Saturday, July 21, 2012

Searching for a Home to Stay

Hello mga teh! Matapos ang mahabang pahinga, naritong muli ang inyong Teh upang kuwentuhan ng kanyang mga adventures (and misadventures)... Ngayon ay ta-tumbling tayo papuntang... Ilocos Norte! ^_^


Teh's destination: Ilocos Norte :)
Sa tingin ko, isa ito sa mga adventures ko na maituturing kong hindi ako handa. As in last minute at bahala na ang lahat. Well except sa bus ticket papunta at plane ticket paalis ng Ilocos Norte. Mas advisable kasing bumili ng ticket beforehand. Mga at least 3 days allowance ang ilaan para sa pagbili ng bus ticket dahil una sa lahat, dalawa lang ang scheduled trip to Pagudpud daily. Isang 7:30 PM at isang 9:00 PM. At tanging ang Florida bus company lang as of now ang may diretsong trip to Pagudpud, kung kaya't mas mainam magpa-reserve ng ticket. 1 to 2 months allowance naman ang ilaan para sa plane ticket. Dahil mas maaga, mas mura ang airfare. Or maganda rin kung mag-aabang ka ng promo fares. (Tulad ng ginagawa ni Teh.) ^_^

Bagong umaga... :) (Anong petsa na?)


Sa kaso namin ni nanay, 7:30 PM ang pinili naming oras ng biyahe. Well nakakapanakit-puwit lang talaga dahil inabot ng 13 hours ang biyahe namin. Sinikatan na kami ng araw at lahat, bumabiyahe pa rin kami... X_X









Finally! Natanaw na rin namin ang "Pagudpud". After 1000000000 years at mataas na ang araw. :))
Pagudpud. Dizizit!
Pagdating sa Centro, kung saan kami ibinaba ng bus, sinundo kami ni Kuya Ruben, ang asawa ni Ate Marife na contact ko sa Pagudpud. Siguro night before lang ng biyahe namin ni nanay ako naghanap ng matutuluyan sa Pagudpud. Maraming nagsasabi na mahal ang hotel or resort-based lodging doon, kung kaya't naghanap ako ng ibang alternative - ang homestay. :)
Welcome to Hannah Lou's Homestay! :)
Ate Marife's Secret:
Kangkong in Sili. ^_^
Pagdating sa bahay nila, sumalubong sa amin ang masaganang almusal na ihinanda nina Ate Marife at ng kanyang mga anak para sa amin. Ako, bilang Teh, fan ako talaga ng lutong bahay, lalo na nang matikman ko ang masasarap na luto nina Ate Marife at ng kanyang mga dalagitang anak. Pero hindi ko muna i-spoil ang mga kinain namin. (Abangan sa food trip post ni Teh. ^_^). Kung may sikretong pampasarap ng kanilang mga hain, marahil iyon ay ang kangkong na ibinabad sa sili! Puwedeng gamiting sawsawan or ala carte! :)

Matapos ang almusal ay ihinatid na kami ni Kuya Ruben sa tutuluyan naming room. Ito ang annex ng kanilang homestay.
Hannah Lou's Homestay ~ The Annex

Inside the annex...


























At naaliw naman ako sa manok na ito na busy-busyhan sa pagtuka ng kung ano. Isa ito sa mga alagang manok nila, by the way. :)
Teh: Hi, Chicken! ^_^
Manok: >snob< Busy ako Teh!
Dahil choosy ang nanay, nag-rent kami ng airconditioned room na may sariling banyo. Sulit na sa halagang Php 1500 per night, lalo na kung marami kayo. Pang-anim na tao kasi 'tong kuwarto na ito. Eh dahil dalawa lang kami ni nanay dito, kahit magtata-tumbling si Teh, keri lang! :) Pero kung hindi ka naman masyadong choosy, puwede ring mag-stay sa mga non-aircon, shared CR rooms nila sa halagang Php 250 per head per night.
The room # 1 ~ mapapatumbling ka sa lawak ng kama! :D
Abel blanket. Classic. :)

















They've got all of your needs, the Ilokano way. Siyempre present diyan ang Abel Blanket. May sabitan din ng mga caps, towels, at kung anumang bet mong isabit sa mga kawayang ito. :) 
Sabit-all-you-can! :)
Pearly shells by the ceiling.







Speaking of sabit, dahil sagana sa shells ang Pagudpud, hindi sila mawawalan ng shell decor na palamuti para sa room. 








Ang pangarap ng nanay ~ ang sariling banyo with shower and tabo! :) And other personal necessities ~shampoo, conditioner, soap and candles para sa brown out moments. :)
Private banyo. :)
Personal care for you~~~ :)














Kung ano ang pinakana-enjoy ko sa homestay, marahil iyon ay ang side stories ng mga taong kumupkop sa amin. Dahil na rin siguro pare-pareho kaming Ilokano, madali naming naka-bonding ng nanay ang pamilya Caliw-Caliw. Isang parte ng side story ay ang hindi mabilang na mga medalya ng mga anak nina Ate Marife at Kuya Ruben. Obviously their daughters and son excel in academics. What's their secret? Definitely the guidance of their parents, lalo pa't Master Teacher si Ate Marife. :)
Mga teh, count the medals! (5pts.)
Isa rin sa na-enjoy namin ni nanay ay ang pag-aalaga sa baby nila. Nalimutan ko kung pamangkin ba o pinsan siya ng mga anak ni Ate Marife. Hankyut! (Pera usog...) ^_^
Teh: Beybi~~~! ^_^
Baby: Shhh! Ingay mo teh! Zzzzz... Nom, nom, nom...
Sa lahat naman ng lugar na napag-stay-yan ko during my travels, dito ako pinakanalungkot noong paalis na kami. Maybe na-attach ako sa kanila, kahit na saglit lang ang panahong inilagi namin sa kanila. The most hospitable lodging experience ever! Iba talaga ang alagang homestay... :)
Ba-bye letter ni Teh to Hannah Lou's Homestay Guestbook. :'(
Well, yep. Nagkasakit si Ate Marife the following day ng stay namin. Kakaalaga siguro sa amin ni nanay... :(

Kaya super thankful and suwerte ko na sa kanila kami nag-stay ni nanay. Hopefully makabalik kami sa Pagudpud nang makapag-stay ulit kami sa kanila. :) Again, from the bottom of Teh's heart, mind, soul and balun-balunan, super duper thank you sa Caliw-Caliw family for their warm welcome and hospitality during our stay in Pagudpud. Teh will surely miss you all~~~! ^_^
Caliw-caliw family picture:
1st row: Henneh Dynne, Hannah Lou
2nd row: Honey Desiree, Ate Marife, Kuya Ruben, Hansley Vic

After putting down our things and changing costume. Teh and her Ma will have their adventures na! Pagod sa Pagudpud, up next! :)

For a wonderful Pagudpud homestay experience, contact Ate Marife at 09213104826 or Kuya Ruben at 09289306603. ^_^

No comments:

Post a Comment