Thursday, July 26, 2012

Pasalubong 101 ~ Ilocos Norte

Bago natin tuluyang iwanan ang Ilocos Norte, halina't samahang muli si Teh sa paghahanap ng kanyang mga pasalubong... :)

~ Highway Pasalubong Shops ~
Located at: Pagudpud
Visited on: Day 1 - noon
Strategically located in front of Paraiso ni Anton, maraming ding mga long road trippers ang humihinto rito for pasalubong or some refreshments. Here are the things that you can find... 
Non-edibles like keychains, ref magnets and accessories
made of seashells.

Edible stuff tulad ng gamet (seaweeds), Sukang Iloko, Basi Wine,
at bote ng bagoong na may maliliit na isda sa loob. :)



~ Mobile Souvenir Shop ~
Located at: Anywhere, just request from Kuya Ruben
Visited on: Day 2 - morning
Kuya Ruben's Pamangkin # N.
Sa dami ng nakita naming pamangkin niya,
hindi ko na alam kung pang-ilan siya sa na-meet namin. :))




Dahil may mga pamangkin si Kuya Ruben na nagbebenta ng souvenir items, sa kanila na kami bumili. I say mobile souvenir shop dahil puwede mo silang ipatawag anytime, anywhere in Pagudpud. Darating sila sakay ng motor. Ito ang kanilang mga tinda...




Souvenir keychains, accessories and display seashells.
Free custom name paint para sa keychains
and other display stuff. :)

At ang pinaka nagustuhan ni Teh ~ anting-anting! :))
Let the sellers demo kung anong nasa loob nito. ;)

~ Pasalubong Shops in Public Market ~
Located at: Pagudpud Centro
Passed by on: Day 2 - morning
Nadaanan lang namin ito kaya kung ano lang ang nakita ko, 'yun lang ang ikukwento ko. Pagtiyagaan niyo na lang, hehe. What to find and buy here?
Souvenir shirts and other travel necessities na maaari mong kailanganin. :)

~ Souvenir Shirts by Teh Angie ~
Located at: A house in Pagudpud Centro
Visited on: Day 2 - morning
Teh: Akin ito! :<
Ma: Nauna me! :P



Kung hanap mo ay high-quality and long-lasting Pagudpud Souvenir shirts, bisitahin si Teh Angie, wife ng isa sa mga pamangkin ni Kuya Ruben... (Told 'ya, maraming pamangkin si Kuya Ruben. Hehe!) :)
~ Bangui Viewdeck Souvenir Shops ~
Located at: Bangui Viewdeck (duh?)
Visited on: Day 2 - afternoon
Windmills... Windmills... Windmills...
Small, medium, large? Keychain o table display?





Tip lang mga teh, parehas lang ang tinda rito at sa Cape Bojeador Lighthouse. So what to find and buy here?




Other bentables: Cape Bojeador Lighthouse display figure,
snacks and refreshments. :)






Kapag malakas ang hangin, umiikot ang mga elisi ng windmills. Katuwa lang, hehe. :D




~ Dragonfruit Delicasies ~
Located at: REFMAD Dragonfruit Farms, Burgos
Visited on: Day 2 - afternoon
Dragonfruit everywhere. Nothing more, nothing less. :)
Fresh Dragonfruit, Juice, Wine, Jam, Sauce...
Plant your own Dragonfruit on your backyard! :)
Vine cuttings ng Dragonfruit plant.
Short cuttings at Php 100 for 3, Php 35 each.
Long cuttings at Php 50 each.

Dragonfruit Hopia for uh, Php 50 per pack?
Si Ma kasi bumili, nakikain lang si Teh. Hehe. :D



~ Salt and Vinegar Shops Along the Highway~
Located at: Pasuquin
Visited on: Day 2 - afternoon
Along the way, makakakita ng mga tindahang katulad nito. Noong una, ang plano talaga namin ay dumaan sa salt refinery, only to find out na along the highway din ang mga refinery na ito. Konting pahapyaw lang sa salt processing, heto ang steps kung paanong nagiging asin ang tubig-dagat.

Una, magsalok ng tubig-dagat. Then lutuin. 'Pag nanunuyo na ang luto, ibilad sa araw. Then pak! I-pack na ang namuong mga asin. Sa halagang Php 50, makabibili ng isang pack ng asing may timbang na approximately 3 hanggang 4 na kilo. Very cheap, 'di ba? ;)
Buy na, mga Teh! Authentic Ilokano suka, Basi wine and very cheap salt pack! :)
At depende rin sa size, makabibili rin ng sukang Iloko made of sugar cane at Basi, which is an Ilocano-original wine. Also made from sugar cane... :)

~ Biscocho Bakery ~
Located at: Pasuquin
Visited on: Day 2 - afternoon
Salamat sa isa pang pamangkin ni Kuya Ruben na nakasakay namin mula sa bungad ng Pasuquin, natagpuan namin ang sikat na Biscocho Bakery na ito. Only in Pasuquin. :)
Crunchy biscocho at Php 75 per pack :)
Hanapin ang signboard na ito...
Para sa tunay na linamnam ng biscocho. :D

The one and only ~ Pasuquin Bakery. :)
Sorry, hindi kami puwede sa loob, for the obvious reason na top secret ang biscocho recipe. Well, basta ang nalaman lang ni Teh, ang biscocho ay gawa sa pinatigas na tinapay. Kung anong klase ng tinapay, seeeeecreeeeet! ;)

~ Souvenir Shops near Paoay Church ~
Located at: Paoay, near church
Visited on: Day 2 - afternoon
What to find and buy here?
Edible: Chichacorn, packed chips,
sukang Iloko, Basi and others
Non-edible: Souvenir shirts,
handicrafts bags, hats,
and other things for home use,
and woodcarvings for display.

























~ Marcos Museum Souvenir Shop ~
Located at: Batac
Visited on: Day 3 - morning
Marcos memorabilia and t-shirts for sale!
Ilocos Norte shirts, also available!




Medyo may pagsisisi ako sa shop na ito dahil hindi ako nakabili ng t-shirt ni Macoy. :( Next time talaga na madaan ako ng Batac, talagang gora na me sa pagbili ng t-shirt... (Kailan pa kaya 'yun?) :)
~ La Elliana Hotel's Pasalubong Corner ~
Located at: Laoag City
Non-edible: Handwoven Inabel products.
Edible/Consumable: Common Ilocos Delicacies like Chichacorn,
Sukang Iloko, Bagoong, Basi and Tabako.


Hind ako nabili rito dahil ang pananaw ko lagi, mas mahal ang mabibiling pasalubong sa hotel. Pero malay natin mura naman dito dahil mura rin naman ang mga pagkain sa restaurant nila. And kung tinatamad kang mamalengke, okay na ring mamili ka rito. :)

~ Laoag City Public Market ~
Located at: Laoag City
Visited on: Day 4 - morning
Bagnet kayo ading! Manang! :)
Payong malupit mga teh, 'wag na 'wag aalis ng Ilocos provinces nang walang naiuuwing Bagnet o Longganisa. Siguro sa dami ng pasalubong shop na napuntahan namin dito sa Ilocos Norte, kahit sa Sur, tanging sa palengke lang kami lagi nakakakita ng mga ito. Well, sa Vigan, may mga bahay-bahay doon na may puwesto sa labas at nagtitinda ng Longganisa o Bagnet. Pero siyempre, 'yung mga gano'n ay kakilala lang ng kakilala namin. Referral, kumbaga. Eh siyempre, sa Norte, wala naman kaming kakilala gaano, kaya dumiretso kami ni Ma sa tiendaan[1]. Just one tricycle away from the hotel. :)

Ang pinagbilhan nina Teh and Ma... :)




Umakyat lang sa 3rd floor ng market, sa wet goods section para makapamili ng Longanissa at Bagnet. As of June 2012, ang presyuhan ng Bagnet ay nasa Php 400 per kilo habang Php 220 naman sa Longganisa. Pero of course, puwedeng mag-request ng konting discount... ;)



Pili lang ng shirt, mga teh... :D
Nganga sa dami ng mapagpilian. :O





At isang bagay pa na maganda sa tiendaan ay nandiyan din lahat ng mga non-edible Ilocano products, tulad ng souvenir shirts ng Ilocos Norte at Inabel handwoven products. Hanapin ang stall ng Conching's Dry Goods sa 2nd floor dry goods (duh?) section ng market.




The pride of Ilocano weaving ~ Inabel! :)


Also as of June 2012, narito ang presyo ng mga non-edible Ilocano products ni Aling Conching (well 'di ko sure kung siya talaga si Aling Conching, assuming lang ako kasi 'yun pangalan ng stall niya):

  • Php 150 ~ Colored Souvenir Shirt (mas mura ang white shirt)
  • Php 150 ~ Single Inabel Blanket (mas manipis kaysa sa double, halleur?)
  • Php 180 ~ Double Inabel Blanket
  • Php 280 per 5 meters ~ Telang Inabel (kung bet mong manahi using this)
  • Php 15 ~ Inabel Bimpo (ideal na isabit sa refrigerator o kusina)
  • Php 150 ~ Inabel Sarong/Balabal (pambalabal ni Teh sa lamig ng opis...)

~ Sarusar Ilocano Products Exhibit ~
Located at: Museo Ilocos Norte, Laoag City
Visited on: Day 4 - morning
Break muna tayo sa katitingin ng mga mabibiling pasalubong. Konting background lang ng ibig sabihin ng Sarusar. Sarusar is a deep Ilokano term na ang ibig sabihin ay "sirok ti balay" o sa tagalog ay "ilalim ng bahay. Medyo nalabuan ako noong una kasi nasa ground floor naman ito ng museo at wala sa basement. Sa mga Ilokano kasi, kadalasan, ang mismong bahay kung nasaan ang living room, dining area, kitchen, bedroom at iba pang common parts ng bahay ay makikita sa 2nd floor, tulad ng bahay sa loob ng museo. And 'yan din ang reason kung bakit natawag na Sarusar ang pasalubong store na ito. :)
Pili lang kayo habang nagkukuwento si Teh. :)
Personally, para sa mga on tight budget tulad ni Teh, I do not recommend this place much for pasalubong hunting. Pero kapag wala kang chance na ma-explore ang buong Norte para makapagsuyod ng mga souvenir, time-saving and cost-effective kung dito ka na lang bibili. Maganda example ay ang Bangui Windmills display figure. Kung hindi kaya ng time mo during your stay in Ilocos Norte ang magpunta pa sa Bangui or Burgos, dito na lang mamili ng nabanggit na display figure... :)
Majority of the non-edible souvenir items
Ilokano Wine, Chichacorn
and other delicacies














Okay rin bumili rito kung halimbawang may nakalimutan kang bilhin sa isa sa mga lugar na napuntahan mo sa Norte. Kung maaalala ninyo, nabanggit ko kaninang nagsisi ako sa hindi ko pagbili ng Marcos t-shirt sa Batac. Nagtanong ako rito kung meron sila, kaso wala kaya nganga. :O


Sana ay nakumpleto ko ang inyong pasalubong checklist para sa pagdayo ninyo sa Ilocos Norte. :)

Bago kong tapusing muli ang isang chapter ng adventures ni Teh, na naganap sa Ilocos Norte, nais kong muling magpasalamat sa mga taong tumulong sa aming adventures and misadventures:
  • Caliw-caliw Family for our lodging and Northern Half Ilocos Norte Tours (Contact #: 09213104826 - Ate Marife, 09289306603 - Kuya Ruben)
  • Teh Zhem for guiding us in Kabigan Falls trail (Contact #: 09481570682, 09214679988)
  • Kuya Jandee of Kapurpurawan Rock Formations, DOT Officer, for sharing us his time and knowledge on Dragonfruit farm in Burgos
  • Bro for Southern Half Ilocos Norte Tour (Contact #: 09222727746, 09192405321)
  • Teh Gina and staff for allowing us to fully explore the Museo Ilocos Norte
  • Sa mga tricycle drivers at jeepney driver na naghatid sa aming mga pinuntahan
  • Sa mga citizen ng Sarrat na tumulong sa aming matunton ang Sta. Monica Church
  • Cebu Pacific Air and Florida Bus Company (sana sponsor-ran ninyo soon si Teh, hehe!)

Super thank you po sa inyong lahat, aware man kayo o hindi na natulungan ninyo ako... ;)

Hanggang sa susunod na adventure ni Teh! Muli, maraming salamat sa pagbisita ng aking blog... Ba-bye! ^_^


~ Vocabulary ni Teh ~
[1] Tiendaan - Ilokano word for palengke/market.

Wednesday, July 25, 2012

Food Trip ni Teh sa Norte

I know nagutom kayong lahat sa dami ng in-explore natin. Kaya heto na ang inaabangan ng mga gutom... ang food trip ni Teh! :D
La Bonita Empanadahan.
Bringing Batac closer to Manila. :)

~ Food trip # 1: La Bonita Ilocos Empanada ~
Located at: Florida Sampaloc Terminal, Manila
Hindi pa man nakakabiyahe sina Teh and Ma pero nagsimula na silang mag-food trip! (Gutom agad? Wala pa nga eh...) Dito pa lang, matitikman niyo na ang empanada ng Ilocos, sa halagang Php 30?. To be specific, Batac Empanada style ang niluluto nila rito. Samahan pa ito ng Sukang Iloko while munching. Yum!!! :D


Lugaw is ♥! :D



~ Food trip # 2: Lugawan along the way ~
Located at: Capaz, Tarlac and Bantay, Ilocos Sur
Dahil may dalawang stopover ang bus na sinakyan namin, sa mga nabanggit na lugar kami nakapaglugaw. Sa halagang Php 30 per order, maiibsan ang gutom at lamig na nadarama habang nasa mahabang biyahe. To add more flavor, savor it with toyo and suka! :)



Stopover sa Bantay:
Sowwwsyahl lugaw restaurant.















~ Food trip # 3: Ate Marife's Lutong Bahay ~
Located at: Hannah Lou's Homestay, Pagudpud, Ilocos Norte
Lutong bahay ba ang trip mo tulad ni Teh? Aba'y sugod na sa bahay ni Ate Marife! At kung nakatira ka pa sa homestay nila, just add Php 50 per meal, per head. Sulit na sulit! :)
Day 1 Breakfast:
Pagudpud Longganisa, Sunny-side Up, 
Fried Fish and Saluyot Tempura :) 





At dahil nagustuhan ko ang Saluyot Tempura, nagpaluto ulit si Teh for dinner...
Day 1 Dinner:
Laing, Ensaladang Talong at Saluyot Tempura II... :)













Kahit nagkasakit si Ate Marife, nandiyan pa rin ang mga daughters niya upang ipagluto kami. Masarap din sila magluto, lalo na ang naturally-blended at sariwang Sinigang na Isda! :D
Day 2 Breakfast:
Pritong fresh fish with Sili, Kamatis and Onion and Sinigang na Fish... :)
One phrase/slogan for the restaurant: The Best Lutong Bahay ever in Pagudpud! :D

Buko Juice kayo diyan! :D
~ Food trip # 4: Bukohan sa Kabigan ~
Located at: Kabigan Falls Trail, Pagudpud, Ilocos Norte
Tired and thirsty? Or hungry? Buko lang ang katapat niyan!
Nom nom nom... Fresh buko! :)
Welcome, welcome! :)



~ Food trip # 5: Palutuan sa Balaoi ~
Located at: Balaoi, Pagudpud, Ilocos Norte
Lutong bahay pa rin! During our Northbound tour, dito kami inabutan ng tanghaling gutom kaya dito na kami nag-lunch.




Facing the Blue Lagoon... ;)








Downside, mahal ang pagkain dito. :|








Upside is that matatanaw mo naman ang Blue Lagoon habang kumakain. At siyempre, masarap din ang luto rito. :)
Day 1 Lunch:
Sinigang na Lapu-lapu at Liempo. Nom! :D

~ Food trip # 6: Jhonfel's Restaurant ~
Located at: Burgos-Bangui, Ilocos Norte
Lutong bahay din along the highway. Dito naman kami inabutan ng gutom during Day 2 lunch... :)

Lunch break at Jhonfel's











Day 2 Lunch:
Labong ('di ko alam ang Tagalog nito), Fried Native Chicken
and Pritong Tilapia. With free banana and sabaw. :)
























Kung bet mo namang mag-dessert ng native delicasies, nandiyan ang Cassava at Royal Bibingka na kanila ring itinitinda. The must-try Ilocos pastries! :)
Bili na po kayo! Bagong lutong Cassava at Bibingka! :D
~ Food trip # 7: Meryendahan sa Kapurpurawan Rocks ~
Located at: Burgos, Ilocos Norte
Magpalamig at mag-chill pagkatapos maglakad sa arawan dito sa tambayan malapit sa Kapurpurawan Rock Formation! Makakakuwentuhan mo pa ang Tourism Officer dito na si Kuya Jandee, who happens to be a gayyem[1] of Kuya Ruben. :)
Meryenda and chill time muna mga teh! :)
~ Food trip # 8: Red Dragonfruit sa REFMAD Farms ~
Located at: Burgos, Ilocos Norte
Health conscious ka ba? If yes, sigurado akong magugustuhan mong mag-food trip dito!
Serving Dragonfruit anytime you like! :)



Medyo may kamahalan ang isang order ng Dragonfruit noong nagpunta kami rito dahil hindi harvest time. Ang isang order during off-season ay Php 150.
Must-try! Dragonfruit ice cream! Yum! :)









Napakaraming health benefits ng Dragonfruit dahil isa itong antioxidant and it lowers the risk of having cancer. Ice cream, lumpia, chips at kung ano mang form nito ang bet mong makain, meron dito sa REFMAD Farms! ;)




Welcome, welcome! :)


~ Food trip # 9: 
Batac Riverside Empanada ~
Located at: Batac, Ilocos Norte
Huwag kalimutang mag-empanada while in Ilocos Norte dahil isa ito sa mga specialty dito. Matatagpuan ito few steps away from the Marcos Museum kaya pagkatapos dalawin si Apu Marcos, mag-food trip dito! :)

My lunch during Day 3 tour:
Special Empanada without egg. :)



Depende sa trip mong contents ng empanada, nagre-range between Php 30 up to Php 60 ang price ng empanada. Mas maraming contents, mas mahal. Maaaring may iba sa inyong nais magtanong kung ano ang difference ng Batac empanada at Vigan empanada? Medyo simple ang sagot. Una, 'yung wrapper ng Batac empanada ay orange habang light brown naman ang sa Vigan. Pangalawa, 'yung gulay na kasama sa Batac empanada ay mongo sprout, habang ang sa Vigan naman ay cabbage na hinaluan ng itlog. At pangatlo, 'yung sukang hinahalo sa Batac ay may halong Basi[2] habang sa Vigan naman ay pure Sukang Iloko. :)
Lunch ni Ma and ni Bro:
Pakbet, Adobo and Igado




Bukod sa empanada, maaari rin namang mag-lunch ng mga authentic Ilokano dishes dito like Pakbet, Adobo at Igado. :)










Dahil tabing-ilog ito, mas pinupuntahan ito at night ng mga local residents ng Norte, ayon kay Bro. :)
The riverside... :)

Adik sa fries.
Alam na kung bakit shubalence si Teh. :))





~ Food trip # 10: Fastfood Chain ~
Located at: Laoag City, Ilocos Norte
Ewan ko sa amin ng nanay ko kung bakit, pero naglihi kami pareho ng fastfood habang nasa Laoag kami. At sa pag-aakalang mas makakamura kami sa fastfood... :)













Day 2 Dinner:
Spicy Squid Meal with hot tea... :)



~ Food trip # 11: La Elliana Hotel's Restaurant ~
Located at: Laoag City, Ilocos Norte









Day 4 Breakfast: Tapsilog! ^_^





Bukod sa room rate, may mga budget rice meals din sila sa kanilang restaurant. Sobra-sobra pa ang Php 100 mo dahil all rice meals come with free drink of your choice... Kailangan pa ba naming lumayo para makatipid? Definitely, no need! :)







Meron din silang Longsilog and other typical breakfast combos for you! At sa hotel lobby naman, kung nagke-crave ng ice cream, hindi mo na kailangang maghanap ng convenience store! Meron din sila rito. Side story lang, medyo nawirduhan ako kay Ma dahil bumabagyo noong kumain siya ng ice cream. Wala lang... :))
Kling-kling-klinggg! Ice cream!!! :)
Kung mapapansin ninyo, hindi ninyo kami nakitaan ng Bagnet o Longganisa sa hapag. Maraming kainan ditong naghahain ng mga ito, pero I would recommend to buy na lang raw Bagnet or Longganisa sa market. Kasi may kamahalan ang mga dishes na ito kapag sa restaurant o karinderya tumikim dahil ito ang mga bestseller ng Ilocos food industry... (Abangan ninyo ito sa Pasalubong 101 post ni Teh. ^_^) Tutal, prito lang naman ang luto sa kanila. ;)

Sana ay muli kong nabusog ang inyong mga mata at napakalam ang inyong mga tiyan sa mga pagkaing bumusog kina Teh and Ma sa Norte... ^_^

Pagkatapos kumain, pasalubong naman ang hahanapin ni Teh sa kanyang next adventure. Salamat sa pagsubaybay ng Ilocos Norte Adventures ni Teh! :)