Sunday, May 27, 2012

Land Exploration ~ a slice of Coron's attractions

Beach hopping time! Narito ang mga white beaches na napuntahan nina Teh sa tulong ng kanilang mga tour guide...

~ Banol Beach ~
Visited on: Day 1
Dahil inabutan kami ng lunch time during the start of the Day 1 island tour, nag-suggest ang aming tour guide na si Kuya Hector na mag-lunch na lang muna kami sa Banol Beach.
Behind these limestones is the Banol beach
Medyo natagalan kami sa paghahanap ng boat parking dahil puno ng mga bangka ang unang portion ng Banol Beach. Yep, uso rito ang full parking. Lunch break na kasi ng lahat ng nagtu-tour. Medyo nakulo na nga rin ang tiyan ni Teh nang mga oras na iyon... :(
Full parking sa isang bahagi ng Banol Beach
Mabuti na lang at maraming parking sa iba pang portion ng Banol Beach. Sa wakas, may natagpuan na rin ang aming boat driver, si Kuya Odie, na maayos na pagtatabihan ng bangka.
Konting tiis na lang! >stomach growl< (Ooops!) :D
As a part of the tour, provided ng touring boat ang lunch. (Yehey!) Kaya wala na rin akong problema sa food during tour proper. 'Yun nga lang, araw-araw, ganito ang lunch mo kung panay sa isang agency ang booked tours mo. Anyway, masarap naman silang lahat at heto ang mga present sa lunch ni Teh:
  • Liempo (Yum!)
  • Talong with kamatis and sibuyas (Healthy!)
  • Inihaw na isdang pinsan ng Bisugo (Yehey, seafood! Na hindi ko maalala ang pangalan...)
  • Rice (Siyempre!)
  • Suka, toyo, fresh kamatis and sibuyas (Make your own sawsawan ang peg!)
  • Saging (Dessert...)
  • Bottled water (refillable naman siya)
Lunch ni Teh for 3 days. :)
Hindi lang naman pagkain ng lunch ang gagawin sa stopover na ito. Maaaring mag-pictorial muna habang nagpapababa ng kinain, tulad ng ginawa nina Teh. :)

Another tip/trivia, maraming nagkalat na flower dito sa spot na ito kaya kung feel ninyong magpaka-Jasmine Trias, now is the time! :D (Sadyang hindi naglagay ng picture si teh ng may flower siya sa tenga for privacy...Mehhh gano'n?!)
Tanaw sa malayo pose ni Teh.
Kung sawa na sa pictorial, maglaro naman ng white sand. It's not like everyday na makakahawak ako no'n kaya I grabbed the chance! :)
White sand touching. Rare experience for a city Teh.

~ Sightseeing above Calachuchi Reefs ~
Visited on: Day 1
Obviously, natawag ang parteng ito na Calachuchi Reef dahil sa existence ng Calachuchi sa mga limestone islets dito and sa tabing dagat. Hindi na kami huminto rito upang mag-beach bum at mag-snorkel to give way to our longer stay in Siete Pecados. Anyway, sagana sa corals ang dagat sa portion na ito ngunit ayon sa aming tour guide, hindi kasing sagana katulad ng Siete Pecados. Pero if you have time, bum on the nearby beach and snorkel na rin near the limestone islets with Calachuchi. :)
Approaching limestones with Calachuchi...

Close-up...

The beach near Calachuchi Reef

~ Atwayan Beach ~
Visited on: Day 2
Tulad ng Banol Beach, maaaring ring mag-lunch sa mga bakanteng cottages, magtambay at mag-pictorial dito. Medyo saktong 12PM kami nakarating dito kung kaya't kakaunti pa lamang ang mga tao.
Approaching Atwayan Beach...

Ang prospect na cottage nina Teh and new friends... 



Pagdating namin sa pampang, tanaw na namin ang mga ulap na nagbabadya ng malakas na  pagbuhos ng ulan. Sakto lang na habang nasa cottage kami at kumakain, bumuhos ang malakas na ulan. :)
Fresh seaweeds. Favorite ni Teh. :)
Day 2 Lunch nina Teh and co.







Medyo masaya ang tour day na ito dahil may mga nakasama sina Teh na taga-ibang hotel plus isang French na lone adventurer. Sila ang kasalo namin sa lunch, kuwentuhan at pictorial. :) Speaking of lunch, may nadagdag sa lunch nang araw na ito. Fresh seaweeds! ^_^

Sa cottage kung saan kami ay nagsalu-salo, ito ang mga view na natatanaw namin. Medyo katatapos lamang ng ulan nang mga panahong ito...
Prospect spot ni Teh for pictorial.
Rock formations sa tapat ng Atwayan Beach














Isang trivia lang sa nakasama naming French adventurer, hindi siya gumamit ng life vest at tinawid nya ang dagat papunta roon sa rock formation ('yung nasa mas malayo sa picture sa itaas) na nasa tapat ng Atwayan Beach. Eh 'di siya na! Hehehe... Sana balang araw, matuto rin akong lumangoy sa dagat nang walang suot na life vest. *Wishful thinking...* Also, he liked Philippines so much. Gandang-ganda siya sa bansa natin, mga teh. Kaya be proud of our country! Salamat sa natural gift ni God para sa atin kaya dapat natin itong i-preserve... :)
The lone French adventurer...
At dahil nag-swimming muna sa malayo si Kuya French, sinamantala naming mga naiwan sa beach ang oras para mag-pictorial... :)
To Atwayan Coral Garden
Moment ni Teh habang naulan
(bago nag-lunch)...
















Nang sigurado na kaming tumila na ang ulan at nakabalik na rin si Kuya French, nilisan na namin ang lugar upang makapag-snorkel sa malapit na coral garden. >Burrrrrp!<







~ CYC Island ~
Visited on: Day 2
Ang CYC Island, which stands for Coron Youth Club and a.k.a. Kambatang Beach, ay ang nag-iisang white beach island sa Coron na kung saan pupuwedeng mag-stay overnight for free (no entrance fee), ayon sa aming tour guide. Gagawin lang ng bangka, for your ease of mind, babalikan kayo the next day. May signal naman doon ang ilang mga cellular networks kung kaya't maaaring kunin ninyo na lang ang cellphone number ng bangkero at mag-text kung magpapasundo na.
CYC Island. Invaded by mangroves...
However, hindi na rin nag-attempt sina Teh na mag-camping dito due to time constraint.
Remnants of CYC destruction
Ayon na rin sa aming tour guide, patuloy na nag-e-effort ang kanilang local government and concerned citizens na i-restore ang kagandahan ng CYC island. Kaya lang minsan, hindi maiwasan ang ibang mga visitors na tila ba nagkakaroon ng Alzheimer's 'pag time to ligpit the gamit and kalat na. :(
Another angle of CYC.
At kung may isang lugar na dapat sisihin sa pagkasira ng CYC, nakalulungkot man isipin, 'yun ay ang Boracay. Ang mga natural resources kasi na narito noon ay dinampot at sinalpak sa Boracay. Somehow, dahil dito, super na-turnoff si Teh sa Boracay. What I had thought na maganda and sexy was something faked. (With drama epek...) :(
SAVE CYC Island!
Gayunpaman, may nalalabing kagandahan pa rin naman ang isla, salamat sa mga mangroves sa gilid at sa nalalabing lawak ng white sand. Warning lang sa may bandang mangroves, mabato ang lalakaran papunta doon.
Say hi to CYC's mangroves! :)

Hide and seek? As if namang matatago ako ng mga trees...
































Okay din ang pagsu-swimming sa gitna mula sa island dahil mababaw lamang ang tubig. Well, except na lamang kung high tide na. No corals and fishes. Just enjoy the feel of the white sand on your feet. :)
Ang gitna ng dagat sa CYC island area.
Sa hindi rin kalayuan mula sa CYC Island ay ang private island na pagmamay-ari ng gobernador ng Ilocos Sur, si Chavit Singson. Ayon sa aming tour guide, worth 40 (or 400?) million pesos ang islang iyon. Pero dahil private, hindi namin siya pinuntahan. Tanging nakaw na tingin at picture lamang ang aming nagawa. :)
Teh and Chavit Singson's 40/400-million peso island
Other than the white sand beaches, isang land attraction din ng Coron ang Mangroves and island resorts like Dive Link and Balinsasayaw Resort in Uson Island.

~ Mangroves Sightseeing ~
Visited on: Day 3
Sa isang bahagi ng Coron sa may Uson Island matatagpuan ang mga mangroves na ito. Ang haba nito mula sa hindi kalayuan mula sa Dive Link resort ay umaabot hanggang sa Barangay Lala. Nadaanan namin sila papuntang Sangat, na mayroon ding sariling mangrove area.




~ Passing by Balinsasayaw Resort ~
Visited on: Day 3
Pagkalagpas ng Barangay Lala, within Uson Island pa rin, matatagpuan ang Balinsasayaw resort. Compared with Dive Link resort na nasa Uson Island din, mas mahal ang accomodation dito. So definitely, wala ito sa listahan ng prospect hotels ni Teh sa Coron nang ako ay nagre-research kung saan okay mag-stay dito (unless magkaroon ng promo).
View in front of Balinsasayaw Resort.
Edge of the sleeping giant. 
Approaching Balinsasayaw Resort...

Some of Balinsasayaw Resort rooms...

The reception area
Ang mga napuntahan ni Teh ay iilan lamang sa mga maaaring mapuntahan o madaanan sa ibabaw ng dagat na white beaches and mangroves accessible from Coron Wharf. Isa sa mga iyon ang Malcapuya Island na ideal puntahan kung malalim ang iyong appreciation sa white beach and long motor boat travels. When I return, hopefully mapuntahan ko siya at ang iba pang hindi ko napuntahan. 

Isang muhka pa lamang ito ng Coron, pero kahit 'yan pa lang ang makita mo sobrang sulit na ng punta mo rito. Gano'n siya kaganda, lalo na kapag nakita mo nang personal. Till now, ang pagka-amaze ni Teh ay hindi nagfe-fade, to the point na gusto ko na kaagad bumalik next year... Miss ko na agad ang Coron... (Namimiss ba 'ko no'n?) 

Sa susunod na adventure ni Teh, patuloy na mamangha sa mga trademark attractions ng Coron! Kung anu-ano ang mga iyon, abangan! :)

Some photos courtesy of J.R.C. (Thanks, thanks! ^_^)

Also, special thanks to our tour guides:
  • Day 1: Kuya Hector and Kuya Odie
  • Day 2: Kuya Hector pa rin and Kuya Rocky
  • Day 3: The uncle tandem Kuya Romy and Jomar
Brought to you by Calamianes Expeditions and Ecotours... :)

Support our local tour guides. :)

No comments:

Post a Comment