Wednesday, May 30, 2012

Sunset Dining at Sea Dive Restaurant Coron

Dahil huling gabi na ng sleepover ni Teh sa Coron, at dahil napaaga ang tapos ng Sangat adventures nina Teh, finally nag-decide na kaming magpagabi sa town proper at gumastos ng Php 100 per head. Tulad ng nabanggit ko about the service boat ng Dive Link, kapag lagpas na kasi ng 7PM, magbabayad na ng Php 100 per trip to or from the wharf.
Sneak preview of the wharf
After the pasalubong hunting part 1, nagpasya kaming mag-dinner sa Sea Dive Restaurant, isang continental restaurant within the wharf area. Filipino? Italian? Or can't decide? Here's a great place to dine at. :)

Aside from the restaurant, may mga rooms and diving equipment dito for rent. Ideal place to tambay and lodge at for divers.
Diver's lounge @ Sea Dive Resort
Sulit naman ang desisyon naming mag-spend ng Php 100 lalo na at tiyempong maganda ang sunset nang kami ay nag-dinner sa Sea Dive. (So talagang may bitterness ako sa Php 100 dahil paulit-ulit ko siyang binabanggit. Unli?) Bihira akong makakita ng ganito ka-flamboyant na mga ulap kung kaya't feeling ko nang mga panahong iyan, ito ang blessing ni Lord na kapalit ng aming Php 100. :)
Sunset View from our dining table... ^_^*
Masuwerte lang din talaga kami noong hapong 'yon dahil nakapuwesto kami sa table na nasa tabi ng bintana, kung saan maganda ang view ng dagat at ng sunset. Pero 2nd rank lang sa ganda ang naupuan namin, dahil may mga mesa pa sa veranda nila kung saan mas okay ang ambiance at view. Kaso occupied ito pagdating namin kung kaya't doon kami napunta sa 2nd placer. Pero okay na rin, maganda pa rin ang view at puwede ka namang sumaglit sa veranda upang mag-picture ng view. Mag-excuse me lang sa mga kumakain doon. :)
The busy fishermen's view from the veranda table... :)
Sa hindi rin kalayuan ay nando'n ang La Sirenetta restaurant. Kung super bet mong mag-sunset viewing, mag-dinner din doon one of your evenings. Also, you might find the sirena statues on the four corners of the kubo interesting. :P
La Sirenetta restaurant with the ooh-la-la siren statues. :))
*censored* >_<
Saktong tapos na rin kami mag-picture-picture nang dumating sa hapag ang mga inorder namin. Pagkatapos ng nakakapagod na adventure, heto na ang reward nina Teh - Seafood Pizza and Shrimp noodles in coconut soup! ^_^*

Shrimp noodles in coconut soup... Appetizing! :)
Ang sentensya ni Teh? Ito ang personal ratings ko sa restaurant na ito.

Food: ✰✰✰✰✰ 
Masarap! Perfect! Especially the Seafood Pizza! ^_^

Ambiance: ✰✰✰✰ 
5-stars sana kung hindi ako nakagat ng lamok X_X But the seaview is great! ^_^

Value for Money:  ✰✰✰✰ 
Against sa binayad namin, sulit ang price. :)
Seafood pizza! Nyam! ^_^


Cost: ✰✰
Not an ideal restaurant for those on tight budget. :| (3rd day na kasi kami kumain dito kaya nakaipon na sina Teh. Hehe!)

Hospitality: ✰✰✰
Food was served promptly and the one who took our order is not masungit. Hehehe... However, medyo minus points ang slowness ng counter sa pag-bill out sa amin nang gabing iyon. Anyway, we just enjoyed the view while waiting. :)

Overall, the dining experience here is great! Delicioso dishes, nice ambiance and breathtaking sunset view... Super sulit! Kapag nakaipon ako ulit sa pagpunta ko rito, kakain ako ulit dito... ^_^
The busy resto... with busy eaters.
Day 3 is over... which means last day na tomorrow ni Teh! :( 

Up next, get to know the town of Coron better in the next feature post of Teh... Don't go away! :)

Some photos courtesy of J.R.C. (Thanks, thanks! ^_^)

1 comment: