Maituturing ko na isa ito sa mga pinakaaabangang bakasyon ni Teh dahil, bukod sa malaki ang chance na maging tan ang skin ko, madadagdagan na namang muli ang aking adventure diary... :)
Ang adventure na ito ay nagsimula sa himpapawid, nang matanaw ko na mula sa bintana ng airplane ang magagandang isla ng Coron area.
Aerial view of Coron Group of Islands |
The control tower of Busuanga Airport |
Just like any other domestic airport, Francisco B. Reyes Airport, Busuanga Airport for short, nag-iisa lamang ang arrival gate nito and wala ring carousel belt for claiming checked-in baggages. Pero may isang designated portion ng arrival area ang naka-allot para sa pag-claim ng baggages. Kaya kinakailangang mong mag-abang kung ang gamit ay nasa claiming area na. Neat-looking airport in general.
Ang airport na ito rin ang gateway ng mga nais magtungo sa El Nido, Palawan. From Busuanga, it will be a 40-minute van ride to the pier (somewhere between the town proper and Maquinit Hot Spring). Then from the pier, around 4 hours or 8 hours, depende kung magfa-fast ferry ka or cheaper ferry, ang travel time patungong El Nido.
The Busuanga Airport (at muhkang pinituhan pa ako ng ground crew habang kumukuha ng picture) >.< |
The bored boarding passengers... |
Going back to the airport, maraming upuan sa departure area kung kaya't bibihira ang mga nakatayong waiting passengers. Hindi airconditioned ang airport ngunit hindi naman kainitan dahil mayroong electric fan sa loob. Isa pa, mahangin naman sa labas kaya ayos lang. :)
Siya ulit? |
By the way, ang karaniwang plane galing Manila na bumabiyahe papunta at paalis dito ay ang ATR-72 (thanks google) propeller type lamang na kinakatakutan sakyan ni Teh dahil ramdam kahit mahinang turbulence. >_< Pero sana kung dadami ang turista, maging Airbus na ang mga planes na bibiyahe patungo rito. Pupuwede rin dito lumapag at lumipad ang mga small chartered planes to and from El Nido. Well, pangmayayaman lang siguro 'yon. (Magbarko na lamang to El Nido.)
~ The Resort ~
Salamat sa promo ng isang e-voucher site at natagpuan ko ang resort na ito - ang Dive Link Resort. Well, sa totoo lang, akala ko noong una ay nakatipid ako. Ngunit lumalabas na ganoon din pala ang gastos kung direct booking ang aking ginawa. Upside lang ng aking pagbili ng e-voucher, less ang hassle kaya thank you na rin... :)
Everyday view, only at Dive Link Resort |
Sulit na rin sa dami ng amenities ng resort na ito, and bongga na rin dahil isolated ang lugar na ito. Perfect for emoting. :))
~What to do in Coron?~
Napakaraming pupuwedeng gawin sa Coron kung kaya't kahit wala kang kaplano-plano kapag nagpunta ka rito, heto ang mga suggestion ko sa iyo. Ito ang mga nagawa ni Teh habang nasa Coron.
1. Island and beach hopping
Kung nais mong mag-stay sa white sand beaches, hindi ka mauubusan ng patutunguhan. Nandiyan ang Banol Beach, Atwayan Beach, at CYC Island. Bukod sa white sand beaches, maaari rin namang mag-sightseeing ng limestones and rock formations via boat sa Sleeping Giant (na never nagising) at sa mga lakes tulad ng Barracuda at Kayangan lake.
Limestones formation at Banol Beach |
The sleeping giant. Mula pagdating hanggang sa pag-alis, natutulog siya... Sssshhh! :) |
Kung super adventurous ka naman at talagang naghahanap ka ng magandang white beach, magtungo sa Malcapuya Island. Around 1.5 to 2 hours ang biyahe papunta roon by motor boat.
Tipikal na hitsura ng mga touring boats ng Coron |
2. Snorkeling and Diving
Mayaman ang Coron sa mga lugar kung saan magandang mag-snorkeling at Scuba diving. Kung nais makakita ng maraming corals at isda, da best ang Coron sa mga underwater views. Isa na rito ang Siete Pecados Sanctuary.
Perfect haven din ang Coron for divers, most especially kung bet ninyo ang pagbabalik-tanaw sa World War II sa pamamagitan ng Shipwreck explorations near Sangat Island. Dahil sa dami ng lumubog na barko sa Coron Area, naging kilala ito bilang Shipwreck Diving Capital of the Philppines (ayon sa t-shirt na aking nabili). ^_^
Mayaman ang Coron sa mga lugar kung saan magandang mag-snorkeling at Scuba diving. Kung nais makakita ng maraming corals at isda, da best ang Coron sa mga underwater views. Isa na rito ang Siete Pecados Sanctuary.
