Tuesday, February 21, 2012

Calanasan ~ A hidden valley of tears

Ang Apayao, tulad ng Northern Cagayan, ay kadalasang nagtataglay ng malungkot na klima. As in :(... Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, para bang it complements the place... :)
Teh's signature pose by the bridge before the Resort proper...
Years ago, nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama sa mga pinsan ko para magbakasyon sa Calanasan, specifically sa isang resort sa Barangay ng Sta. Filomena - ang Sta. Filomena Mountain Resort.

Mula sa Ballesteros, Cagayan, aabutin ng 2 hours ang biyahe by land papunta rito (no choice, unless may sarili kang chopper, kaso walang mapaglalandingan na maganda kaya tigilan na ang pangangarap na sumakay nito). Kung mula sa Tuguegarao, wala akong impormasyon kung may mas malapit na ruta. Ang tanging alam na daan ni Teh ay ang daan mula sa Claveria, Cagayan (isang oras mula sa Ballesteros). Para sa karagdagang impormasyon, maaaring kunsultahin ang road map ng Luzon. :)

Welcome!!! Sta. Filomena Mountain Resort ^_^
Sa resort, may sumalubong sa amin na tatlong malulusog na doggies. Pagpasensyahan niyo na kung muhka silang malulungkot. Ang totoo niyan, masaya sila. Kasi lagi silang busog. ^_^ Siguro kaya muhka silang malungkot, dahil madalas malamig ang lugar nila. Ang dalawa sa kanila, nakatira sa may resthouse ng resort owner (which we were able to see kasi kakilala ng uncle ko ang may-ari). Ang isa naman ay nasa resort villa. :)

White doggie: What are you looking at?
Fuji, the long lost dog of Yankumi
The Villa's Snoring dog. Zzz...






























Kapag ang isang lugar ay tinatawag na resort, tiyak na nag-e-expect kang makakita ng, kung hindi dagat, swimming pool. Definitely, meron ang Sta. Filomena Mountain Resort nito. May semi-kiddie pool (semi, kasi malalim din) at may oldies pool with waterfalls in the background (up to 6ft deep). Maganda ang pool ng resort na ito dahil nakapaligid sa iyo ang nature habang nagsu-swimming. Most likely one of the best swimming pools I've ever swum into. ^_^
The waterfalls, designed by man, enhanced by nature. :)
The not-so kiddie pool for Teh. (I'm vertically challenged, y'know?)
Aside from swimming, puwede ka ring mag-stroll around the resort villa. Minsan lang ako makakita ng ganito ka-peaceful na lugar, na kung saan madalas ang clouds ay halos bumababa sa lupa. Kaya sinamantala ko ang pag-iikot. :)
The resort villa at a glance...
The gateway to Apayao River.
Bahay kubo by the foggy mountains...
Sunny but mountain fog is thick...


Sky is clear, sun can be seen. Quite a rare thing to happen. :)
A glimpse of Northern Cordillera...
The ricefields nearby...
The farmer and the field on a gloomy afternoon...
Mamang farmer's healthy carabao... ^_^
Tutal, bongga ang lawak ng lupain ng resort, hindi lang basta main crop ang naitatanim nila. May mga tanim din doon na mainam palaguhin para sa malamig na panahon, tulad ng ibang mga gulay at prutas (na hindi ko maalala kung may strawberries).

Veggies in cold season... Pechay? Lettuce? O_O 
A case of mistaken identity: strawberries?
Kung makakapagpaalam kayo, maaari ninyong subukan i-request ang pagpunta sa resthouse ng may-ari ng resort na matatagpuan sa itaas na bahagi ng kalapit na bundok. Sa hindi kalayuan sa resthouse, may  mga tubigan na hindi ko alam kung lake ba o pond at taniman ng mga gulay.
♫ Lalala ~ off to the mountains ♫ 
The lake/pond/???
Teh harvesting eggplant. 
(Thinking of torta, iniisip ba 'ko no'n?)
At puwede ba namang magpahuli ang mismong resthouse sa resort? Bukod sa fish pond na aking napagdiskitahang paglaruan, may sariling pool din ang resthouse ng may-ari. This time, it is really a kiddie pool. Keribels na ni Teh ang lalim ng water na waist level. Hehehe! Ngunit ang litrato ng pool ay sadyang hindi ipinakita upang itago ang muhka at taba ni Teh. Panay kasi kasama siya sa picture ng pool. :))
Fish pond beside the pool.
Matumal ang huli. >sigh<
Makapag-fly fly na lang...
dahil walang huli... :))
Bridge by the pond, linking the house and the pool.
(Doormat is eps... )




Kay ganda rin ng munting ilog sa may hindi rin kalayuan sa resthouse. Malinis ang tubig, malinaw at tila ba wala pang nakakadapong impurity. One of the highlights of our Apayao stay. :)
A stream of fresh water from the mountains, traversing Calanasan and beyond! :)
Teh: >sigh< I'm tired swimming, I need a break... (Chos, arte much?!)
Going back to the resort villa, sa dami ng rooms doon, ang nagamit naming magkakamag-anak ay apat na kuwarto - isang twin share room at tatlong family bedroom. Malalaki at malinis ang mga rooms. Sa apat na kuwarto na nagamit namin, dalawa ang may CR. Speaking of CR, walang hot temperature setting ang shower kaya kung bet mo ang very, very cold weather, this is a perfect place for you! :)
View from a front room's veranda inside the villa.
View from another front room's veranda
View from the other side room's veranda.

A wild 4-legged starfish appeared!

Kung weird things ang pag-uusapan, siguro isa sa mga weird na nakita ko sa resort ay ang existence ng 4-legged starfish na hindi namin alam kung saan nanggaling. Aside from the starfish, meron ding mga palakang bukid doon na pupwedeng lutuin. (Pero hindi kumain si Teh, pulutan kasi ng mga uncle kong manginginom hehehe).


Ang nangangarap na Teh. Malapit na ang umaga...
(Haller? Tanghali na nga eh!)




Sa dalawang beses kong pagpunta rito, iisa madalas ang hinahangad kong makita - ang mataas na sikat ng araw. Tulad ng nabanggit, bihirang umaraw sa lugar na ito. Kung kaya't hindi ko mapigilang tumingala sa alapaap tuwing matingkad ang sikat ng araw. Finally, summer is at hand! ^_^

No comments:

Post a Comment