Wednesday, February 8, 2012

Welcome to My Humble Abode ~ Ballesteros

Ballesteros, isa sa mga pahingahan ni Teh tuwing may pagkakataong magbakasyon at magtungo rito. Ang lugar namin ay matatagpuan sa Northern part ng Cagayan. From Tuguegarao, around 2 to 3 hours ang biyahe papuntang Ballesteros.

Well, as I had mentioned in my previous post, ang lola ni Teh (sumalangit nawa, 1 minute of silence) ang nakatira rito originally. In a way, ang munting bahay-bakasyunan doon nina Teh and family ay naitayo pa 3 generations apart from mine. (Imagine-nin niyo na lang ang tanda ng bahay na 'yon). So talagang inaalagaan ito ng tito at tita kong taga-doon. Sila rin ang wume-welcome sa amin tuwing bakasyon. :)

Ang Ballesteros may kalawakan din. Well nagmumuhka siyang malawak talaga dahil sa mga bukid, pero ang totoo niyan, kakaunti ang mga naninirahan doon (sa tantiya ko). Sa kabutihang palad, nasa centro ang aming tinutuluyan. Nasa centro kasi lahat - palengke, bus station, burger stands (kumbaga 'yun na 'yung pinaka-fastfood nila doon), colleges, plaza, church, auditorium, mga friendships ni Teh and family, at ang town hall. Not to mention, malapit din sa centro ang dagat. A typical municipality of Cagayan Valley - quiet, peaceful, relaxing (setting aside political problems).

I was not able to take much pictures of what to see at our place, dahil ang talagang nakakaagaw ng pansin ko ay ang mga alaga sa bakuran ng may bakuran (sa mga friendships kasi ito nina Teh and family).

Young cows under an old tree, chatting with each other. Moooooooooo!!!
Minsan talaga, hindi maiwasan na magawan ko ng kwento ang mga animals na 'to. Isa sa mga favorite past-time ni Teh sa Ballesteros. :)
Cow spotted a chicken... for food?! Chicken: Cuckoo? (May stalker ba ako?)
Tulad ng isang ito, na parang nalugi sa negosyo ang itsura. :))
The lonely cow...
Ah, naghahanap lang pala ng kasamang kumain at ng makakain... Enjoy your meal! ^_^
Nom nom nom nom nom...
Bibihira lang na natataong umaaraw 'pag umuuwi kami ng Ballesteros. Kaya kapag maaraw na, isa lang ang ibig sabihin noon - it's miming (swimming) time! ^_^

Honestly, mahirap din magswimming dito dahil malalakas ang alon sa dagat ng Ballesteros. May mga kasabihan ang mga nakatatanda roon, lalo na kapag Holy Week, na huwag na mag-swimming kasi baka kunin daw kami ng sirena. They put it that way, pero kung si Teh ang tatanungin, relevant naman talaga ang concern nila with science. Kasi, sa parteng knee level pa lang ang tubig, mararamdaman mo ang hila ng water current dahil kapag malakas ang alon, malakas din ang hila ng tubig na bumabalik sa dagat. Minsan, ito pa ang nagiging cause ng pagkawala ng poise ni Teh dahil sa pagkakaplakda niya sa tubig. And, observe ninyo 'pag napunta kayo ng dagat na may malakas na alon. Unti-unti, nalulubog sa buhangin ang paa ninyo. Wala lang, baka may kinalaman. Hehehe. Pero basta, yung paghila ng tubig siguro yung sinasabi ng mga matatanda sa amin na "pagkuha ng sirena".

Kung hindi naman dahil sa malalakas na alon, madi-discourage ka naman mag-swimming din dahil sa jellyfish. Isang phrase lang siguro ang maisisigaw mo 'pag panahon ng dikya - ANG KATEEEEEEEEEEEEEEHHHHHHHH!!! X_X (Hehe, true story.)

Emoting Teh by the sea... (the usual pose of Teh)
Kaya para sa akin, ang pinakamainam gawin talaga dito ay mag-inhale, exhale ng sea breeze, watch the raging waves, and siyempre, magpicture-picture! *click* ^_^

1 comment: