Dahil may shuttle service every 30 minutes ang Alta Vista papunta sa town proper, specifically sa Station 2, we had the chance to stroll around D' Mall - the only mall that I've been to in the Island. :)
D' Mall, swarmed by local and foreign tourists. |
And a couple of steps away, you will see D' Talipapa, where you can try out dining sa dampa. Dampa as in, ikaw ang bibili ng kakainin mong seafood plus the desired sahog then papaluto mo sa restaurant of your choice within the market. Warning lang, don't expect low seafood prices. So far, ito pa lang ang place na napuntahan kong malapit sa dagat na mas mahal pa ang price ng seafood per kilo kaysa sa Maynila. Tourist kung tourist ang trato nila sa lahat, local resident man or foreigner. X_X
Anyway, the chefs are great around the dampa so somehow, compensated ang kamahalan ng seafood. :) Nom nom nom! :)
Sinigang na Hipon with Veggies. :) |
Grilled Squid! Love ni Teh. ^_^ (Love ba s'ya no'n?) |
Plato ni Teh. |
The flavorful sawsawan ni Teh. :) |
~ More food around ~
Dining and drinking at D' Mall? Maraming choices actually, lalo na sa may seaside banda. Isa lang ang Hobbit House sa mga nadaanan ni Teh. Nakaagaw kasi ng pansin ko ang signboard sa kanan, saying "More than 150 kinds of beer and cider available here". Pero for those travelling on budget, drinking is not recommended, most especially sa mga lugar na ito. :)
International Drinks offered by Hobbit House |
Hobbit House Dishes |
Beside D' Mall, they even have a Siomai house! One of the well-loved siomai food stalls in the metro... :)
Siomai House @ D' Mall |
Nakakita rin ako ng dalawang sweet tooth shops along D' Mall. One of them is Crazy Crepes (which also has a branch here in Manila). Sa sobrang init and sweet-toothness ni Teh, hindi ako nakatiis sa Mango Crepe. ^_^
Crazzzy Crepes. Make me drool everytime. @_@ |
Sweet shop beside Crazy Crepes |
The Menu for Nihonjin (Side A) |
The Menu for Nihonjin (Side B) |
The Menu for Nihonjin (Side C>>>meron ba no'n?) |
Mango Crepe, para sa totoong tagumpay! (Chos.) |
~ Beach Shopping ~
Sa totoo lang, hindi kasama sa plano ko ang mag-shopping ng dress at kung anu-ano pang summer eclavou sa Bora. Kaya lang, sa dami ng mapagpipilian at dahil kulang ako ng investment sa mga beach dresses (hindi ko kasi masyadong bet mag-dress), napa-shopping ako nang hindi oras.
To make shopping more fun (and no regrets), tuwing may nakikita akong dress or keme na bet ko, kinukunan ko ng picture para kung may babalikan man akong shop, doon na lang ako babalik. Slightly efficient pero dahil sinusuyod ko lahat ng stalls in search for the fairest price, nagiging inefficient din. That's the thrill of shopping. Hehehe... :)
Tip ko lang sa inyo mga Teh, kung nais makamura sa summer dresses, sa D' Talipapa mamili. Pansin ko lang kasi, mas mura ng kaunti rito kaysa sa D' Mall. Pero kung minsan, may mga design na sa D' Mall lang nakikita. Nevertheless, maraming stalls sa D' Talipapa so for sure, makakapili ka rin doon. :)
Bet ni Teh # 2: Red floral mini dress, 2nd sa taas (Pero hindi ko binili...) |
Bet ni Teh #1: Tigress long dress (Mehhh, I'm too short for this. :( ) |
At siyempre pa, puwede ba namang mawala sa Bora ang mga swimsuit? So kung nagpunta ka man ng Bora at nakalimutan ang pagdadala ng swimsuit, worry no more! A lot of shops in D' Mall and D' Talipapa will rescue you! :)
Dito sa Bora, obviously uso ang 2-piece swimwear sa mga kababaihan (at sa mga feeling kababaihan na rin, hehe). Of course, hindi lahat ng Pinay ay comfortable magsuot ng standalone 2-piece due to our conservative upbringing. Also, no need to worry dahil maraming mabibilhang shops ng mga balabal at add-on covering (though I'm not sure kung makakatulong 'yung nasa picture).
Hindi rin mawawala ang summer footwear. Maraming beach sandals, slippers, etc. At isa ang sandals na ito sa nakaagaw ng pansin ni Teh. Parang love at first sight, pagkakita ko, bet na bet ko na siyang isuot! Hehehe... (Impulsive much... >sigh<)
~ Other Things to do at D' Mall ~
Just like any other mall, hindi lang naman pagkain, shopping, pasalubong hunting (to be featured on a separate post), at swimming ang puwedeng gawin dito.
Ang isang magandang gawin (kung naubusan na ng gagawin) ay ang maghanap ng mga interesting na bagay na makaaagaw ng iyong pansin, tulad ng mga maskarang ito sa isang souvenir shop sa D' Mall. Not sure if they are for sale though. Taray lang ng mga maskara kaya pinansin ko sila. Hehe.
Kung gusto mong lumigaya, magsuot ng maskara. :)) |
As a proof that you've been to D' Mall, why not do some wacky pose on the signpost? Pasensya na kayo, ganito kababaw si Teh. Isa kasi ito sa mga paraan ko para masulit ang mga gala ko, hehe.
Welcome to D' Mall Plaza! ^_^ |
Habang naglalakad, nakita ko ang isang plyboard na may paint ng Ati-atihan attire. Puwede mong ilusot ang face mo ditey para mag-picture. :) Sa mga nagtataka kung bakit ati-atihan ang meron diyan, siguro ang pinaka-logical na reason ay ang pagiging famous ng Aklan for its annual Ati-atihan festival.
Hala bira! Ateh-atehan... |
More interesting activities are available 'pag gabi. One is wall climbing and the other is posing with Teh's friends - ang mga stars! (Chos!) Si Britney ata 'yung naka-pink, si Michael Jackson 'yung naka-white at si Liberty the Statue naman 'yung naka-green. :)
Wall climbing - so excruciating... |
Photo ops with da stars and Liberty |
Mall strolling is over. Time for some tourin' around the island! Up next, island adventures... :)
No comments:
Post a Comment