Thursday, May 31, 2012

Coron Town Tour ~ The final stretch

Limestone and sea exploration? DONE! Ngayon naman, ating kilalanin ang sentro ng bayan ng Coron... :)

At around 7AM, pumalaot kami sakay ng service boat patungong Coron wharf upang i-meet  doon ang aming town tour guide. Pagdating sa wharf, makalipas ang ilang mga minuto, huminto sa aming harapan ang red tricycle. Tanong sa amin ng driver "Shore 2 shore?". At kami ay tumango at agad sumakay sa tricycle.

~ First stop: Mt. Tapyas View Deck ~
So off we go to our first stop, sa paanan ng Mt. Tapyas. Ayon sa aming tricycle driver/town tour guide na si Kuya Anton, 724 steps ang aakyatin bago makarating ng viewing deck. 'Yung iba, sabi 718. Tapos 'yung iba rin, 736. Ano ba talaga, mga teh?... Ah, basta. 700+ steps. K? K!

View of Mt. Tapyas from the sea.
Malapit lang ang paanan nito sa wharf. Siguro nasa less than 5 minutes lang ang biyahe by tricycle. Pagdating doon, nagsabi si Kuya Anton na babalikan na lamang kami 'pag malapit na kaming makabalik sa baba. At bago kami tuluyang iniwan ni Kuya, hinand-over niya kami sa aming water vendor turned photographer na si Eddie. Cool! Kasi naman, ang labas parang balatkayo lang niya 'yung pagtitinda ng inumin pero ang totoo pala, isa siyang photographer. ;) Around 16 - 18 years old siguro siya, sa tantya ni Teh.
Ahmmm, sa totoo lang, hindi biro pumanhik dito. Noong time na 100+ steps pa lang ang naaakyat namin, excruciated na kami. Indication na kulang kami sa exercise at tsaka signs of aging na rin... :))
BFF ni Teh: Huhu... malayo pa! :'((
Well, in every 200's, more or less, may mga bench made of cement na pupuwedeng pagpahingahan. At dahil diyan, parang maya't maya, nagpapahinga kami. :|
Whoa!!! 700th step na!
Konti na lang... ^_^
Almost halfway there...
Go Teh and friends! :D
























After 10 years, nakarating na rin kami sa itaas. (Yey!) Super excruciating man ang pag-akyat sa mountain na ito pero very much worth it ang pagod when you reach the top... ^_^
Tumalikod si Teh para maitago ang pagnganga sa sobrang pagbilib sa views.
Ikskyusmi po! (Mike Enriquez tone)
The famous Mt. Tapyas Cross.
Reminds me of Dambana...

















Mula sa viewing deck, bukod sa makakapagpa-picture ka na sa cross ng Mt. Tapyas, you'll be able to view the beauty of the entire island as well. 

View of Coron Wharf




Kung nabighani ka ng close-up views ng Coron, tiyak na mapapanganga ka sa ganda ng view na makikita mo mula sa itaas ng Mt. Tapyas. >jawdrop< 


Uson Island view.
Find Dive Link Resort. (5pts)








An avenue of great pictures, lalo pa't may kasama kaming photographer. :D Kaya enjoy the views mga teh! :)
Sleeping Giant view from Mt. Tapyas
Tapyas can be found below this view. (Asan?)


Pero bakit nga ba natawag na Mount Tapyas ang bundok na ito? Sa unang tingin, aakalain mong perfect ang bundok na ito and free from damages. Pero pag-akyat mo, at tsaka mo lang mari-realize kung bakit siya natawag as such. 



Side view ng tapyas, mula sa tuktok. (Asan???)
Doon sa viewing deck, may konting series of steps pang aakyatin para makita ang tapyas ng bundok na ito. Literal ang pagkakapangalan sa kanya ng tapyas, matapos itong mahulugan ng Japanese missiles noong World War II. Sa unang tingin, parang kinain 'yung bundok ng higante... Giant? Sleeping giant? Baka siya rin ang may sala, kaya natulog na lang siya nang hindi siya mahuli. Hehe... Sorry pala mga teh, nawala sa isip kong kunan ng mas maiintindihan sa picture ang tapyas ng bundok. (Yey! May rason talaga akong bumalik...)
Side ng  Mt. Tapyas kung nasaan ang tapyas. Bago umalis, pose!





