Upang simulan ang aming countryside tour, binisita nina Teh and friends ang dalawa sa mga sikat na simbahan sa Bohol - ang Our Lady of Assumption Church at ang Our Lady of Immaculate Conception Church.
~ Church 1: Our Lady of Assumption Church ~
Located at: Dauis, Bohol
Bago naming tuluyang iniwanan ang Panglao-Dauis Island noong maghapon ng third day namin sa Bohol para mag-tour sa iba pang attractions, dumaan muna kami sa Our Lady of Assumption Church a.k.a. Dauis Church.
Very neat-looking, at lutang ang pagiging maganda ng interior nito kapag walang tao sa loob. Napaka-artistic ng mga paintings sa ceiling at maaliwalas tignan dahil sa pader nitong kulay asul at pillars na kulay puti.
Mongha sa labas ng Dauis Church. |
Dauis Church interior |
Very neat-looking, at lutang ang pagiging maganda ng interior nito kapag walang tao sa loob. Napaka-artistic ng mga paintings sa ceiling at maaliwalas tignan dahil sa pader nitong kulay asul at pillars na kulay puti.
Kung may very special sa church na ito, iyon ay ang Mama Mary's Well na nasa baba ng altar. Pinaniniwalaan kasing kaya nitong magpagaling ng kahit anong karamdaman. Kapalit ng humble donation, maaari ka nang makakuha ng tubig mula rito. :)
Aside from that, sa likuran ng church, makikita ang isolated bell tower nito. Quite a view. :)
Aside from that, sa likuran ng church, makikita ang isolated bell tower nito. Quite a view. :)
The church's bell tower |
~ Church 2: Our Lady of Immaculate Conception Church ~
Located at: Baclayon, Bohol
Better known as Baclayon Church dahil sa location nito, ang simbahang ito, sa palagay ni Teh, ang pinakasikat sa Bohol. For one reason, palagi kasi itong kasama sa mga tour itineraries ng mga guides and travel agencies.
Teh: Tao po? |
Statues of different Saints. (Part 1) |
Statues of different Saints. (Part 2) |
Sa right side ng church, before entering 'yung mismong simbahan, makikita ang mga statues ng iba't ibang Saints canonized by the Catholic Church.
The death of Christ on the hands of His Mother. |
Sa lahat naman ng statues doon, this work of art had caught my eyes. Probably the most heartbreaking scene for Christians.
Isang bahagi pa lang ito ng interior ng church - ang design sa paligid ng altar. Kung dito sa center portion na ito marami na kayong makikitang statues, meron ding 4 statues sa bawat side. So all in all around 15 different statues ang makikita ninyo sa harapan.
The Altar of Baclayon Church on a weekday... |
Generally, old-looking na talaga ang interior ng church. Well, obviously except sa mga bintana at chandeliers. :)
The church interior. |
The bell tower of Baclayon Church |
So kung ang something special ng Dauis church ay ang Mama Mary's well, ano naman ang sa Baclayon church? Well, fail lang kasi hindi ko talaga makita sa facade ng church exterior pero dito sa Baclayon church makikita ang naturally etched na muhka ni Padre Pio[1].
Actually, napakarami pang church na pupuwedeng bisitahin sa Bohol. Ang dalawang simbahan ay ilan lamang sa mga churches ng Bohol na medyo abot-tanaw ng mga turista. At least may isang simbahan ang bawat bayan sa Bohol, so imagine kung may 47 municipalities ang lalawigan na ito, at least may 47 churches sa Bohol... Wala lang, uma-analogy lang ng ganyan. Bet ko lang...
Side of Loboc Church |
Special thanks to J.C.I. Photography and Prime Asia Handicraft for sponsoring our Bohol adventures. :)
~ Trivia ni Teh ~
[1]Padre Pio - isang Italian Saint na may stigmata, na katulad sa mga pakiramdam, marka at lokasyon ng mga sugat ni Jesus Christ. (thanks Wiki)
No comments:
Post a Comment