Thursday, June 28, 2012

Bohol Food Trip 101

Like Teh always emphasizes, hindi masaya ang adventures kapag walang kainan. :) At siyempre 'pag pagod, siguradong gutom. Kaya halina at matakam sa mga nag-refill ng energy nina Teh and friends during the Bohol adventures...

~ Food Trip # 1: Carinderia in Tubigon ~
Located at: Tubigon (duh?)
Visited on: Day 1 - Lunch 
Sa tapat ng Tubigon Public Market makikita ang kainang ito. Dahil wala siyang pangalang nakapaskil sa labas ng karinderya, in-assume ko na lang na ang name niya ay Carinderia in Tubigon. :))

Ulam: Yummy Pork Pata and Bistek ^_^
Food: ✰✰✰
Average ang taste, pero satisfied naman kami sa kinain. :)

Ambiance: ✰✰✰ 
Just right. And more importantly, malinis dito.
Value for Money:  ✰✰✰✰
Against what you pay, sulit ang pagkain mo sa lasa nito. :)
Cost:  ✰✰✰✰✰
Definitely mabubusog ka dahil mura ang pagkain dito. Kahit mag-N orders ka ng kanin. As expected from karinderya. ;)
Hospitality:  ✰✰✰✰
In advance, binigyan kami ng pitsel ng tubig with baso before eating. No delayed or nalimutang orders as well. :D

~ Food Trip # 2: Acacia de Bubu ~
Located at: Tagbilaran City
Visited on: Day 1 - Dinner
Kung ihaw-ihaw ang bet ulamin, sugod na sa Acacia de Bubu. Sa sobrang gutom, nakalimutan ni Teh na picture-ran ang kinain. Inihaw na isaw, tenga ng baboy, balun-balunan, chicken at barbeque. Craving for grilled? They got them all. (Except for dugo, atay lang 'yung nakita nina Teh noong kumain sila...) Wala mang picture na baon si Teh, 'wag malumbay dahil madali lang hanapin ito sa Tagbilaran City. Sikat kasi ang grill restaurant na ito, na kahit ang mga foreigners, dito nagda-dine out. At isa pa, may landmark ito. And guess what, Acacia tree ang landmark nito. (Haller?) :)
Food: ✰✰✰✰
Kasalanan ito ng isaw at sili kung bakit ang dami kong nakain. Sumakit tuloy tuhod ko. :|

Ambiance: ✰✰✰ 
Malinis ang place, and hindi siya mausok for a grill resto. 

Value for Money:  ✰✰✰✰
Sulit dahil sa ilang piraso lang ng isaw at isang cup ng kanin, masa-satisfy na ang craving mo sa mga masasarap na bawal. ;)
Cost:  ✰✰✰✰
Mura rin ang pagkain dito, slightly expensive lang than a typical karinderya. So order lang ng order, 'wag kayong mahihiya. :)
Hospitality:  ✰✰✰
Okay naman ang service kahit medyo may katagalan ang waiting time para sa pinaihaw. Hindi kasi half-cooked ang mga inihaw kaya matatagalan talaga. But anyway, they will provide you calamansi, toyo, suka at sili upon special request for a better inihaw experience... :D

~ Food Trip # 3: Seafood and Karne Galore ~
Picnicked at: Balicasag Island
Picnicked on: Day 2 - Brunch
The sumptuous Kilawin. Fresh sashimi of ??? fish. 


During Day 1 after dinner, before kami umuwi sa tinutuluyan namin, namalengke muna kami sa isang talipapa sa Tagbilaran City. At dahil gabi na, bagsak-presyo na ang mga isda at iba pang seafoods. Ang napakalaking isda na hindi ko alam kung ano ay nakuha namin ng Php300. Siguro nasa 3-4 kilos 'yun. Habang ang pusit bisaya naman, nakuha namin ng Php180 per 1.25 kilo. Bonus 'yung extra 1/4 kilo. :)
Peborit ni Teh: Inihaw na Pusit! ^_^






Sabihin mang napagpilian na iyon, sariwa pa rin dahil within the day lang nahuli ang mga isda. Hindi ko lang alam sa pusit, pero hindi naman sumakit ang tiyan namin sa kilawin at inihaw na pusit. Salamat kay Ate Nice for preparing these for our Day 2 brunch... Winner! ^_^






Bukod sa seafoods, nag-ihaw din si Ate, kasama ang mga bangkero namin, ng liempo. Yummy! :)
Liempong babe. Yum! :)
Never pa akong hindi nag-enjoy talaga sa picnics by the beach. The sea itself creates a great ambiance while eating... Chot! :))

~ Food Trip # 4: Fresh Sea Urchins and Heart(?) Shell ~
Caught at: Pungtod Island
Caught on: Day 2 - Afternoon
Pagdaong namin sa pampang ng Virgin Island, may mga sumalubong sa aming mga tindero ng sea urchin. Eh ako naman si matakaw, natuwa kasi Php 10 lang per sea urchin, which is maraming laman. (At kung wala o sobrang konti man ng laman, papalitan iyon ni Kuya.) Paano naman kasi, sa mga Japanese restaurants dito sa Manila, mahal ang sea urchin or 'yung tinatawag na Uni. With free suka with bagoong and spoon rental. :D 

