Salamat sa isang sponsor ni Teh, ang bossing ni nanay at ni ninang, nagkaroon kami ng libreng tulugan sa Bora. Once in a lifetime lang ito, dahil medyo high-end ang hotel na ito. Kung sariling expense ko lang kasi, I'd rather book a budget hotel somewhere in Station 2. Well, actually isa siyang condotel so kung may opening or offered units, you may pre-own a unit or two (or many kung super rich kid ka).
Located at Barangay Yapak, aabutin ng around 20 to 30 minutes from Boracay Port going to Alta Vista de Boracay. For convenience, puwede ninyong tawagan or send-dan ng e-mail ang reception (using your own phone or PC) at sabihin in advance kung magpapasundo kayo from Caticlan Airport, then from Boracay Port. Some charges may apply, depende sa hotel package that you availed.
~ The Arrival ~
Sa totoo lang, noong bata pa ako, wala akong kahilig-hilig mag-travel dahil paranoid ako na baka maaksidente ako along the way. Medyo late bloomer ako sa travelling, siguro mga high school ako nag-start maging appreciative sa travelling, though lagi ko lang napupuntahan that time ay Ilocos at Cagayan Valley. Isa ang Boracay sa mga nagmulat sa akin na marami pa akong dapat makita within the Philippines.
Well, kaya lang naman ako nakapunta rito dahil nautusan ang nanay upang mag-check ng mga bagay-bagay sa loob ng unit ng bossing nila ni ninang. Epal lang ako hehe.
Sa loob ng Alta Vista, bawat building ay mayroong pangalan. At siyempre, dahil mas hooked si Teh sa adventures kaysa tignan isa-isa ang mga pangalan ng building, tanging ang building lang ng aming tinuluyan ang naalala ko.
|
Typical building entrance. |
|
Teh was here. |
|
Malayo ang tingin... for the Nth time |
~ Quick Peek inside... ~
After the welcome drinks (masarap siya and free by the way), hinatid kami ng internal shuttle from the reception lobby to the unit kung saan kami mag-i-stay.
"Tuloy po kayo!" Iyan ang bati sa amin ng naghatid ng aming mga baggages sa unit. Katulad ng typical na apartment or condo unit, ang bawat unit ng Alta Vista ay mayroong basic parts ng bahay. Ang tanging bagay na hindi ko nakita rito ay ang stove. So ibig sabihin, kung magluluto ka man ng sarili mong pagkain, microwave lamang ang iyong katuwang. And this is more than enough since, one, nasa bakasyon ka, and two, commonly used siya, especially ng mga foreigners dahil mabilisan ang pagluluto and less ang hassle sa pagpe-prepare.
So ganito ang hitsura ng Loft suite. May kitchen area, ref, dining table, sala, veranda, and 2nd floor. Definitely sa 2nd floor makikita ang mga bedrooms. May dalawang bedroom sa itaas, isang with twin share bed and the other with two single beds. Both floors have bathrooms with hot and cold shower.
|
Kitchen Area |
|
Dining Area |
|
The windy sala |
|
The Veranda |
|
View on the left side |
|
View on the right side |
|
Going up? |
|
Going down? |
|
Hitsura ng single bed pagkagising ng natulog dito (nanay ko) |
|
Door to single beds room (pati ba naman 'to?) |
|
TV set ng single beds room. Walang ganito sa bundok ni Teh. |
|
Dresser sa twin share bed room. Teh was here. |
|
Mga kalat ni Teh. Dedma habang watchie-watchie ng TV.
Kaninong paa ang nasa picture? (10pts) |
|
Bintana ni Teh. ('Eto rin pinicturan! X_X) |
|
View sa labas ng bintana ni Teh. |
~ Out of the box ~
Saglit lang din kaming nakapag-explore ng mga amenities ng Alta Vista since 3 Days, 2 Nights lang ang stay namin sa Boracay. The first thing we did upon arrival, after the welcome drinks, was to eat lunch. Sobrang gutom kami pagdating kasi ilang oras na ang nakalipas mula noong nagbreakfast kami. 9AM kasi ang flight namin to Caticlan so around 11AM kami nakarating sa Alta Vista. By the way, the Pancit Luglug here is awesome with calamansi! Serves from 2 to 3 pax. :)
Anyways, here are some of the things which you can see outside your unit. :)
|
Hotel Exterior, view from the hotel's restaurant. |
|
The green portion of the island, view from the restaurant as well. :) |
|
Viewing Deck |
|
Tanning area - the pool side. Pero walang nangyari... :( |
If you haven't gotten enough of the sea, why not stay on the pool? Isa sa mga hangout area that became my favorite - the refreshing miming pool! >sniff< Sobrang lamig nga lang dito dahil sa lakas ng hangin... >_<
|
Pool bumming... (Brrr! Lamig!) |
|
Ano kaya ang tinuturo ni Teh? (5pts.) |
Moving out in a while mga Teh... Station 2, see you later! :)
No comments:
Post a Comment