Thursday, June 14, 2012

On Our Journey to Danao...

Salamat sa aking kaibigang si Peng, na-develop within me ang interest to visit and experience Bohol. After a couple of melodrama and chorvah, narating din namin ang Pier 1 ng Cebu. Well segue lang, bakit nga ba sa Cebu kami dumiretso instead of Tagbilaran? Wala lang, trip lang. Hahaha... Chos!



Pero seriously, kaya namin pinili mag-plane to Cebu dahil una, plano kasi naming mag-day tour sa Cebu on our last day. In addition, mas mura ang roundtrip ticket kaysa paisa-isang destination lang. Kembot lang din, kasi may mga daily trips to and from Bohol sa mga pier ng Cebu.





Dito sa Pier 1, we were able to catch the 10:30 AM trip to Bohol via fast ferry. Going to Tubigon, Bohol ang aming sinakyan, which may not be familiar to every visitor of Bohol. Mas common destination kasi ang Tagbilaran dahil mas malapit ito sa mga sikat na tourist destinations tulad ng Panglao Island at Tarsier Sanctuary sa Corella.




Public Market of Tubigon
May mga ilang advantages din naman ang pagbiyahe papuntang Tubigon instead of going directly to Tagbilaran. Una, mas maikli ang biyahe. Unlike Tagbilaran na inaabot ng 2 hours ang biyahe via fast ferry (around 4-5 hours via slow ferry), 1 hour lang ang biyahe to Tubigon (and around 2-3 hours via slow ferry). Dahil diyan, mas mura ang ticket papuntang Tubigon. Nasa Php 200 (non-aircon area) lang ang pamasahe as of April 2012. Another advantage is that, mas malapit ito sa Danao, which is our planned Day 1 destination... :)

At pagdating sa Tubigon, kung bilang turista ikaw ay maghahanap pa lang ng driver with rerentahang sasakyan, 'wag mag-alala dahil maraming sasalubong sa iyo pagdating ng pier. May rentable sedan para sa small groups and van para naman sa malalaking group. Ganito kasi ang usong tour racket sa Bohol. Kung size naman ng isang kumpanya o class na magfi-field trip, hindi ko lang alam kung saan, pero pupuwede rin mag-rent ng bus. Dahil tatlo lang kami, sedan ang inalok sa amin for Php 2000 per day. Pero sorry na lang mga kuya, may sundo po kami. :)

Tahimik at simple ang nadatnan naming munisipalidad, which somehow reminds me of my granny's hometown, Ballesteros, Cagayan... :)
It's a long and winding road to Danao, pero keri lang. All this, para sa adventure park and sa lupang sinilangan ng isang bayani... :)
Preview of Chocolate Hills...


From Tubigon, inabot din kami ng mga around 2 hours bago marating ang Municipality ng Danao. At sa labas ng Municipal Hall, tumambad sa amin ang statue ng bayaning dinadakila ng bayang iyon ~ si Francisco Dagohoy. 

Hometown niya ang Danao and siya ang pride hindi lamang ng kanilang bayan kundi maging ng buong Bohol... Well ayon sa history (and refreshing source na Wikipedia), very special si Dagohoy dahil siya lang naman mga teh ang nag-lead ng longest rebellion laban sa mga chakang Spaniards na tumagal ng 85 years... 85 years?! Meganon?! Yeah, seriously, bongga siya. And another distinction - usually kasi ang pinaghuhugutan ng revolution against Spaniards ay religion. Sa case naman ng Dagohoy revolt, ang pinaghuhugutan niya ay ang forced labor o kung maaalala ninyo sa history, ang Polo Y Servicios. Ah... 'yun pala 'yun. Never kong naalala kasi kung ano ibig sabihin no'n. Hahaha! Eh ako na mahina sa history at language chuvaness.








At matapos ang aming bonggang-bonggang tagtag forever trip to Danao, narating na rin namin ang E.A.T................... DANAO!!! :D 

Inspired by Dagohoy's heroism, isa ito sa mga lugar kung saan masusukat ang iyong katapangan... sa heights, sa sakit ng katawan, sa mga lamang-lupa na pupuwedeng sumulpot (uso?) at kung anu-ano pang katatakutan sa buhay. :)
Teh holding her katana (umbrella):
Lezzzgetitowwwnnn!!! >gameface ON<
Tip lang mga teh, bago ang lahat, dahil hindi ito inire-reveal ng E.A.T. Danao. Kung may kakilalang local resident ng Bohol, better kung sila ang ipakausap mo sa E.A.T. Danao. 'Pag referred by Boholano kasi ang mga guests, the referrer(s) will have a 10% discount privilege sa mga activities na ia-avail. Nalaman na lang namin ito pagdating doon. Hay sayang naman...

