Para sa huling set of adventures ni Teh sa Ilocos Norte, narito ang kuwento ko sa mga lugar na nabisita ko sa Southern half ng Ilocos Norte. Simulan natin sa Paoay... :)
Welcome, welcome! |
~ Malacañang Ti Amianan ~
Entrance fee: Php 30 for Adults, Php 10 for Children (as of June 2012)
Closed on: Mondays
Closed on: Mondays
Located at: Paoay, Ilocos Norte
First destination for the day is the Malacañang of the North. Ang problema lang, Monday kami nagpunta rito. Closed pala sila 'pag Lunes, kaya nganga. :O
Closed on Mondays... :'( |
Anyway, napuntahan ko na ito noong bata ako. Ang problema lang hindi ko maalala ang loob nito. Pero since na-transform ito sa pasyalan, more of a museum-look na ang loob nito kaysa office-look. Sabi rin ng guard, bawal ang camera sa loob, so medyo nganga rin kahit open ito. (Pampalubag-loob, hehe...)
Dahil walang maipakita si Teh, kukuwentuhan ko na lang kayo. Naalala ko ang kuwento ng kaibigang seminarista ng tita kong madre tungkol sa Paoay. Noong araw na nilisan ng first family Marcos ang Malacañang, ang sinabi nila sa piloto ng sinakyang helicopter ay "Bring us to Paoay! Bring us to Paoay!". Eh dahil Kano ang pilot, ang nadinig at naisip niya ay Hawaii. Kaya ayun, doon sila napadpad at doon na rin natsugi si Macoy. One minute of silence...
~ Paoay Kumakaway Sand Dunes ~
Located at: Paoay, Ilocos Norte
Matapos ang pagnganga sa first destination, sunod naming dinaanan ang famous sand dunes ng Ilocos Norte. Bumungad sa amin ang mga 4x4 for rent sa entrance. Pero nag-decide kaming ipasok ang sasakyan ni Bro hanggang sa matigas na bahagi ng buhanginan at maglakad-lakad na lamang mula doon. (Kuripot mode on...)
4x4 cowboy ride, anyone? |
I present to you... ~ the Chicken Spaceship! :) |
Pagbaba namin, ito lang ang nakita namin sa buong sand dune. 'Di ko mawari kung sisiw ba ito o spaceship. Basta tulad ni Teh, nganga rin siya. Hehe! :D
Hmm... wet sand. :| |
Sa kabuuan, isang malungkot na sand dunes ang inexplore ni Teh. Katatapos kasi ng ulan kaya medyo hindi safe mag-sand boarding and all... But on a sunny day, as a package, maaaring mag-sand boarding at 4x4 ride dito sa halagang Php 2500 per hour. ;)
Kapag ganitong katatapos ng ulan at may paparating na bagyo (bad trip...), ang magagawa mo na lang ay mag-moment sa buhanginan habang nanonood ng tidal wave. Oo, tidal wave talaga. Gano'n kalalakas ang alon, havey sa surfing activities. Wala nga lang facilitators sa area. So surf at your own risk. :)
Moment ni Teh while watching the tidal waves. X( |
~ Paoay Lake ~
Located at: Paoay, Ilocos Norte
Kung sa sand dunes ay medyo nganga rin ang naging sitwasyon ni Teh dahil sa wet sand, medyo na-complement ng weather ang ganda ng lake...
Free stay at resting kubos. :) |
Nothing much here but the beautiful lake itself. Just a place to unwind and relax mula sa excruciating adventures noong mga nagdaang araw. Hinga-hingang konti, fresh pa man din ang air! :)
Right side of the lake from the viewdeck. |
In front of the viewdeck |
Kapag tumingin sa kaliwa ng viewdeck, sa malayong ibayo, matatanaw mo ang Malacañang of the North. Well, kahit paano natanaw ko. Hindi nga lang obvious na nakita ko ito. :|
Left side of the lake from the viewdeck. Hanapin ang Malacañang. (20pts.) |
~ St. Augustine Church and Bell Tower ~
Located at: Paoay, Ilocos Norte
Next stop is one of the oldest churches in the Philippines ~ also known as Paoay Church.
The old Paoay Church exterior |
Paoay Church interior |
Natuwa lang ako sa nilulumot na gilid ng church, habang ang harapan ay hindi gaanong nilulumot. And mala-Angkor Wat ang hitsura ng side ng church. :)
Wat? A church? |
Mariano Marcos State University extension |
Sa vicinity ng Paoay Church makikita ang extension ng Mariano Marcos State University at birthplace ni Valentin Diaz.
Valentin Diaz Birthplace |
Just a brief background, si Valentin Diaz ay isa sa mga pinakaimportanteng miyembro ng Katipunan dahil isa siya sa mga founder nito. Member din siya ng La Liga Filipina. (Ops, hanggang diyan na lang. This is not history class, hehe!)
~ Mariano Marcos State University ~
Located at: Batac, Ilocos Norte
Ito naman ang isa sa mga pinaka-prestigious na pamantasan sa Ilocos Norte. May kalawakan ang pamantasang ito, parang UP Diliman.
The green, green park of state university |
Pero siyempre, huminto lang kami sa mga lugar na tingin naming papayagan kaming mag-picture. Actually dito lang talaga sa park na ito. Malinis at maraming puno kaya very cool ang feeling kahit medyo maaraw. :)
Welcome, welcome! |
~ Marcos Museum and Mausoleum ~
Entrance fee: Php 50 (as of June 2012)
Located at: Batac, Ilocos Norte
The highlight of today's trip... Makikita ito sa sentro ng Batac, malapit sa Riverside Empanadahan at Batac Church. Before kami pumasok sa musoleyo ni Ferdinand Marcos, Sr., sinulyapan muna namin ang labas ng isa sa mga bahay ng mga Marcos. Then sa building na katabi ng bahay nila makikita ang musoleyo. No photo of the inside kasi hindi puwedeng mag-picture sa loob. Sa loob makikita ang waxed corpse ni Macoy. Not sure kung 'yun talaga ang bangkay niya, pero sabi ng lahat, siya talaga 'yun. Medyo creepy dahil may background music pang accompaniment habang nilalakad ang loob. When I went inside, sumaludo ako sa kanya.
Marcos' residence. No entry. Nganga. :O |
Marcos files ~ Awards and recognition |
Kahit pa naging malupit ang kasaysayan para kay Macoy, batid ko ang mga bagay na nagawa niya para sa ating bayan. Salamat sa guro ko sa History noong Grade 3 ako, na nagpaunawa sa aking hindi dapat hinuhusgahan ang isang pinuno base lamang sa masasamang pangyayari noong kapanahunan niya. Bagkus ay timbangin natin ang dami ng kanyang nagawa against sa dami ng hindi niya nagawa.
History was unkind to this man. After all, there are no perfect leaders. |
And I believe, since Macoy was a forward thinker, he was one of the best presidents this country had. And after no'n, dahil pinaniwala ang buong Pilipinas na masama siya ng mga trapo sa Earth, binura lahat ng nakalatag na plano para sa sustainability. Isa na rito ay ang Nuclear Power Plant sa Bataan... In short, pagkatapos ng lahat ng nagawa niya, nganga. :O
Like a boss. :) |
Going back, sa tabi naman ng musoleyo makikita ang Marcos Museum. Sa baba makikita ang napakaraming records na malamang ay patungkol kay Macoy pati na ang mga awards na natanggap niya during his lifetime. On the other side is the Audio-Visual room. Doon ay pupuwedeng manood ng Marcos documentaries.
Sana puwede i-fit. :O |
Sa 2nd floor makikita ang timeline ni Macoy, his half-body gold statue with Presidential Seal, his whole-body statue with the office scenario, and some of Imelda's elegant apparel collection. Naalala ko lang, habang kinikilatis ko ang mga damit ni Imelda, nabanggit ng nanay ko noong ang luho ni Imelda ang isa sa naging downfall ng Marcos regime. Kung hindi lang sana siya nagluho ng bonggang-bongga, sana ay hindi nagalit masyado ang taumbayan. Hayst. Nganga tuloy. :O
But overall, masaya ako at nakita ko ang naging buhay ng isa sa mga pinakatinitingala kong politician. :) Rest in peace, chief. (One minute of silence...)
The 2nd floor |
Looking on the design of the museum, gandang-ganda ako sa antique architecture ng museum na ito. Ilocano classic. :)
Welcome, welcome! :) |
Naalala ko lang, may kasalanan kami ni nanay sa lugar na ito dahil matapos ang exploration namin sa loob ng museum and all, saka lang namin nalaman na may entrance fee pala. Paano naman kasi, sa exit pala kami pumasok at sa entrance naman kami lumabas. Tuloy, hindi kami nagbayad. Hahaha. Sorry na! :) Eh sabi naman ni Bro, kapag sila nagpupunta rito, hindi rin sila nagbabayad ng entrance fee. Buti na lang. Akala ko kami na ni Ma ang pinakanakakahiyang nilalang sa Earth dahil diyan. Pang-empanada rin 'yung Php 50. Hehe... :D
Located at: Batac, Ilocos Norte (malamang...)
