Explore Norte more with the Southbound Tour! Let's start off with the neighboring town of Pagudpud ~ Bangui! :)
~ Bangui Windmills Farm ~
Located at: Bangui, Ilocos Norte
I like this place so much dahil very peaceful ang feeling habang pinapanood ni Teh ang paulit-ulit na pag-ikot ng windmills. Kahit tirik ang araw nang magpunta kami rito, keri lang. Definitely on the favorites list ni Teh... :)
Teh: Look, oh! Daming Electric Fan! ^_^ |
Malamang ay mura ang kuryente rito sa Bangui, dahil ang mga windmills na ito ay ginagamit na pang-harness ng energy. Siyempre mula sa wind. And I salute the young Marcos behind this project. :)
Windmill: Woooohhh~~~!!! xN |
Nalulula lang nga ako noong nasa ilalim ako ng higanteng windmill na ito dahil pakiramdam ko malalaglag sa akin ang elisi nito. X_X
Ang kurbadang panggagalingan papuntang viewdeck... |
~ Bangui Valley Viewdeck ~
Located at: Bangui, Ilocos Norte
Kapag narating ang kurbadang ito at may nakita kang isang bahay na parang rest area, nasa viewdeck ka na. Huminto saglit at humanap ng puwesto sa may veranda ng rest area para makita ang magandang view...
At this point, dito ko naintindihan ang nasa itinerary ni Teh tungkol sa Bangui Valley. Sa viewdeck na ito makikita ang kabuuan ng Bangui na isang lambak. A flat land surrounded by mountains. Matatanaw din dito ang Bangui Windmills Farm. Kaya kung ayaw mabilad sa arawan, tinatamad o kulang sa oras upang mapuntahan nang malapitan ang windmills, okay lang basta makahinto ka sa viewdeck. 2-in-1, should I say?
The beauty of Bangui town from above. :) |
Stairway to white rocks |
~ Kapurpurawan Rock Formations ~
Located at: Burgos, Ilocos Norte
Mula sa parking area, kinakailangang bumaba ng hagdan at maglakad nang kaunti papunta sa mismong rock formations.
Horsie: Hhhuwwwihihihi~~~!!! |
Medyo nagtaka ako pagdating sa ibaba nang bumungad sa amin ang isang grupo ng kabayong nagpapahinga. Akala ko sa Baguio lang uso ang kabayo, hehehe!
May munting body of water na makikita along the way, na hindi ko alam kung latian ba o lake. Well, too small for a lake. Baka stagnant sea water lang 'to...
Looking back mula sa white rocks. |
Literally, kapurpurawan is an Ilokano word which means "maputi". Kaya expect to see white rocks here. :)
The white rocks ~ left side |
The white rocks ~ right side |
Been wanting to see the Rock of Gibraltar? No need to go to Spain for that, dahil meron tayong kahawig nito sa Pinas. ^_^
Teh: Hmm... parang may hawig... |
The attempt to become a cowboy... FAIL! |
Wanna whip some horsie? (Uh-oh, bad Teh...) Hindi mo na rin kailangan pang pumunta ng Grand Canyon ng USA para maging cowboy dahil you can be like one dito sa Kapurpurawan Rock Formations! Sa halagang Php 50 per way (bale Php 100 back and forth), maaaring sumakay sa kabayo upang i-explore ang rock formation. With guide, of course. Hyaaaahhh, tigidig-tigidig-tigidig...! :D
Eh siyempre dahil kuripot si Teh (at dahil naaawa ako sa kabayo), lakad na lang ang ginawa namin to explore the formations.
