Tuesday, May 29, 2012

Come and Dive with Me ~ Coron Sea Adventures

Sa lahat ng ginawa naming activities sa Coron, masasabi kong ito ang naging paborito ko sa lahat - ang snorkeling to sawa! :)

Corals touching and sightseeing, isda chasing and super newbie underwater photography. Lahat 'yan ay perfect gawin sa dagat ng Coron, isa sa mga lugar sa Pinas na may pinakamagagandang snorkeling and diving sites. 

~ Near CYC Island ~
Visited on: Day 1
The nearby CYC Island 

Ang unang snorkeling site na aming napuntahan ay ang site malapit sa CYC island. Sa natatandaan ko, 5 minutes away lang ang spot na ito mula sa Banol Beach. So right after our Day 1 lunch, dito kami dinala ng aming tour guide.
Teh: Muhkang malalim ang tubig kahit saan. O_O
Mula sa site na ito, natatanaw ang Sleeping Giant. At least, kahit 'yan man lang, magsilbing palatandaan kay Teh. :)
Sleeping giant... Shhh!
Teh: Dizizit! (Alat ng water... X_X)
Prior to Coron, nakapag-snorkel na rin ako sa Bora (sa gitna ng dagat) at sa Bataan (sa tabi lang) kaya medyo hindi gano'n kataas ang expectations ko pagdating dito. Kaya pagkatalon ko sa dagat at pagkalubog ng aking muhka sa tubig, napa-wow ako agad! Sobrang gandang view sa ilalim ng dagat ang tumambad sa akin. At dahil literal na sinabi ko ang "wow" sa ilalim ng tubig, napainom ako ng sea water... X_X 





~ Rating ni Teh ~
Paalala lang mga teh, ito ay mula sa personal na opinyon lamang na slightly influenced by our guides. 'Wag masyadong dibdibin... ;)

Brainsss! >zombie mode<
Quite sandy...

Sandy corals

Fish volume: ✰✰✰
Every once in a while, may mga isdang dumadaan sa harapan ni Teh. :)

Fish diversity: ✰✰✰
Karamihan ng nandito, maliliit na isda.








Coral volume: ✰✰✰
Average ang lawak ng sakop ng mga corals dito.

Coral diversity: ✰✰✰
Sakto din ang dami ng klase ng mga corals dito. Good view in general.








Sand visibility: ✰✰✰✰
Dahil average ang dami ng mga corals, maraming portion sa site na ito ang mabuhangin. OK lang dahil white sand naman... :)




Overall rating: ✰✰✰
Maganda ang view, and finally I can call the experience na totoong snorkeling! Maganda na ang site na ito para sa akin. :) Pero ang totoo niyan, marami pang mas magagandang snorkeling site sa Coron, other than this spot.

OK naman ang snorkeling experience nina Teh rito. Kaso nga lang, noong kami ay matagal nang nakalubog sa tubig, unti-unti nararamdaman na namin ang presence ng mga planktons. Kaya umahon kami kaagad. :( >kamot, kamot<
Small fishes swarming the corals

~ Twin Peak Reefs ~
Visited on: Day 2
Nakarating kami rito ng mga 11AM at umaambon nang kami ay nagtungo rito. Oh no, mababasa kami! Kaya agad-agad kaming tumalon sa tubig upang magtago sa ambon...
The un-conjoined twin peak... :)
Mga naka-park na bangka ng mga kapwa snorkelers. 
I'm the Teh of the world!!!

Ehmmm, hindi na rin nagtangka si Teh na mag-dive mula sa kinatatayuan. Dahil low tide, kung hindi tinik sa ulo ang matatanggap mula sa mga sea urchins, mauuntog naman ako sa mga corals kung itinuloy ko ang aking binabalak kaya nag-pose na lang ako sa dulo ng boat. :)

Muli, narito ang rating ni Teh... :)


Early lunch ng mga fish sa corals. Don't disturb! :)

Fish volume: ✰✰✰✰
Marami-rami sila. Siguro dahil lunch time nila at ang kanilang restaurant ay ang mga corals dito?

Fish diversity: ✰✰✰
Marami rin akong nakitang iba't ibang klase ng fish, compared with the previously featured snorkeling site near CYC island. (Sorry na for comparing...)

Wide view of Twin Peak Reef...



Coral volume: ✰✰✰
Walang blankong view. Sagana sa corals ang portion na ito ng Coron Sea. Overpopulated, I must say. :)

Coral diversity: ✰✰✰
Although common 'yung mga static corals na muhkang pretzel sticks o kamay ni Shrek, makukulay  at maraming variation ang mga ito.
Wider view! :)



Sand visibility: ✰
Dahil crowded ang site na ito ng mga corals, wala akong nakitang spot na mabuhangin. Just corals. :)



Overall rating: ✰✰✰
Very beautiful view indeed, full of corals! It's great to see na preserved pa ang area na ito... ;)


Pating? O pretending to be a pating?
Gora na sa next destination mga Teh!
(Uhh, hindi ata 'yan ang direksyon?)












Nang nakaramdam na si Teh ng paglakas ng alon, agad na akong bumalik sa bangka. Very fulfilled talaga ako sa view na nakita ko sa katubigang nakapaligid sa Twin Peak. For sure, isa ito sa babalikan ko rito sa Coron... ^_^

And... time's up! Kasi kumakalam na ang mga sikmura namin... Lunchbreak muna mga teh! :)

~ Atwayan Coral Garden ~
Visited on: Day 2
After mapababa ang kinaing lunch sa Atwayan Beach, workout time ulit by snorkeling. Sa snorkeling site na ito, masasabi kong dito nagtatagpo ang mababaw at malalim na bahagi ng dagat. Mula sa talian ng bangka sa gitna, kailangang lumangoy ng kaunti papunta sa mababaw na parte upang makita ang mismong coral garden. Malapit lang naman...

Maulan pa rin ng kaunti at medyo maalon, pero keribels. Dive na sa water! :)
Atwayan Island marker.
So 'pag nakita mo ito, for sure nasa Atwayan ka. :D

Fish, please?


Fish volume: ✰✰
Bibihira kaming nakakita ng isda rito. Siguro kasi, tapos na ang lunch break nila at bumalik na sila sa kailaliman ng dagat. :))

Fish diversity: ✰
Bukod pa sa kakaunti sila, kung anu-anong mga fish ang nakikita mo, sila-sila pa rin ang makikita mo maya't maya. Pero okay lang, at least close na kayo kasi memorize mo na ang bawat isa sa kanila, hehehe... :D




Coral volume: ✰✰✰
Halleur? Coral garden nga eh. Malamang infinite ang corals dito! (Chos, umi-infinite?)

Coral diversity: ✰✰✰
Same answer. Coral garden siya mga teh. Normal na maraming uri ng corals ang nag-e-exist dito. :)




Sand visibility: ✰
Tulad ng Twin Peak, natatabunan din ng sobrang daming corals ang buhangin kung kaya't walang bakas ng buhangin ang makikita rito. 



Overall rating: ✰✰✰
A great view of the wide array of corals, ano pa ang hihilingin ng isang sea garden lover? Although konti ang isdang nakita ko that time, I still found this place amazing. Kung hindi lang dahil sa pangangating mula sa mga nadurog na plankton at sa lakas ng alon, magtatagal pa sana ako sa pag-iikot dito. Anyway, let's move on to the last snorkeling site na nabisita ni Teh. :)

~ Siete Pecados Sanctuary ~
Visited on: Day 1
Like I always do sa aking pagkain, I save the best for last. The snorkeling site with a story to tell... :)
Approaching Siete Pecados...
Steal shot of 3 of the Siete Pecados in a broad daylight...
Until now, nagdadalawang-isip pa rin ako kung ikukuwento ko ba o hahayaan ko na lamang na kayo mismo ang makatuklas ng kuwento tungkol sa Siete Pecados. Pero naisip ko, sa dami ng travel blogs sa earth, malamang sa malamang ay marami na ring nakapagkuwento nito. So mega join-join na lang ako sa kanila, ikukuwento ko na rin. ;)

Noon ay mayroon daw pitong magkakapatid na nakatira sa Coron Island ('yung original). Pinagbabawalan sila lagi ng mga magulang nilang tumawid ng dagat dahil baka mapano raw sila. One day, isang araw, nagdesisyon ang mga magkakapatid na tumakas mula sa kanilang mga magulang. Silang pito ay gumorabels upang tawirin ang dagat patungo sa kabilang isla, ang tinatawag natin ngayong Busuanga Island/New Coron Island. Habang sila ay tumatawid ng dagat, biglang dumating ang napakalakas na unos na parang storm. Kaloka lang mga teh. At nang sila ay binabayo ng malalakas na alon, sinabi ng isa sa pitong magkakapatid "kahit anong mangyari, magkapit-kapit lang tayo!" At sa paglaho ng bagyo, ang pitong magkakapatid ay naglaho rin... (One minute of silence...)
Other members of Siete Pecados

Makalipas ang ilang araw, may pitong halos magkakadikit na islet na tumubo sa pagitan ng original Coron Island at ng New Coron Island/Busuanga Island. Pinaniniwalaang ang mga ito ay ang kinahantungan ng pitong magkakapatid. (Another minute of silence...)

At mula sa kuwentong iyon, ang pitong islet na ito ay binansagang "Siete Pecados" na ang ibig sabihin ay pitong makasalanan.
Limestone hills ~ another famous view in Coron :)
Tanawin mula sa boat.
Pansin ba ang mga black spots sa photo?

Okay, so tama na muna ang kuwentuhan dahil nandito na tayo... Swimming time! :)

Considered na isang fish sanctuary ang Siete Pecados kung kaya't hindi nakapagtatakang kahit nasa ibabaw ka pa lang ng tubig ay marami ka nang matatanaw na isda. Dahil isa itong sanctuary, mahigpit na ipinagbabawal ang pagfi-fishing dito. Dapat lang, kasi ang gandang tignan na marami ang isda rito. :)




Sa lahat ng mga snorkeling sites na nasa post na ito, aaminin kong ang site na ito ang naging baseline sa mga ratings ko. Ito kasi ang pinakamaganda sa lahat ng snorkeling sites na napuntahan ko. Isang disclaimer lang ulit, personal na opinyon ko lamang ang mga ratings na ito. Hindi gaanong obvious, pero this site is a personal favorite. :)




Fish volume: ✰✰✰✰
Pagkalubog pa lang ng ulo mo, mahihilo ka na sa dami ng isdang dumadaan sa harapan mo. Isda, isda, isda. Kahit saan ka lumingon. Hindi sila takot or bothered sa mga human visitors. And I lurrrvet, ang friendly nila! :D




Fish diversity: ✰✰✰
May brown, may blue, may yellow, may white, may black... Basta maraming klase. At 'wag niyo nang tanungin si Teh kung anu-anong species ng isda ang nakita ko dahil ang isasagot ko sa inyo ay waley. Ang magtanong, chaka. OK? :P




Coral volume: ✰✰✰
Bagama't hindi kasing-dami ng nasa Atwayan Coral Garden, sagana rin naman ang Siete Pecados sa mga corals. Well, ang basehan ko kasi ng coral volume ay against sa sand visibility, kung kaya't hindi ko ito nabigyan ng 5 stars. Pero ang focus naman dito ay ang mga fish (at sea urchin), dahil sabi ko nga, isa itong sanctuary.




Coral diversity: ✰✰✰
Iba't ibang klase rin ng corals ang nakita ko rito, pero again, hindi kasing-dami ng nasa Atwayan Coral Garden at kasing-kukulay ng mga nasa Twin Peak. May mga mala-halaman na corals din. Just right. 





Sand visibility: ✰
Sa ibang portions, medyo kita ang buhangin pero natatabunan pa rin ito ng mga corals. May mga spaces lang among the corals kung saan visible na ang white sand.




Overall rating: ✰✰✰✰!!!
Una sa lahat, hindi ako nangati dahil walang dikya! (Yey!) Peaceful, serene, ano pa ba? Basta, super relaxing ang feeling habang nakikipag-friends ako sa mga fish. At kahit pa gasgas na ang mga salitang breathtaking at captivating para sa Coron, wala na talaga akong maisip na strongly positive adjectives upang i-describe ang Siete Pecados. As in, super bonggels ang kagandahan! Marahil, para sa isang snorkeling site, ito ang pinaka-winner! Perfect! Havey na havey! ^_^

Kaya minsan, gusto kong maniwala sa mga legends, katulad ng tungkol sa Siete Pecados. Dahil kung saan nawawala ang isang tao, diyos, diyosa o kung ano pang keme, nagiging full of life ang lugar na iyon. Katulad na lang ng lugar na ito kung saan napakaraming isda (at sea urchin) ang nabubuhay rito. Miraculously wonderful. :)
Ahon time... :(
Masaya si Teh na kahit for few days, naranasan kong maging sirena (na may lifevest). Kung papapiliin ako ng magiging anyo ko sa aking second life, 'yun na! Hehe... 

Explore Coron further. Next on the adventures of Teh ~ Sangat Exploration. Abangan! :)

Some photos courtesy of J.R.C. (Thanks, thanks! ^_^)

Brought to you by Calamianes Expeditions and Ecotours... :)

Support our local Pinoy tour guides... :)

2 comments:

  1. I like the last picture. :D ahon time!!! nice layout!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks teh, ahm tsamba lang 'yung layout kasi tinatamad akong mag-explore ng features ng blogger. hahaha. dami pang pending na isusulat. thanks for visiting :)

      Delete