Before leaving Bohol, samahan si Teh and friends sa kanilang pagha-hunt and shop ng pasalubong and souvenirs... :)
~ Balicasag Island Souvenir Shops ~
Located at: Balicasag Island (duh?)
Visited on: Day 2 - after brunch
What to find and buy here?
Hats, bags, and other handicrafts... |
Keychains, bracelets, and other accessories... |
Bohol shirts and shawls... |
Ang pinaglaruan nina Teh... Bow! |
Tips: May isang shop dito na walang nagbabantay na tindera pero may alaga silang kero-keroppi. Tumayo sa harapan niya para mag-alarm ang buzzer and poof! May haharap nang tindera sa 'yo! :D Honestly mas mahal ng konti ang mga bilihin sa Balicasag Island, pero if you really need something, like sa case ng friend ni Teh, balabal, you can make tawad naman... :D
~ Bohol Bee Farm Livelihood Section ~
Located at: Panglao Island
Visited on: Day 2 - afternoon
What to find and buy here?Handicrafts made by these Buzzzy Artisans... |
Hand-made Charms... |
Woven cloths... |
Oil paintings... |
Organic edible products... :) |
Tips: Kung artworks and local handicrafts ang bet mo, tumbling na papuntang Bee Farm! :D Sa mga matatakaw katulad ni Teh, pero medyo health conscious, bumili na rito ng Fruit Jams, Teabags (mas mura po ng Php20 'yung hindi naka-box, pero same quantity naman ng bags), Chips and many more... Basta hanap mo ay anything made from organic plants and trees, this is the right place to shop goodies. :)
~ Souvenir Shops near Hinagdanan Cave ~
Located at: Panglao Island
Visited on: Day 2 - afternoon
What to find and buy here? Souvenir stores everywhere! As in literal kahit saan ka lumingon may tindahan ng pasalubong...
Tips: Murang shirt ba ang hanap mo? Dito ka na mamili. Dahil so far, aside from palengke, ito ang lugar kung saan ako nakakita ng mabababang prices ng shirts, depende kung mid-quality or high-quality shirt ang bibilhin. Mura rin ang famous Peanut Kisses dito, so far, comparing it with other attractions in Bohol na napuntahan namin... :) Though I don't advice that you buy tarsier goodies here...
~ Nova Shell Museum Shop ~
Located at: Panglao Island
Visited on: Day 2 - afternoon
What to find and buy here?Display for desk made of shells... |
Abubots made of shells... |
Home decors made of shells... |
Tips: If you're a shell-lover, definitely malulula ka sa dami ng pupuwede mong mabili rito. Kahit ako na hindi hardcore fan ng shells, namangha and at the same time, nahilo rin ako sa dami ng pagpipilian. At nauwi ako sa pagbili ng isang kwintas... By the way, haggling is accepted here, lalo na kung maraming bibilhin. ;)
~ Aproniana Giftshop ~
Located at: Baclayon
Visited on: Day 3 - morning
What to find and buy here? Bohol souvenir shirts and items! :)Welcome, welcome! :) |
Tip: 'Wag malumbay sa prices ng mga tinda nila rito dahil in the end, bibigyan ka nila ng 10% discount. (Weird lang pero lahat ng customer may ganyang privilege...) Anyway, thankful ako na may discount sa dulo kahit medyo pricey mga thingies dito. Hahaha! :D
~ Baclayon Church Religious Store ~
Located at: Baclayon
Visited on: Day 3 - morning
What to find and buy here?Religious items. (Nagdadasal din kaya sila?...) |
My Bertdey Angel: St. Uriel |
Tips: Aside from religious artifacts, what caught my attention was this know your birth angel for free! (Well sabi nga, there's nothing cheaper than something free. Hehe.) Ang birth angel ay depende sa araw ng kapanganakan mo, at na-realize ko na lang 'yun matapos nilang i-analyze ng matagal 'yung birth day chart. Alam ko kasi na Wednesday tumapat ang kapanganakan ko. Sana tinanong na lang nila ako kung anong araw ako ipinanganak. Nag-effort pa kasi si ate na hanapin kung anong araw tumapat ang bertdey ni Teh. Hahaha! Buy your birth angel statue for only Php 250! This will serve as a church donation pa. :)
~ Hanging Bridges Pasalubong Shops ~
Located at: Sevilla-Loboc
Visited on: Day 3 - afternoon
What to find and buy here?
Tips: Wala masyado kasi dinaanan lang namin ito. Na-surprise lang sina Teh and friends dahil mula sa bridge entrance, hindi halata na may mga souvenir shop sa kabilang dulo. Parang tago ba. At dahil ayaw maging bitter ng mga friends ni Teh na namili ng Peanut Kisses, nagtanong sila sa vendor doon kung magkano ang isang pack. It turned out na mas mura sa nabilhan nila sa labas ng Hinagdanan Cave. (Congrats at hindi sila na-bitter. Haha!)
~ Nicole's Souvenirs & Gift Shop ~
Located at: Carmen
Visited on: Day 3 - afternoon
What to buy here?Bohol souvenir shirts... |
Tarsier magnets and unlimited Peanut Kisses... |
Necklaces, bracelets, and other accessories... |
Tips: Mahahanap ang store na ito malapit sa vehicle entrance papanhik sa view deck stairs ng Chocolate Hills. Not sure about the shirts and kisses, pero compared with the stores sa paanan ng view deck, mas mura ang mga keychains, ref magnets and other accessories dito. Although sa taas lang ako nakakita ng tarsier na sinasabit sa leeg. Hehe! :D
At dahil kumpleto na ang pasalubong nina Teh and friends, back to reality ulit. Uwian time na. Ta-tumbling muli si Teh para magkaroon ulit ng pang-adventure! Hehehe... Huhuhu... Mixed emotions lang. Pero sana ay nasiyahan at nabigyan ko kayo ng enough information about Bohol. :)
Before I completely close my adventure journal about Bohol, gusto kong pasalamatan si Peng, ang mag-anak nina Kuya Jake and Ate Nice, and sa Tita ni Peng na Mom ni Kuya Jake na si Tita Flor. Super thank you po for your hospitality! ^_^
Special thanks to J.C.I. Photography and Prime Asia Handicraft for sponsoring our Bohol adventures. :)
At dahil kumpleto na ang pasalubong nina Teh and friends, back to reality ulit. Uwian time na. Ta-tumbling muli si Teh para magkaroon ulit ng pang-adventure! Hehehe... Huhuhu... Mixed emotions lang. Pero sana ay nasiyahan at nabigyan ko kayo ng enough information about Bohol. :)
Before I completely close my adventure journal about Bohol, gusto kong pasalamatan si Peng, ang mag-anak nina Kuya Jake and Ate Nice, and sa Tita ni Peng na Mom ni Kuya Jake na si Tita Flor. Super thank you po for your hospitality! ^_^
Special thanks to J.C.I. Photography and Prime Asia Handicraft for sponsoring our Bohol adventures. :)
thank you teh! :)
ReplyDeleteI know this is an old post, pero very informative para sakin. I'll make sure to share this with my partner as she and I are going to Bohol this year and we don't want to spend an insane amount of time deciding on where the pasalubong is cheapest. Thanks!
ReplyDeletePeanut Kisses is cheapest in Tarsier Sanctuary.
ReplyDelete