Kriiiiiiiiiiiinggggg!!! Galit na galit akong ginising ng alarm clock. Alas-kwatro na pala. Bangon na mga teh at dalawin ang mga dolphins sa gitna ng dagat... :)
Pagkatapos ng lahat ng preparasyon at keme sa aming mga sarili, bumiyahe kami ng mga 15 minutes papunta sa tabi ng Panglao church. Doon kasi ang alam ni Kuya Jake, pinsan ni Peng, na mura ang renta sa bangka. Kung sa mala-Boracay na Alona Beach kasi, baka mala-Boracay din ang sisingilin sa amin.
Pantalan sa tabi ng Panglao church. |
Matapos ang tawaran sa mamang bangkero, kami ay pumalaot ng mga bandang 5:30AM. Sakto sa pagsikat ng araw. Suwerte lang. :)
Call this bad photography. But I struggled to catch the sunrise... (Chot!. Kumikeme lang...) |
~ Dolphin Watching ~
Mga mahigit isang oras ang itinagal ng boat ride papunta pa lang sa gitna ng dagat. Sabi ng mga kakilala kong nakapunta na rito, kailangan magaling ang bangkero sa pagtantya ng andar ng bangka habang nasa gitna ng dagat para mahanap ang mga dolphins. 'Pag na-disturb kasi sila dahil sa mga factors tulad ng ingay ng motor at excessive motion ng bangka, less likely na magpapakita sila.
Mag-jowang dolphin... ♥ |
At dahil magaling ang aming bangkero, naging super sulit ang paggising naming lahat ng maaga dahil maya't maya, may nakikita kaming group of dolphins. May mag-jowa, solo flight, at magda-dabarkads na dolphins ang nagpapakita. Nakakatuwa, lalo na pag makikita mo silang very close sa bangka ninyo. Hay kung puwede lang sana bumaba para mega join-join ako sa pagsu-swim nila. Kaso baka isipin nilang shokoy ako. =)) Well, to sum it up, morning routine nila ang tumalon-talon sa ibabaw ng dagat. Hanggang 8AM namin sila pinapanood sa kanilang morning routine... :)
Approaching Balicasag Island... |
~ Balicasag Island ~
Matapos ang dolphin watching, nagtungo naman kami sa Balicasag Island para mag-brunch, mag-pictorial at mag-bum sa white sand... :)
The white sand beach of Balicasag Island on a sunny day... :) |
On the other side of the island, makikita ang Balicasag Island Dive Resort. Mga 15-minute walk from our picnic site. Nakakatawa lang, kasi may entrance fee pala ang resort na ito. Sakto noong sinita na kami ng guard, nakarami na kami ng picture. Eh 'di umalis na rin kami. Hehehe...
Hindi ba obvious kung nasa'n kami? :P |
Watapeys Teh... :| |
At habang iniihaw pa ang aming almusal, nagpunta muna kami sa fish sanctuary upang mag-snorkel. Hindi lang talaga ako makapag-concentrate dahil natatanggal ang lifevest ko. :|
Where the sea meets the ocean... |
Nakaka-amaze lang dahil that time, first time kong makakita ng boundary ng mababaw at malalim na bahagi ng dagat... medyo nalula ako nang konti. :S
Spot the fishes and count them. (10pts.) |
Pagbaba namin, marami-rami pang fish. Pero habang tumatagal, dahil dumadami na ang tao sa ibabaw, unti-unti silang nababawasan. Siguro kasi, na-disturb na sila kaya nagmeryenda na lang sila sa ilalim ng dagat...
Snorkel equipment for rent... Pili na kayo! :) |
By the way, kung walang baong pang-snorkel, pupuwede namang mag-rent sa stall na ito malapit sa mga picnic tables at souvenir shops. :)
Approaching Pungtud Island... |
~ Virgin Island ~
Our next stop was Pungtud Island, a.k.a. Virgin Island. Significantly smaller kung ikukumpara sa Balicasag Island.
Notice to the public. |
Well, it is a private property pala, so you can't just mess around the island. Pero sa labas naman ng island's fence, malayang makakapag-beach bum. :)
Journey to the middle of the sea with the twins... :) |
Kakaiba ang islang ito dahil may walkable path of white sand na naka-stretch patungo sa gitna ng dagat. Going high tide na nang magpunta kami rito kaya mataas na ang tubig. Pero 'pag low tide daw, buhangin lang ang shore line na ito.
At hindi lang 'yan. Kapag napagod maglakad-lakad, puwedeng mag-refresh sa pag-inom ng buko na tinitinda along the white sand path. Kaso mas mahal ng Php 10 dito kaysa sa tabing-dagat. Php 40 kasi ang price ng isang buko rito. (Kaya piniktyuran na lang namin si kuyang mambubuko. Hehe...)
Buko kayo diyan! ^_^ |
At hindi lang 'yan. Kapag napagod maglakad-lakad, puwedeng mag-refresh sa pag-inom ng buko na tinitinda along the white sand path. Kaso mas mahal ng Php 10 dito kaysa sa tabing-dagat. Php 40 kasi ang price ng isang buko rito. (Kaya piniktyuran na lang namin si kuyang mambubuko. Hehe...)
Welcome! Welcome... |
~ Bohol Bee Farm ~
Matapos ang island hopping, binisita namin ang famous bee farm ng Bohol, also found at Panglao Island.
Indoor pool of bee farm... |
Here, you can see an indoor pool (na wala atang nagsu-swimming), plants, plants, plants everywhere and of course, the beehives... :)
Plants for sale! :) |
For only Php 30, maaaring mag-avail ng guided tour around the bee farm.
