Wednesday, February 8, 2012

Cagayan Valley ~ Captured in the Eyes of Teh

~~~KRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGGG!!!~~~

Muli, ang galit na alarm clock ay ibinalik na naman ako sa katotohanan. Sa wakas, ang panaginip ay magiging katotohanan na. Dahil panahon na naman upang bumiyahe si Teh. ^_^

Kapag naririnig ng mga tao ang "Cagayan", naiisip nila kaagad ang Cagayan de Oro. Pero, kung si Teh ang tatanungin, ang Cagayan ay Cagayan Valley... :)

Brief history and description of Cagayan Valley province. Mula sa napulot ni Teh.
Ang Cagayan Valley ay matatagpuan sa norte. To be specific, part siya ng Region II. Since dominated ng Cagayan Valley ang Region II, pinangalanan itong Cagayan Valley Region. Parang 'yung Region I, Ilocos. :)
Located at the Northeastern-most part of Luzon, kahit guarded siya ng Sierra Madre mountain ranges, very prone ang Cagayan into having storms and typhoons. Nevertheless, this is a great place to spend your vacation at. Especially kung adventurous kang tao and trip mo ang mag-caving. Sa lahat ng mga napuntahan kong lugar, higit na pinagpala ang Cagayan sa dami ng caves na pupuwede mong i-visit.
Parte pa rin ng napulot ni Teh. Map of points of Interests in Cagayan Valley.
Comparing the capital of Cagayan Valley with Vigan's distance from Manila, 'di hamak na mas malayo ang Tuguegarao. Sa biyahe mo by land, mararamdaman mo ang layo for a fact na nadadaanan ninyo ang Santa Fe Trail sa Nueva Vizcaya.
Distance Matrix. Galing pa rin sa napulot ni Teh.
Sta. Rita signboard. Taken during tire replacement. :O
May dalawang paraan upang marating ang Cagayan Valley. (Actually tatlo. 'Yun nga lang, sa third option, baka buto't balat ka na lang. 483K marathon. O_O) Una, by land. Either ride a provincial bus like Florida and Victory Liner or drive your car to Cagayan Valley. So far, in terms of scheduling, never akong naka-experience ng delay with these bus companies. Talagang on-time sila umalis, and on-time din ang dating sa destination. Minsan mas maaga pa ang dating. 30 minutes before the departure, nagpapasakay na sila ng passengers, which is very assuring for the passengers na merong biyahe talaga.

If you opt to drive your car, take the NLEX road then exit at Sta. Rita, Bulacan. From there, just follow the road signs. ;)

In an average, inaabot ng around 9 to 10 hours ang biyahe to Tuguegarao City by land.

Fly with less headache with them... ^_^
Another option is to ride a plane. There are around three flights from Manila to Tuguegarao and vice-versa Daily. Isa sa umaga, isa sa tanghaling tapat at isa sa hapon. Pero in reality, at kadalasan, iisa lang talaga ang flight papunta at pabalik ng Tuguegarao. At 'yun ay ang tanghaling flight. :O

Minsan kasi, nagpauto ako sa "morning" flight. Siyempre, to maximize the time spent in my vacation, maganda talaga na umaga ang biyaheng kunin. Isa pa, mas mura ang kuha ko sa plane ticket sa airline na 'yun ng mga panahong 'yon.

So the day of my flight came. Dahil around 8:40AM ang flight, nasa airport na dapat ako ng 6:30AM. Diretso agad ako sa pila ng check-in counter. Siguro mga 7:20 na noon, nakapila pa rin ako. Nagtataka ako kung bakit ang bagal-bagal ng mga tao sa check-in counter. Nung ako na ang ine-entertain nila, malaman-laman ko na lang na sa hapon na flight na pala kami ilalagay. Medyo napag-initan ko 'yung nasa counter. Pero sige, tanggap ko nang hapon ako darating. 

