Dumako naman tayo sa Southern Cagayan...
Sabi nga nila, as a Christian, always start your day with a prayer. Kaya heto ako, inuna ko ang pagbisita sa Our Lady of Piat Church - one of the famous churches of the North na binibisita ng mga pilgrims. (Anong konek sa first statement? Paki-relate please.) Ang Municipality ng Piat, which is located at the Western part of Southern Cagayan Valley, ay approximately 1.5 - 2 hours away from Tuguegarao City. To get here, just ride a public utility van sa Shell parkingan at Ugac Highway, Tuguegarao City. Usually "shell parkingan" is understandable already sa mga tricycle drivers. :)
Noong huling beses na nagpunta ako rito, nasa Php100 ang pamasahe sa van going to Piat, from Tuguegarao City.
The interior of the Basilica Minore |
Kadalasan, sa loob ng isang church, common na design sa cathedral glass ang Stations of the Cross. I find the church unique, kasi instead na Stations of the Cross ang design, 'yung history ng Our Lady of Piat image ang mga nasa cathedral glasses. Kaso nga lang, dahil sumaglit lang ako roon, at sa dami nila, isang design lang ang nakuhanan ko ng litrato... :(
One of the cathedral's design, depicting the history of the Our Lady of Piat image |
Noong nagpunta ako rito upang magsimba at mag-picture, saktong Christmas season noon kaya I grabbed the chance na ma-picture-ran ang Belen. One of the best and most crowded Belen designs na nakita ko... ^_^
The Basilica's Christmas Belen |
Sa mga Manileñong katulad ko, maaari nating masabi na halos pareho ang Our Lady of Piat sa Image ng Antipolo Church na Our Lady of Peace and Good Voyage. Dahil madalas galing sa malalayong lugar ang mga nagpi-pilgrimage papunta sa Piat, nagiging patron din siya ng travelers. Similarly, may stairs din papunta sa rear ng Image ng Our Lady of Piat na open for public's touch. Sa mga Katoliko kasi, isang kaugalian ang paghimas sa imahe at magsa-sign of the Cross pagkatapos bilang pagbibigay-galang sa imahe. At ang karamihan din, naniniwala na source of miracle ang mga Blessed Image tulad nito. Pero para sa akin, ang pananampalataya pa rin sa Maykapal ang primary source ng mga himala sa buhay... ^_^
The Miraculous Image of Our Lady of Piat |
Teh's prayers and wishes, represented by the candles... |
Masaya ako, bilang isang Kristiyano, na nabigyan ako ng energy ni Lord upang mabisita ang Basilica Minore of Our Lady of Piat. Despite its distance from Manila, still I was able to see the beauty of this church and on my part, isa itong fulfillment/achievement... ^_^
Abangan in the distant future: Basilica Minore of Our Lady of Piat ~ The exterior... :)
Special thanks to Ms. Kurenai for confirming the facts about Our Lady of Piat... ^_^
Special thanks to Ms. Kurenai for confirming the facts about Our Lady of Piat... ^_^
kadalsan puntahan rin ito ng mga pulitikong kumakandidato...
ReplyDeleteThere goes our "traditional" politician folks. But let's hope that they are praying for the betterment of their constituents... (Mehhh ganoin???) -Teh
Delete