Ang nakakatuwa pa rito, sa highest accessible portion ng Mt. Tapyas, meron siyang paikot na walk path kung saan makikita ng kung sino mang aakyat ang buong bayan ng Coron. 



View sa likod ng Mt. Tapyas... >sigh< Ang ganda lang... :)





All angles, kita rito. Super sulit talaga ang pagod... ;) Well, para masaya, ang ginawa naming pag-ikot dito ay counterclockwise... (Kuma-counterclockwise???)







Pagkatapos naming umikot sa itaas, namaalam na rin kami sa cross at sa mga view sa itaas. Sa loob-loob ko, nagpasalamat ako kay God dahil binigyan niya ako ng chance na makita ang isang bahagi ng earth na ubod ng ganda... Plus points na rin sa akin na naka-burn ito ng mga fats na na-acquire ko sa pagtatakaw tuwing kakain dito sa Coron. Hehe. Thank you Lord! :D
I left my ❤ in Coron. Sa spot na ito. :'((
Going down... (700+++ steps again!)


So down we go. At naalala ko na namang 718/724/736 steps na naman ang tatahakin namin. Well at least, go with the flow ng gravity na kaya mas madali na ito this time... Kahit na mabigat pa rin sa dibdib na aalis na kami... :(



~ Next stop: Maquinit Hot Spring ~
Matapos ang pagtahak namin sa long and winding road to Maquinit, narating na rin namin sa wakas ang hot spring na ito. Around 20 minutes by tricycle ang travel time papunta rito from the Coron Town Proper.
Hot Spring Entrance Gate.
(Quite plain-looking...)
Kuwento na rin ni Kuya Anton habang kami ay patungo rito, ang hot spring ay matatagpuan sa tabi ng Bulkang Dalara[1]. Salamat sa natural heat that is being given off by this dormant volcano, meron tayong nae-enjoy na hot spring sa Coron! Yey! ^_^ Being a 12.5% Chinese myself, medyo fond ako sa mga maiinit na liguan, tulad ng hot springs. :)

The large bath with free floating 100 yr.-old lumot. :))
Baka gusto niyong gawing pang-hilod. XD
Kung hindi kasama sa tour package, upon entering the hot spring kailangan mong magbayad ng entrance fee worth Php 150 (as of May 2012). Medyo pricey for an entrance fee. Ang tanong ay kung worth it ba? Well, hindi sa sinisiraan ko ang lugar na ito pero personally, I don't think it is worth it. Sa lahat naman ng lugar na napuntahan ko sa Coron, dito lang talaga ako may angal. Unang-una, upon arriving at the hot spring proper, mapapansin ang mga lumulutang na lumot sa malaking bath. OK, fine. Konti ang mga tao. Pero sana may net man lang sila to collect the floating lumot/dirt. (Eh 'di ako na ang maarte. Haha!). Second, walang tubig para magbanlaw man lang. At kapag talagang kating-kati ka gumamit ng tubig, you will have to pay depende sa iko-consume na tubig. Uh, water system please? Kawawa naman 'yung mga sasakyang tricycle ng mga maliligo dito, made-degrade dahil uupo sila sa mga ito nang basa. At nagbaon-baon pa kami ng sabon, shampoo at damit na pampalit, 'di naman pala makakapagbanlaw X_X* I hope pagbalik ko rito (kung gaganahan man akong bumalik dito), may improvement ang hot spring kahit pa paano. 