Tick-tack, tick-tack! 6 hours akong tumunganga sa airport. Bale, mga 3 hours nasa kainan ako, nagmu-movie marathon dahil walang Wi-Fi hanggang sa naubos ang baterya ng laptop (yikes, nasa check-in bag ko ang charger). Tapos mga tatlong oras naman ang ginugol ko sa pagbibilang ng mga eroplanong nagte-take off at sa pagtulog sa airport benches. Gano'n pala feeling ng refugee. Hay... >_<

2 hours before the afternoon flight, nag-announce ang ground personnel ng airline na 'to na by land ang pagdadala ng mga check-in baggages ng mga pasahero sa flight namin. Nakakainis lang, kasi iniisip ko, wala akong damit na pampalit sa hand carry ko. At 'yung ibang pasahero naman nagalit na, kasi ilang beses na nilang na-experience ang ganong situation sa airline na 'yon. 

Pagkatapos mahimasmasan ng lahat ng tao tungkol sa baggage issue, may panibagong problema na naman - kung may masasakyan ba kami o wala. Ayon sa talaan ni teh:
3:30PM - Pumasok ang cabin crew at ang dalawang ungas, este, pilot sa Gate 117.
3:50PM - Lumabas mula sa Gate 117 ang cabin crew at ang dalawang ungas, este, pilot. Anyare? Ah, lilipat lang daw ng Boarding Gate.
4:00PM - Pila mode sa kabilang gate. Doon na raw magbo-board.
4:10PM - Quiet period. Wala pang balita.
4:20PM - Wala pa ring salita mula sa ground crew. Panic mode, lulubog ang araw ng 5:45PM
4:30PM - Flight is cancelled due to sunset limitation[1] ek-ek. Chuvalou, eclavou.

Hindi na nag-register ang mga excuses at perks na ipo-provide sana ng airline na 'to. Buo na ang loob ni Teh. Kukunin niya ang refund. Kung nais malaman ang airline na sumira sa araw ni Teh, click here and there(iisa lang ang may-ari, pero sa "there" ako nagpa-book). True story. T_T

Isa sa mga napulot ni Teh sa Tuguegarao Airport... :)
Enough sa rants ni Teh. Sa totoo lang, masaya rin naman ang mag-airplane. Kasi pagdating mo sa Tuguegarao airport, may mga maps doon na puwedeng kunin for free. Nung unang beses kong nakalapag sa Tuguegarao airport, nagtanong ako sa airport personnel kung puwedeng kumuha. Ayun, umabuso naman si Teh (kasi koleksyon ko ang mga 'to, basta provided ng DOT, for free), kumuha ako ng iba't ibang klase ng travel guide and maps na naka-display. Muhkang okay lang naman at natuwa pa ang airport personnel, kasi tila ako lang ang pumansin sa mga 'yon. Well, obvious na matagal na ang mga mapa sa estante, kasi 'yung ibang map na nakuha ko, nagkadikit-dikit na sa kalumaan. Pero so far, readable naman sila and very helpful sila sa mga explorers tulad ni Dora at ni Teh.

♫ Where it goes, no one knows... ♫
Sa dami ng pupwedeng puntahan sa Cagayan, hindi magkakasya ang basta 3 days, 2 nights o kaya 4 days, 3 nights para lubusang makilala o maramdaman ang aura ng Cagayan Valley. Mainam kung may kakilala rito at magbakasyon ng isang buwan. Bukod kasi sa Ilocos Sur, isa rin ito sa aking probinsya. Ang lola ko kasi sa mother side, taga-Ballesteros originally. Kaya medyo gamay ko ang pagpunta rito. Although mas marami akong natuklasan about Cagayan Valley without much of my mother and lola's intervention. Noong kapanahunan kasi nina mama, medyo active pa ang mga NPA, or some sort, sa Cagayan Valley. Kaya ayaw ng nanay na nage-explore kami rito. Although in some parts of Isabela province (south of Cagayan Valley), maaaring may mga active pa, pero so far ang ginagawa lang nila is stoning provincial buses in transit. Kaya safety precaution na ng mga kunduktor ng bus na ibaba ang kurtina ng bintana bilang proteksyon sa mga namamato. So wala rin namang dapat ikatakot sa lugar na ito. Pero siyempre, mas makakatulong pa rin kung may kakilala ka rito. Somehow, dahil sanay sila sa lugar nila, mas ramdam mo ang pag-eenjoy kaysa ang pagiging takot. Bukod din sa may kakilala, atapang-a-tao si Teh, kaya keriboom na magtungo siya rito. :)

Yeah, we all need to be safe, but if I remain paranoid for the rest of my life, I will never get to see and enjoy the hidden wonders of the world that await me... Chot lang! :))

Nakapanghihinayang din kasing hindi ma-explore ang lugar na ito. Habang nasa kalsada at bumabiyahe pa lang, kitang kita mo na kung gaano kalinis ang paligid. Kaya maganda ang early night trip, kasi nasa bungad ka na ng Cagayan Valley pagsapit ng bukang liwayway. Sobrang nakagagaan ng pakiramdam (at minsan nakakalula, hehe) ang uphill-downhill na highway sa maraming parte ng Cagayan Valley.

