Wednesday, February 1, 2012

The Hidden Garden of Vigan City

Hid-den Gar-den, ka-hit mun-ti. Ang halaman do-on, ay sari-sari! ^_^ 

Some call this place Secret Garden. Well for now, medyo valid pang tawagin siyang "Secret" kasi hindi pa siya kasing-crowded ng Baluarte. Tulad ng Baluarte, entrance in Hidden Garden is also free. ^_^

Paano ko nga ba na-discover ang lugar na ito? Well, kasi nung pumunta kami ng Baluarte, very very very... x10^N crowded na. Ang hirap na dumiskarte para magkaroon ng magandang picture-picture opportunity. So sabi ng pinsan ko, para maiba naman, plants naman daw ang i-visit namin. :))

Isang bagay lang ang mahirap ma-achieve sa lugar na ito - parking. Una sa lahat, nasa residential area kasi siya. Masikip ang kalsada kung nasaan ang Hidden Garden, halos single lane lang siya (pero two-way). :| Buti na lang, may mabait na taga-kalapit-bahay doon, nagpahiram ng space sa kanilang bahay para makapag-park kami ng sasakyan. Trivia: maaaring Resort na ang pinagparkan namin dahil nabanggit sa amin ng may-ari ng loteng iyon na tatayuan nila ng Resort 'yun. :)

At pagpasok pa lang namin, sandamukal na welcome signboard, woodcarving, pottery and wall photos (fb?) ang sumalubong sa amin. Sa bungad pa lang, ramdam na namin ang pagiging cool ng lugar. Natural, kasi puno ng halaman ang lugar na 'yun. (Duh?!)
Halaman by the entrance
Welcome to Hidden Garden!




















Celebrity corner. Wish lang ni Teh may Picture siya diyan. =))
Woodcarving display section













A tree of small pots
Somehow, the plant arrangement gave me a Japanese feeling... Moshi moshi anone?

A welcome sign in a Bilao

Another welcome sign courtesy of Lilong & Lilang mo
Other Celebrity Photos (kulang ang space sa Celeb Corner)
Plant-a-three! ^_^
Pagpasok mo sa loob, may makikita kang isang portion na dedicated altar. Puwede kang mag-wish, magdasal, at mag-picture doon.
Offer your datung for wish. ^_^ (Pero kuripot si Teh.)
Ito ang itsura ng altar as a whole. Medyo natakot lang ako sa nakita ko sa itaas. (Ikaw na lang tumingin kung ano 'yun. Clue: nasa bandang itaas... X_X
The Altar inside Hidden Garden
Entering the Garden proper (after ng altar), bubungad sa 'yo ang napakaraming plants. Siyempre aside from plants, may mga add-ons din ang place na talagang nakakapagpaganda ng views sa loob, tulad ng wishing well and pottery-inspired chairs na pupwedeng pagposingan. (Sadyang hindi nilagay ang photo ng chairs dahil mae-expose ang pata ni Teh. Hehehe...)
Wishing Well
Teh in the middle of the plant kingdom. :)


Not your ordinary trash bin. :)
Sa lahat naman ng nakita namin dito, isa talaga ang signboard na ito sa nakaagaw ng pansin ko. "Please use me properly. Gets mo??" Ako sa totoo lang hindi ko na-gets masyado 'yung sinabi sa signboard. Pupuwedeng magkakaiba ang interpretasyon ng mga makakakita nito. Ang naiisip ko dalawa - either gamitin siya sa tama in a sense na 'wag magtapon ng kung ano-ano, like 'wag pupuhan, ihian, duraan, sukahan at tapunan ng kahit anong toxic na pupwede kong maisip. O kaya naman eh simpleng gamitin mo siya na kapag may basura ka, magtapon sa kanya nang hindi magdulot ng hindi kanais-nais na kalat sa paligid. Kung ano man ang ibig sabihin niyan, ikaw na ang humusga. :)


Herbs, para sa lutuin ni Teh. :D
Hindi lang basta bulaklak at plants na pang-display lang ang inaalagaan ng mga taga-Hidden Garden. May mga edible herbs din silang pinapa-grow.









Red-flowered plant. (Bokya na naman si Teh sa Botany) X_X

Yellow-orange-flowered plant. :O

The Dancing Lovers



Natuwa ako sa plant na ito na may dalawang flowers in full bloom. Muhka kasi silang lovers na nagsasayaw... ^_^











Violet-flowered plant... :S
Spike-y plants. :|
A nicely trimmed plant. :)

A buhaghag plant. :\
Flower painting. ^_^



















Vigan Empanada @ Hidden Garden
Surprisingly, may empanada corner sa loob ng Hidden Garden. Puwede ba namang mawala ang pride ng Vigan? Pero kung marami kayo, or kung ang tinutuluyan ninyo ay malapit lang sa Plaza Burgos, better if sa Plaza Burgos na lang kayo mag-empanada. Mas mura kasi ng Php 5.00 doon. :)) Pero siyempre kung konti lang kayo, like around 2-4 pax lang kayo, alangan namang gumastos pa kayo ng pamasahe sa tricycle papuntang Plaza Burgos? So better if diyan na kayo kumain. :D




Within the Empanada Corner vicinity, may aquarium doon na puno ng fish na medyo gold ang color (pero sure akong hindi siya goldfish). :) At ang hirap nilang kunan ng walang blur sa picture kasi ang likot-likot nilang lahat. Parang hindi makaanak na pusa... :|
Here fishy, fishy... :)

The Amazed Teh



Meron ding halaman doon na nakahang sa ceiling ng Empanada Corner. Siyempre hindi ko na naman alam ang tawag, pero 'yun yung halaman na muhkang buhok ng mais. Very complementing ang halaman na 'yun sa kainan. :)












Seeing these makes me wanna go "Ahm... Ahm..." :))




Siguro, part na rin ng advocacy ng plants na mag-provide ng serene feeling sa mga tao, to enhance that feeling, naglagay ng mga Hinduism-inspired display ang may-ari ng Hidden Garden. Havey na havey! :D






Lucky Bamboo Corner







For Sale, Lucky Bamboo! Kung swerte naman ang nais mo sa iyong kabahayan, halina at mamili ng bamboo plants sa Hidden Garden.  ^_^














Sa Hidden Garden, hindi lang for our eyes ang majority ng mga halaman doon. If you're a plant-lover or meron kang green thumb, this is definitely a place to go to. Most of the plants displayed there are for sale! :) 

Sa susunod na pagbisita ko, hopefully makapag-uwi na si Teh ng herbs. ^_^





No comments:

Post a Comment