The moment I saw this place, I couldn't help but feel at peace. Somehow, it feels nostalgic for a reason that I can't recognize. (Wehhh... Me' Gano'n???)
Rock formation at a Claveria shore line |
One time na nagpunta kami sa Calanasan, nag-alok ang mga caretaker ng Sta. Filomena Mountain Resort na magpicnic sa isang bahagi ng beach ng Claveria. Tulad ng Pagudpud, nadadaan-daanan lang din namin ito dati kaya malugod naming tinanggap ang alok nila. :)
The rock formation from afar... |
Mula Sta. Filomena, sakay ng van, aabutin ng isang oras ang pagpunta sa beach resort na ito. Sa totoo lang, hindi ko maalala ang pangalan ng beach resort na ito. Pero ang alam ko, maraming beach resort along the shore line of Claveria. Kung ganitong mga rock formations ang bet ninyong makita habang nagsu-swimming, ayon kay Wikimapia, mainam na magtungo sa Northwest portion ng Claveria. :)
Bato, bato, pick! (Ano kaya ang pini-pick nila sa mga bato?) |
Pagdating namin dito, hindi kami nagsisi na tinanggap namin ang offer na magtungo rito. Kahit pa malungkot ang weather, well-appreciated namin ang place dahil sa dami ng rock formations na nakita namin dito. Picture here, there and everywhere... (repeat till fade) ^_^
The resort beachfront... Sa sobrang layo ng cottages, muhka na silang tuldok sa picture. |
Sa rock formation na ito, hindi ko alam kung namalikmata lang ako, but I think I saw a cave. Or puwedeng nag-i-imagine lang si Teh...
The rocky ends of the resort. Is there a cave hidden within this rock formation? |
Slightly deformed, I was thinking na lakaran ng tao before ang bloke ng bato na nasa left side. |
Hindi rin namin naiwasan na pairalin ang aming mumunting imahinasyon para makapag-produce ng slightly creative photos. Tulad nito...
Teh: >effort, effort< Strong akech! (Laki braso ko eh. :D) |
Sa kaka-concentrate naming magpipinsan sa pagkuha ng mga picture ng lugar, halos nalimutan na naming mag-swimming. Kaya nasabihan kami ng tita ko na magbasa man lang daw kami para hindi naman nakakahiya sa mga caretakers ng Sta. Filomena. So kahit mga 5 minutes siguro, naligo kami sa dagat. :)
The calm waves, complementing the rock formations. |
Pagkalusong sa tubig, ginaw na ginaw si Teh. >.< Ngunit ang 5 minutes ay naging 10... 15... 20... hanggang sa ang tita ko na ang tumawag sa amin para umahon. Napa-stay kami sa dagat, specifically sa may bandang malapit sa resort, dahil sa buhangin ng dagat doon. Very fine ang gray na buhangin doon, kaya napakasarap niyang lakaran. Kahit mabato sa may bandang gilid ng resort, sa kalagitnaan kung saan muhkang lake ang dagat, ganoon ang buhangin. Hindi mabato. :)
Isang bagay pa siguro na nagpapanatili sa amin noon ay ang kababawan ng dagat. Dahil korteng lake ang bahaging gitna ng resort, kahit magtungo ka sa gitnang bahagi ng dagat, provided na nasa palibot ka pa rin ng mga rock formation, rest assured na hindi ka malulunod. Hanggang waist level ni Teh ang lalim ng dagat sa bandang gitna. (Kung maaalala ninyo, nabanggit before na medyo vertically challenged si Teh, kaya mababaw talaga ang dagat).
Ang dagat na na-enjoy ni Teh for its depth. :) |
Kung ang Pagudpud ay may white beach, ang Claveria naman ay may fine gray beach. Pero siyempre, imbento lang ni Teh ang description ng Claveria. Sana lang, kahit maging well-developed ang mga resort dito, manatili pa rin ang kagandahan ng mga natural rock formations dito. Hopefully makabalik si Teh rito... ^_^
No comments:
Post a Comment