Dahil 3PM na kami nakarating at hanggang 5PM lang ang Danao Adventure Park, ito lang ang mga nagawa namin... 
Root climbing... (Go Teh! >.<)


3PM - Haggarda Versoza Excruciating Package Execution

Step 1: 500-m trekking pababa sa ilog. Malas lang at matagal na akong hindi nakakapag-jogging (well, may connection 'yun), kaya hingal na hingal si Teh bago pa ang mismong root climbing... >_<

Step 2: Root climbing. Based on experience, mas madali ang root climbing kaysa sa wall climbing dahil malalaki ang mga tapakan. Kaso lang, before ako nakapag-wall climbing, nauna ang pag-root climbing ko kung kaya't hindi ko alam ang technique/daya para less ang pagod sa pag-akyat. Sabihan lang si kuyang tagahawak ng lubid na hatakin ka 'pag feel mong umangat pero ngalay na kamay mo. :)) Ang hindi ko makalimutan dito, noong malapit na ako sa taas, saka pa nanginig ng bongga tuhod ko. Haha! X(
Rappelling... (Tension, please?!
Kung hindi, didiretso ako hanggang ibaba... @_@)



Step 3: Rappelling. Hindi ko ito first time, pero first time kong mag-rappelling nang ganito kabigat ang katawan. Kung alam ko lang, sana nagbawas muna ako ng timbang kahit konti para naman hindi ako nagmuhkang lola sa kabagalan bumaba. :))

Step 4: 500-m trekking paakyat sa reception area. Isa lang ang natandaan ko. Sa bawat 50-m na inuusad ko, exponential ang pag-increase ng aking hingal. :|


4PM - Zipline a.k.a. Suislide. First time ko rin mag-zipline at maugong ang pagdagundong ng puso ni Teh. Beating like a drum and it's coming your way... Can't you hear that boom-boroom-boom-boom-boroom-boom bass?... Na kahit anong pagpapakalma sa sarili gawin ko, wala talaga. X_X But then, ain't no turning back now... And I have to conquer my fear! :)
♫ Suislide-oh. Suislide-oh. When they say it's over... ♫ 



Pagkatapos ng Suislide, binisita namin saglit ang statue ni Dagohoy sa E.A.T. Danao for photo-ops at kulitan with him... tulad ng pakikipag-agawan ni Teh sa spear ni Dagohoy... :D

Teh: This sibat looks nice. Lemme have this sibat, will 'ya? :D

Dagohoy: Eh chop-chop my itak on your peys, you like?!

Teh: Kthanksbye! (Asim lang...) >_<




Step 1: Indian sit on the platform,
while nakatalikod sa bangin.


4:30 PM - The Plunge to Death. Ang 'wag-ako-uuwi-nang-hindi-nata-try activity sa E.A.T. Danao. Nakakaloka ang mga kasama ko. Ako raw ba paunahin dito? Sa pinakamahirap pa talaga para sa afraid of heights tulad ni Teh... Well, sige fine. Gora na lang nang matapos na. Here goes nothing! :D
Step 2: Lower your legs while the platform is also being lowered...
Step 3: Ibababa ka na ni kuya, palayo sa platform. >_<
3... 2... 1!
Enjoy the duyan and the view! ^_^
Step 4: Pagkatapos maalog ang kalamnan...
Congratttttttulations!!! :D
You survived the crucial part! :)














Step 5: Kunin ang binatong lubig.
I-clip sa harness upang maiakyat pabalik sa platform...











Sa hindi kalayuan mula sa Danao Adventure Park, you will see the Dagohoy Marker. Supposedly, sa Day 3 pa ito nakaplanong mapuntahan, but given that the sun is still up, and para mabawasan ang itinerary ng Day 3 (dahil ang dami, promise), bumaba na rin kami to pay a visit to our hero's grave...
The Dagohoy Marker during sundown... :)
Teh saluting Dagohoy's statue.
(Atteeention!)
I'm glad that I was able to push through my visit to Dagohoy's grave. Kasi feeling ko, my Bohol tour will never be complete, kahit pa makita mo ang tarsier or mapuntahan mo ang Chocolate Hills, without visiting this marker. I wish to complete this tour by paying homage to someone who helped our country gain freedom... (Chos? Meganon?...)

Seriousness aside, may nakita kaming kumpol ng fruit (na hindi namin alam kung ano) malapit sa marker. Eh since bihira kami makakita no'n, piniktyuran namin. Hehehe, babaw lang...
Sidetrip at Dagohoy Marker:
??? fruit - the fruit in season :)







At this point of my Bohol adventures, I realized na minaliit ko ang size ng Bohol Island. Malaki ang Bohol para i-tour ng basta-basta lang... Traveling back to the abode of Peng's cousin in Dauis, bumiyahe kami ng halos 4 hours. Liblib ang Danao, at malaman-laman lang namin mula sa tita ng friend ni Teh, may mga militant groups daw pala roon. O_O Anyway, we were all safe naman... (Thank you Lord! :D)

Next attraction: Panglao island! Which means... swimming time! ^_^ Up next in the Adventures of Teh! Thanks for visiting my blog... :)

Thanks to the following people who helped us during our Day 1 tour:

  • Ms. Fatima of Starcraft for securing our ferry tickets. (09223810116)
  • Ms. Wiena of Extreme Adventure Tour Danao for accommodating our activity requests. (09173021700)

Special thanks to J.C.I. Photography and Prime Asia Handicraft for sponsoring our Bohol adventures. :)

No comments:

Post a Comment