The Mini Hot Spring Pool. 
For kids and young at heart. ;)

Anyway, enough with my rants for its improvement. And now, for the hot spring experience... Well, sa unang dip, napakainit ng tubig, lalo pa't mataas na ang araw nang kami ay napunta rito. Pero sa una lang naman 'yun. Pagtagal, you will feel the soothing touch of the water. (Mehhh gano'n?) Somehow perfect for evening bathe. Pero good luck na lang sa ginaw na aabutin pag-ahon. Kaya okay na rin na mataas na ang araw noong naligo kami rito. :) 
The hot spring, guarded by Mama Mary.
Payong pang-teh lang, mas mainam maligo sa kahit alin man sa dalawang small bath beside the grotto kung hindi bet maligo kasama ang mga floating lumot. :)))
The wooden benches shaded by mangroves...


May maganda rin naman dito infairness, bukod sa soothing heat na pino-provide ng hot spring sa pag-plunge mo sa bathing pool. Mangroves! :) Somehow, na-compensate ng mga ito ang entrance fee... ;)



Patungo sa direksyon ng dagat, may malalakarang kahoy na shaded by mangroves. Like it soooooo much! :)
The wooden path to happiness... (Huma-happiness???)
Moment ni Teh by the mangroves...


Okay, so nag-moment-moment muna si Teh sa mga mangroves. Tapos noong pagtalikod ko, nagulat ako sa aking nakita. Kung hindi ako nagkakamali, ang aking natanaw ay ang Siete Pecados! ^_^
A glance on the two (plus 0.5 sa gilid) islets of Siete Pecados... :)
Kung matapang-tapang lang sana akong lumangoy nang walang lifevest, sana ay binisita kong muli ang sanctuary na ito... 

~ Side Quest: Coron Baywalk/Wharf ~
Since sa Uson Island kami nag-lodge, achievement for us ang makapunta rito sa bawat araw na lumilipas. Except during Day 2, dahil nag-abang kami ng sunset view sa Dive Link, always present sina Teh dito sa Baywalk, or Wharf for short. :)
Coron - Hollywood style
Ooh-la-La Sirenetta Restaurant. :D




Bago tuluyang marating ang docking area, you will notice a series of hotels and restaurants nearby, as slightly mentioned in the Sea Dive Restaurant food trip. 











At first glance, mafi-feel ang busy aura ng area na ito. Sangkatutak ang mga naka-park na bangka at maya't maya may aalis at dadating... :)







From the docking area, the nearest establishment na mapupuntahan mo ay ang Coron Gateway Hotel (white building) at ang public market.
Docking area near the public market and Coron Gateway Hotel
Fill in the blanks and ? marks: Ha_bour Center
Cor?? Bay De??lop???? Pr??e?


At sa hindi kalayuan mula sa Tourist Center ('yung white na bungalow establishment on the background) makikita ang landmark ng Harbour Center. Sa totoo lang, hindi ko naintindihan lahat ng nakasulat sa baba. Hindi kasi namin makita sa dilim. -_-



Aerial view of the Wharf
Bukod sa Mt. Tapyas, isa rin ang Wharf sa mga nakapag-induce kay Teh ng maling akala. Kapag ando'n ka mismo sa Wharf, feeling mo nasa mismong isla ka pa rin ng Coron. Pero noong tinignan namin mula sa  Mt. Tapyas, muhka siyang artificial land mass. Confirmed naman ito by Eddie, na artificial land mass lang nga ang majority ng Wharf, 'yung muhkang orange na land mass. Parang Roxas Boulevard in Manila/Pasay ang peg. 
One great place para mag-chill at makaramdam ng pagbagal ng oras habang nanonood sa mga busy fishermen... :)

~ St. Augustine Church ~
Dahil wala sa itinerary, malungkot na hindi kami nakababa rito upang magdasal. At parang nahiya na rin kaming bumaba at pumasok dito dahil basa ang mga suot namin. Magpuputik pa sa simbahan... :( Oh well, I'm just glad na nakapagnakaw ako ng shot sa church na ito. :)
Tsamba shot ng Coron Church while in transit...
Moving on, this is one of the few churches in Coron that you can visit. Kung Catholic Church man ito, maybe this is the only one in Busuanga and Coron... (Hindi ako sure, though.) Quite a big church for a small town. :)

