Friday, April 6, 2012

Good Friday Procession ~ the Ballesteros Way

To offer a tribute during Holy Week, nagkalkal si Teh ng mga pictures sa kanyang virtual baul na may kinalaman sa Holy Week. Sa makabagong panahon natin ngayon, unti-unting nawawala ang mga nakagawian nating tradisyon at mga sakripisyo tuwing sasapit ang Mahal na Araw. Sana ay makatulong ang trilogy ko (starting from this post) ngayong Mahal na Araw upang makapagbalik-tanaw ang mga readers ni Teh sa mga tradisyon nating mga Pilipino na hindi pupuwedeng maging absent kapag Holy Week...

Naisip ko lang na mag-trilogy starting this Maundy Thursday (sa pananaw ng mga mas late ang timezone), dahil sa trilogy mass (nakalimutan ko tawag kaya trilogy ako ng trilogy) na ino-offer ng aming simbahan, malapit sa bahay, na tumatakbo mula Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria (at ang final blessing ay sa Sabado de Gloria kaya no cutting masses).

Enough of the long intro. :)

To start of sa aking trilogy, I want to share 'yung favorite ko during Holy Week, especially during Maundy Thursday and Good Friday - ang prusisyon (bow). To sum it up, kadalasan pinapakita sa prusisyon ang mga important highlights ng buhay ni Hesus, prior and during His death. After that, parada naman ng iba't ibang muhka ni Maria, Ina ng ating Panginoon. Given na hindi talaga ako super religious, hindi ko kabisado ang mga pangalan ng Stations of the Cross (kaya pasensya na sa mga captions, huhu!) Tanging ang sunud-sunod lang ng mga life-size carrozas ang na-register sa utak ni Teh. :(
The young knights leading the procession...
(Motorist not included)

















...followed by the municipal band. (They cater funerals too, I think.)
















San Pedro, marking the start of the Procession proper.

Suffering of our Lord.
Not sure if this is the Scourging at the Pilar.
(Smiling Pop and Kiddo not included.)
Or this one?
Another scene depicting the suffering of our Lord.


Jesus' coffin. Makes my heart cry whenever this passes by me.

The empty cross of our fallen Lord.

One of the faces of Mary - holding a cloth.
(Smiling kiddo not included.)

The face of Mary, holding a broom.
The face of Mary, holding an incense.

Another face of Mary.
And another...
The last of the faces of Mary.
The angels, who will sing during the Salubong.
Noong kabataan ni Teh (dahil matanda na pala ako), nabigyan ako ng chance upang maging isang angel. Pero sa totoo lang, dahil Ilokano ang kanta, isang stanza lang ang na-memorize ko out of 8 ata 'yun na stanzas. Prior sa Salubong, dapat may mga flower petals ka nang napitas, na ilalagay naman sa basket mo, na isasaboy mo kay Maria para sa event na nabanggit. So it was like, kapag nagkasalubong na si Mary at si Jesus, kayong mga angels kakanta kayo at dapat habang kumakanta, nagsasaboy kayo ng petals kay Mary. But wait, there's more! Dapat din synchronized lahat ng angels sa pagsasaboy ng petals, hehe. Isn't that cute? :)

Abangan ang second part ng Holy Week trilogy ni Teh... Have a sacred week of reflection, everyone! :)

No comments:

Post a Comment