Sunday, April 29, 2012

Pasalubong from the Heart of Bora

Sa bawat lugar na ating napupuntahan, as a tradition bago umuwi, hindi nawawala ang pagbili natin ng pasalubong para sa ating mga uuwian. Halina't samahan si Teh sa kanyang pagsha-shopping (plus window shopping na rin) ng kanyang mga pasalubong.

~ Pasalubong spotted: Postcards and Anek-anek ~
Well lahat naman ng tourist spot ay may souvenir shops na nagbebenta ng postcards. So kung collector ka ng postcards, you should not miss this one.

Bag made of coconut bao? Meron sa Boracay niyan. Comes in cute and colorful designs... :)

Hindi rin ako mahilig sa alahas at anek-anek sa katawan kaya hindi ko na rin inalam ang mga presyo nila kung walang nakalagay. Pero sa perlas, merong nasa daang piso lang at meron ding umaabot ng libong piso. Depende sa rarity or abundance nila. :)

Sa mga accessories naman tulad ng bracelet, anklet, necklace at earrings, may mga sobrang mura na nasa Php10 (ideal pasalubong), merong bulk buys like 7 for Php 100 at meron ding nasa Php 200 hanggang Php 500 bawat isa. Mabuti na lang talaga at hindi ako mahilig diyan dahil nakabili ako ng mga pasalubong na mas muhkang galing ng Boracay. :) Though I'm not saying na hindi sila 100% muhkang galing ng Boracay. Kasi kahit saan makakabili ka ng accessories, kung kaya't hindi ko sila priority saan man ako magtungo.







~ Ref Magnets: The ultimate pasalubong from Bora ~
Ultimate talaga dahil wala kang makikitang souvenir shop sa Bora na walang ga-pader na tindang ref magnet. Medyo nawili si Teh rito dahil pinangarap kong makita at mabili lahat ng species ng isda at seafood. But failed, due to budget shortage. Hehe. Tip: prioritize buying rare magnets like starfish and octopus. :))

Karamihan ng stalls, as of January 2011, ang presyuhan sa magnets na puwedeng i-mix with certain types of keychain ay 7 pieces for Php 100. Medyo suwerte ka rin kung makakita ka ng stall na nagtitinda ng 8 for Php 100 na magnets and keychains. 






















~ Another trademark: Out of this world slippers ~
Ewan ko kung epekto lang ng knock-knock jokes, pero tuwing makikita at mapapadaan ako sa isang stall ng mga kakaibang tsinelas sa D' Mall, napapakanta ako ng (to the tune of Manila by Hotdog) ♫ Tsinelas, tsinelas... ♫ I keep comin' back to tsinelas... ♫ Literal kasi na binabalik-balikan ko 'yung stall. May konting kamahalan kasi ang mga ito kaya noong time na nag-iikot ako sa D' Mall, napapaisip ako kung bibilhin ko ba 'yung Nemo (clownfish) slippers o hindi. Mabuti na lang at may extra pa akong budget noon and since nasa Bora na rin ako, bakit hindi ko pa lubus-lubusin? Hehehe. Kahit broke na broke pag-uwi. :|





Alin sa mga sumusunod ang binili ni Teh? (5pts.)

Salamat sa Boracay, nagkaroon ako ng new-found collection - ref magnets. Naisip ko lang na maganda silang ilagay sa ref na para bang meron akong artificial aquarium. :) Pero siyempre, majority niyan ay pasalubong ni Teh sa kanyang mga friends kung kaya't ilan lang din ang itinabi ko para sa aquarium ko. Hehehe...
Ang mga napamili ni Teh... :)
At magmula noon, sa bawat lugar na napupuntahan ni Teh, hindi nawawala ang pagha-hunting niya ng sea animal ref magnets. :)

Next post: Boracay Outro ni Teh. Hope you had a great time reading my Bora adventures... ^_^

Support the local products of Boracay! :)

No comments:

Post a Comment