Plants for sale din! |
Teh: Uhm kuya? Puwede pong pakikuha na po itong hawak ko? :S |
And now, for the main attraction... up close and personal with the buzzzy bees! :) Isa sa mga hindi mo dapat ma-miss ang maka-picture ang isang colony ng bees. Hindi naman nakakatakot, basta ingatan mo lang na 'wag mabagsak 'yung hawak mo. And kung ma-sting man ng bees, okay lang. In fact, baka mapagaling nito ang mga sakit-sakit mo sa katawan at sa buhay. :D
During the tour, mabibisita mo rin ang Crafts and Livelihood section ng Bee Farm. May naghahabi ng tela, gumagawa ng sandals, paintings at kung anu-ano pang produkto ng sining na maiisip mo. Bigtime sa dami ng neggie[1] rito! :)
The busy artisans of the bee farm... :) |
After the tour, ang haharap sa inyo ay ang one-stop organic shop. May baked products, ice cream and others na pupuwedeng iuwi as pasalubong. At kung mabibitin naman, maaaring umorder sa bee farm online ng mga products na ito. (Well, except for the ice cream and other perishables.) Just click here for more details... :)
Knock-knock baker? |
Teh: Pabili pong ice cream! :) |
Welcome! Welcome... |
~ Hinagdanan Cave ~
Ang katangi-tanging caving activity that we had in Bohol was during our visit to Hinagdanan Cave.
Mga batas at paalala sa pagbisita ng cave. |
To preserve its beauty and para na rin sa safety ng visitors, bubungad sa inyo ang mga rules and reminders upon entering the cave.
Nadulas-dulas man si Teh, makababa lamang sa cave na ito, okay lang. Dahil bibilib ka naman sa mga stalactites and stalagmites na makikita sa loob nito.
Hindi gaanong malalim ang cave na ito at may hawakan naman sa mga gilid ng hagdan na pupuwedeng kapitan kaya keri lang ang dulas ng cave floor. :)
At kung habang nasa loob, rainforest ang feeling mo sa paligid mo, nagkakamali ka. Dahil kung hindi galing sa humidity, galing sa paniki ang mga droplets ng liquid ang nararamdaman. Ikaw na lang bahalang mag-conclude kung ano ang "liquid" na iyon. Hehehe... X(
~ Nova Shell Museum ~
She sells seashells by the seashore. 'Yan ang tongue twister na naaalala ko tuwing nakakakita ako ng mga pearly shells.
Ate Guide discussing about shells... |
Pero walang connection ang tongue twister at pearly shell sa aming activities inside the museum. Owned by Mr. Quirino Hora, ito ay binuksan para sa mga turista to showcase his extensive collection of shells.
Isang portion pa lang 'yan. May dalawang sections pa. ;) |
Big shells, small shells. Tiny shells na kailangang gamitan ng magnifying glass. Rare shells. Name it, they have it! :)
See the golden kulangot? That's Emperor Hirohito shell. :) |
Sa lahat ng shells na nakita namin dito, ang Emperor Hirohito ang masasabing greatest asset ng museum na ito dahil it is considered as one of the rarest shells in the world. At aabutin lang naman ng hundreds of thousands ang price nito kapag pina-auction ito. Siya na ang saksakan ng mahal... o_O
Fast facts about Hirohito Shell |
Teh: Hello? |
At hindi rin nawala ang pangungulit namin sa mga shell. Puwedeng gawing mala-earphone ang malaking hollow shell na hawak ni Teh (na hindi ko na naman natandaan ang pangalan) upang marinig ang tinig ng dagat... The peaceful and serene sound of the waves... ~_~
~ After Sunset at Alona Beach ~
Dahil masyado kaming nag-enjoy sa Nova Shell, nakalubog na ang araw pagdating namin sa Alona Beach... (Awww, sad.) Pero okay lang, kahit konting rays ng araw, may naabutan kami. Salamat sa tripod ni Kuya Jake and his lessons and quick tips in photography. :)
A fragment of sunset... Aww... :( |
We were lucky as well to catch the kids do the fire dance. Salamat ulit sa lessons ni Kuya Jake, nakunan ko ang pagsasayaw ng batang ito. At dahil tuwang-tuwa kami, nilapitan kami ng kasamang fire dancer ng batang ito at humingi ng bills. Mabuti na lang, may barya si Ate Nice (wife ni Kuya Jake). May bayad pala ang pagnood. Hahaha... X_X
Firedancin' or burnin' kid after sundown?.. @_@ |
It has been a long and tiring but fun attraction hopping in Panglao. Time to go home and recharge for the next day... :)
To kick off the Countryside Adventures of Teh, ating bisitahin ang dalawa sa mga simbahan sa Bohol. Visita Iglesia, up next! :)
Thanks to the following people who helped us during our Day 2 tour:
1. Kuya bangkero based near Panglao church (no name and contact number... :()
2. Teh guide sa Nova Shell for sharing her knowledge on shells (no name and contact number as well... :()
1. Kuya bangkero based near Panglao church (no name and contact number... :()
2. Teh guide sa Nova Shell for sharing her knowledge on shells (no name and contact number as well... :()
Special thanks to J.C.I. Photography and Prime Asia Handicraft for sponsoring our Bohol adventures. :)
~ Vocabulary ni Teh ~
[1]Neggie - Negosyo
[2]Ignore - Ignorante
No comments:
Post a Comment