Quite a peaceful town indeed. Kahit pa medyo mataas ang standard of living dito, it will not stop me from going back here... :)


Ating nang nasaksihan ang lahat ng naging adventures ni Teh in Coron, Palawan. But wait... May pasalubong na ba ako??? Souvenir hunting, next on Teh's queue! Abangan... ;)

Our photographer and drinks provider - Eddie :)
Some photos courtesy of J.R.C. (Thanks, thanks! ^_^)

Special thanks to Kurenai for contributing to this post... :)

Special thanks to our Coron Day 4 guides:
  • Kuya Anton, our highly recommended town tour guide and tricycle driver (no picture of him, but you may reach him at  09283880246)
  • Eddie, our water source and photographer at Mount Tapyas (you may reach him at 09106329684, thanks Kuya Anton for retrieving his contact number for me ^_^)
Support our local tour guides. :)

~ Vocabulary ni Teh: ~
[1] Dalara - means "Dalaga" in Tagalog

Wednesday, May 30, 2012

Sunset Dining at Sea Dive Restaurant Coron

Dahil huling gabi na ng sleepover ni Teh sa Coron, at dahil napaaga ang tapos ng Sangat adventures nina Teh, finally nag-decide na kaming magpagabi sa town proper at gumastos ng Php 100 per head. Tulad ng nabanggit ko about the service boat ng Dive Link, kapag lagpas na kasi ng 7PM, magbabayad na ng Php 100 per trip to or from the wharf.
Sneak preview of the wharf
After the pasalubong hunting part 1, nagpasya kaming mag-dinner sa Sea Dive Restaurant, isang continental restaurant within the wharf area. Filipino? Italian? Or can't decide? Here's a great place to dine at. :)

Aside from the restaurant, may mga rooms and diving equipment dito for rent. Ideal place to tambay and lodge at for divers.
Diver's lounge @ Sea Dive Resort
Sulit naman ang desisyon naming mag-spend ng Php 100 lalo na at tiyempong maganda ang sunset nang kami ay nag-dinner sa Sea Dive. (So talagang may bitterness ako sa Php 100 dahil paulit-ulit ko siyang binabanggit. Unli?) Bihira akong makakita ng ganito ka-flamboyant na mga ulap kung kaya't feeling ko nang mga panahong iyan, ito ang blessing ni Lord na kapalit ng aming Php 100. :)
Sunset View from our dining table... ^_^*
Masuwerte lang din talaga kami noong hapong 'yon dahil nakapuwesto kami sa table na nasa tabi ng bintana, kung saan maganda ang view ng dagat at ng sunset. Pero 2nd rank lang sa ganda ang naupuan namin, dahil may mga mesa pa sa veranda nila kung saan mas okay ang ambiance at view. Kaso occupied ito pagdating namin kung kaya't doon kami napunta sa 2nd placer. Pero okay na rin, maganda pa rin ang view at puwede ka namang sumaglit sa veranda upang mag-picture ng view. Mag-excuse me lang sa mga kumakain doon. :)
The busy fishermen's view from the veranda table... :)
Sa hindi rin kalayuan ay nando'n ang La Sirenetta restaurant. Kung super bet mong mag-sunset viewing, mag-dinner din doon one of your evenings. Also, you might find the sirena statues on the four corners of the kubo interesting. :P
La Sirenetta restaurant with the ooh-la-la siren statues. :))
*censored* >_<
Saktong tapos na rin kami mag-picture-picture nang dumating sa hapag ang mga inorder namin. Pagkatapos ng nakakapagod na adventure, heto na ang reward nina Teh - Seafood Pizza and Shrimp noodles in coconut soup! ^_^*

Shrimp noodles in coconut soup... Appetizing! :)
Ang sentensya ni Teh? Ito ang personal ratings ko sa restaurant na ito.