At nang makita iyon ng isa sa aming mga bangkero, kahit hindi kami nag-request, kusang-loob niya kaming ipinaghuli ng maraming, maraming sea urchin. Kaya ang mga sumunod na kain namin ng sea urchin ay libre na. Hehe! ^_^
Heart-shaped shell. Nom, nom, nom...
Live catch ni Kuya Bangkero.
Pakasawa raw kami, hehe.
Thank you po! ^_^















Maraming salamat kay kuyang bangkero na humuli ng sangkatutak na sea urchin at heart-shaped shells para makain namin ng fresh! Nag-enjoy kami sa pagkain ng sariwang lamang dagat. ^_^

Teh: Akin 'to! >:(
Friend ni Teh:
Touch move! Binigay mo na eh! >_<


~ Food Trip # 5: Buzzz Cafe ~
Located at: Bohol Bee Farm, Panglao Island
Visited on: Day 2 - Afternoon
Organic Ice Cream? Organic bread? Basta organic? Nandito lahat 'yan sa Buzzz Cafe. After touring around the bee farm, nagmeryenda kami ng malunggay ice cream. Must try talaga! :) Tastes like pistachio ice cream. Hindi mapait. In fact, matamis ito. Yum, yum! ^_^ By the way, may branch din sila sa Loboc... :)


~ Food Trip # 6: Loboc River Cruise ~
Located at: Loboc (duh?)
Visited on: Day 3 - Lunch
Hungry and busy people purchasing cruise tickets.



Eat-all-you-can ba ang bet mong kainan? Sugod na sa Loboc at mamili sa mga available na river cruises na kakainan ng eat-all-you-can. :) Well, so far, apat na restaurants ang nakita ko. Pinili namin 'yung pangalawa, which is the Long River Cruise Floating Resto, dahil 'yun ang malapit sa oras ng dating namin.


One cruise...





Habang naghihintay, magsawa muna kayo sa view ng gilid ng Loboc Church at bridge over the calm river at magbilang ng mga dumadaang cruises. Paramihan ng mabibilang para malibang at malimutan ang gutom. :)




Memorizing the bridge. :|



















At sa wakas, dumating na rin ang sundo naming restaurant. Hop aboard! (Dali!) :)
Teh: Ayan na!!! ^_^
Pero siyempre, bago kumain, nag-moment muna si Teh sa cruise, habang hindi pa ito nakakaalis...
Gutom na pero nakuha pang mag-moment. :|
Unveiling the plates of Teh and friends! Hindi kami gutom, promise... :D
Finally!~~~ ^_^
The buffet table.
Refills on its own.
(Gulat ka 'no?)

So kain, kain, kain. Busy sobra sa pagkain sina Teh and friends. Habang kumakain, kakantahan ka ng isang singer (malamang, alangang dancer) na naggigitara to complement your river cruise dining experience... ;)

At pagdating ng dulo ng river, may natanaw kaming mini falls. 'Yun lang ang nagpatigil sa paglamon ko. Ong gondooo! At dahil diyan, ginanahan akong kumain lalo. Pagtalikod sa falls, balik ulit ang atensyon sa pagkain. At sa naaalala ko, mesa na lang namin noon ang may pagkain. Hehehe... :D
The disturbing mini falls. In Filipino: Ang istorbong munting talon. XD
Lalala~~~ ♫





Pang-aliw # 3. Bukod sa singer at sa mini falls, hihinto saglit ang cruise sa Balsa Raft na ito which says "Balsa for Livelihood". 
♫ Sayaw ate, sayaw kuya~~~ ♫









At this portion of the river, makanonood ng mini-cultural show. May sasayaw ng mga folk dance while singing at may grupo rin ng gitarista sa background para lapatan ng tugtog ang sinasayaw at kinakanta ng mga mananayaw. Please don't hesitate to give a donation... Yep, they sing and dance to gain donations for their livelihood projects. :)

Retreat...



At pagkatapos ng cultural show, bumalik na ang cruise sa port. Ibig sabihin, tama na ang kain. Awww... :( Anyways, heto na ang ratings ni Teh... :)

Food: ✰✰
Marami, abundant, unlimited. Kaya don't expect too much sa taste, lalo na ng seafood. Average taste.

Ambiance: ✰✰✰✰✰
Great place to dine at kung nature-lover ka. :) 
Approaching Loboc Port. Hungry no more... :)


Value for Money:  ✰✰✰
Sakto lang dahil medyo hindi na sariwa sa pakiramdam ang pagkain ng mga seafood. Lalo na 'yung crabs. Pero compensated ng river dining experience ang binayad mo. 'Yun 'yung binayaran mo talaga. Hehe...

Cost:  ✰✰✰
Sa halagang Php300+100=Php400, siguradong mabubusog ka. :) Pero napanganga ako sa presyo ng  8 oz. na softdrink. Php40... :| Unlimited nga ang pagkain, pero ang drinks, hindi... :( 

Hospitality:  ✰✰✰✰
Okay rin dahil 'pag nagtaas ng kamay, agad namang lalapit ang waiter/waitress to attend to your needs. :)


Bukod sa mga napag-food trip-pan nina Teh and friends, there are other places to dine at - Cafe Lawis (beside Dauis Church) and some fancy resto-bars along Alona Beach (for nightlife). 

I hope na nabusog/nagutom ko kayo sa kuwento kong ito. Till our next food trip! :)

Adventures? Check! Food trip? Check! Sa next post, samahan si Teh sa pagha-hunting ng kanyang mga pasalubong... ^_^

Special thanks to J.C.I. Photography and Prime Asia Handicraft for sponsoring our Bohol adventures. :)

No comments:

Post a Comment