Kapag madaling araw, nagigising ang nanay at tinitignan kung ayos lang ang aking lagay. Tuwing sasapit kasi ang madaling araw, dahil malamig, may mga times na nilalagnat ako. Pero pagkagising ko, nawawala naman ang lagnat ko. Hinawakan niya ang aking noo pero nagtaka siya kasi parang makapal daw ang balahibo ko sa noo. Inilawan niya ang aking "noo" gamit ang kanyang cellphone at laking gulat niya nang makakita ng pusa sa aming kama. Tinabihan pala kami ng pusa (na tinatawag kong "Garfield") sa aming pagtulog... ^_^
"Meow! Meow! Meow!" ang sabi ng pusa habang pinagmamasdan ang pagtulog ko. Tumataas na pala ang sikat ng araw. Oras na para bumangon.
Pusa: Alarm clock ni Teh sa probinsya (RIP Garfield... ~.~) |
Basta uuwi kami ng Ilocos, hindi namin nakakaligtaan ni nanay na dumalaw sa mga kamag-anak namin doon. Isa sa mga dinadalaw namin ay ang pamangkin ko sa Santiago. Pagkagaling ng Santa Maria, aabutin ng around 10-15 minutes ang pagpunta roon kapag sumakay ka ng mini bus. Ngunit madalas, nagre-rent kami ng tricycle papunta sa paroroonan, kaya inaabot kami ng 30 minutes para marating ang bahay ng pamangkin ko.
Quite a dry and empty road for a sunny day... |
At siyempre pa, dahil hindi ako nag-i-stay sa Santiago, nagpaka-turista ako sa paligid-ligid ng bahay ng pamangkin ko. Kahit kambing at pinapatuyong gabi, hindi nakaligtas sa digicam. :))
Meeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!! |
Time for drying gabi stems! ^_^ |
Kung dito sa siyudad, asar na asar tayo sa mainit na klima, sa probinsya, isa ito sa mga pinaka-aabangan ng mga nag-aani (dahil siguradong may aanihin sila, meaning, hindi nasalanta ng bagyo ang mga tanim nila sa panahon ng ani) at ng mga trip lang magpatuyo ng gulay o magbilad sa araw ng kung ano, tulad ng palay at mais.
Akala ko, sa kalsada na lang ako makakakita ng mga tabako. Tuwang-tuwa ako kasi, bukod sa walang ganito sa bakuran namin sa Maynila, nakita ko na rin sila ng face to face. :D Mas matangkad pa sa akin ang mga tabako 'pag fully grown na sila (usually mga bandang April, ganyan na sila katatangkad). May panahon na malagong-malago ang mga dahon nila, pero may panahon din na nagmumuhka silang kulang sa vitamins dahil sa sobrang init.
Teh talking to the fat tobaccos |
Teh: Saan kaya may tubig??? Thin tobaccos: WE'RE THIRSTY! Teh: (Ay? Maka-english naman kayo, wagas?!) |
Ito ang maganda kapag nakaramdam ka ng pagod sa probinsya - payapang pahinga. Huwag magkakamaling ihalintulad ang sinabi ko sa rest in peace. :) Ang ibig kong sabihin, kapag napagod ka, may mainam na lugar kang mapagpapahingahan. Uso kasi sa probinsya ang pamamahinga sa loob ng kubo. Kung wala namang kubo, isa rin sa mga usong pahingahan ang duyan sa may lilim.
Moment sa kubo ni Teh |
Around 200m away ang dagat from my pamangkin's house, more or less (thanks to Wikimapia's distance measure feature). To be specific, 'yung pangalan ng pasyalan by the sea is Sabangan Cove. May mga fisherman boats, cottages (na siguradong for rent pero hindi na kami nagtanong ng rates kasi sumaglit lang kami rito), and flags of different colors. Parang United Nations lang ang drama ng dagat na itech! :)
Sabangan Cove Cottages, Santiago, Ilocos Sur |
Malinis ang tubig, walang kalat na natatanaw, kaya masasabi kong well-preserved pa rin ang dagat na ito. Hindi gaanong brown ang buhangin, semi-white na medyo pino (basta 'yun!).
Kung wala ka namang kakilala rito, okay lang. Kasi accessible naman ang Sabangan Cove from the National Highway. Baba ka lang sa rotonda sa may Poblacion Sur (puwedeng ibilin sa mamang driver kung saan ka bababa 'pag nagko-commute ka). Pagkababa sa rotonda, may pila ng mga tricycle doon. Sumakay ng tricycle at sabihin kung saan tutungo. Nung huling punta namin, Php 8.00 per head ang pamasahe papuntang looban. Pero kung marami kang dala, it is courteous enough na magbigay ng tip sa tricycle driver.
Kung wala ka namang kakilala rito, okay lang. Kasi accessible naman ang Sabangan Cove from the National Highway. Baba ka lang sa rotonda sa may Poblacion Sur (puwedeng ibilin sa mamang driver kung saan ka bababa 'pag nagko-commute ka). Pagkababa sa rotonda, may pila ng mga tricycle doon. Sumakay ng tricycle at sabihin kung saan tutungo. Nung huling punta namin, Php 8.00 per head ang pamasahe papuntang looban. Pero kung marami kang dala, it is courteous enough na magbigay ng tip sa tricycle driver.
Sabangan Cove, north view (right side) |
Lababo ni Teh: Dagat |
Hindi man popular ang Santiago bilang tourist spot, tingin ko, kung pagtutuunan ng lokal na pamahalaan doon ang tourism, masasabi kong may potensyal ang lugar na ito, lalo pa't may kagandahan ang dagat doon, at may mga kabundukan silang nasasakop na pupwedeng akyatin ng mga mountaineers. Nakatapat din sa West ang mga dagat kaya tiyak kong maganda manood ng sunset sa mga lugar na nabanggit.
Higit sa lahat, magandang pagmasdan ang malalawak na lupaing may tanim na tabako sa Santiago... ^_^
Higit sa lahat, magandang pagmasdan ang malalawak na lupaing may tanim na tabako sa Santiago... ^_^
The road back to my cousin's house... |
what a nice place and culture you have in Ilocos. moreso, you're fortunate to have such a caring and loving mother.:)
ReplyDelete