Dati dinadaan-daanan lang ito ni Teh. Ngayon, dizizit! An in-depth tour sa Pagudpud... :)
Welcome, welcome! :) |
Sakay na then gorabels! :D |
Tara na at vava~vrooooooommm!!! Explore Pagudpud with Teh... :)
Hats, anyone? |
Bukod sa homestay, nag-o-offer din ng Pagudpud North and South Tour sina Kuya Ruben at Ate Marife. With free hat rental of your choice... :)
Tour Packages offered by Kuya Ruben. |
Tour freebies ~ candies and natural freshener! |
Pero bago tayo gumora, orient ko muna kayo sa difference ng "Northbound" at "Southbound" Tour. Kapag sinabing Northbound Tour, exclusive Pagudpud tour ang gagawin ninyo. Kapag Southbound Tour naman, mga attractions na matatagpuan sa South ng Pagudpud ang inyong bibisitahin, specifically sa mga bayan ng Bangui at Burgos. Php 600 per tour, and good for 2-3 persons only dahil tricycle ang transpo ninyo. At dahil dalawa lang kami ni nanay, praktikal ang choice na ito para sa amin. :)
May libre pang candies and ilang-ilang freshener na kasama sa tour. ^_^
And say hi to our tour buddy, grasshoppie! :D
Nakiki-adventure kay Teh... :)) |
~ Kabigan Falls ~
Entrance fee: Php 10 per head (as of June 2012)
Guide fee: Php 100 per guide (as of June 2012)
So first stop during our Northbound tour is at Kabigan Falls. Take note, bawal magpunta sa Kabigan Falls on your own. Kailangang magpasama sa registered guides dahil sila ang naninigurong, una, ligtas ang mga bibisita sa falls, at pangalawa, ma-preserve ang kalinisan nito.
Welcome, welcome! :) |
How nostalgic... |
It's a 1.5-km semi-trekking per way, so a total of 3 km. ang lalakarin para marating ang Falls. At siyempre, dahil mahaba ang lakaran, kinuha ni Teh ang chance na ito upang mag-interview sa guide naming si Teh Zhem. So tinanong ko siya kung bakit Kabigan falls ang itinawag sa falls na ito. Sabi niya, noong unang panahon, may dalawang magkaibigan na girl and boy. Tapos naging waterfalls sila. Bonggels! :D
Along the way, maraming labeled plants and trees kang makikita. Sabi ni Teh Zhem, nagtatanong kasi minsan 'yung mga turista nila kung anong halaman ititch and anech. Kaya ayun, naglagay sila ng mga signboards sa mga puno at halaman.
Mabubusog ka rin sa dami ng magagandang tanawin. Somehow reminds me of Apayao... :)
Mabubusog ka rin sa dami ng magagandang tanawin. Somehow reminds me of Apayao... :)
Sa wakas, matapos ang excruciating trek, narating namin ang paanan ng waterfalls. Sulit na sulit dahil sa dramatic cool feeling na mararamdaman habang pinapanood mo ang pag-agos ng tubig. At hindi lang breeze ang cool. Makaiinom din ng fresh running water from the mountains to quench your thirst dahil sa paglalakad ng malayo! ^_^
The height of Kabigan Falls |
Teh: >glog glog glog< |
Tayo na't mag-swimming sa talong malalim... |
Sobrang bilib ako sa lugar na ito. Php 100 is not a bad idea to help preserve the beauty of this place. Talagang walang kakalat-kalat na basura. Malinis na malinis. :)
~ Patapat Viaduct ~
Entrance fee: 'Pag nagkaroon ng bayad ang paghinto sa highway
I suppose, this is the 2nd longest bridge in the Philippines, sunod sa San Juanico Bridge.
Sssss~~~... |
Somewhere here, 'pag nakita mo ang dalawang slide na ito (slide talaga?), ihihinto ka rito ni Kuya Ruben para mag-picture-picture. Don't worry sa pagtambay sa highway, dahil on the lookout naman si Kuya sa mga approaching vehicles... :)
Playground? |
Also, sabi rin ni Kuya, makikita rito ang palantandaan ng boundary ng Ilocos Norte at Cagayan Valley. At iyon ay ang nag-iisang punong maliit na sa paningin 'pag tinanaw mo rito. Teh encircled it for you. :D
Sta. Praxedes - Pagudpud Boundary Marker... |
There's another way para ma-view ang buong viaduct, at 'yun ay ang pagpanhik sa Bagong Lipunan Lodge Ruins.
