Saturday, April 21, 2012

Malay ko sa'yo ~ Boracay Escape Intro

Noong nagpunta ako sa Boracay, it's been more or less 2 years mula noong huli kong makita ang NAIA 3 so this time I took the opportunity to capture a glimpse of it. Obviously, this is my favorite airport dahil ito lang ang may K lumaban ng pagandahan sa mga karatig-bansa natin in terms of airport facilities. Sana gumanda pa ang NAIA 3 para ma-kabog na nito ang unkabogable Chang-I Airport ng Singapore, which is one of the most beautiful airports in the world...
NAIA 3. So clean, so good! (Puwede ka nang manalamin sa sahig hehehe...)
Escape talaga ang Boracay adventures ko mga teh dahil noong nagtungo ako sa Bora (short for Boracay para sa mga tamad magsabi ng buong pangalan), nasa kalagitnaan ng paggawa ng tisis ang aking group. Na kahit nasa airplane na ako, nagpo-program pa din ako. X_X Pero ayos lang, dahil nalabanan ko ang inip sa biyahe nang mga panahong iyan. Hindi ko alam kung bakit, pero sadyang hirap akong makatulog sa mga short trips tulad nito. :O
Minahal ko ang tisis nang mga oras na ito. Dahil bored sa biyahe. :))
At kapag napapagod ako sa tisis, may mga clouds na nagpapawala ng aking stress... ^_^ (Epal nga lang 'yung elisi... X_X)
Clouds over nowhere... Stress reliever... :)

Trono ni Teh.
Special thanks sa upuan ni Teh for keeping me safe during the air trip. Promise, panalo ang Caticlan airport sa landing. Dahil around 0.8km lang ang length ng runway (thanks sa distance measure ng wikimapia), paglapag ng airplane, halos sagad sa pagpreno ang pilot. Typically kasi, nasa 2km or longer ang length ng runways. Imagine na lang kung hindi ka nagseatbelt. Baka nasubsob ka nang bongga sa upuang nasa harapan mo. So friendly reminder lang mga teh, 'wag matigas ulo, sa kahit anong air travel, magseatbelt before landing. :)










Welcome to Malay! Panahon na upang bumaba ng eroplano at salubungin ang sundo patungong Caticlan port. Kung sa Caticlan ang destination ng sinakyang eroplano, compared with Kalibo-bound flight, mas convenient ito dahil isang jetty boat ride lang na aabutin ng more or less 30 minutes from Caticlan Port, hola! Nasa Boracay ka na. Very safe naman dahil mandatory na suotin ang mga lifejackets while in transit.
Drifting away from Caticlan Port...
Teh wearing the lifejacket.

Approaching Boracay port... Loading...


Ah, white sand plus extraordinary adventures. Finally makikita ko na ang most-appreciated beach of the Philippines... :)

Abangan ang Boracay Adventures ni Teh... Malapit na malapit na! ^_^

No comments:

Post a Comment