Another day, another adventure. Samahan si Teh sa pag-explore ng isa sa mga cities ng Northern Luzon ~ Laoag City! :)
Welcome, welcome! |
As we go from one point to another and kung nakapunta na kayo sa Vigan City of Ilocos Sur, mapapansin ninyong malaki ang pagkakahawig nito sa Laoag City. May bonggels na Welcome Arch at same ang kalesa design nila. :)
After meeting up with our tour guide for the day na itatago natin sa pangalang "Bro", (dahil hindi namin alam ni Ma pangalan niya hehe...) una naming binisita ang labas ng Capitol. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit maraming tao (oo 'yung makulay po sa harapan ng Capitol ay mga people of the Earth). It was a Monday morning kasi, siguro around 8:30AM. 'Pag mga ganyang oras, flag ceremony nila. And nag-speech pa si Madame Imee. Slightly surprised lang that she was delivering her speech in Tagalog. She did not learn pala how to speak Ilokano. Trivia, huh?
♫ Bayang Magiliw!♫ Handa, awit... |
Just located in front of the Aurora Park, na siyang sunod naming pinuntahan...
~ Aurora Park ~
Katulad din sa Vigan City, ang park na ito ay makikita sa tapat ng kapitolyo. Sa park na ito, may mga points of interest na mabibisita at once. Narito ang historical Tobacco Monopoly Monument, a market icon during the Spanish era. Ayon sa history, nangarap ang Spanish government noon na maging pioneer ang Pilipinas when it comes to tobacco trading. Not sure kung nagtagumpay sila, pero at this point in time, tobacco pa rin ang isa sa mga pangunahing produkto ng Ilocos provinces.
The Tobacco Monopoly Monument. Since 1882. |
A mega-sized tobacco pipe... |
On the lighter side of things, umulan man o umaraw, maaari ring maglaro o tumambay dito sa mga ito. Kahit hindi nagkasya si Teh, pinilit kong pasukin ang mini kubo na ito. At dahil classic ang itsura, the deep well in front of the kubo caught my attention. :)
♫ Bahay kubo, kahit munti...♫ |
Old-fashioned well |
Guess ko lang kung bakit naging Aurora Park ang pangalan nito. Siguro dahil iyon sa girlalou statue sa bungad ng park, baka Aurora pangalan. Pero ayon sa Ilocos Times, ang name niya ay Pamulinawen. So baka apelyido niya ang Aurora. Hehehe...
Pamulinawen ~ the Aurora |
Park fountain ~ lovelier daw at night... :) |
Anyway, ayon sa mga local residents, mas magandang bumisita rito sa Aurora Park ng gabi dahil maraming ilaw dito, na tiyak paglalaruan ang iyong mga mata. Kung hindi sana naulan ng malakas kinagabihan... Oh well, may next time pa naman. :)
Sinking over generations... :( |
~ Sinking Bell Tower ~
Located near the St. William Cathedral, makikita ang Sinking Bell Tower na ito sa tapat ng tricycle station. Nakapagtataka lang na nabansagan itong sinking despite the fact na ang taas-taas ng gusaling ito. Pero, marerealize mo na tama ang pangalan nito 'pag nakita mo na ang gate nito. Hindi kasi tulad noong unang panahon na kapantay ng kalsada ang gate, ngayon ay mas mababa na siya kaysa sa kalsada. Isa pa, ang kinatatayuan nito ay buhangin, kung kaya't sa mga susunod pang henerasyon, inaasahang magsi-sink pa ito lalo.
Konting lakad lang mula sa Aurora Park ang kailangang gawin upang marating ang simbahang ito. Sa kaliwang bahagi ng church exterior makikita ang grotto na ito na parang may mini altar pa. Siguro kung mataas ang demand sa misa, they will hold a mass here. Not sure though, kasi it was empty when we visited...
Somehow, the church facade looks similar to that of Vigan Cathedral. White na white with a mixture of cream color for the pillars. :)
St. William Cathedral exterior |
Cathedral interior |
Simple ang loob ng church, with simple chandeliers... mas solemn ang pakiramdam habang nagdadasal dito. Since it was a weekday noong nakapasok kami rito, walang tao masyado sa loob.
You might wonder kung bakit walang bell tower sa katabi ng cathedral na ito. Because its partner tower is the Sinking Bell Tower. :)
~ Museo Ilocos Norte ~
Entrance fee: Php 50 (as of June 2012)
Open daily from 9:00 AM to 5:00 PM
Open daily from 9:00 AM to 5:00 PM
Matatagpuan sa tabi ng kapitolyo ang local museum na ito ng Laoag City. Sa loob nito makikita ang summary ng buhay Ilokano, most especially tobacco farming.
Welcome, welcome! |
Nang kami ay napaaga... kami ay ngumanga! |
Segue lang saglit... Beside the museo is a mini mall. Fine dining, apparel boutiques at iba pang stores na nakikita sa isang mall ~ maaaring narito. :)
Fine dining by the museo... |
Hindi simbahan 'to?... 'Di nga? |
Noong una nga eh napagkamalan kong simbahan ang building na ito dahil sa exterior design nito. That time, nagkaroon ako ng awareness na hindi lang simbahan ang may K magkaroon ng ganitong design ng side walls. :))
Basic things ng Ilokano during the old times... |
Dahil ang kasama kong nag-tour dito ay si nanay, na tubong Ilocos, napa-reminisce siya bigla sa mga kagamitang nakita namin dito sa kaliwang portion ng museo.