Pagkagaling ng museum, nadaanan namin ang mga lugar na ito na sadyang nakakuha ng atensyon ko. Isa na rito ang Plaza Maestro. Sa Vigan City kasi meron din nito. Same din ang font style ng "Plaza Maestro". Hehe...
Kung akala mong sa Vigan ito, eeeenk! :O |
Batac Rotonda? |
Maging ang rotondang ito sa sentro ay hindi rin nakaligtas sa lente ni Teh. Alam mong nasa Batac ka na kapag nakita mo ito. :D
Batac Church |
Sa tapat ng rotonda makikita naman ang Batac Church. (One moment of silence...)
Batac: Home of Great Leaders. :) |
Pasensya na sa mga forever lame shots tulad nito. Pero ang highlight nito ay ang slogang nakasulat sa bubong ng stage. :)
Stop, look and listen... |
At para sa isang munisipalidad sa Pilipinas, bihirang-bihira akong nakakakita ng traffic light. Nagbasa-basa ako nang kaunti at nalaman kong naging city pala noon ang Batac. Pero dahil "unconstitutional" umano ang pagiging city nito, naging municipality ito ulit. Nganga. :O
Makikita ito malapit sa Ricarte Park, ang next stop nina Teh. :)
Rebulto ni Pareng Art. :D |
~ Ricarte Park ~
Located at: Batac, Ilocos Norte
Bukod kay Macoy, pinagawan din ng sariling monumento ang isa sa mga home-grown leaders ng Batac ~ si General Artemio Ricarte. Pahapyaw lang din ng history, tinagurian siyang Father of the Philippine Army. Isa siyang warrior icon during the late Spanish regime and American regime na walang sawang nagtanggol ng ating bansa. Also leaving a salute for this hero. :)
~ House of Juan Luna ~
Located at: Badoc, Ilocos Norte
Sa unang tingin, para lang itong lumang bahay na tinitirhan ng isang lolo at lola na imposibleng walang nakatira sa loob dahil sa sobrang linis nito.
Welcome to Juan Luna's home! :) |
View sa taas ng stairs... |
Hindi gaanong bakas ang alikabok at gawa rin sa bato ang bahay ng isa sa pinakadakila nating paint warrior noong Spanish regime.
Sa kasamaang palad, hindi rin open ang loob ng bahay for public viewing noong nagpunta kami. Monday kasi. :| Anyway, may isang bahagi sa likod ng bahay na pupuwede kang sumilip, tulad sa mga ito. Muhkang mayaman talaga ang pamilya ni Juan Luna, dahil may sarili silang kalesa. Hindi lang iyon. Tulad ni Rizal, todo tour din siya noon sa Europe para maipagpatuloy at mapagbuti ang mga paintings niya.
Parang Haunted House... :\ |
Kalesa ni Juan |
Kung may pinakahinahangaan ako sa kanyang mga paintings, siyempre iyon ay walang iba kundi ang Spolarium. Sa napansin ko, ito kasi ang pinaka-explicit patungkol sa estado ng Pilipinas noong panahon ng Kastila. Kung si Rizal, panulat ang naging sandata, si Luna naman, paintbrush. Mabuhay ang mga artworks mo, Juan. Hands down... :)
Printed replica of the famous Spolarium |
Located at: Currimao, Ilocos Norte
Ang last stop namin bago kami ihinatid ni Bro pabalik ng Laoag ay sa shoreline ng Currimao. Kahit hindi ito ang nasa pinaka-south ng Norte, hinuli namin ito sa itinerary dahil taga-rito si Bro. (Though hinatid naman niya kami pabalik ng Laoag. Wala lang, bet lang namin. :D).
Hanggang dito na lang kami. Dahil nakakita na kami ng mala-cave na rock formation. :) |
One to sawa coral rocks |
Mahaba-haba rin ang shoreline na ito. At sa haba ng shoreline na ito, hindi namin narating ang boundary ng Currimao. Hindi na rin kasi sementado ang daan at this portion.
Alon: Sisirain namin kayo! X( Malalaking bato: Try niyo lang! :P |
Ang main attraction sa Currimao ay ang mga malalaking coral rock formations na makikita sa tabing-dagat. Masasabi kong natural gift ni Lord itong mga naglalakihang bato dahil tuwing may bagyong paparating, lumalakas ang mga alon dito so nagsisilbing proteksyon ang mga batong ito sa mga naninirahan sa tabing-dagat.
Bukod sa mga natural coral rock formations, elevated ang mismong tabing dagat, kung kaya't maliit ang chance na umabot ang mga malalaking alon sa mga taga tabing-dagat. Pero may time talaga minsan, sabi ni Bro, na tipong paglabas niya ng bahay makakahuli na siya ng isda sa taas at layo ng narating ng alon. Eh sa mas mataas sila nakatira. Suwerteng hindi kanais-nais sigurong matatawag.
Seawall, elevation from the shore. (Chos.) |
Sobrang saglit lang kami rito kasi ba naman, ang tingkad ng araw paghinto namin dito. Tapos noong ako na ang pi-picture-ran ni Ma, biglang may humabol sa aming ulap na nagbuhos ng ulan. As in literal na hinabol kami ng ulan dahil nakita namin ang paparating na bumubuhos na ulan. Mabuti na lang at hindi uso ang acid rain sa probinsya kaya sure si Teh na hindi siya magkakasakit. :))
Pagkahatid sa amin ni Bro sa hotel sa Laoag, taos-puso kaming nagpasalamat ni nanay sa oras na inilaan niya para sa aming tour. Super thank you, Bro. :D
~ Sta. Monica Church ~
Located at: Sarrat, Ilocos Norte
Hindi ko alam kung anong meron, pero pagkatapos naming mag-tour sa Laoag and southern parts ng Ilocos Norte, nagyaya si Ma na puntahan na namin ang Sta. Monica Church sa Sarrat. Plano kasi naming sa umaga ng last day ito puntahan. Since may oras pang natira, agad naming pinuntahan ito.
The dramatic park at Sarrat |
Court by the river habang umuulan... |
Dahil wala na kaming service at this point, nag-commute kami ni Ma. Mula sentro, nag-tricycle kami papuntang sakayan ng jeep going Sarrat, which is called Adessa (tama ba spelling?). Php 22 ang pamasahe sa tricycle dahil special trip, then Php 15 per passenger per way ang sa jeep. Mabuti na lang at naabutan namin ang last trip which is 6PM.
The old municipal hall |
Kapag nakita niyo na ang pakurbadang daan, na may ilog at covered court sa kanan at lumang municipal hall naman sa kaliwa ng court, baba ka na roon. Suwerte ring may mga mababait kaming kasabay sa jeep na nagturo sa amin kung saan kami bababa.
Sta. Monica Church's Bell Tower |
Reminds me of St. James Church... |
Pagdating namin dito, may kalakasan ang ulan at konting hanging dulot ng bagyo (yep, bumabagyo na nang mga panahong 'yan kaya nagtaka ako sa nanay ko). Dahil diyan, sobrang lamig at medyo mala-ghost town ang feeling. Ikaw ba naman, pumunta ka dito ng mga 6PM? Nevertheless, the humid weather reminded me of St. James Church in Iguig Calvary Hills, lalo na noong nakita ko ang side ng Sta. Monica Church...
The exterior of Sta. Monica Church |
At dahil sarado ang simbahan, sa may pintuan na lang kami nagdasal ni nanay. (One minute of silence...)
~ Museo Diocesano de Laoag ~
Entrance fee: Php 20
Closed on: Mondays
Closed on: Mondays
Located at: Sarrat, Ilocos Norte
Okay lang na nganga na lang kami pagdating dito, kasi naman lagpas 6PM na rin. At sa probinsya kapag lagpas 6PM na, dapat nasa kanya-kanyang mga bahay na kayo... Anyway, ito 'yung museum sa tabi ng Sta. Monica Church which contains, siyempre, religious artifacts. Most likely relevant sa kasaysayan ng Kristiyanismo ng Ilocos Norte...
The museum beside Sta. Monica Church |
Sad, dahil isa sa mga pinakaimportanteng point of interest dito ang hindi namin napuntahan, at iyon ay ang Marcos Museum. Dito kasi sa Sarrat ipinanganak si Macoy. Maybe next time dahil malapit nang dumilim at kami ng nanay ay bumalik na sa hotel. Dahil wala nang jeep na pumapasada, wala kaming choice kundi mag-avail ng tricycle special trip sa halagang Php 90. Well, okay na 'yan kesa hindi kami makabalik sa hotel. :)
Sa susunod na adventures ni Teh, tayo ay magpapakabusog muli sa first-hand Ilocos Norte food trip tips mula kay Teh... ^_^
No comments:
Post a Comment