Saturday, April 7, 2012

Vigan Carrozas ~ The Black Parade

Heto na ang last installment of Teh's Holy Week Trilogy, featuring the Procession of Vigan Carrozas showing the events prior to and during Jesus' death. 

Ginaganap ito tuwing Good Friday, after ng Siete Palabras[1] sa Vigan Cathedral, around 5PM onwards (pero minsan 6PM nagsisimula). Ang prusisyon na ito ay nagsisimula sa simbahan at dadaan sa... hindi alam ni Teh. X_X Parating nasa gilid lang kasi ako at nanonood ng mga dumadaang carroza upang lahat sila ay makunan ko ng picture. Kapag sumama ako sa prusisyon, hindi ko sila makikitang lahat (malamang). Tulad ng mga ibang mga turista (at feeling turista like Teh), isa ito sa much-awaited event during Holy Week sa Vigan. As in hindi mahulugang-karayom ang dami ng taong ilang oras na nag-aabang para makita ang prusisyon.

Share ko lang ano, at dahil lahat naman ng nasa blog na ito ay sharing ni Teh. Tulad ng nabanggit, hindi ganoon kaganap ang pagiging relihiyoso ko, ngunit tuwing sasapit ang Mahal na Araw, masasabi kong fulfilling on my part kapag tumatayo ako ng mga isa hanggang dalawang oras upang abangan ang paradang ito. In a way, masasabi kong isa ito sa mga panata ko every Holy Week (except this year dahil I opted to work). Bukod kasi sa pagtayo ng halos 2 hours, pahirapan din ang pagsakay ng bus pauwi ng probinsya tuwing Mahal na Araw. Minsanang sakripisyo para kay Lord. :)

Hay, nagiging madaldal na naman ako. :(

Without further ado, I now present to you the Procession of the Vigan Carrozas, in their order of appearance! :) 
The procession, lead by the knights of the altar.
Carroza ni San Pedro.
Carroza depicting the scene of Jesus blessing the palm of his believers.
(P.S. ang cute ng asno ^_^)
The Last Supper.
Jesus speaks to Angel.
Jesus is arrested by soldiers.
Jesus is presented to Pontius Pilate.
Jesus beaten by soldiers part 1.
Jesus beaten by soldiers part 2.
The suffering Lord.
Jesus falls while carrying his cross.
Jesus died on the cross.
Close-up shot of dead Christ.
Jesus is laid down from the cross.
Jesus' coffin.

~ The Faces of Mary ~




























Pagkatapos ng ilang oras na sakripisyo ay ginhawang pangsikmura ang kapalit. Vigan ba? Eh 'di empanada~~~!!! :) (Hanapin ang litrato ng empanada sa mga naunang blog posts ni Teh. 10pts.)

Nawa'y nakatulong ako at ang aking mga litrato sa inyong pagninilay-nilay at pagbabalik-tanaw sa mga kaganapan sa buhay ni Kristo bago siya namatay at nang siya ay namatay... Amen? Amen! 

Hanggang sa susunod na adventure ni Teh... Salamat sa pagtangkilik! ^_^


~ Vocabulary ni Teh ~
[1] Siete Palabras- Spanish phrase for Seven Last Words.

No comments:

Post a Comment