Teh: OK! |
Nawa'y pagbalik ko rito ay marunong na akong mag-Scuba diving nang mas lalo ko pang ma-appreciate ang lugar na ito. Soon... :)
View of Siete Pecados from afar |
3. Getting around the town
Well, magandang mag-ikot sa town kung isa kang food tripper at matakaw tulad ni Teh. Although hindi ko ito gaanong nagawa dahil sa time constraint ng resort service boat (remember, nasa isla ang resort na aking tinuluyan). Maglakad-lakad lamang malapit sa wharf, especially during night time, upang kumain ng ihaw-ihaw, seafood-based dishes, at marami pang iba. Common dito ang mga class na restaurant dahil karamihan ng establishment doon, nakalulungkot mang isipin, ay pag-aari ng mga dayuhan. So kung nais mag-dinner, step out of your hotel and try some restaurants near the wharf. :)
Also not to mention, may tourist assistance center sa may tabi ng wharf kaya kung may nais malaman about places and other things to do in Coron, magtungo lamang doon. :)
Well, magandang mag-ikot sa town kung isa kang food tripper at matakaw tulad ni Teh. Although hindi ko ito gaanong nagawa dahil sa time constraint ng resort service boat (remember, nasa isla ang resort na aking tinuluyan). Maglakad-lakad lamang malapit sa wharf, especially during night time, upang kumain ng ihaw-ihaw, seafood-based dishes, at marami pang iba. Common dito ang mga class na restaurant dahil karamihan ng establishment doon, nakalulungkot mang isipin, ay pag-aari ng mga dayuhan. So kung nais mag-dinner, step out of your hotel and try some restaurants near the wharf. :)
Also not to mention, may tourist assistance center sa may tabi ng wharf kaya kung may nais malaman about places and other things to do in Coron, magtungo lamang doon. :)
Moment ni Teh sa Wharf |
~ Actual Itinerary ni Teh ~
Dahil sa isang emergency, kinailangan kong bawasan ng isang araw ang bakasyon ko sa Coron, kung kaya't ang aking itinerary ay na-jumble ng bongga. Pero okay lang din, dahil napuntahan ko naman halos lahat ng nakaplanong mapuntahan. 'Yun nga lang, wala nang pahinga gaano hehehe.
So ito ang mga tunay na pangyayari sa Coron adventures ni Teh in chronological order...
Day 1 Afternoon:
Malayo pa... ang umaga... |
- Lunch and bumming at Banol Beach
- Snorkeling near CYC island
- Swimming sa Barracuda Lake
- Islands near Calachuchi Reef sightseeing
- Snorkeling at Siete Pecados
- Dinner at Dive Link Resort (Not in the plan, but infairness, bongga ang chef nila! Alamin sa susunod na post ni Teh)
Ang hindi napuntahan:
- Sunset Lagoon :( (Pero babalikan kita, itaga mo sa limestone!)
- Dinner at Lolo Nonoy's food station (Dahil nasa isla ako at hanggang 7pm lang ang service nila papuntang mainland. May charge kasi na Php 100 sa bangka 'pag lagpas 7pm ka magpapasundo...)
Day 2:
- Swimming at Kayangan Lake
- Photo ops sa famous view sa Kayangan lake (Hindi ka nagpunta ng Coron kung wala kang picture dito promise!)
- Snorkeling sa Twin Peak Reefs
- Lunch and pictorial sa Atwayan Beach
- Snorkeling sa Atwayan Coral Garden
- CYC Island pictorial
- Twin Lagoon bumming sa balsang kawayan ^_^
- Dinner again at Dive Link Resort (Not in the plan, again.)
View above the Kayangan Lake Rock formations |
Ang hindi napuntahan:
- Bistro Coron (same as yesterday's dinner constraint, and balita ko mahal doon. Anyways, masarap naman ang kinainan namin ng dinner! ^_^)
Day 3: (Probably my most favorite part of my Coron adventures...)
Nangangarap nang gising... Nakatulala sa dagat... |
- Fetched crude oil from Brgy. Lala (Hindi alam ng bangkero na malayo ang aming patutunguhan, kaya ayun...)
- Snorkeling sa Sangat Coral Garden
- Lunch sa bangka (that was fun!)
- Snorkeling sa Sangat Gunboat Wreck
- Snorkeling sa Decalve Marin Park (last snorkeling site :( )
- Mangrove Sightseeing and Pictorial
- Souvenir shopping Part I sa Everly Garden
- Dinner at Seadive Resort and Restaurant (Finally! May natupad sa restaurant visit...)
Ang hindi napuntahan: Wala! Yehey! Nagkaroon din ng kumpletong araw... :)
Day 4 Morning: (Soooo excruciating...)
- Ascend to Mount Tapyas plus unlimited pictorial courtesy of our bottled drinks vendor
- Maquinit Hot Spring leg dipping (Sooo hot! >_<)
- Cashew nut shopping
- Souvenir shopping Part II sa Everly Garden
Seriously, aakyatin 'yan? |
Ang hindi napuntahan: So far wala rin naman dahil noong Day 3, nakapag-picture-picture na rin ako sa may Baywalk/Wharf.
Nakakapagod, ngunit sulit ang aking pagpunta dahil sa natatanging kagandahan ng lugar na ito. Isang biyaya mula kay God... :)
Nakakapagod, ngunit sulit ang aking pagpunta dahil sa natatanging kagandahan ng lugar na ito. Isang biyaya mula kay God... :)
Para sa detalyadong mga pangyayari, stay tuned sa Coron Adventures ni Teh!
Up next: Dive Link Resort Feature... Abangan!
No comments:
Post a Comment