Wednesday, June 27, 2012

Bohol Countryside Tour ~ Invading Half of the Island

And now, para sa last day ng ating Bohol exploration ~ countryside tour! Samahan si Teh and friends sa kanilang adventures sa lower half ng Bohol Island... :)

First stop...~~~

~ Philippine Tarsier Sanctuary ~
Located at: Corella, Bohol
Entrance fee: Php 30 (as of April 2012)
Habang hindi pa gaanong tirik ang araw, binisita namin ang kasalukuyang tirahan at breeding ground ng tarsier sa Corella. 
Teh was lost. Asan na kasi sila?
Teh was here.

Isang trivia lang sa mga tarsier. Medyo may pagkaechusera sila kasi territory sensitive sila. Dapat daw kasi, within 1 to 2 hectares ang lawak ng teritoryo ng bawat tarsier. Or else, makikipag-away sila sa kapwa tarsier na papasok sa teritoryo nilang, ehem, kaliitan. Kaya sa kakahuyan at sa kabundukan, bihirang-bihira kang makakita ng isang tarsier. At lalung-lalo na, never kang makakakita ng mga grupo ng tarsier. Kaya hiyang-hiya naman kami sa mga tarsier noong bumisita kami. Kasi parang invading their territory ang peg...
Tarsier: 8)
Teh: (isip... isip... isip...) >_<
Bridge closed... :(
Actually, may tarsier din na open for public visit sa Loboc. Pero ayon kina Kuya Jake at Ate Nice, mas maganda raw dito, dahil hindi nakakulong ang mga tarsier dito at makatotohanan ang pagnood mo sa kanila. Hindi sila mukhang kawawa.

~ Sikatuna-Legazpi Blood Compact Site ~
Located at: Tagbilaran City
Ang marker na ito ay matatagpuan malapit sa Baclayon Church. Dito makikita ang tableau ng mga lifesize statues depicting the blood compact event between Miguel Lopez de Legazpi of Spain and Datu Sikatuna of Bohol. Parang pinagpipiknikan lang nila ang mixed blood juice sa tabing-dagat. Mula rin sa site na ito, matatanaw ang Panglao at Balicasag Island.
Kumpadres having a good time sipping every drop of their blood. (Bampira lang teh?)
Isa lang ang tanong ko hanggang ngayon. Kung si Legazpi ay Kastila, habang si Sikatuna ay Pinoy at ininom nila ang pinaghalong dugo nila, does it make them dual citizen?... Chooot.

~ Python Sanctuary ~
Located at: Albur, Bohol
Entrance fee: Php 20 (as of April 2012)
Teh: Here, Prony... Prony... ^_^
Prony: Hmpft! Busog me. DND.
Here we met Prony the Python and her housemates. That's right, isa siyang female python. Other facts about Prony the Python are, one, on the date na nahuli siya, which is October 21, 1996, nasa 5 ft. ang haba niya habang 5 kilos naman ang kanyang weight. Noong 2005, nang muling sinukatan si Prony, nasa 200 kilos na ang kanyang bigat habang nasa 23 feet naman na ang kanyang haba. At dahil 2012 na namin siya nakita, malamang ay mas mahaba at mas mabigat na ulit siya kaysa noong 2005. Nakakatuwa dahil trained si Prony na hindi manakit ng mga hindi nang-aano sa kanya. In fact, nakapasok kami sa loob ng cage niya para maka-picture siya. 'Yun nga lang, bagong kain siya the previous day ng pagbisita namin sa kanya kaya hindi ko siya na-hug... :( 'Pag busog kasi ang mga python, ayaw nilang magpahawak. Kundi, wala nang Teh na nagta-type ng binabasa mo ngayon.

At isa pang proof na tame si Prony is that she have a couple of edible housemates na never niyang naisipang kainin. ^_^ 
Housemate # 2: Another aviary pal of Prony
Housemate # 1: Eagle.
Posing like a boss.

Housemate # 3: Kamukamu the Monkey
























By the way, special thanks kay Teh Michael V. (look-alike ni beki) para sa mga information na na-gather namin about his/her alaga... :)

~ Butterfly Farm ~
Located at: Loboc, Bohol
Entrance fee: Php 30 (as of April 2012)
Sa dinami-dami ng Butterfly Farm sa Bohol, sa Loboc kami dinala nina Kuya Jake and Ate Nice. They recommend this farm in Loboc dahil para sa kanila, ito ang pinakamagandang butterfly farm sa Bohol. And I think they are right, though ito lang ang napuntahan ko.

A group of eating caterpillars.
Wouldn't it be nice if you can touch the no-itch higads? Pero may kasalanan ako sa yellow caterpillar na ito. Kaka-pose ko kasama siya, nalaglag siya. At ayon sa aming guide, nabalian lang naman siya ng backbone... >_< I'm so sorry! >_<
Sorry for hurting you... :(















Metapod? Kakuna?



Hindi lang caterpillars ang ipapakita sa iyo. Siyempre, pupuwede ba namang hindi natin makita ang cocoon form ng butterflies? No touch na nga lang at this point.







Wanted: Teh hiding behind the framed butterflies.
(Want ka ba no'n?)


To your left, Teh holds a preserved butterfly couple with the longest life span among all species of butterflies. (Ina-assume ko lang na couple sila, hehe.) Ang mga butterflies na ito ay nabuhay ng 2 months at most. In an average kasi, between 3 weeks to 2 months ang normal life span ng mga paru-paro. Kaya medyo malungkot ako para sa kanila dahil they are beautiful yet life is tooooooo short for them... :'(

Moment ni Teh sa wooden bridge
Nasa bahay kubo ba ako?


Pagkatapos ng Butterfly 101 discussion, dinala kami ng guide sa butterfly sanctuary. Para makarating doon, kinakailangang tawirin ang wooden bridge na pinag-moment-tan ni Teh at pumasok sa enchanted entrance ng sanctuary.







At ito ang bumungad sa amin ~ mating butterflies! Hahaha! :D
Do not disturb!~~~ ♥ ♥ ♥
Butterfly ♥ Teh...

Nakakatuwa, dahil ang daming butterflies sa loob. At ewan ko kung dahil ba maasim lang or parang hindi naligo si Teh, pero hindi ako iniwan ng butterfly na nasa balikat ko. Matapos niyang gapangan ang mukha ko mula baba hanggang noo, at papuntang likuran hanggang sa balikat. Love na niya ako. Ayaw na niyang mawalay sa akin. Ngunit kailangan ko nang lisanin ang kanilang tahanan... Paalam sa 'yo, butterfly friend... (Oo! Friends lang tayo!)
Evolution of Teh:
From Human Teh to Butterfly Teh.





Bago kami tuluyang umalis ng Butterfly Farm, nagpanggap muna sina Teh and friends as mutated human butterflies. Paano? May glass case na nakasabit sa gitna ng lobby ng farm na may mga preserved butterflies. Pumunta sa malayo, tumalikod, and the photographer will do the angling. :)








~ Hanging Bridges ~
Located at: Sevilla-Loboc, Bohol
Entrance fee: Php 10 (as of April 2012)
Para makita ang Loboc River upstream, bisitahin ang hanging bridges na ito. Bukod sa river view at sa hilong nadama habang tinatawid ang bridges back and forth, ang naaalala ko rito ay ang mga nagkukumpuni ng mga sirang bahagi ng bridge. Saludo ako sa kanila, dahil sa bawat pukpok nila ng martilyo, kalaban nila ang hilo at kamalasang mapako nila ang mga kamay sa nire-repair. :|
♫ Hanging bridge is falling down ♫
♫ My first lady ♫ 
Also a great place to unwind and have drama moments... :D

~ Manmade Forest (Along the Highway Only) ~
Located at: Loboc-Bilar, Bohol
Just go a bit north from Loboc until makita mo ang mga hundred-year old colossal mangrove trees na ito. Due to our limited time, huminto na lang kami sa tabi ng highway (puwede ring sa gitna kami huminto)... Pero meron talagang lilikuan papunta sa looban ng manmade forest with reception area. No info on its entrance fee kasi nga 'di na kami pumunta roon. (Churi!)
Warning: Deep forest. Stay vigilant.
Ideal for forest-themed photoshoot. Ingat lang sa mga fast vehicles. ;)

~ The Yummy Chocolate Hills ~
Located at: Carmen, Bohol
Entrance fee: Php 50 (as of April 2012)
Ah, finally. The main event... (Aminin!)... What makes Bohol distinct from other Philippine tourist attractions? Definitely, Chocolate Hills ang kasagutan. Don't you dare miss this spot... :)
East? Or West?
Generally, these hills are brown kapag tag-araw, at nagiging green sila tuwing sasapit ang rainy season. Logical naman, dahil 'pag tag-araw, medyo tuyot ang lupa habang 'pag tag-ulan naman, malumot ang lupa at madaling tumubo ang mga damo. Also, ang area of concentration ng 1200++ hills ay nasa Sagbayan, Danao at Carmen municipalities.
Wish ko lang na puwede silang kurutin at kainin. *drool*
By the way, bago mo ma-view ang magnificent Chocolate Hills, kinakailangang akyatin ang 214-baby steps paakyat sa observation deck. Kaya siya nakakapagod dahil ang liliit ng hahakbanging mga baitang. Well, sulit naman ang pag-akyat dahil sa view sa itaas na hindi mo dapat palampasin. :)
The Liberty Bell - your wishing bell...
Nostalgic...
























Sa viewdeck, may makikita ring wishing well na may bell doon. At iyon ay tinawag na Liberty Bell na hindi ko alam kung sa bell o sa well magwi-wish...
Almost sunset. Makes me feel alive...



Almost sundown na habang kami ay pabalik sa baba kung kaya't natuwa kami, mga Teh, sa hindi na gaanong nakasisilaw at mainit na sikat ng araw...







Pansin ninyo? Umuusok na balat ni Teh. >:(






At bago kami nakabalik nang tuluyan mula sa viewdeck, dumaan kami sa grotto na ito upang magdasal saglit...











~ The Shiphaus ~
Located at: Batuan, Bohol
Entrance fee: Php 30 (as of April 2012)
Last stop, and probably the last attraction na binisita ni Teh sa Bohol - the Shiphaus. Mabuti na lang at naabutan namin ang 6PM, dahil hanggang 6PM lang bukas ang Shiphaus for visitors. At mabuti na lang din, mabait din ang receptionist nila.
Ship? Or House? = Shiphaus! (Nge?!)
Koi Pond, outside the Shiphaus.




At tuwang-tuwa naman si Teh sa Koi Pond. Pangarap ko kasing mag-alaga nito. Pero 'wag na lang. Baka mamatay lang sa bahay. Mahal pa naman 'yan...






Sailor caps, anyone? :)





Nakakatuwa, dahil pupuwede kang humiram at magsuot ng sailor cap habang nagtu-tour ka sa loob ng Shiphaus. Basta pagkatapos gamitin, ibalik nang maayos sa pinagkunan. :)








A warm welcome by the aquarium.






It's like a residential house sa unang tingin. A house with an aquarium, master's bedroom, dining area, and other essential parts of a typical house.
Master's bedroom?















The dining area...

















Ang kwarto ng may kwarto. Sorry na! >_<


Actually, nakakapag-accommodate ng lodging guests ang Shiphaus. Paano ko nalaman? Dahil sa single bedroom na ito. Sa sobrang pagpi-picture ko sa bawat sulok na ma-explore ko rito, aksidente kong napasok ang kwarto ng may kwarto... :| Mabuti na lang, at wala 'yung lodger kung kaya't hindi masyadong nakakahiya. Hihi! :D


I'm aTeh, the Sailor Woman! :D





Okay so matapos ang kahihiyan ni Teh, sinamahan kami ni Teh Guide/Receptionist (2-in-1, siya na!) sa taas ng Shiphaus. Doon ay nagpaka-sailor woman kaming mga teh sa manebela ng barko.






The collection room... :)





Of course, we had the opportunity to see the photo of the owner of the house, the Retired Captain Gaudencio Dumapias, alongside with his sea-related photos and other collection. Bongga lang sa luwag ang room na ito. :)






And finally, sa labas ng 3rd floor (as far as I remember, it is on the 3rd), we were able to experience seafaring. ('Wag nga lang tumingin sa highway dahil maaalala mong wala ka talaga sa dagat. :|) At ang experience na ito ay enhanced by our sailor hats... ^_^
The topmost deck of the Shiphaus.
Below is the closed souvenir shop...
Ang mga nangangarap na Teh...
Ang last adventure day ni Teh sa Bohol ay tapos na. Pero paano namin na-survive ang mga excruciating tours and activities namin? Sa next post ni Teh: Bohol Food Trip! Stay hungry... :)

Special thanks to J.C.I. Photography and Prime Asia Handicraft for sponsoring our Bohol adventures. :)

No comments:

Post a Comment