Sunday, January 29, 2012

Plaza Burgos: The Quest for Vigan Empanada is Over! ^_^


Ang rumorondang E-jeepney sa Vigan. *Beep! Beep!*
Driver: Tumabi ka nga d'yan, TEH! Nakaharang ka!
Vigan... isa sa mga kilalang tourist destinations, not only in Ilocos Region, kundi sa buong Pilipinas.  The title "Heritage City of Vigan" was even granted to her by UNESCO World Heritage during late 1999. [1] 

Kahit noong maliit pa ako, batid ko na dinadayo ito ng turista kasi may diretsong biyahe papunta rito  galing Maynila (infairness, gumagana utak ko sa bagay na 'to kahit bata pa ako noon). Dahil tourist attraction ang bonggang lugar na ito, sari-saring gimmick ang pinapauso ng local government. Isa na ang nag-iikot  na E-jeepney. 'Yun nga lang, minsan nasasamantala ng mga idol natin sa pamahalaan (kaya front view na lang kinunan ko >_<). 

Sa totoo lang, hindi ko pa nasubukang sumakay d'yan. Kasi hinihiram ko ang sasakyan ng lolo ko  kapag magwa-walay[4] kami ng mga pinsan at mga tita ko. (Yep, driver si Teh kahit bisita siya sa Vigan, hehe!) Naungkat  na rin lang ang driving in Vigan, ang masasabi ko ay okay naman magdrive. Nakakaasar lang 'pag hindi mo kabisado kung nasaan ang mga one way. At marami ring kalsada na medyo may kasikipan. Pero 'pag pupunta ka na sa mga looban ng baryo, wala namang problema. Sa centro lang talaga madalas ang traffic. P.S., bawal ang kaskasero, uso kasi ang mga motor na biglang sumusulpot. Parang Maynila rin.

Teh's favorite Vigan specialty: Empanada! ^_^
Bukod sa panatang mag-abang ng prusisyon ng mga Carroza[2] during Holy Week, meron akong isang bagay na binabalik-balikan sa Vigan... specifically sa Plaza Burgos. Ang  Vigan Empanada! ^_^ Madalas, ginaganahan akong umuwi dahil sa Vigan Empanada. Mawala na lahat sa itinerary ni Teh, 'wag lang ang pagtambay sa gilid ng Plaza Burgos para kumain ng empanada (nakakagutom habang tina-type ko 'to). :)

Ang Plaza Burgos ay matatagpuan sa gilid ng Vigan Cathedral, at tapat ng Plaza Maestro Mall. Kahit pa may Jolibee, Chowking at Mcdo sa Mall, mas pipiliin ko pa rin maupo sa mga bangko sa tapat ng mga Empanada stalls at kumain ng empanada. :) 

No'ng huling punta ko, ang isang order ng Empanada ay nasa Php35.00 (almost less than a dollar). Pero 'pag nagmahal ulit ang karne, baka magtaas ulit ng limang piso. Increment of Php5.00 kasi 'pag nagtataas sila. May iba namang hindi nagtataas ng presyo, pero kinokontian ang serving. 

Naiiba ito sa pangkaraniwan na empanadang meron tayo dito sa Maynila. Manipis ang nirorolyong pambalot na dough (gamit ang maliit na tubo) para malutong kapag ipinrito. Ang filing ng Vigan Empanada ay pinaghalong gulay (kadalasan repolyo), itlog at longganisa. Naiisip ko pa lang ay natatakam na naman ako... @_@ 
Okay na okay ang Okoy! ~ Teh (maka-tagline lang)

Bukod sa Vigan Empanada, may mga Okoy for sale din ang mga Empanada stalls doon (same price, Php35.00). At kung nakita ninyo sa Ilocos Sur intro ni Teh, may nakakain din kaming mga ihaw-ihaw diyan ng mga pinsan ko. At siyempre pa, hindi mawawala ang mga panindang softdrinks sa mga stalls. :)

Lahat ng mga solid food na aking nabanggit, perfect kainin with sukang Iloko[3] as sawsawan... ^_^ Heads-up lang din, kaming mga Ilokano, specifically mga taga-Ilocos Region (or is it just me and my relatives?!), mahilig gawing sabaw ang suka. Parang soup lang, gano'n. :))
 
Hindi nawawalan ng tao ang mga kainan sa gilid ng Plaza Burgos, and impressively, karamihan ng nakikita kong kumakain ay mga local Vigan residents din (well, assumption ko lang 'yun kasi muhkang maraming suki na kung kumilos doon). Maganda ito, kasi kung hindi nila tinatangkilik ang sarili nilang specialties, hihina ang negosyo ng Vigan Empanada... (Mag-aalburoto ang tiyan ni Teh!) Sana, balang araw, mixture ng mga foreigners and locals na ang makikita ko rito. One suggestion, make the place cleaner sana to attract foreigners to eat. :)
The busy eaters of Vigan Empanada @ Plaza Burgos
No travel becomes perfect without eating indulgently! ~Teh's stomach ^_^

~ Notes ni Teh ~

[2] - Movable statues depicting the Stations of the Cross and Major Saints involved with Jesus' life and death showcased during Good Friday Procession
[3] - Vinegar made from Sugar Cane extract, a local produce of Ilocos
[4[ -  Walay - Ilokano word for "gala"/"alis(lakad)"

No comments:

Post a Comment