Sunday, April 29, 2012

Pasalubong from the Heart of Bora

Sa bawat lugar na ating napupuntahan, as a tradition bago umuwi, hindi nawawala ang pagbili natin ng pasalubong para sa ating mga uuwian. Halina't samahan si Teh sa kanyang pagsha-shopping (plus window shopping na rin) ng kanyang mga pasalubong.

~ Pasalubong spotted: Postcards and Anek-anek ~
Well lahat naman ng tourist spot ay may souvenir shops na nagbebenta ng postcards. So kung collector ka ng postcards, you should not miss this one.

Bag made of coconut bao? Meron sa Boracay niyan. Comes in cute and colorful designs... :)

Hindi rin ako mahilig sa alahas at anek-anek sa katawan kaya hindi ko na rin inalam ang mga presyo nila kung walang nakalagay. Pero sa perlas, merong nasa daang piso lang at meron ding umaabot ng libong piso. Depende sa rarity or abundance nila. :)

Sa mga accessories naman tulad ng bracelet, anklet, necklace at earrings, may mga sobrang mura na nasa Php10 (ideal pasalubong), merong bulk buys like 7 for Php 100 at meron ding nasa Php 200 hanggang Php 500 bawat isa. Mabuti na lang talaga at hindi ako mahilig diyan dahil nakabili ako ng mga pasalubong na mas muhkang galing ng Boracay. :) Though I'm not saying na hindi sila 100% muhkang galing ng Boracay. Kasi kahit saan makakabili ka ng accessories, kung kaya't hindi ko sila priority saan man ako magtungo.







~ Ref Magnets: The ultimate pasalubong from Bora ~
Ultimate talaga dahil wala kang makikitang souvenir shop sa Bora na walang ga-pader na tindang ref magnet. Medyo nawili si Teh rito dahil pinangarap kong makita at mabili lahat ng species ng isda at seafood. But failed, due to budget shortage. Hehe. Tip: prioritize buying rare magnets like starfish and octopus. :))

Karamihan ng stalls, as of January 2011, ang presyuhan sa magnets na puwedeng i-mix with certain types of keychain ay 7 pieces for Php 100. Medyo suwerte ka rin kung makakita ka ng stall na nagtitinda ng 8 for Php 100 na magnets and keychains. 






















~ Another trademark: Out of this world slippers ~
Ewan ko kung epekto lang ng knock-knock jokes, pero tuwing makikita at mapapadaan ako sa isang stall ng mga kakaibang tsinelas sa D' Mall, napapakanta ako ng (to the tune of Manila by Hotdog) ♫ Tsinelas, tsinelas... ♫ I keep comin' back to tsinelas... ♫ Literal kasi na binabalik-balikan ko 'yung stall. May konting kamahalan kasi ang mga ito kaya noong time na nag-iikot ako sa D' Mall, napapaisip ako kung bibilhin ko ba 'yung Nemo (clownfish) slippers o hindi. Mabuti na lang at may extra pa akong budget noon and since nasa Bora na rin ako, bakit hindi ko pa lubus-lubusin? Hehehe. Kahit broke na broke pag-uwi. :|





Alin sa mga sumusunod ang binili ni Teh? (5pts.)

Salamat sa Boracay, nagkaroon ako ng new-found collection - ref magnets. Naisip ko lang na maganda silang ilagay sa ref na para bang meron akong artificial aquarium. :) Pero siyempre, majority niyan ay pasalubong ni Teh sa kanyang mga friends kung kaya't ilan lang din ang itinabi ko para sa aquarium ko. Hehehe...
Ang mga napamili ni Teh... :)
At magmula noon, sa bawat lugar na napupuntahan ni Teh, hindi nawawala ang pagha-hunting niya ng sea animal ref magnets. :)

Next post: Boracay Outro ni Teh. Hope you had a great time reading my Bora adventures... ^_^

Support the local products of Boracay! :)

Side Quest: Teh visits Shang

Bilang bahagi ng aming boating tour sa palibot ng Boracay island (side ng stations), nag-decide kami ni nanay na huminto rito upang mag-early lunch at mag-ikot-ikot nang kaunti sa sowww~sshhhahhl na hotel ng Shangri-la. (Ikot lang ang kaya naming gawin dahil mahirap lamang si Teh. Hehe.)
View by the reception area
In case of getting lost,
refer to the directory. ^_^





















Ehmmm, ako na ang baliw na nag-picture sa loob ng public restroom ng Shang. Natuwa lang si Teh kasi ang ayos tignan ng paligid ng CR. Para bang sariling room siya ng kung sino sa sobrang ayos. Hehehe. Pero siyempre, hindi naman Stage 5 ang kabaliwan ko kaya hanggang lababo lang naman ang kinuhanan ko ng picture. O.A. na kung pati inidoro kukunan ko ng picture. X_X
The very, very clean and majestic lababo.
Puwede nang maligo sa public restroom gamit sila. XD
Tingin ko, bukod sa interior design ng hotel, isang factor rin na nagpasosyal sa Shang ay ang mga ornaments nito tulad ng paintings (not sure if they are original or replica, but still paintings are expensive!), vases, the grand piano and the like. The bottomline is, lahat sila ay eye candies para sa mga taong nakaka-appreciate ng mga ganitong klase ng art.
Painting of fishermen by ???
The empty vases.
Sinaunang dikdikan.


Other ornaments, babasagin and not babasagin.

Large ethnic vases.






















































The Grand Piano

Saturday, April 28, 2012

Boracay, You Sexy Beach!

Sadyang mapalad ang islang ito dahil nabiyayaan siya ng white sand as the gift from nature. Kung mapapansin ninyo sa unang picture (ituon lamang ang pansin sa ibabang bahagi ng picture at huwag sa gitna), very light blue ang color ng tubig dito. Ibig sabihin, ganoon ka-white ang buhangin dito. All throughout this post, mapapansin din ninyo na lahat ng nadaanan naming tanaw ang pampang ay white sand...

~ Activity # 1: Riding a Speed boat ~
(Rental fee: included in the Jetski and Helmet dive packages)
Dahil ang Jetski and Helmet Diving ay ginagawa sa gitna ng dagat, kinakailangan mo munang sumakay ng speed boat upang makarating sa paroroonan. Ngunit kung nais lamang mag-rent ng speed boat for joy ride, you may do so for a certain rental fee. :)
I'm ateh da sailorwoman! >Poot! Poot!<
~ Activity # 2: Boat rental for Island tour ~
(Rental fee: Varies kung saan kayo pupunta. Php 1500 and up.)
Kung tinatamad maglakad-lakad sa pampang at kung nais magtago panandalian mula sa sunshine, this is what you can do for the meantime. In our case, ginawa namin siya nang late morning bago kami bumalik sa Manila, sa tunay na mundo...

You may tour within Boracay Island, pero kung marami kang time, maaari ring magpunta sa Crocodile Island and others for a total island hopping experience. :)
The usual moment pose ni Teh.

Cave along the way. But due to limited time, ini-snob namin. :(

Tabing-dagat...
Gitnang dagat...

















Dahil medyo alanganing oras na kami nagsimulang sumakay ng bangka, minabuti naming itaon ang tanghalian sa Shangri-la. Nadaanan din namin along the way ang hotel na pag-aari ni Manny Pacquiao. Ideal for wedding occasion and honeymoon. Hehehe...
Hotel ni Pacman.

Shangri-la Boracay Suites.
Shangri-la Boracay's wharf




~ Activity # 3: Snorkeling ~
(Gear rental fee: ranges from Php 100 to Php 150)

Para rin sa mga may limited time and funds (kasi mahal masyado ang Scuba Diving), kung gusto mong mag-say hi to the fishes, snorkeling is a must-do activity. Kaso ewan ko ba kung dahil lang ba mga after lunch kami nag-snorkel at naka-siesta mode ang mga isda, kaya kakaunti ang mga fishes na nakita ni Teh.
Everything OK! Tulog ang mga fishes!
Okay naman ang overall snorkeling experience. Nahirapan lang akong huminga dahil sa bibig ang paghinga. Minsan nga naisip ko, bakit hindi na lang mag-imbento ng hingaan para sa ilong? Hehehe...
Water Power! :))
~ Activity # 4: Helmet Diving ~
(Activity Fee: ranges from Php 1500 to Php 2000 as of January 2011)
Slightly similar sa diving, pero hindi kasing lalim katulad nang sa Scuba Diving. So it goes like this. Before sinking yourself sa dagat to mingle and pose with the fishes, bibigyan ka muna ng briefing ng guide na nasa base lang. Tuturuan ka niya ng mga sign languages under the sea and kung paano ang gagawin once nasa ilalim na ng dagat. Sa itaas ng tubig, ang helmet ay may bigat na 50kgs, ngunit kapag nasa ilalim ka na ng dagat, nasa 2kgs na lang ang feeling ng helmet. Astig no? Hehehe... By the way, nasa humigit-kumulang 15m under sea level lamang ang activity na ito. So mababaw siya talaga compared with Scuba Diving.

Pagbaba, mag-antay sa fish feeds na ibibigay ng guide sa iyo. Pagkatapos, humarap sa camera para makapag-picture-picture with the fishes. The most fun part! :)

Activity lasts up to 15 mins. Beyond 15 mins. kasi, lalamigin na masyado ang katawan mo. So huwag magtampo kung pina-akyat kaagad. :D
Ahmmm... Ahmmm...
>glog glog glog<
Daming fish. Kaso may shokoy hehe. Joke lang koya. :))
~ Activity # 5: Jet ski ~
(Rental rate: Php1500 for 30 mins.)
Vrooommmmmmm!!! Vrooommmmmmm!!! First time kong mag-motor sa dagat at sa Bora pa talaga ako napa-first time. Haha. Sana man lang nag-practice muna ako kung saan bago ako sumabak dito. Anyways, hindi naman siya mahirap matutunan, basta look and listen baka may kasalubong ka na o may mababangga ka na. At least kahit sa tubig, natuto akong mag-motor. Trivia about Teh, hindi ako marunong mag-motor sa lupa (ng 2-wheel). Hehehe...
Va-va-vroooooooooooommmmmmmmmmm!!!~~~

















Time's up! :(
















~ Last activity: Sunset viewing after beach bumming ~
Pagkatapos ng aming land tour the previous day, inabangan namin ang sunset sa may Station 2. Probably the best and the most relaxing beach activity... Ideal for serious shots, jump shots, wacky shots and keme shots. :)
Teh capturing the sunset.
Sunset view. That's Boracay for you. :)
Teh: Hmm... Lalangoy o magpo-pose?
Teh: Siyempre magpo-pose! Ang lamig na kaya! X_X




































Susunod!... Samahan si Teh sa kanyang side quest to Shangri-la Boracay! ^_^

Support our local Boracay tour guides! :)