Tuwing nababanggit ang Ilocos, ang unang naiisip ng mga tao ay ang Ilocos Norte -specifically, Laoag o kaya naman Pagudpud. Pero siyempre, kung may North, merong South...
Lumaki ang nanay ko sa Vigan, at doon naninirahan noon ang lolo at lola ko (sumalangit nawa, 1 minute of silence para sa kanila...), kung kaya naman noong bata pa ako ay lagi kaming umuuwi sa Ilocos Sur. In short, probinsya namin ang Ilocos Sur (haller?!). Unang punta ko rito, siguro 3 yrs. old pa lang ako noon. At ito ang tahanan ng mga kamag-anak kong isang barangay ang population. Infairness, hindi ko sila kilalang lahat. Kaya pag may nagagawi sa tinutuluyan namin (kasi sira na 'yung bahay nina nanay doon), bigla ko na lang malalaman na may kamag-anak ako na kapitbahay lang namin, taga-kabilang ibayo ng barangay at taga-bundok tralala.
Noong elementary pa lang ako, may mga times na ayokong umuwi kasi natatakot ako na maaksidente 'yung bus na sinasakyan namin. Pero ngayon, parang LRT na lang 'yang mga bus na papuntang Ilocos sa aming magpipinsan.
Habang ako ay tumatanda (at nadedevelop ang pagiging emo), na-realize ko na maganda ang probinsya namin. Kaya naman, hangga't maaari, taon-taon ang uwi ko sa Ilocos. Although sabi ng pinsan ko, para sa kanila na araw-araw nakakakita sa landscapes ng Cordillera, hectares ng tabako, mais, at iba pa, at dagat, ordinaryo lang ang mga 'yon sa kanila kaya hindi na nila binibigyan gaano ng pansin. Sabi ko naman, wala kasing ganito sa Maynila kaya kung maka-picture ako ng ganitong views, wagasan.
Facing toward South China Sea... |
Emoting Teh by the Sea. More fun in the Pilipins! ~_~ |
Hindi ko nga maintindihan kung bakit maraming taga-province na bet na bet makipagsiksikan dito sa Maynila. Sa probinsya, kapag nagutom ka at wala kang pera, punta ka lang sa bakuran mo o mangapitbahay ka lang, may instant ulam ka na. Sa city, sige nga try mo lang. Pag nagutom ka at wala kang pera, makakapitas ka ba ng makakain o may makakatay ka bang hayop? (Aso??? Halamang inihian??? Yaks... X_X) Although hindi rin naman ganon kasaklap manirahan sa siyudad. Lahat naman ng bagay may advantages at disadvantages... :)
Taniman ng Tabako sa Santiago (Nakakain ba to?!) |
Sulit ang 6, 7 o 8 hours mong biyahe (from Manila), pero may mga pagkakataon na pupuwedeng tumagal siya ng 10 years (hours pala, typo error). Kapag peak season tulad ng Holy Week o kaya ng Undas, umaabot ang biyahe ng ganon katagal. May pagkakataon din, na magiging medyo walang kwenta ang dahilan ng pagtagal ng biyahe mo. Minsan kasi, nang umuwi kami ng nanay kasama ang mga tita kong bihirang umuwi ng Ilocos, feel na feel ng nanay ko mag-tour guide sa dalawa kong tita. Tuwing malalaman namin kung asan na kami, magbibilang si nanay kung ilang oras pa ang itatagal ng biyahe namin bago makarating sa paroroonan. Nakaupo kami sa likuran ng driver. Eh bumanat si mamang driver. "Kapag ang pasahero ko nagmamadali, binabagalan ko. (Bwahahaha! >evil smile<)" sabi ng driver sa kundoktor. Ayun, sa awa ni Lord, after 100000000000000000000000000000000000000000 years, natanaw na namin ang Vigan Cathedral finally! ^_^
The Old Vigan Cathedral |
Maaaring ang Ilocos Sur ay katulad lang din ng ibang probinsya, pero proud ako na may mga maipagmamalaki itong tourist attractions at local produce. At proud ako na nanalaytay sa aking ugat ang dugong Iloko. Bukod sa pagiging magiting noong panahon ng mga Kastila, bilib din ako sa galing ng pakikitungo ng mga Iloko sa mga dayuhan. Very hospitable sila sa mga turista (example na lang 'yung mga mamang nagpapa-rent ng bangka 'pag bet mong mag-boating).
Dahil nga probinsya ko ang Ilocos Sur, marami-rami na rin akong nakolektang pictures, information at kwento. Maaaring marami pa akong hindi na-explore, pero ang mga sumusunod ay ilan lamang sa aking mga napuntahan:
- My Second Home: Santa Maria, Ilocos Sur ~ Bumming Around
- Vigan Heritage: The Old Road and Pasalubong Corner
- The Baluarte Zoo ~ Home of the finest animals in Ilocos Sur! ^_^
- The Hidden Garden of Vigan
- Plaza Burgos: The Quest for Vigan Empanada is Over! ^_^
- The Beach of San Vicente, San Ildefonso
- Visiting Santiago, Ilocos Sur ~ Another Bumming Adventure
Ilocos Sur is a great place to tend the animals... FOR FREE! (Yep, no entrance fee in Baluarte! ^_^)
The Baluarte Zoo Animals |
It is also a great venue to eat your heart out... (Forget muna ang mantika at uric acid. ;) )
The Yummy Vigan Empanada with Sukang Iloko and Isaw Chicken... ♥ |
Cordillera Mountains... Just a backyard away! |
A place to sit back, relax...
and enjoy the view
in your very own backyard,
...watch the cornfields as the morning breaks,
or the sea while the sun is setting down...
Daybreak at the Cornfields of Vigan, Ilocos Sur |
Sunset by the Sea: Suso Beach, Santa Maria, Ilocos Sur |
natakot ako dahil may dinosaur sa zoo nyo, teh! haha! katuwa naman ang post na to! more!
ReplyDelete