Almost 5 years ago, masama ang loob ko. Dahil hindi nakita ni Teh ang kanyang chuva chuchu. :( Nang pabalik na siya ng Maynila, wala na siyang nagawa kundi ang mag-emote sa white sand beach ng Pagudpud...
Ang nag-iisang picture ni Teh sa Pagudpud beach... (Emo mode) |
Pagudpud is located at the northernmost part of Ilocos Norte. Going further north, right after Pagudpud kasi, Cagayan Valley na. Santa Praxedes to be specific. From Manila, more or less 10 to 12 hours ang itinatagal ng biyahe by land (hindi ako gano'n ka-sure kasi lagi pagkagaling ng Cagayan kami nadadaan dito). Pero siyempre, depende sa nagmamaneho. :) May mga kakilala kasi ang nanay na nakakarating dito mula Maynila sa loob ng 6 hours (wehhh?!). Ewan ko kung bluff lang 'yun ng nanay ko sa sobrang bilib sa taong 'yun o siyang tunay talaga. :))
Puwede rin namang mag-airplane. From Manila to Laoag, aabutin ng 1 hour ang flight. Then from Laoag, around 1 to 2 hours travel by land pa. Sakay ka ng provincial bus going to Cagayan Valley para siguradong makararating sa paroroonan. :)
Hindi ko na-explore masyado ang place dahil napadaan lang kami rito. At a first glance, maganda agad ang impression ko sa white sand beachline ng Pagudpud. Very fine din ang buhangin doon. Medyo konti ang tao nung nagpunta kami at malinis ang tabing dagat. Walang nakakalat na basura. Unti-unti, ang Pagudpud ay nagiging famous na rin among local tourists and hopefully soon, maging popular na rin siya sa mga foreign tourists. :)
Moment ni Teh sa waterfalls while thinking of chuva chuchu. :(
|
Bago kami nagtungo sa dagat, sa may hindi kalayuan mula sa boundary ng Santa Praxedes at Pagudpud, may waterfalls doon na magandang pag-stopover-ran. From Cagayan reference, after ito ng Patapat bridge (a long bridge, famous in Pagudpud). Well, honestly, maliit lang 'yung waterfalls doon, such that hindi siya ideal na pagliguan. Pero dahil malinis ang tubig na dumadaloy doon, maaari mo siyang inumin directly, although hindi ko tinry kasi baka manakit tiyan ko at malayo pa naman ang Maynila (sa... bukid walang papel).
Aside from the very clean waterfalls, sa tapat noon, may mga stalls doon na nagtitinda ng seashells from the sea shore. Dahil mahilig din ako sa dagat, napabili ako. Noong huling punta ko rito, noong 2007, may mga seashells na raw and pang-decoration na ibinebenta roon sa halagang Php50.00 pataas, depende sa size ng pang-display, o sa dami ng raw shells na bibilhin mo. Siguro ngayon, kung meron nang scarcity ng seashells, malamang ay nagtaas na sila ng presyo.
White sand beach and seashells by the seashore... Ilan lang 'yan sa mga highlights ng Pagudpud at ng Ilocos Norte as a whole. Somehow, this place has a close affinity with Ilocos Sur and Cagayan Valley. For sure, babalikan ito ni Teh para ma-explore... ^_^
No comments:
Post a Comment