Friday, June 1, 2012

Last Moments in Coron ~ Pasalubong 101 and Final Glimpse

Upang makasiguro na walang malilimutang bilhin na pasalubong, nakaugalian ko nang mamili ng pasalubong at least a day before ako bumalik sa pinanggalingan para at least kung may hindi nabili, makakabalik pa ako sa mga stores. And so, we began our souvenir hunting on Day 3, after the Sangat adventure. Then part 2 on the last day... :)

~ First stop: Coron Souvenir and Gift Shop ~
(a.k.a. Everly Garden)
Welcome to Coron Souvenir & Gift Shop!




Referred by Ate Tess ng Dive Link Resort, dito kami pumunta upang mamili ng mga pasalubong bago kami nag-dinner sa Sea Dive Restaurant and then pagkagaling namin sa Coron Harvest noong last day.






Well, perfect naman ang recommendation ni Ate Tess dahil malulula ka sa dami ng souvenir shirt designs na pupuwedeng pagpilian. :)


Medyo may kamahalan, pero maganda naman ang quality. At ayon kay kuyang taga-cashier, (ewan ko kung salestalk lang pero) sila na raw ang may best offer souvenir prices at may mga shirt designs silang monopolized. Meaning, store lang nila ang meron no'n... :)

Shopping basket ni Teh. Puro t-shirt. :))




Price range: Php 170 to 200+

Bilang praktikal na traveler, I see to it na hindi ako uuwi nang walang nabibiling shirt. May souvenir ka na, may maisusuot ka pa. :D




Summer dresses in fashion... ;)






Hindi lang souvenir shirts ang tinda rito. Gusto mong mag-beach pero walang maipangrampa? Punta na rito para mag-shopping ng summer dresses! 





But wait, there's more! Keychains, ref magnets, shells, accessories, plush toys... Name it, most likely, they have it! ;)
Teh's BFF: Uhm, hindi ako makapili... :'(
Ayun lang, 'wag mag-expect ng katamtamang presyo. Mapa-anong klase ng souvenir, may kamahalan dito. 'Yung keychain kasi, Php 40 isa. Tapos 'yung ref magnet, 'yung normal size, nasa Php 40 rin... :'( (Puwera lang sa sasabihin kong item mamaya...) Kaya panay see and touch but no buy na lang ang nagawa ni Teh sa iba pang mga klase ng souvenir items... :S




































Parrot: Twitwitwit!
(Buti hindi alam ang panget...)
At noong last day namin, nang bumalik kami dito sa souvenir shop, hindi na ako naka-resist sa talking parrot na ito. Get this for only Php 300! ^_^ Sa lahat naman kasi ng souvenir dito, ito lang ang nabili kong nasa katamtamang price, or puwede na ring i-consider na sulit. Sasama ka kay Teh, akin ka na! Bwahahaha! >:) 
Spot the Lapu-lapu farms! :D
















~ The Seafood Stores ~
Also during our last day, may mga dinaanan din kaming bilihan ng iba pang mga pasalubong na medyo malapit sa Maquinit Hot Spring. Nariyan ang mga lapu-lapu farms, kung saan ang isang kilo ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php 100 ayon kay Kuya Anton. Sayang lang at wala kaming dalang styro container na maaaring paglagyan ng isda. :( Pagbalik na lang... :)

Bukod sa Lapu-lapu farm, may mga lobster stores din along the way. Sabi ni Kuya Anton, nasa Php 450/kilo ang na-chukchak na, habang nasa Php 900 naman ang mga buhay pa. May kamahalan din. Halos ka-price lang din ng lobster dito sa Manila...

~ Coron's Cashew Nuts ~

Pupuwede ba namang mawala sa listahan ng pasalubong ang famous kasoy ng Coron? Isa sa mga sikat na tindahan ng kasoy dito ay ang Coron Harvest. Nakalulungkot nga lang dahil sobrang, saksakan ng, ubod ng mahal ng kasoy anywhere in Coron. Ayon sa aming tricycle driver (na asawa pala ni Ate Tess ng Dive Link, small world) noong Day 1, nang kami ay naghanap ng ATM at mabibilhan ng inuming tubig, nai-share niya sa amin na 'yung Php 70-worth ng kasoy ngayon ay Php 15 lang 2 years ago, so mga 2010 'yun. Ang masaklap pa niyan, walang discount ang mga local residents ng Coron. At ang mas masaklap pa niyan, hindi lang kasoy ang nagmahal sa kanilang bayan. Mapa-isda, gulay, karne. As in lahat. "Mabuti nga kayong mga turista, minsan niyo lang maranasan ang mga mahal na bilihin. Kami, araw-araw..." sambit ng tricycle driver sa amin. Ayon na rin sa ibang local residents na nakakuwentuhan ni Teh, bunga ito ng seafood and other commodity smuggling kung saan halos lahat ng supply nila ng pagkain, lalo na ng seafood, ay ibinibenta sa Manila o sa labas ng bansa at pagkatapos ay babalik sa kanilang bayan ng mas mahal. Tsk, tsk... I hope that their local government will act on this.

On the top layer:
First two - 1/2kg, middle two - 1/4 kg, last two - <1/8kg.
Okay, so balik tayo sa kasoy... Tulad nga ng nabanggit, mataas na ang presyuhan ng kasoy. As of May 2012, ito ang presyuhan ng kasoy depende sa timbang: 

  • Php 70 - less than 1/8 kilo, snack size
  • Php 175 - 1/4 kilo
  • Php 350 - 1/2 kilo
  • Php 700 - 1 kilo

Kung may isang bagay man akong hindi gaanong na-enjoy sa Coron, 'yun ay ang pasalubong hunting. As much as I wanted to pakyaw the paninda of the souvenir shops, hindi ko magawa. Dahil aside from being a poorita, I can't help but compare prices with other tourist spots katulad ng Boracay at Bohol for the keychains, at Antipolo naman para sa kasoy. Well, minsan lang naman 'to, kaya bumili na rin kami ng konti, kahit pa'no. 'Yun nga lang, dinibay-dibay[1] ko pa 'yung naka-pack na kasoy para lang magkasya among my family and my officemates. But this is the joy of sharing. No matter kahit gaano kakonti, magshi-share at magshi-share pa rin... :)

Dahil kumpleto na ang mga napamiling pasalubong, at natapos na rin lahat ng itinerary namin sa Coron, again it's time to go back to reality... :(
Ang sundo nina Teh... (Kahit hate ko sila, I've got no choice. XD)
Last glimpse of Coron...
Siyanga pala, bago ko tapusin ang kuwento ng aking Coron adventures, may mga nais akong pasalamatan. Salamat sa mga naging kaibigan ni Teh sa Coron:
Without these people, I may not be able to enjoy our tours and feel at home in Coron. Mula sa kaibuturan ng puso ni Teh, maraming salamat po! ^_^

Ito ay hindi isang pamamaalam sa Coron. Rather, I'd say, see you soon, Coron! I'll definitely miss you... Till we meet again, folks! ^_^

~ Vocabulary ni Teh: ~
[1] Dinibay-dibay - dinivide-divide 

No comments:

Post a Comment