Food: ✰✰✰✰✰ 
Masarap! Perfect! Especially the Seafood Pizza! ^_^

Ambiance: ✰✰✰✰ 
5-stars sana kung hindi ako nakagat ng lamok X_X But the seaview is great! ^_^

Value for Money:  ✰✰✰✰ 
Against sa binayad namin, sulit ang price. :)
Seafood pizza! Nyam! ^_^


Cost: ✰✰
Not an ideal restaurant for those on tight budget. :| (3rd day na kasi kami kumain dito kaya nakaipon na sina Teh. Hehe!)

Hospitality: ✰✰✰
Food was served promptly and the one who took our order is not masungit. Hehehe... However, medyo minus points ang slowness ng counter sa pag-bill out sa amin nang gabing iyon. Anyway, we just enjoyed the view while waiting. :)

Overall, the dining experience here is great! Delicioso dishes, nice ambiance and breathtaking sunset view... Super sulit! Kapag nakaipon ako ulit sa pagpunta ko rito, kakain ako ulit dito... ^_^
The busy resto... with busy eaters.
Day 3 is over... which means last day na tomorrow ni Teh! :( 

Up next, get to know the town of Coron better in the next feature post of Teh... Don't go away! :)

Some photos courtesy of J.R.C. (Thanks, thanks! ^_^)

Sangat ~ the Concealed Paradise

May kalayuan man ang lugar na ito, sulit naman ang biyahe. Because I tell you mga teh, napakaganda ng mga tanawin na makikita rito, sa ibabaw man o sa ilalim ng dagat. A must-see and visit for divers and nature lovers... :)
The mighty Sangat Island...
Resort in Sangat Island. Sadly, it is owned by a foreigner...
(Even the whole island...)
Going here, inabot kami ng mga halos 1 hour from Uson Island bago kami nakarating dito. Pero usually, around 45 minutes lang ang aabutin going here. Before setting off to the faraway Sangat, dumaan muna kami saglit sa Barangay Lala to fetch crude oil. Ang nangyari kasi, hindi alam ng aming guide na si Kuya Romy, with his nephew, Jomar, na sa Sangat pala kami magtu-tour. Napuntahan na kasi namin lahat ng sinabi niya, kaya wala siyang choice kundi dalhin kami sa Sangat. By then, they realized na for sure, kukulangin ang krudong baon nila. At bumilib ako sa kanila, dahil hindi sila umangal sa fact na  malayo pala ang pupuntahan namin. Kaya sila ang tour guide tandem na naging favorite namin sa kabuuan ng Coron discovery namin. Hindi choosy, and sobrang babait pa nila. :)

Dahil sapat na ang aming krudo, kami ay nagpatuloy sa paglalayag. Heto na ang kuwento ng aming Sangat exploration during our third day in Coron. 



~ Coral Garden near Lusong ~
Medyo mababaw ang snorkeling site na ito, kung kaya't bihira kong maibaba ang aking mga paa. Isang garden na pinagpala ng maraming variety ng corals.


Spikes, brains, jackfruits, trunk- and Shrek-looking corals and many more! Nandito na ata ang lahat ng klase at kulay ng mga corals na maaari mong makita sa Earth...


Deformed pearl on a shell fragment.


Sa ibang spot, hindi namin alam kung bakit pero nakakita rin kami ng mga shell fragments with deformed pearl. Siguro ang pinaka-logical na reason ay dahil nasa malapit lang ang pearl farm, at isa ito sa mga namatay na kabibe... (One minute of silence...)
Wala ring fish-less na view. Bagama't hindi kasing bountiful ng Siete Pecados, kahit saan ka  pa rin lumingon, makakakita ng naglalangoy na isda (alangan namang lumilipad?)...
Neon-colored o glow-in-the-dark fishes?
Another group of a certain fish specie.
































Ewan ko kung ano ang mga ito, pero natuwa ako sa kanila kung kaya't napag-tripan ko silang kunan. Parang uod na pinsan ng dikya... (Uh-oh, dikya! >swim, swim, swim palayo...<)
Uod? O dikya?
Small, medium and tiny fishes



Small, medium, large or pating? Name your fish size, at siguradong makakakita rin sa  Coral Garden na ito. :) 
Medium-sized fish...


























