Dahil always hungry si Teh, and traveling is never fun without eating, hindi maiiwasan na mapatikim ako ng mga local dishes/specialty ng mga napupuntahan kong lugar.
|
Pancit Cabagan Restaurant Signboard along Roxas, Isabela |
Although since childhood, nagpupunta na ako ng Cagayan Valley, only when I was in 4th Yr. High School ko na-discover ang pinakamasarap na pancit na natikman ko up-to-date (and probably it will never be replaced in my heart) - Pancit Cabagan! ^_^
Sa dami ng Pancit Cabagan Restaurants sa Cagayan Region, dalawa pa lang ang nakainan ko. Isa sa mga iyon ay ang Felicitas. Aside from Pancit Cabagan, may ibang noodle dishes and Filipino dishes common sa North na available for dining. *drool* :)
|
Felicitas: Menu sa dingding |
|
Pancit Bilao Sizes available |
|
Felicitas Branches |
And the other place na nakainan ko rin ng Pancit Cabagan is Natan's Panciteria. Mas low profile siya ng konti kaysa sa Felicitas, pero mas madalas ako kumain dito. Located kasi ito malapit sa Tuguegarao Airport, as in ka-street niya 'yon, at kadalasan 12:30 PM ako nakakarating, lalo na kung hindi delayed ang flight. (Pero kung delayed man, 'di baleng delayed, basta merong flight!). Sakto para mag-lunch. FYI din, meron itong 2nd floor at palagi akong pumupwesto roon para kumain. :)
|
A place to eat and tambay: Natan's Pancit Cabagan Restaurant |
Hindi naman kumplikado kumain ng Pancit Cabagan, pero may suggested steps si Teh para kainin ang pancit na ito. Ang mga steps na ito ay namana ni Teh mula sa local people ng Cagayan Valley... :) Scroll down for the demonstration. ^_^
|
Step 1: Pagka-serve ng chopped onions, pigain ang calamansi |
|
Step 2: Lagyan ng katamtamang dami ng toyo ang sibuyas na may kalamansi |
|
Step 3: Lagyan ng suka ang onion mix |
|
Step 4: Haluing mabuti. *Optional: maglagay ng paminta o kaya ng sili para sa anghang ng buhay... * ^_^ |
|
Step 5: Kainin ang sumptuous Pancit Cabagan... Lagyan ng onion mix ang pancit anytime you want.
Eat fast, while it's hot! Enjoy your meal! ^_^
Price (as of 2012): Php 50.00 w/free soup! |
Isa rin sigurong reason kung bakit mas preferred kong kumain sa Natan's ang free soup na kasama sa sine-serve nilang pancit. Masarap, lalo na kung lalagyan ng paminta. Perfect combination! ^_^
At tuwing pumupunta ako rito para kumain, bago umalis, hindi ko talaga maiwasang pagdiskitahan ang mga sheep na nakatira sa tabi ng panciteria, kaya lagi silang may souvenir sa aking camera. ^_^
|
Mga friendship na tupa ni Teh. (Feeling close?!) |
Dahil nakakain at nabusog na si Teh, panahon na upang ipagpatuloy ang paglalakbay... ^_^
pakshet kagutom! haha! ang mura ng food na yan teh!
ReplyDeletenako teh, 70php na yan per order dito sa manila, may nakakainan malapit sa UST kaso ung isang nakainan ko, di ko sure kung para sa lahat ng tiyan. :)) May resto rin ng pancit cabagan sa Morayta. hehehe.
ReplyDeletemura n;masarap p talaga;san k p? :)
ReplyDeletegusto ko tikman to!
ReplyDeletegusto ka ba no'n? hehehe joke lang. either travel to cagayan or go to morayta. merong pancit cabagan doon pero hindi ko pa na-try. :) -Teh
Delete