Lost ata si Teh. Hindi na alam kung saan dadaan... :)) |
♫ Tong, tong, tong... ♫ |
Sa isang bahagi ng rock formations, kung saan ang tubig-dagat ay nagiging stagnant na, makakakita roon ng crablets na nagpapakita tapos nagtatago. Nakatiyempo ako ng isa, salamat sa pagturo ni Kuya Ruben. :)
~ Cape Bojeador Lighthouse ~
Located at: Burgos, Ilocos Norte
First time kong makapunta sa isang lighthouse. Before, akala ko, lahat ng parola ay nasa dulo ng buhanginan ng isang beach. 'Yun pala, mas madalas itong nakikita sa itaas ng bundok. (Which reminds me of the Obelisk Marker in Iguig Calvary Hills, also situated sa mataas-taas na lugar.) Ito ay considered as the parola of the northwesternmost point ng Luzon. Impressively, ito ay active pa rin according to the Philippine Coast Guard. ^_^
The mighty Cape Bojeador Parola. Assisting seafarers since 1892. :) |
Sa isang kuwarto ng lighthouse, makikita ang museum na ito. 'Yun nga lang sarado ang pintuan kung kaya't hanggang silip lang ang nagawa ni Teh. Definitely, tungkol sa Cape Bojeador ang nilalaman ng museum na ito. Hopefully kapag napuntahan niyo ito ay mabubuksan ito.
Inside the locked museum... |
Pag-akyat sa hagdanan mula sa parking area, meron pa ulit aakyatin na hagdanan paakyat sa mismong parola.
Stairway to Lighthouse. |
Close-up shot of the parola. |
Sabi nga ng description nito, since Spanish era pa ito nakatayo. And till now, after all the bagyo, lindol and all, the structure stands strong. Maybe a little maintenance from the local government could have helped, but still, nakabibilib talaga ang tibay ng mga old structures tulad nito. Hindi tulad ng mga gusali ngayon na konting keme lang, waley na. :))
~ REFMAD Dragon Fruit Farm ~
Entrance fee: Php 20? Php 10? Can't recall... :'(
Located at: Burgos, Ilocos Norte
Located at: Burgos, Ilocos Norte
Ah, another green land. Salamat sa craving ni Ma sa Dragon Fruit ice cream, napa-side trip kami rito. Wala akong appreciation masyado noon sa Dragon Fruit until I came here. Malaman-laman ko kasi na maraming health benefits ang prutas na ito. To know more about the Dragon Fruit, either google it or visit this place. Worth it, promise. :)
One portion of REFMAD Farm's Dragon Fruit land |
Bukod sa farm, may rooms for lodging, swimming pool at mini fountain park dito. Quite similar to Bohol Bee Farm's setup. And just one tip. Sabi sa akin ng attendant sa store, they expect na mamumunga ang mga Dragon Fruit sa December. Pero ang totoo niyan, mahirap tantiyahin talaga ang pagbunga ng Dragon Fruits kung kaya't hindi sila nakakapag-decide kung kailan gaganapin ang Dragon Fruit Festival. :))
At dito pa talaga naghugas si Teh. :O |
Wish I could stay here longer pero marami pang pupuntahan si Teh. :)
~ Bacarra Church and Bell Tower Ruins ~
Located at: Bacarra, Ilocos Norte
The last stretch of our "extended" Southbound Tour, at kakalubog lang ng araw pagdating namin dito. Unang sentence ni nanay pagkakita namin sa Bell Tower ay "anyare, nasa'n na ang tuktok nito?!". Para bang nawalan ng alagang pusa. Well, ayon kasi kay nanay, noon ay nasa mas mataas na bahagi ang kampana nito. Siguro kasi, maraming paglindol na ang naganap since she visited this and then at one point, gumuho ang ibabaw nito. Sa kalumaan na rin. After all, nothing lasts forever... Chos! :))
Bacarra Church exterior |
Ang nasirang bell tower... :( |
At siyempre pa, dahil very late in the afternoon na, sa mga municipalities tulad ng Bacarra, maagang nagsasara ang simbahan. Anyway, we got a good view of it from the outside naman kaya okay din. :)
Madilim-dilim na nang marating namin ang Laoag City. Laking pasasalamat namin kay Kuya Ruben at kay Ate Marife dahil sa pagpayag nilang bigyan kami ng Extended Southbound Tour. Super thank you for guiding us all the way from Pagudpud to Laoag City. :)
Kuya Ruben waving goodbye. :( (Scripted 'yan, hehe!) |
No comments:
Post a Comment