Daybreak during Teh's trip. Flock of birds is a bonus! ^_^
Madalas talaga, most especially sa North-East parts, gloomy ang itsura ng Cagayan Valley, which gives me a feeling na ang lugar na ito ay distinct sa lahat ng mga napuntahan ko.
A glance of the Valley in Santa Ana perspective.
Although, in the other parts of this province, specifically North West (though seasonal din kasi malapit sa dagat), and South (Tuguegarao and its outskirts), nasisilayan most of the time ang mala-summer na ambiance. To sum up my feelings whenever I'm at Cagayan Valley, ramdam ko kung nasa North ako, and ramdam ko kung nasa South ako. Medyo may distinction talaga ang aura ng North and South Cagayan.
Somewhere in Pamplona.

On the outskirts of Tuguegarao.
Siyempre, hindi makukumpleto ang gala ni Teh kung walang food trip. Tulad ng kahit anong lugar sa Pilipinas, may mga maipagmamalaking specialty ang Cagayan Valley. Kung delicacies, number 1 ang Teano Alcala Milk Candy sa listahan ni Teh. Bukod sa candy na ito, may bibingka rin at tupig na Cagayan version.
Pakwan stall in front of Alcala Milk Store

















































































































































The soft Alcala Milk Candy, shaped into a... (wild guess?)










Bayad ni Teh sa Alcala Milk Candy

At kung main dish naman, ang number 1 sa puso ni Teh ay ang Pancit Cabagan. Sa lahat ng pancit na nakain ko, eto talaga ang pinaka paborito ko. Though this originated from Isabela, since part din siya ng Cagayan Region, I can proudly say that this is distinctly Cagayano. The only pancit that can make my heart leap. ^_^
Mouth-watering Pancit Cabagan. Proudly presented by Cagayanos.
Bukod sa caves, marami ring man-made points of interest ang Cagayan Valley - creatively designed hotels, bridges, and old Spanish churches.
Gattaran's Castle in the Sky, by the River... :)
Though most of these man-made attractions were meant for tourism and culture preservation, some of them were also made for fun! Why go to Hollywood and see its name written on a mountain if you can actually see something similar in our local mountains? :)

Well, too bad, umuulan noong nadaanan ko yan, pero isa 'yan sa mga pauso ng mayor ng Solana for fun! Infairness, naunahan pa niya si Ate Vi sa recently famed "Batangas" signage for Taal Volcano. Way to go, mayor. :D
View of Solanawood along Buntun Bridge on a rainy day
Tuwing nandito ako, I can't help but feel nostalgic, lalo na 'pag nakatingin lang ako sa mga ricefields and mountains. The place where my heart was captured... ~_~


♫ Cagayan, my valley home is dear to me...
Though from where my footsteps far may stray...
...Over mountains, plains beyond the deep blue sea ♫










♫ I shall love thee ever be where'er I may...
...Cagayan, o smiling land of beauty
Cagayan, my heart clings unto thee... ♫


















  ~Vocabulary ni Teh~

[1] Sunset Limitation - dahil ang Tuguegarao Airport ay walang lighting for night landing, dapat mag-landing ang mga paparating na airplane not later than the expected sunset of the day.

1 comment: