Monday, May 28, 2012

Beneath the Sleeping Giant of Coron

Ang Coron ay hindi lamang tungkol sa limestones, white beaches at dagat na tahanan ng  iba't ibang sea animals at magagandang corals. Narito rin ang mismong isla ng Coron na nabansagang "Sleeping Giant" dahil sa anyo ng isla mula sa side ng town proper. 

Nabanggit ko na ang Sleeping Giant ay ang mismong isla ng Coron. Originally, ang kinalalagyan ng wharf at ng town proper ng Coron ngayon ay considered as part of Busuanga dahil nasa iisang isla sila together with the town in the middle of the island, which is Busuanga ever since. Pero nang dumami raw ang mga tao sa original Coron island, ayon sa aming tour guide, the local government decided to relocate the town proper of Coron sa hindi kalayuang bahagi ng Busuanga island. Gets ba mga teh?
Sleeping Giant = the original Coron Island
Impressively, ang Sleeping Giant ay may mga natatagong wonderful lakes kung saan kabilang ang tatlong napuntahang lakes ni Teh na very famous sa tourists. Ayon sa aming guide, 90% tubig tabang at 10% tubig alat ang composition ng mga lakes na ito. Halina't samahan si Teh sa pagbisita ng mga lakes.

~ Barracuda Lake ~
Visited on: Day 1
Approaching Barracuda Lake docking area...
Pagkagaling sa snorkeling site malapit sa CYC island, dito kami dinala ng aming tour guide. Hindi ko nga lang nakabisado o naalala kung saan ito banda sa Sleeping Giant, dahil puro limestones ang nakapaligid sa kanya. Tanging ang mga guide at mga taong madalas doon ang nakakaalam ng eksaktong lokasyon nito. Same case with other lakes na napuntahan namin.







Nang mga oras na iyon, kakaunti na ang mga bangka na nasa docking area ng Barracuda Lake. Medyo late na kami that time, dahil usually, bandang umaga ito pinupuntahan ng mga turista.
Barracuda Lake docking area
Short trek down to the lake.














Well, pagdating ng docking area, hindi pa iyon mismo ang lake. May konti pang trekking pataas at pababa papunta sa Barracuda Lake. Hindi naman siya gaanong nakakapagod.






Teh: Ok dito banda... :)

Sa mga mag-i-snorkel dito, may mga mangilan-ngilang isda kayong makikita rito. Minsan may hipon. Pero ang highlight talaga rito ay ang rock formation. Kaso medyo malalim na ang mga iyon nang kami ay nagpunta dahil high tide na 'pag hapon kung kaya't medyo malalabo ang mga kuha ni Teh.

Rock formation sa gilid

Rock formation sa gitna...

Natiyempuhang school of fishes...
Pinayuhan kami ni Kuya Hector na huwag masyadong magtagal dito upang makapagtagal kami sa Siete Pecados. Yep, 'yun ang aming priority noong Day 1.
View on our way back to the boat...

Mataas pa ang araw pero we're leaving...
Bye Barracuda lake...















~ Kayangan Lake ~
Visited on: Day 2
Patawarin si Teh sa mga comparison na magaganap, pero so far sa lahat ng aming napuntahang lakes, ito ang pinakamaganda sa halos lahat ng aspeto. At isa pa, nandito ang view na binansagan kong "Hindi-ka-nagpunta-ng-Coron-kung-wala-kang-picture-dito" view. (Seryoso si Teh.)
Approaching Kayangan Lake...
Pagbaba ng docking area, makakakita kayo roon ng isang booth na may mga naka-post na offered tour packages. Sa pagmamadali, hindi na nakapagtanong si Teh kung ano ang terms ng mga tour na nakapaskil doon. Bago naman pumasok ng trekking trail papuntang Kayangan lake ay may naka-post ding mga rules sa wikang Ingles na dapat i-observe habang nasa Kayangan lake. Nawa'y binabasa ito ng lahat ng visitors... :)
Tour packages posted.
Forgot to ask kung minimum ng ilang tao...
Rules to be observed when visiting Kayangan




















Sa kanang bahagi naman ng entrance ay may nakapaskil namang mapa ng original Coron island na may mga marka kung nasaan ang mga tourist spots. For hi-res photo of the map, just leave Teh a message at ise-send ko ito sa iyo. ;)

Unlike the trekking trail in Barracuda, ang trail dito ay very, very challenging and excruciating... On an average, aabutin ng 15 minutes ang trekking bago makarating sa Kayangan Lake mismo. Well, depende 'yan sa pace mo. In Teh's case, inabot ako ng 10 minutes sa pagmamadali. (Pero mas nakakapagod kaysa 'yung kung binagalan ko na lang sana...)
Trekking path going up... X_X
Say hi to our Chinese tourists while resting. :)
Map of the Original Coron Island
w/ tourist spots indicated.

























Sulit naman ang pagod sa pag-akyat-baba sa trekking trail dahil maganda ang view na madadatnan mo. ^_^
The moist view of Kayangan Lake... (Cam fail. X_X)
Dito sa Kayangan Lake, complex at mababaw ang rock formations and maraming isda na makikita sa pag-i-snorkel. Very beautiful and naturally gifted indeed... :)
Rock formation view above the water

A large school of fishes in the house!

Rock formation sa gitna ng lake. Beautifully crafted by nature... :)
At pagkatapos ng snorkeling sa Kayangan Lake, dinala kami ng tour guide sa taas ng trekking trail. Nakakapagod na naman, pero super sulit pa rin dahil natagpuan na rin ni Teh sa wakas ang view na kailangan niyang makunan ng picture... So ito pala ang viral view ng Coron, na nasa Kayangan Lake pala... Ang Hindi-ka-nagpunta-ng-Coron-kung-wala-kang-picture-dito view! ^_^
Moment ni Teh sa Hindi-ka-nagpunta-ng-Coron-kung-wala-kang-picture-dito view
sa taas ng Kayangan Lake

~ Twin Lagoon ~
Visited on: Day 2
Tulad ng naunang dalawang lakes, hindi ko rin kayang tandaan ang exact location ng Twin Lagoon. Paano naman kasi, maraming ginawang pagkanan at pagkaliwa ng aming bangka para marating ito. So wala na talaga, hindi kinaya ng memory ni Teh.
Turn left, turn right...? Saan???
Approaching Twin Lagoon docking area...

For Teh, I considered this as a lake dahil tubig tabang din ang tubig dito (kahit hindi ko tinikman, I can feel it). 


Almost full parking at the docking area.











By the way, tinawag siyang Twin Lagoon dahil sa ang mga lagoon dito ay dalawang magkadikit. 










Welcome, welcome~ Twin Lagoon docking area.
Sands and rocks with a fish passing by... (Lucky!)


Hindi katulad ng Barracuda at Kayangan Lake, ang Twin Lagoon ay hindi ideal for snorkeling dahil ang majority ng view na makikita mo rito ay buhangin. Suwerte na lang kung may makitang isda. 

Plants and small rocks. :)























At dito rin, hindi na kailangang mag-trekking dahil sa ilalim ng isang rock formation, maaaring lumusot doon upang marating ang mismong lagoon. Kapag low tide pa nga, pupuwede ka pang mag-kayak sa lusutan na iyon. Pero noong nagpunta kami, hapon na kaya high tide na rito. Ang nangyaring paglusot ay ginawa sa pamamagitan ng paghiga. Ang feeling eh, parang patay lang na pinaaanod sa tubig hehehe... X_X
View at Twin Lagoon.
Turn left to see the other twin. :)
Moment ni Teh sa balsa














Hindi ko alam kung bakit siya nando'n, pero may balsa roon na pupuwedeng tambayan ng mga visitors ng Twin Lagoon. Dahil pagod na ang mga braso ni Teh, nagpahinga na lamang siya roon while enjoying the view... :)






Hindi lang ang mismong Twin Lagoon ang may angking kagandahan. Maging ang lagusan nito palabas ay may magagandang anggulo. Salamat sa natural formations ng mga limestones ni Sleeping Giant. :)
Exiting view from Twin Lagoon. Simply captivating... :)

♫ Sun's still high but we're movin' on... 
You're gonna be our number one... ♫
































They say that it takes hundreds of million years bago umusbong muli ang mga limestones. I say that we preserve and protect them. I hope na pagbalik ko rito, ganito pa rin kaganda ang mga limestones ng Sleeping Giant. Kaya sana walang sisira ng mga limestones ni Giant para sa pansariling kapakanan. At huwag sana siyang magising! :P

So this ends our lake hopping. Discover the remaining beauty of Coron under the sea in the next blog post of Teh! Stay tuned! :)

Some photos courtesy of J.R.C. (Thanks, thanks! ^_^)

Brought to you by Calamianes Expeditions and Ecotours... :)

Support our local Pinoy tour guides... :)

No comments:

Post a Comment