Teh: Kasya kaya sa akin ang damit ni lola? Ma: Asa! :)) |
Nakita namin dito ang mga damit na kahawig ng mga damit ng lola ko noon... (Sumalangit nawa, 1 minute of silence...) na ngayon ay sinusuot na lang 'pag field demo o kaya eh Buwan ng Wika.
So kailan pa ako naging substitute ng kabayo? :| |
Meron ding mga weaved handicrafts na katulad ng ginagamit noon nina nanay sa kanilang bahay sa Vigan at kariton na tinangkang hilain ni Teh. :|
Also inside is a typical Ilokano house. With the antique windows, cemented 1st floor and 2nd floor made of wood. Parang 'yung dating bahay lang din talaga nina mama at lola sa Vigan. Sa kasamaang palad, giba na ang bahay na iyon... another minute of silence... :(
Bahay sa loob ng museum. :) |
Teh: Tao po??? Apu??? |
Pagpasok sa loob, makakakita ng malaking imahe ni Mama Mary sa bandang kanan at kahoy na hagdanan naman sa kaliwa. Ganitong-ganito rin ang nasa bahay nina mama at lola noon. Ang difference lang, nakaharap sa kanan 'yung paakyat ng hagdan, at hindi bricked wall ang bahay na iyon. Sa itaas makikita ang living room, bedroom, kitchen at dining area. All are Ilocano-fashioned. :)
'Kala mo may pinapanood, 'yun pala wala. :O |
Sa kanang bahagi ng museo naman namin nakita ang mini stage na ito kung saan pinapakita ang sample stage setting ng Sarswela, isang klase ng stage presentation that lasts for hours, mula gabi hanggang madaling araw. At ito ang isa sa mga pinagpupuyatan ni Teh noon sa Vigan tuwing fiesta sa barangay. Hehehe. Sad to say, the tradition was discontinued for a couple of years already. :(
At pupuwede ba namang mawala ang pugon? Isa ito sa mga pangunahing kagamitan sa pag-process ng tobacco leaves. Bukod pa riyan, may mga dahon din ng tabako sa kisame na nakakabit sa mga kawayan. Bahagi rin ng tobacco processing.
The pugon para sa tabako. |
Igib-igiban ang lola mula sa banga. |
Classic din ang bangang may gripo dahil naaalala kong may ganito noon sa bahay nina mama at lola. At ang pinakanaaalala ko tungkol sa bangang ito ay ang malamig na tubig na inilalabas ng gripo. Malamig ang tubig kahit walang ice at hindi ko alam kung bakit. Sabi ng lola ko noon, wala namang ice 'yung banga. Siguro tunaw na 'yung ice hahaha. Hanggang ngayon, misteryo sa akin kung bakit malamig ang tubig galing dito. :))
Sobrang na-enjoy ko ang museong ito dahil una, allowed ka mag-picture-picture. Hindi katulad ng ibang museum na echusera. Hahaha. Chos lang mga teh, siyempre karapatan nila 'yun. For me, worth it ang entrance fee dahil very interactive ang museum na ito. Nakapag-reminisce pa kami nang hindi oras. Hehe... At very considerate ang mga staff dito. Kasi naman, noong Day 3, 4:30 PM na kami nakapunta ni Ma. Buti na lang, noong umaga ng Day 4, pinayagan kaming pumasok ulit para makita namin ang mga hindi pa namin napuntahan. Kung hindi, naging kulang sana ang reminisce moments namin ni nanay... Thank you kay Ate Gina! :)
~ Laoag International Airport ~
Sa lahat ng points of interest na nabisita namin sa Laoag, tanging ang airport lang ang hindi namin nakuha sa lakad. By tricycle, aabutin ng 15 to 20 minutes ang travel time papunta rito kaya goodluck naman kung lalakarin namin ito.
Outside the Arrival Area |
Outside the Departure Area |
Hindi tulad ng NAIA Terminals na forever busy, ang airport na ito, though international airport siya, nagiging busy lang dito 'pag may expected departures or arrivals. Somehow, parang domestic airport din na may tao lang 'pag may flight. At kaya rin siya na-consider as an international airport is because may mga scheduled flights dito to and from Taiwan and some points of China.
Boarding Area |
Sa loob, kapansin-pansin na gawa sa bricks ang haligi at pader ng airport. Definitely gave me an Ilocano feeling, except for the chairs. Siyempre makabagong design na ang in-apply nila for these. :)
Thank you kay Lord talaga super dahil lumayas na ang bagyo noong pauwi na kami. And surprisingly, the night before kami umalis, natuloy ang flight to and from Laoag City kahit Signal #2. Kering-keri lang ng Airbus A320. Hehehe... :)
Airplane: Hi fans! ^_^ |
At ito ang huli naming view ng Laoag City, nang ito ay aming iniwanan... :( Need to work again...
Paalam, Laoag City... :'( |
Sa totoo lang, may mga iba pa kaming hindi napuntahang points of interest dito sa Laoag City. Isa na sa kanila ay ang La Paz Sand Dunes, which is approximately 5 kilometers from sentro.
After all this excruciating but fun adventures in Laoag City, saan ba tayo pupuwedeng magpahinga? Next in Teh's Hotel and Lodging feature ~ La Elliana Hotel, Laoag City! Don't miss it! :)
Should you wish to have an exclusive Ilocos Norte Southern Half tour, contact Bro at 09222727746 or 09192405321.
No comments:
Post a Comment