Bago ang lahat, kailangan ko munang mailapag ang mga gamit ko sa ligtas na lugar nang sa gayon ay makapag-adventure ako nang matiwasay.
Dahil delayed ng mga isang oras ang flight namin, around 11AM na kami nakarating at natapos sa pagkuha ng aming mga bagahe. Namuti na rin nang mga oras na iyon ang mga mata ng nag-antay sa amin sa airport. Gayunpaman, masaya pa rin kaming binati ni Kuya Arnel ng Dive Link Resort na nakapuwesto sa airport. Mula airport, ayon kay Kuya Arnel, nasa 35 minutes ang van ride papuntang wharf. Then another 10-minute boat ride from the wharf to the resort.
The wharf and the parked boats. |
Pagdating namin sa wharf, saktong kaaalis lamang ng service boat papuntang Dive Link. As in siguro mga 30 seconds pa lang siya nakakabiyahe. Mabuti na lang at binalikan kami ng bangka, kung hindi super late na kami sa itinerary namin. Kasi aabutin ng 20 minutes ang pag-aantay namin kung hindi kami binalikan. Salamat kuyang bangkero. :)
Halfway there... |
Almost there... |
Here na... finally! ^_^ |
Sa wakas, nakarating na rin kami after 1x10^N years. Habang kami ay naghahanda para sa unang island tour, kukuwentuhan muna kayo ni Teh... ^_^
~ The Amenities ~
Kahit pa medyo mas mahal ng konti ang rate dito compared sa mga budget hotel na nasa town proper, sulit pa rin dahil sa dami ng amenities ng resort na ito. Heto ang mga privileges ng mga guests ng Dive Link.
1. Free use of Service Boat going to and from Coron Wharf
Maaaring mag-request na pumunta sa town proper via resort's service boat mula sa reception. Siyempre dahil isolated ang resort, naisip siguro nilang mas makakahikayat sila ng guests na mag-stay sa kanila kung may ganito silang service. Of course, may mga limitations din naman. Una, subject to availability ng boats. And pangalawa, libre lamang ang Service Boat kapag pupunta o magpapasundo mula sa wharf between 7AM to 7PM. Beyond that time range, they charge Php 100 per head, per ride. (So alam niyo na ang reason kung bakit isa lang ang natupad sa dinner out ni Teh sa town proper). Fair enough naman, kasi gumagamit din sila ng krudo. Everyday namin siyang na-avail, except noong Day 2 na nag-stay lang kami sa resort after ng 2nd island tour and noong Day 3 na inabot kami ng 8PM sa town. Overall, sulit pa rin. :)
Docking Area A. Dito kami madalas sunduin ng touring boat. :) |
Docking Area B. Kung maraming naka-park na boat sa A, dito ako sumasakay. |
Nakaw na jumpshot ni Teh habang nag-aantay sa bangkero. :) |
2. Welcome Drinks and Souvenir
They treat each and every guest as a VIP as well sa pamamagitan ng pagsabit ng kwintas made out of shells. Looks very nice at may heart pang kasama. :) Aside from that, ang bawat guest ay makatatanggap din ng free juice drink as part of their warm welcome.Very refreshing especially kung galing ka sa excruciating trip. Habang umiinom kami ay nagbigay sa amin ng orientation si Kuya Toto, isa sa mga staff sa reception. Pagkatapos ng orientation, ibinigay naman sa amin ni Ate Tess ang susi ng temporary room namin, dahil pagdating namin, may mga guests pa sa room na nakaassign sa amin. 11:30 AM kasi kami dumating at 12NN ang check-out time kaya normal lamang iyon. Ang masasabi ko lang, bongga sila mag-welcome, mas mainit pa sa tindi ng araw. Napagtanto ko by then na we made the right choice. :)
Welcome orange drink for Teh. |
The Welcome Necklace Souvenir for Teh. |
3. Parts of the Resort (parang elementary lang)
So basically, bukod sa rooms at sa docking area, may mga basic parts ang resort na nandiyan kapag kailangan mo sila. Nandiyan ang reception kung may kailangan mula kay Ate Tess o kay Kuya Toto. Maaari ring makipagkwentuhan sa kanila tungkol sa mga lugar na napuntahan. Very intimate kasi sila sa mga guests kung kaya't masaya silang kakwentuhan... ^_^
Sa labas ng reception naman ay mayroong bar na nagbubukas pagsapit ng dilim. I appreciate their bar so much, though hindi kami nainom diyan, dahil tahimik at walang ingay na maririnig kundi ang kwentuhan ng mga nakatambay sa bar. Complementing siya sa serenity ng lugar and I hope it stays that way pagbalik ko. :)
Far side: Reception area Near side: The Bar |
Sa tabing-dagat ng Uson Island facing the Coron town, uso ang jellyfish kung kaya't may signage doon na "Swim at your own risk". Ngunit huwag malungkot dahil mayroon namang swimming pool ang Dive Link. Chill lang sa pool while enjoying the breathtaking view. :)
The poolside. For kids and feeling kids of all ages. |
Hungry but feeling lazy to go out of the island? Worry not dahil nandiyan ang Dive Link Restaurant to the rescue! Breakfast, Lunch, Dinner or meryenda, meron sila niyan for you. :)
The Stairway to Yummy-ness ~ Dive Link Restaurant. :) |
4. Other extreme amenities
Kasama na rin sa nagpasulit ng stay namin dito ang mga free adventure amenities tulad ng kayaking and trekking. (Though hindi na kami nag-trekking sa pagod.)
Kayaking a day enlarges your biceps, okay? >.< |
Trekking trail x.x-kilometers long. That's for you to find out. :) |
~ The Restaurant ~
Generally, may impression ako na basta kung saan ka nag-i-stay na hotel or inn, average lang lagi ang taste ng pagkain doon compared sa kung kakain ka sa labas. Ngunit ako ay nagkamali. Magaling ang kanilang chef! :)
The table setting. Very neat. :) |
Tulad ng mga typical na hotel or inn dito sa Pinas, may dalawang klase ng breakfast. Isa ang Filipino Breakfast and the other is the American Breakfast. Well, breakfasts are standard anywhere you go, pero ang nagpa-special ng breakfasts namin dito ay ang kasamang danggit kung pipiliin ang Filipino breakfast, at ang marmalade kung American naman ang pipiliin. Comes with a hot drink of your choice, brewed coffee or tea. :)
Filipino Breakfast 1: Tocino w/ rice, egg and danggit Served with vinegar ^_^ |
Filipino Breakfast 2: Sweet Longganisa w/ rice, egg and danggit Also served with vinegar ^_^ |
American Breakfast: Bacon and Egg (na nasa tiyan na ni Teh) w/ 3 slices of white bread, butter and marmalade |
Masarap din mag-dinner dito, lalo na't kung 'yung mga may bestseller or house specialty indicator na dishes ang iyong pipiliing kainin. Siyempre, dahil mahal ang seafood sa Manila, seafood kadalasan ang inoorder namin dito.
Day 1 Yummy Dinner: Fish in Tausi Sauce Seafood Delight (w/ bestseller indicator) |
~ Sample Room ~
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay nalimutan kong kunan ng picture ang aming room noong ito ay maayos pa at hindi pa namin natatambakan ng mga makakalat na gamit. Ngunit salamat kay Ate Tess at Kuya Toto, may isang klase ng room sa Dive Link ang nakunan ko ng picture.
Family Rooms by the shore. Pero hindi ko na-picture-ran ang loob. |
Mas maganda ang room na ito kaysa sa aming pinag-stayan dahil mas mahal ang rate nito. Segue lang, para kasi sa akin, tambakan lang ng gamit ang room kung kaya't okay na sa akin ang may malinis na CR, maayos na tulugan at ligtas na lagayan ng gamit. Pero kung nais maging mas kumportable at kung may budget naman, go for this room. :)
Good for 2-4pax or kung bet niyo magsiksikan at papayagan naman kayo nina ate at kuya, kahit 6-8pax go lang. Depende sa makukuhang package kung may free breakfast or wala. Pero I suggest, dahil masarap naman ang food nila, avail the room with free breakfast option. :)
The bed. |
In terms of facilities, ang edge ng room na ito over ours ay one, hindi ito nakadikit sa ibang room, solo lang siya. Another is that ang dingding niya ay mala-banig habang sementado ang sa amin. With that, I can say mas malamig dito kapag walang aircon. And lastly, may refrigerator ang room na ito. Anyway, kung magpapalagay ka naman ng food sa ref, okay lang naman 'yun sa restaurant. ^_^
CR, refrigerator and sink. |
By the way, ang generator ng mga kwarto ay operational lamang from 5PM up to 9AM the next day. This is a good strategy in conserving energy, since nasa labas din naman ang mga guests between 9AM to 5PM. :)
~ Sunrise, Sunset ~
Ang kinaganda rin ng location ng aming room ay ang accessibility nito sa sunrise at sunset.
The View of Sunrise from the Bayabas rooms. |
Although hindi sobrang kita mula sa room ang sunrise, bawing-bawi naman pagdating ng sunset dahil kitang-kita ang sunset mula sa bench na nakapwesto sa labas ng room.
The breathtaking view of sunset. Only at Dive Link Resort. ;) |
Ngayon ay handa na si Teh sa kanyang Coron adventures. Islands, limestones, corals and fishes, abangan si Teh! ^_^
Special thanks to Groupon Philippines, Miss Terry of Shore 2 Shore Travel Services and Dive Link Coron Adventure Island Resort... :)
No comments:
Post a Comment