The much awaited time of the year... Bakasyon! ^_^
Madalas, naitataon ang bakasyon namin sa Ilocos Sur ng peak season. Kung hindi sa Undas, sa Mahal na Araw. (Pero mas madalas, Mahal na Araw kami umuuwi.) Una, walang pasok si Nanay. At pangalawa, sabihin na nating iyon ang panata namin tuwing Mahal na Araw - sacrifice ng konti ang byuti and it's time to be Haggarda Versoza(1) for few days. Not just your ordinary vacation, but a worthwhile vocation... :)
Bus station scenario tuwing uwian ng Mahal na Araw X_X |
Nung huling uwi namin, which is Holy Week 2011, ganito ang eksena sa bus station. Dahil nga ang Holy Wednesday ay working holiday/hindi siya holiday, gumorla lang kami ni Nanay at ni teh na kasama namin sa bahay after office hours (normal shift, 'yung pang-umaga). Kapag ganitong maraming tao, nag-iissue ng number ang guard. Mga 8pm na kami nakarating sa bus station. Nasa 700+ ata 'yung number na naibigay sa amin ni mamang guard. Kaso lang parang nasa 200+ palang ata 'yung number noong dumating kami. Kaya effort talaga tumunganga ng mga ilang oras. Buti na lang, swerte. May nakita kaming kakilala na kapitbahay ng pinsan ko na malapit nang matawag ang number. Eh 'di ayun, nakasingit! Hehehe... Malaman-laman lang din namin, marami pala talaga gumagawa no'n kaya 1000 years ang usad ng number. X_X
Thanks to my cousin's friendly neighborhood, nakasakay kami sa 12mn-trip na bus! ^_^ Pero ang 12mn ay naging 2am... Antok na antok na ako pagdating sa bus, kaya pag-upo namin, close curtains at good night agad kay Nanay.
ZZZZZZZ... (tick! tack! tick! tack!)
ZZZZZZZ... (tick! tack! tick! tack!)
ZZZZZZZ... (tick! tack! tick! tack!)
Nag-vibrate ang cellphone. May nagtext! Si SunCellular lang pala. Asar! Pagtingin ko sa oras, 1:30am na. Pag nasa biyahe ako, ang impulse ko lagi kapag nagigising ay alamin kung asan na ako. Pagsilip ko sa kurtina, BANG! Partas Bus Station pa rin! T_T Sa kabutihang palad, nakaalis kami ng 2am...
Kapag nagbibiyahe ako, mas bet ko matulog kaysa hiluin sarili ko sa view ng bintana. Kaya talagang natutulog ako. Dalawa kasi ang advantage ng natutulog sa biyahe. Una, kapag suka boy o suka girl(2) ka tulad ko, mas malaki ang chance na makalimutan mong sumuka kapag natutulog sa biyahe. Pangalawa, makakaiwas ka rin sa mga gastusing hindi kinakailangan, tulad ng pagbili sa Freelance Maglalako(3). Kasi, kung hindi chicharon ang tinda, naaawa ako sa nagtitinda kaya napapabili ako. Hayst.
Ang buong angkan namin, hindi naman sa nag-eendorse, ay fan ng Partas Bus Company, although compared with other Bus Companies going to Ilocos, like Fariñas, Dominion Bus Lines, Viron Transit, GV Florida, Maria De Leon and Philippine Rabbit, mas mahal ng konti ang fare sa kanila. Naging suki nila kami dahil pinapangatawanan nila ang slogan nila - "We take pride in our courteous and safe drivers". Courteous talaga ang mga driver and kunduktor nila.