Lovely view from the ruin's veranda... :) |
Natupad din ang isa sa mga pangarap ni Teh ~ ang makunan ng picture ang Patapat Bridge. Mission accomplished. Hehehe... :D
~ Paraiso ni Anton ~
Entrance fee: None, along the highway din. :)
So may pangalan pala ang spot na ito. Kasi may maling akala ako since I was a child tungkol sa tawag sa lugar na ito. At kung maaalala ninyo ang post na ito, diyan ninyo malalaman na hindi ko alam ang tawag diyan until I asked Kuya Ruben kung anong tawag sa lugar na ito. Ah... Paraiso ni Anton pala.
Teh: >glog glog glog< Magaling na rayuma ko! Gora ulit! :D |
Sabi ng mga taga-rito, milagroso raw ang tubig na dumadaloy rito, tulad nga ng nabanggit ko noon dito. Kaya mega gulp naman si Teh sa tubig na lumalabas sa pipe. Muhkang potable naman dahil hindi nanakit ang tiyan ni Teh pagkatapos. Hehehe...
Isang bagay ang hindi ko makakalimutan sa lugar na ito. Dito ako unang nagkasugat sa kabuuan ng Ilocos Norte adventure ko. Huhu!
~ Agua Grande and the Dried Mabogabog Falls ~
Entrance fee: Depende sa'yo...
That's right. Depende ang entrance fee sa'yo kung papasok ka at bababa sa mismong lagusan ng tubig o sisilip na lamang mula sa itaas, katulad ng ginawa ni Teh. Dahil kuripot si Teh, at dahil ang lugar na ito ay mas mae-enjoy ng mga nagpi-picnic, tumanaw na lamang kami ni nanay mula sa itaas. May isang spot naman kasi roon na makikita mo na ang umaagos na tubig mula sa bundok, which is the main reason kung bakit siya natawag na Agua Grande.
Welcome, welcome! :) |
Pero kung mapilit ka talaga, heto ang rates na nakapaskil sa bungad as of June 2012:
The Rocky Grande... |
- Entrance fee day rate: Php 25-Adult; Php 15-Child
- Entrance fee night rate: Php 100-Adult; Php 50-Child
- Picnic Hut Rent - Php 500
- Table Rent - Php 300
At pagtalikod mo mula sa entrance ng Agua Grande, makikita mo ang statue ni Mama Mary sa ibabaw ng bundok. Sa kanan naman, makikita mo ang natuyong Mabogabog Falls. Dati may dumadaloy na tubig dito pero nang tumagal, natuyo ito sabi ni Kuya.
Dried falls. :( |
~ Blue Lagoon ~
Entrance fee: Php 20 per pax for adult tourists, (Php 10 for child, Php 16 for Senior Citizen)
Payable upon entering Brgy. Balaoi
Muhkang pumabor sa amin ang panahon pagpasok namin sa Balaoi Area. While going down to the "first class" white sand beach, ito ang view na magwe-welcome sa iyo. :)
Very blue lagoon. |
Although when you get onto the surface, hindi na siya kasing blue nang katulad sa nakitang anggulo mula sa itaas.
Anyare? Nasa'n na 'yung very blue lagoon??? |
So that's Blue Lagoon for you. The "first class", if you know what I mean. ;)
~ Hannah's Resort and Theme Park ~
Entrance fee: Depende rin sa'yo...
Teh: Yahhh!!! XD |
Just by the Blue Lagoon shore makikita ang Hannah's Resort and Theme Park. Well, maybe you could understand now why I kept on saying "first class" a while back. When I say first class, isa ito sa mga iniiwasan kong pag-stay-yan, for the obvious reason na lahat nang nandito ay pricey. I mean it. ;)
The Pirate and the Pana |
The entrance fee depends on you. If you want to see the biggest Banga in the world, as they claim it, just pay Php 50. Pero kung katulad ni Teh na kuntento na sa libre, pupuwede namang makipag-pose sa mga friends nating Pirate and Pana[1]. Hehehe... >palu-palo sa bibig< Awuwuwuwuwuwuwu!!!
Welcome to my humble howme... :D |
Nabanggit sa akin ni Honey, isa sa mga anak ni Kuya Ruben, na may times na napagkakamalan silang Hannah's Resort dahil sa pangalan ng homestay nila. Hehe... :))
~ Dos Hermanos Island ~
Entrance fee: Waley... (Yey!)
Waley mang entrance fee rito, havey na havey naman ang view na makikita mo rito. Pero bago ang view, tila ba may secret path papunta sa mismong isla. Kapag nakita ang kubo marker na ito, 'yun na!
