Wednesday, July 25, 2012

Food Trip ni Teh sa Norte

I know nagutom kayong lahat sa dami ng in-explore natin. Kaya heto na ang inaabangan ng mga gutom... ang food trip ni Teh! :D
La Bonita Empanadahan.
Bringing Batac closer to Manila. :)

~ Food trip # 1: La Bonita Ilocos Empanada ~
Located at: Florida Sampaloc Terminal, Manila
Hindi pa man nakakabiyahe sina Teh and Ma pero nagsimula na silang mag-food trip! (Gutom agad? Wala pa nga eh...) Dito pa lang, matitikman niyo na ang empanada ng Ilocos, sa halagang Php 30?. To be specific, Batac Empanada style ang niluluto nila rito. Samahan pa ito ng Sukang Iloko while munching. Yum!!! :D


Lugaw is ♥! :D



~ Food trip # 2: Lugawan along the way ~
Located at: Capaz, Tarlac and Bantay, Ilocos Sur
Dahil may dalawang stopover ang bus na sinakyan namin, sa mga nabanggit na lugar kami nakapaglugaw. Sa halagang Php 30 per order, maiibsan ang gutom at lamig na nadarama habang nasa mahabang biyahe. To add more flavor, savor it with toyo and suka! :)



Stopover sa Bantay:
Sowwwsyahl lugaw restaurant.















~ Food trip # 3: Ate Marife's Lutong Bahay ~
Located at: Hannah Lou's Homestay, Pagudpud, Ilocos Norte
Lutong bahay ba ang trip mo tulad ni Teh? Aba'y sugod na sa bahay ni Ate Marife! At kung nakatira ka pa sa homestay nila, just add Php 50 per meal, per head. Sulit na sulit! :)
Day 1 Breakfast:
Pagudpud Longganisa, Sunny-side Up, 
Fried Fish and Saluyot Tempura :) 





At dahil nagustuhan ko ang Saluyot Tempura, nagpaluto ulit si Teh for dinner...
Day 1 Dinner:
Laing, Ensaladang Talong at Saluyot Tempura II... :)













Kahit nagkasakit si Ate Marife, nandiyan pa rin ang mga daughters niya upang ipagluto kami. Masarap din sila magluto, lalo na ang naturally-blended at sariwang Sinigang na Isda! :D
Day 2 Breakfast:
Pritong fresh fish with Sili, Kamatis and Onion and Sinigang na Fish... :)
One phrase/slogan for the restaurant: The Best Lutong Bahay ever in Pagudpud! :D

Buko Juice kayo diyan! :D
~ Food trip # 4: Bukohan sa Kabigan ~
Located at: Kabigan Falls Trail, Pagudpud, Ilocos Norte
Tired and thirsty? Or hungry? Buko lang ang katapat niyan!
Nom nom nom... Fresh buko! :)
Welcome, welcome! :)



~ Food trip # 5: Palutuan sa Balaoi ~
Located at: Balaoi, Pagudpud, Ilocos Norte
Lutong bahay pa rin! During our Northbound tour, dito kami inabutan ng tanghaling gutom kaya dito na kami nag-lunch.




Facing the Blue Lagoon... ;)








Downside, mahal ang pagkain dito. :|








Upside is that matatanaw mo naman ang Blue Lagoon habang kumakain. At siyempre, masarap din ang luto rito. :)
Day 1 Lunch:
Sinigang na Lapu-lapu at Liempo. Nom! :D

~ Food trip # 6: Jhonfel's Restaurant ~
Located at: Burgos-Bangui, Ilocos Norte
Lutong bahay din along the highway. Dito naman kami inabutan ng gutom during Day 2 lunch... :)

Lunch break at Jhonfel's











Day 2 Lunch:
Labong ('di ko alam ang Tagalog nito), Fried Native Chicken
and Pritong Tilapia. With free banana and sabaw. :)
























Kung bet mo namang mag-dessert ng native delicasies, nandiyan ang Cassava at Royal Bibingka na kanila ring itinitinda. The must-try Ilocos pastries! :)
Bili na po kayo! Bagong lutong Cassava at Bibingka! :D
~ Food trip # 7: Meryendahan sa Kapurpurawan Rocks ~
Located at: Burgos, Ilocos Norte
Magpalamig at mag-chill pagkatapos maglakad sa arawan dito sa tambayan malapit sa Kapurpurawan Rock Formation! Makakakuwentuhan mo pa ang Tourism Officer dito na si Kuya Jandee, who happens to be a gayyem[1] of Kuya Ruben. :)
Meryenda and chill time muna mga teh! :)
~ Food trip # 8: Red Dragonfruit sa REFMAD Farms ~
Located at: Burgos, Ilocos Norte
Health conscious ka ba? If yes, sigurado akong magugustuhan mong mag-food trip dito!
Serving Dragonfruit anytime you like! :)



Medyo may kamahalan ang isang order ng Dragonfruit noong nagpunta kami rito dahil hindi harvest time. Ang isang order during off-season ay Php 150.
Must-try! Dragonfruit ice cream! Yum! :)









Napakaraming health benefits ng Dragonfruit dahil isa itong antioxidant and it lowers the risk of having cancer. Ice cream, lumpia, chips at kung ano mang form nito ang bet mong makain, meron dito sa REFMAD Farms! ;)




Welcome, welcome! :)


~ Food trip # 9: 
Batac Riverside Empanada ~
Located at: Batac, Ilocos Norte
Huwag kalimutang mag-empanada while in Ilocos Norte dahil isa ito sa mga specialty dito. Matatagpuan ito few steps away from the Marcos Museum kaya pagkatapos dalawin si Apu Marcos, mag-food trip dito! :)

My lunch during Day 3 tour:
Special Empanada without egg. :)



Depende sa trip mong contents ng empanada, nagre-range between Php 30 up to Php 60 ang price ng empanada. Mas maraming contents, mas mahal. Maaaring may iba sa inyong nais magtanong kung ano ang difference ng Batac empanada at Vigan empanada? Medyo simple ang sagot. Una, 'yung wrapper ng Batac empanada ay orange habang light brown naman ang sa Vigan. Pangalawa, 'yung gulay na kasama sa Batac empanada ay mongo sprout, habang ang sa Vigan naman ay cabbage na hinaluan ng itlog. At pangatlo, 'yung sukang hinahalo sa Batac ay may halong Basi[2] habang sa Vigan naman ay pure Sukang Iloko. :)
Lunch ni Ma and ni Bro:
Pakbet, Adobo and Igado




Bukod sa empanada, maaari rin namang mag-lunch ng mga authentic Ilokano dishes dito like Pakbet, Adobo at Igado. :)










Dahil tabing-ilog ito, mas pinupuntahan ito at night ng mga local residents ng Norte, ayon kay Bro. :)
The riverside... :)

Adik sa fries.
Alam na kung bakit shubalence si Teh. :))





~ Food trip # 10: Fastfood Chain ~
Located at: Laoag City, Ilocos Norte
Ewan ko sa amin ng nanay ko kung bakit, pero naglihi kami pareho ng fastfood habang nasa Laoag kami. At sa pag-aakalang mas makakamura kami sa fastfood... :)













Day 2 Dinner:
Spicy Squid Meal with hot tea... :)



~ Food trip # 11: La Elliana Hotel's Restaurant ~
Located at: Laoag City, Ilocos Norte









Day 4 Breakfast: Tapsilog! ^_^





Bukod sa room rate, may mga budget rice meals din sila sa kanilang restaurant. Sobra-sobra pa ang Php 100 mo dahil all rice meals come with free drink of your choice... Kailangan pa ba naming lumayo para makatipid? Definitely, no need! :)







Meron din silang Longsilog and other typical breakfast combos for you! At sa hotel lobby naman, kung nagke-crave ng ice cream, hindi mo na kailangang maghanap ng convenience store! Meron din sila rito. Side story lang, medyo nawirduhan ako kay Ma dahil bumabagyo noong kumain siya ng ice cream. Wala lang... :))
Kling-kling-klinggg! Ice cream!!! :)
Kung mapapansin ninyo, hindi ninyo kami nakitaan ng Bagnet o Longganisa sa hapag. Maraming kainan ditong naghahain ng mga ito, pero I would recommend to buy na lang raw Bagnet or Longganisa sa market. Kasi may kamahalan ang mga dishes na ito kapag sa restaurant o karinderya tumikim dahil ito ang mga bestseller ng Ilocos food industry... (Abangan ninyo ito sa Pasalubong 101 post ni Teh. ^_^) Tutal, prito lang naman ang luto sa kanila. ;)

Sana ay muli kong nabusog ang inyong mga mata at napakalam ang inyong mga tiyan sa mga pagkaing bumusog kina Teh and Ma sa Norte... ^_^

Pagkatapos kumain, pasalubong naman ang hahanapin ni Teh sa kanyang next adventure. Salamat sa pagsubaybay ng Ilocos Norte Adventures ni Teh! :)

No comments:

Post a Comment