Tumatak sa akin minsang pabalik na ako ng Maynila at gabi noon, pumara kami ng Partas na bus (nalalaman namin na Partas ang bus kapag may dalawang blue na ilaw 'yung bus sa gitna ng winshield). Pagbaba ng kunduktor, inassist kami kaagad ng mga pinsan ko na mag-akyat ng gamit pero bago 'yun, bumati muna siya sa amin. "Hello Ading(4), saan kayo papunta? ^_^" Nakakatuwa lang, kasi sila lang ang may mga ganyang kunduktor. Safe din sumakay sa bus ng Partas. Kahit matulin sila magpatakbo (as in!), marunong umapak ng tama sa preno ang mga driver nila. :)
Kapag nasakay ka sa Partas, kadalasan 2x ang stopover. One at Capas, Tarlac and the other is at Sison, Pangasinan. At madalas, kumakain ako ng hotdog on stick sa bawat stopover. Sa lahat naman ng nakainan ko ng hotdog on stick, hindi ko maintindihan kung bakit sarap na sarap ako kumain sa dalawang stopover-ran na 'yan. At laging hotdog on stick lang kinakain ko. Minsan lang 'yung magka-cup noodles ako, pag bet ko mag-MSG overload. =))
Stopover @ Sison, Pangasinan |
Pagkatapos ng Sison, Pangasinan, La Union na! Mga 7am na noong nakaalis kami sa last stopover.
View at the bridge connecting Pangasinan and La-Union |
Mga 10am na ata 'yun, nagising ako. Tapos ang morbid ng palabas sa bus. Basta classic Pinoy movie na may pugot-pugot na ulo. X_X Kaya ipinukol ko ang aking atensyon sa bintana. Nasa Santiago, Ilocos Sur na pala kami!
Tabako farm along the highway at Santiago |
PANIC MODE! Mga 10 minutes na lang, bababa na kami! Dali-dali kong hinanap ang aking suklay dahil tuwing natutulog ako sa biyahe, pagkagising ko, nagmumukha akong sinabunutan ng sampung bekilet(5). Kaka-panic ko, anak ng @^$(^)#&)@#! Nalaglag 'yung suklay ko! Tumingin ako sa ilalim ng upuan, hindi ko makita! Kinalkal ko mga gilid-gilid ng upuan namin ni Nanay, hindi ko makita! Maya-maya, nang nahimasmasan na ako, naalala ko ang hawak kong digicam. Eh kung picture-ran ko kaya 'yung ilalim??? Mga tatlong beses kong kinunan ng picture, hindi ko pa rin makita. Hanggang sa naalala ko, hindi nga pala naka-Auto 'yung digicam! (Feeling DSLR lang...) Pagka-set ko sa Auto, at nang zinoom ko ang picture, captured! Nasa paanan ng pasahero na two seat away from us. Unfortunately, pagbaba ko na siya nakuha. Buti na lang hindi naasar 'yung nakaupo doon.
Suklay ni Teh, 2 seats apart. X_X |
Inihaw na fish for lunch... nakalimutan ko kung ano tawag dito. Nyam! |
Pagdating ko, hinahanap ko ang mga sisiw. Ngunit wala na sila (1 minute of silence)... Kung hindi nabenta, nasagasaan daw sa highway sabi ng pinsan ko. Along the national highway kasi ang bahay nila. RIP sa mga sisiw na nasagasaan... T_T
Mga sisiw ni Kuya Cousin, noong kapiling pa namin sila. For Sale, not for Lunch. Tweeeeet!!! ^_^ |
Hindi tulad dito sa Maynila, malaya kang makakapag-inhale, exhale sa bukirin ng fresh air. At mainam itong gawin tuwing umaga.
Inhaling and exhaling Teh after jogging in the fields. Adik sa fresh air. ~_~ |
Kapag napagod ka naman, walang magbabawal sa iyo maupo at pagmasdan ang baka. :) Tuwing pagmamasdan ko ang baka, I remember the days... Noong bata pa kaming magpipinsan, may isang beses na O.A. ang tagtuyot nung nagbakasyon ako. 'Yun pa man din 'yung isang buwan akong nagbakasyon doon. So para makatulong sa gawaing-bahay, sumasama ako sa pag-iigib ng tubig sa Amianan(7). Bago kami makarating sa poso na may malinis na tubig na maiinom, madadaan kami sa bukid na may mga bakang nagpapahinga. One time, nung nag-igib kami ng pinsan ko at pabalik na kami, may isang baka na very active sa bukirin. Palakad-lakad, pa-sway-sway. Sa paningin ko, naglalakad lang talaga ang baka. Pero pansin namin ng pinsan ko, bumibilis ng konti ang lakad ng baka. Maya-maya nalaman na lang namin na kami pala ang target ng baka. X_X Kaya dali-dali kaming naglakad, at hindi namin pinahalata na tumatakas kami. Baka lalong bilisan ng baka, yari na 'pag naabutan kami! Only in the province... :)
Baka: Mooooooooooo!!! Teh: Mooooooooooo??? (Flashback...) |
Hindi ko alam kung bakit, pero kahit muhkang madumi ang tabing-river na accessible sa likuran ng bahay ng pinsan ko, gustong-gusto kong pinupuntahan 'to. Para bang hindi kumpleto ang bakasyon ko 'pag hindi ko nakikita 'to. Sa river na ito, madalas talaba ang nahuhuli sa lambat. Pero 'pag summer, medyo matumal ang huli.