The One Hermano. :| |
Dos Hermanos literally mean "two brothers". Kaya expected na may makikita kang dalawang magkatabi na isla. Pero ang makikita sa dulo ng secret path, isang isla lang. Actually, kaya ito pinupuntahan, dahil kapag low tide, matatawid mo ang dagat with bare foot papuntang Dos Hermanos Island. 'Yun nga lang, dahil hapon na nakapunta si Teh, high tide na at mega good luck kung tinangka ko pang tawirin ito.
Anyway, dinala naman kami ni Kuya Ruben sa isa pang secret path kung saan may madadaanang improvised basketball half court. Sa dulo ng 2nd secret path makikita ang twin island. :)
Ayan, dalawa na sila. :) |
~ Bantay Abot Cave ~
Entrance fee: Waley rin... (Yey ulit!)
Sa lahat ng napuntahan naming attraction sa Balaoi, marahil ay ito na ang pinaka-adventurous and challenging marating kapag high tide na. Konti na lang kasi, aabutan ka na ng malalakas na alon. At hindi lang 'yan. Madulas ang mga batong lalakaran papanhik ng mismong cave.
The hollow hill |
Teh: Grrrr!... >struggling< |
Parang binutas na hill. 'Yan siguro ang maibibigay kong description. Salamat sa imagination ni Kuya Ruben, pinagmukha niya akong macho rito. Hehehe...! :D
Pag-akyat, about face. Ang view mula sa itaas... |
Pag-akyat mo rito, lumingon sa pinanggalingan. Tiyak mabibighani sa makikita. :)
Mabuti na lang, may sementadong hagdan pabalik sa taas kung saan kami nanggaling. Babye, Bantay Abot Cave! Mami-miss ka ni Teh... :'(
Teh: Grrr! I can do this... >_< |
Entrance fee: Waley pa rin... (Yey! Hooray!)
Ito ang last sa Northbound Trip itinerary ni Kuya. Timmangtang literally means "bell" o "kampana" kaya naman ay hugis kampana ang makikitang rock formation dito. Well, para sa mga gutom, mukha itong ice cream scoop. Yum! Mabuti na lang at wala nang adventure gaano rito dahil nagbabadya na ang malakas na ulan. At tama nga kami. Habang bumabiyahe kami pauwi, bumuhos ang napakalakas na ulan. Napag-alala tuloy namin si Ate Marife pagbalik sa homestay, kung kaya't sinabi kong maliligo naman kami ni nanay at okay naman kami. :)
Uwian time, bukas ulit... And no sunset for today. :(
~ Saud White Sand Beach ~
Entrance fee: Depende na naman sa'yo
At dahil bonggacious ang rain pag-uwi namin noong Day 1, sunrise na lang namin dinalaw ang Saud White Sand Beach. Kung nakatira sa Hannah Lou's homestay, the easiest way to get here is through the gates of Saud Beach Resort and Hotel. Katapat lang kasi ito ng homestay main quarters (hindi doon sa tinutuluyan namin, doon sa isa).
Welcome, welcome! |
Mom and kid strolling by the beach... ^_^ |
Mabait 'yung guard dito kasi pinayuhan niya kami na 'wag dumiretso sa mismong resort and hotel para hindi kami magbayad ng entrance fee. So sa may bungad lang kami. At sinalubong kami ng malalakas na alon at mag-inang doggies na ito. ^_^
Palinawan na lang ng mata, basta nandiyan sila! :D |
Mula sa malayo, matatanaw mo na 'yung buong stretch ng Bangui Windmills Farm. Yep, malapit-lapit ito sa Saud. Kaya medyo naintindihan ko kung bakit may entrance fee ang hotel area. Mas matatanaw mo kasi ang windmills doon.
Home of the ducklings ~ latian sa resort... |
At hindi lang 'yan. Sa may bandang likuran ng "entrance free area" ng dagat, makikita ang swamp na ito na puno ng ducks! :) Alam kong hindi kita sa picture ang ducks, kaya you have to go there and see for yourself. Madami silang nagkukumpulan sa unreachable portion ng latian.
Matapos naming dalawin ang beach at latian, naglakad-lakad muna kami paloob ng Brgy. Saud. Hindi man namin nakita ang sunrise, may nasilayan naman kami ni nanay na sun rays along the way. Elibs lang si Teh, parang simbahan kasi. Hehe...
Ahhhl~~~leluia! :D |
This ends our Pagudpud adventures. Siguradong napagod kayo sa pagsama kay Teh. Southbound tour later, get ready! :)
~ Vocabulary ni Teh ~
No comments:
Post a Comment