So far, 'eto ang pinakamalaking fish na nakita ni Teh. Pero ansabe nila, may mas malaki pa raw diyan. May pating pa nga raw eh. Mabuti na lang, nasalisihan sila ni Teh kung hindi, baka kulang na ang daliri ng mga kamay na nagta-type ng post na ito ngayon... ^_^
The biggest fish na nakita ni Teh.
Hindi lang snorkeling ang ginawa namin dito. We also had other fun activities at the Coral Garden... :)

Sidetrip A ni Teh - photo ops with the sea urchin. Naiingit kasi kami sa mga kasama namin sa resort na nakapagkuwento sa amin ng kanilang paghawak at photo ops with a sea urchin. Kaya ayun, dahil mga inggitera kami, nag-request kami kay Jomar (tenkyu!) na ikuha kami ng sea urchin para maka-picture namin. Naawa lang ako sa sea urchin dahil maya't maya may napuputol siyang tinik. :(
Lunch spot at Lusong... :)



Sidetrip B ni Teh - lunch break! 'Yun pa rin ang mga ulam, walang pagbabago. Pero mas na-enjoy namin dahil sa mismong bangka kami kumain, sa ibabaw ng coral garden. Mega care kami na hindi makapagkalat dahil nakakahiya naman sa linis ng dagat... :) By the way, thanks to Kuya Romy for faithfully grilling the Bisugo's Cousin fish. Delicioso! ^_^


Same old, brand new lunch... Still at their yummiest! ^_^
Next stop after lunch: World War II Gunboat Wreck... ;)

Gunboat's edge na tinubuan na ng mga corals...
Beautifully crafted by history.

~ Lusong Gunboat Wreck ~
One of the places that witnessed World War II as manifested by the shipwrecks. Kung hindi dahil sa existence ng lugar na ito, hindi mabubuo ang history ng Pilipinas at kapag hindi nabuo ang history ng Pilipinas, wala tayong maipagmamalaking Shipwreck Capital of the Philippines, ang Coron.






Bago ang lahat mga teh, pagpasensiyahan na lang ang mga shots dahil hindi kaya ng powers ng lens ni Teh kunan ng isang buo ang shipwreck. (Lalong lalabo ang shot, mas malabo pa than the succeeding photos...)








Elaborate ko lang ang WWII story ng mga shipwrecks dito. Ang Gunboat Wreck na ito ay isa sa mga lumubog na ship habang nagaganap ang World War II, ang panahon ng tsugihan ng mga Kano at ng mga Hapon. Sa mga hindi aware, ginamit kasi tayong battle ground ng dalawang kuponan. Very good! :|
The edge of the boat's deck.
Coral overpopulation ang peg.






Marami mang nasira sa ating bansa noong mga panahong iyon, may mga naging magandang epekto rin naman. At isa na rito ang nangyari sa late Gunboat Wreck, maging sa iba pang shipwreck ng Coron. Ang mga dating vessel for destruction and disorder, tahanan na ngayon ng peace and serenity... :) 





So far, out of 11 shipwrecks, isa ito sa mga snorkel-able shipwrecks. Pero still, to get the most out of your shipwreck explorations, ang maipapayo ni Teh ay mag-dive sa mga shipwreck sites para mas ma-explore nang malaliman. Around 3 to 18 meters ang depth ng buong vessel na ito, kaya abot-tanaw pa rin ng mga snorkelers. [1]
Another edge na nagkaroon din ng coral overpopulation...
Medyo nahirapan lang ako mag-explore sa wreck na ito dahil malakas ang alon sa parteng ito ng Sangat. But still, a one-in-a-million exploration experience. Sana may cash na si Teh pagbalik niya rito para makapag-dive at makapag-explore na siya sa mga shipwreck nang matiwasay... :) *Another wishful thinking...*

~ Pearl Farm ~
Ang Coron ay hindi lamang tungkol sa snorkeling, diving, limestones at white sand beaches.   It is also a hidden abode of cultured pearls. Akala mo sa Davao lang merong pearl farm? Sa Coron din, meron nito.
Landmark near Lusong/Sangat's pearl farm.
Also a nearby marker for the Gunboat Wreck and Coral Garden.
Merong isang malapit sa Coral Garden, at meron ding isang malapit sa Decalve Marine Park.
Lusong/Sangat Pearl Farm

Another Sangat Pearl Farm near Bintuan.



