Noong mga bata pa kami, may mga kawayang balsa (raft) na naka-park sa tabing-ilog. Natuto ako magtulak papuntang tubigan at magsagwan ng balsa kahit pa paano. Kaso ngayong matatanda na kami, wala na ang mga balsa. Waist level na lang kasi ang taas ng tubig. :( Dahil wala nang balsa, nag-moment na lang ako sa tabing-ilog.
Teh's call of nature... Moment by the river |
Bukod sa pagpunta sa tabing-ilog, tumutungo rin kami sa ibabaw ng ilog. :))
Teh's test shot. In the photo shown, where is Teh? Find Teh. (5pts) |
Hindi ako masyadong nakuntento sa unang kuha ko, dahil hindi gaanong tanaw ang Cordillera. Kaya tumawid ako sa kabilang ibayo. Nagtagumpay matapos ang N number of attempts... @_@
East View: Faraway Cordillera and the River by the Bridge |
Natuwa ako kasi ang linis tignan ng tubig. At dahil para sa akin, isa sa mga simbulo ng summer ang Coconut Trees, kinunan ko rin sila ng picture.
Right side of the river when facing Cordillera |
At sa picture na ito ko nakita ang hangganan ng river. Hindi na kasi abot ang tubig ng ilog sa dagat dahil nakaharang ang buhanginan.
West View: End of the River |
Suso Beach welcome sign |
Naalala ko si Young-Jae ng Full House na mahilig mag-jogging sa tabing-dagat. Kaya na-tripan ko rin mag-jogging doon. Hehehe. Kaso parang walang epekto kasi masarap kumain sa probinsya. =)) Masarap mag-jogging sa tabing-dagat, hindi mo gaanong ramdam ang pagod dahil malinis ang hanging nilalanghap mo at maganda ang tanawin.
Teh cooling down after jogging by the sea. |
Suso Beach. One of the pristine beaches of Ilocos Sur. |
Teh kissing the sun... :) |
Sunset @ Suso Beach |
Hindi ko pa rin talaga maintindihan, pero parang attached ako sa river na 'to. At kung mapapansin ninyo, parang lumaki 'yung Cordillera mountains. (Compare mo sa photos kanina. @_@) Kung talagang lumaki sila o namamalik-mata lang ako, kayo na ang humusga.
On our way home, Cordillera seemed to grow... magic? O bulag lang ako? @_@ |
The next one may be a simple view, but this is the road that connects Santa Maria to Manila. If I pursue this road, it will mean that I'm bidding farewell to Santa Maria, then later Ilocos Sur, already...
The road to Manila. From 17.36N 120.46E |
Next time I go back, I'll definitely grab the opportunity to take photos of the places I missed to feature! (Umi-English na si Teh kaya tapusin na 'to!)
~ Vocabulary ni Teh ~
(2)Suka Boy/Girl - lalaki o babaeng madaling masuka sa biyahe
(3)Freelance Maglalako - tindero ng chicharon, makapuno o ng anek-anek na umaakyat sa bus. Minsan may free taste sila para sa mga pasahero.
(4)Ading - Ilocano word for younger brother/sister. May also be termed for anyone younger than you.
(5)Bekilet - Young Beki
(6)Gising-Magsasaka - Around 4AM - 5AM, bago sumikat ang araw
ang smart ng pagkuha ng picture para makita ang nawawalang suklay! hahaha! tsaka sana palitan naman ang sign sa suso beach! hahaha!
ReplyDeleteYung sign ng suso beach, mula nung 4 yrs old ako, ganun na talaga siya. Since Marcos' regime pa ata yun kaya ganyan na siya. :(
Delete