagana naman sila sa lutuan, basta magpaalam lang kay Tita (BFF ng Mother Earth ni Beks) kung gagamit kayo ng ihawan or anything na kailangan niyo for cooking. Dahil ADHICs ang mga kasamang thunders[1] sa outing na ito, kami ang nagluto para sa mga bata. Super enjoy at YOLO rin dahil may mga natutunan si Teh sa pagluluto. ;)
Top pics: Mga ginamit ng ADHICs sa pagluluto Bottom pic: Teh's student na nagsosolo sa videoke (habang walang tao, para-paraan hehe) |
Malamang dahil overnight lang ito, hindi uso masyado ang tulog sa aming lahat. Sa tanda ko, parang 1 hour lang akong natulog. Kasi nung gabi, umaura kami saglit sa bahay ni Beks, tapos nag-stargazing ang ADHICs sa kalangitan. Tapos noong bandang 2AM, sobrang ganda ng buwan. Nagre-reflect sa karagatan ang ilaw niya. Sobrang surrealistic. Sana makabalik si Teh dito nang full moon at may dala nang tripod. Hashtag: #SuperHinayang. :|
In our attempt to do some YOLO experiences, naisipan ng ADHICs na matulog sa bangkong ipinuwesto namin sa dalampasigan. Okay na sana kaso maya't maya umiihip ang malamig na hangin. (Kung nagsabi pala kami kay Tita, sana napahiram daw niya kami ng kumot. Aww, sweet...) Needed to change venue kaya it ended up na sa loob ni Troy natulog ang ADHICs except kay Beks na ang sarap-sarap ng tulog sa bangko. Nahiya naman kaming gisingin siya. Baka magalit pa hehe. YOLO experience pa rin naman, kasi first time matulog ni Teh sa loob ng sasakyan. :D \m/
Kung maganda ang kalangitan dito during night time, maganda ring pagmasdan ang sunrise dito. Very inspiring. Sakto, magluluto na sina Teh and ADHICs para sa mga bata. :)
Good morning sunrise in Mabini shoreline... ^_^ |
Para hindi masayang ang dagat at mga rock formations, umaura kaming lahat sa mga ito. Photo ops habang nalangoy sa dagat, aura sa rocks, pulot ng maliliit na crabs (para mapagtripan?) at siyempre pa, ang paborito ni Teh ~ ang snorkeling! Saya-saya ko talaga dahil first time mag-snorkel ni Teh sa medyo malalim na bahagi ng dagat nang walang suot na lifejacket. Fear of not wearing lifejacket sa malalalim conquered! ^_^
Well, mga 1PM kasi akong nakapag-snorkel kaya medyo siesta mode ang mga isda. May mga nakita naman akong mangilan-ngilang uri ng isda sa medyo mababaw na part pero siyempre mas magandang pumunta sa mas malalim na part para mas maraming makitang isda. May mga small area ng coral gardens kasi sa medyo malalim na part. :)
Baby crab na napaglaruan para sa photo ops (patay naman na ata?), aura sa cliff at langoy sa dagat. :) |
And now, for the highlight of this adventure ~ our quest to Matutunggil Cliff! ^_^
Medyo may trekking at foot spa munang ganap bago namin narating ang Matutunggil dahil mga around 1km siguro ang layo nito from the resort. Another buwis-buhay keme dahil hindi masyadong masaya si Teh kapag bumababa ng bundok o mula sa kung ano pa mang mataas na lugar. Hello, Acrophobia! We met again... @_@
On our quest to Matutunggil... Akyat-baba sa mga rock formations at libreng foot spa sa mabatong dalampasigan. XD (Kahit puwede naman sanang sa tubig dumaan. Kamote talaga... @_@) |
After 1000 years of trekking and foot spa, sa wakas, narating din namin ang Matutunggil. At siyempre, dahil Acrophobic at shunga-shunga si Teh sa pag-akyat sa mga ganitong bato, pinili ko na lang na tumambay sa baba para kunan ng picture 'yung mga tatalon. Imba talaga nung isang student namin na nasugatan na pero umakyat pa rin ng cliff. Take note, babae siya. :))
Teh's students ascending Matutunggil Cliff. Partida may nasugatan diyan na umakyat pa rin. :D |
Finally, after the ascent to the cliff, time for cliff diving! Kaya mga teh, jump na! ^_^ Hay, kung hindi lang sana takot sa heights si Teh, tumalon din sana akez. Eh kaso... nganga. :O
Cliff jumping = YOLO experience. :D |
Sa totoo lang, may mas mataas na part pa sa Matutunggil na puwedeng talunan. (Kaya lang hindi kita sa camera kaya diyan sila natalon. :D)
Basta mga teh, kung magagawi kayo sa Mabini, you must not miss this one! (Look who's talking? Hehe...)
And this ends our YOLO outing and quest to Matutunggil Cliff. Nawa'y na-enganyo kayo ni Teh na magtungo rito. Just 3~4 hours away from Manila... :)
Thank you very much for visiting The Adventures of Teh! Till my next adventure... ^_^
Special thanks to the following people who made The Adventures of Teh in Mabini, Batangas successful:
- UST ECEE 2015 and ADHICs for the YOLO experiences... ^_^
- Ms. Joyce Papas for sharing some of her photos in this post... ^_^
- Beks of ADHICs for recommending a venue... ^_^
- Mother Earth ni Beks for the overnight goodies... ^_^
- Tita ???, the BFF of Mother Earth ni Beks for hospitality (and harvested papaya hehe)... ^_^
- Troy, the big machine, for bringing us to Mabini safe and sound... ^_^
~ Vocabulary ni Teh ~
[1] Thunders - matanda. :))
No comments:
Post a Comment