How to recognize a pearl farm? Simple lang. Kapag may nakitang mga puting dots sa dagat mula sa malayo, 'yun na! :D
Approaching Decalve Marine Park (to the left...)




~ Decalve Marine Park ~
Located near Sangat Island and Bintuan, malapit sa pearl farm, ang Decalve Marine Park ay isa ring snorkeling site na dapat dayuhin during your Sangat exploration. 



Sangat Island limestones beside Decalve...










Majika Resort nearby...






Sa hindi kalayuan mula sa site ng Decalve, matatanaw ang nakatagong Majika Resort. Pero may entrance fee at hindi kasama sa itinerary kung kaya't hindi na namin binisita.




Dahil nangangalay pa ang kili-kili ni Teh sa kasu-swim against the wave sa Gunboat Wreck, nagpasiya akong magpahinga muna sa bangka habang ang mga kasama ko ay busing-busy sa panghuhuli ng fish. Showdown ba ito? Kasi pagkatapos humuli ni Kuya Romy, mega fishing din ang peg ng kasama ni Teh.  Ang resulta? Kayo na ang humusga sa picture... :D
Huli ni Kuya Romy: Parrot Fish
(Wawa naman 'yung fish...)
Huli nina Teh: ??? Fish. Basta yan.
(Talo kami sa size, siyempre... >.<)




























Pagkatapos kong mamahinga, dali-dali na naman kaming tumalon sa dagat hindi lamang para mag-snorkel, kundi para na rin makaiwas sa mainit na panahon. 





Shells, corals o brown lilies? 





Well, ako na lang pala ang tumalon noon sa dagat, dahil busy pa rin sila sa pangingisda. K, fine. Ako na lang mag-isa... :'|




Ang pinakamaraming lahi ng isda na nakita ni Teh...
Well, pasok sa banga kung sasabihin kong save the best for last, dahil bukod sa maraming corals at schools of fishes ang makikita rito, meron ding isang spot dito na muhkang baby volcano na muhkang libingan din. >.< 
Ang marine park marker na muhkang libingan... Teh was here. >:)
Sa lahat ng snorkeling sites na aking napuntahan, dito lang ako nakakita ng ganyang coral formation. Simply and uniquely beautiful... :)

At bago ako umahon, na-spot-tan ko ang fish bait nina Kuya Romy. Medyo nagtagal ako ng kaunti upang obserbahan ang mga isda sa paligid ng bait. Tingin namin, 'yung dalawang hinuli't binalik (pinaglaruan in short) naming mga isda, nakapagsumbong na sa mga kapwa nila isda na nasa park, kung kaya't nalaman ng mga friends nilang may mga taong sadista na kasalukuyang nangingisda sa teritoryo nila. (Sorry na, please?) At dahil diyan, konti-konti lang ang kagat ng mga isda sa bait hanggang sa naubos nila ang naka-attach na pagkain... Nice one, mga fish! :D
Mga isdang mauutak. Pa-nibble-nibble lang para hindi mahatak ng fisher.
At pagkatapos ng aking panonood sa mga isdang umuubos ng bait, tuluyan na rin akong nagpaalam, hindi lamang sa Decalve Marine Park, kundi pati na rin sa buong dagat ng Coron. Ito kasi ang last snorkeling site na pinuntahan nina Teh and friends. Sad... :'(




~ Mangrove Sightseeing ~
Kung tama ang intindi ko sa mapa, ang lagusang ito na puno ng mga mangroves ay matatagpuan sa pagitan ng Busuanga at Apo Island. 



Jomar making sagwan of the boat.



Mababaw ang bahaging ito kung kaya't pinatay muna ni Kuya Romy ang motor ng bangka. Tiis lang sila ni Jomar na magsagwan ng aming boat gamit ang loooooooooong bamboooooo na kadalasang equipment ng mga bangkero para sa pagpa-park at pagpalaot.



Given nang natural na magaganda ang mga mangroves dahil sa pagkakapuwesto nila sa mga ilog ng Coron tulad nito, pero bukod sa view, ang pinaka na-enjoy ko rito ay ang paglalakad sa tabi ng mga mangroves. Ingat lang sa paglalakad dito mga teh, kasi may mga portion na sobrang lambot ng ilog-putik na talagang lulubog ng bongga ang mga paa mo. Kamuntik pang mangudngud ang muhka ni Teh sa putikan, kung hindi pa ako tinulungan ni Jomar maglakad. >.< Pero natatawa ako tuwing natatalisod ako rito, kasi ang lampa ko lang habang 'yung mga kasama ko, dedma lang sa mud at keribels lang rumampa sa ilog. Hahaha, kalurkei!.. :))


Bukod sa pagrampa at pagpi-picture-picture, kung pupunta ka rito ng gabi, don't miss the firefly watching. 'Yun nga lang, hindi ko sure pero baka mas mahal ang boat rental pagsapit ng dilim. (Sorry na, nakalimutan kong itanong kay Kuya Romy...) Pero kung bet na bet mo namang gawin, gora lang! At balitaan si Teh kung kumusta ang experience... :)



Enjoy rin ang experience naming ma-trap/ma-traffic sa river na ito, dahil at some point na masikip ang daanan, may mga nakasalubong kaming mga bangka. Suwerte kung paddle boat lang ang kasalubong, effort nga lang kung kasinglaki ng bangka namin. Nakakita pa nga kami ng mga mamang foreigner na tumulong magtulak ng bangka. At 'wag ka, may isang mama na uma-attitude pa dahil ayaw mabasa sa ilog. :))

Halos patapos na rin ang aming Sangat exploration. Natatanaw ko nang muli ang malawak na dagat ng Coron. Ibig sabihin, panahon na upang magpaalam sa Sangat... :'(
Exiting the mangrove forests... (Aww, lalong sad...) :(
Ang rating ni Teh sa Sangat experience? Hands down, wala akong masabing negative. 5 stars sa lahat ng napuntahan namin, o higit pa ro'n. I like this place so much dahil it gives me a mysterious feeling. Para bang kakaunti pa lang ang nakakaalam at nakakapunta rito. Untouched. Undisturbed.

Marahil ay isa ito sa mga lugar na medyo nalungkot ako nang nilisan ko. Gusto ko pa sanang magtagal kaso time's up na talaga... :'( Paulit-ulit ko nang sinasabi, dahil talagang gusto ko. Pero babalikan ko ito. :)

Sa lahat ng mga Tagbanua at local residents (pati na rin sa mga dayo) na nangangalaga ng likas na yaman ng Coron, super thank you sa inyong lahat dahil nabigyan ako ng pagkakataong makita kung gaano kaganda ang inyong lugar. I hope na ma-preserve ninyo ang ganda nito hanggang sa mga susunod pang henerasyon... 

Some photos courtesy of J.R.C. (Thanks, thanks! ^_^)

Special thanks to Kurenai for contributing to this post... :)
Jomar. the nephew :)



Super thank you to the best of our tour guides the uncle tandem Kuya Romy and Jomar. Hopefully kayo po ulit ang maging guide ni Teh sa kanyang pagbabalik... ^_^
Kuya Romy, the uncle :)
Ito lang ang picture ni Kuya Romy na nakaharap, fail pa. :|











Brought to you by Ate Mae Linsangan of Calamianes Expeditions and Ecotours... (thanks teh Mae! ^_^)

Support our local tour guides. :)




~ Sources ni Teh ~
[1] The official website of Sangat Island Dive Resort ~ http://www.sangat.com.ph/index.php?cmd=05.02.02