Friday, December 21, 2012

Teh on Air ~ Passenger Bill of Rights

Alam naman nating lahat na malaki ang potential ng Pilipinas pagdating sa turismo. Bukod sa mga pantalan ng barko at sa theme song ng Eat Bulaga, local airports are our gateway para marating ang bawat sulok ng Pilipinas. Kaya lang, sa kasamaang palad, nababansagan tayong may pinakapangit na airport since these past few years. Kung ako ay isang foreigner at na-turnoff na ako pagdating pa lang ng NAIA, malamang ay mababawasan ang excitement ko makita ang Pilipinas dahil sa analogy na kung airport pa lang, pangit na, probably there's nothing much in this country. Or worse, hindi naman pala talaga maganda rito so hindi na ako magre-return-of-the-comeback ditey. Idagdag mo pa ang nakakapa-tumbling na serbisyo ng mga local airlines, eh 'di nganga na naman ang tourism industry? Well, dahil tayo ay isang arkipelago, local airlines are our foreign tourists' link to the beauty of our beloved country. (Bumi-beloved? Mehhhhh gano'n??!)

Kung maaalala ninyo, nai-share ko rito ang mga rants ko sa worst airline experience ever ni Teh. At kung may maidadagdag pa ako sa listahan, siguro maswerte na ako sa puntong ito. Dahil tolerable pang maituturing ang mga pangyayaring ito:

Destination 1: Busuanga (Coron), Palawan
Status: 1 hour delayed
Planned ETD[1]: 9:25AM
Purpose: Adventure
Story ni Teh: Tolerable since one hour delayed lang naman but then Teh's itinerary for the day also got delayed. Nevertheless, I was able to visit all of the places listed on the Day 1 Itinerary. ;)

Destination 2: Cebu 
Status: 2 hours delayed 
Planned ETD: 5AM 
Purpose: Field Trip/Adventure
Story ni Teh: 1 hour delay lang 'yung announced. But then nung 6AM na, another 1 hour delay was announced due to aircraft maintenance daw... (Chos!) Excruciating tuloy ang day 1 namin. X_X

Destination 3: Manila (from Bangkok, Thailand) 
Status: 2.5 hours delayed 
Planned ETD: 12:30 AM 
Purpose: Adventure
Story ni Teh: 30 minutes delayed on boarding, 2 hours delayed on take-off. Pero hindi naman kasalanan ng airline ito...

Well sabihin na nating walang perpektong airline dito sa atin, given na nauso pa ang mga promo fares. Kadalasan kasi 'pag bagsak-presyo, sacrificed ang quality. At kapag minalas-malas ka pa, wala kang magagawa kundi ngumanga sa benefits mo, should you encounter a problem.

Pero siyempre, may mga pagkakataong hindi natin talaga maiwasan ang mga 'di kanais-nais na pangyayari tulad ng pagka-delay o pagka-cancel ng flights due to a lot of factors, na minsan eh beyond airlines' control. Dahil sa ganitong pagkakataon, aside sa katulad na experience ni Teh na trip lang ng airlines paglaruan ang mga pasahero, safety na rin ng lahat ang priority ng mga airlines.

Kaya to avoid na mangyari pa sa iba ang nangyari kay Teh at sa marami pang naging 'victims' ng kapalpakan ng mga airlines, nakita ng mga relevant Goverment authorities ang need na maproktektahan ang mga rights ng mga air passengers lalo na sa mga katulad ni Teh na mahilig mag-airplane. Para masiguro ang win-win situation between passengers and local airlines, though may International Law na regarding this, nag-draft na rin ang DOTC at DTI ng Joint Administrative Order No. 01, Series of 2012, a.k.a. the Air Passenger Bill of Rights. At magandang balita dahil approved na ito last December 10, 2012 and will be effected into a law today, December 21. Yey! (See full content here...)

Salamat sa aking team lead at talent manager na si Teh Kinney, at sa creative producer/promotor ng The Adventures of Teh na si Kuya Noel, nagkaroon ng chance si Teh na makita at ma-interview ng live sa Kape at Balita, ang morning show ng GMA News TV Channel 11. Nataon kasing naghahanap ang news team ng travel blogger na naperwisyong totoo ng mga airlines tulad ni Teh. (Though wala naman akong naikuwento sa TV due to airtime limitation, hahaha...) As mentioned earlier, isa sa top reasons ng misadventures ni Teh ay umiikot sa delayed at cancelled flights dahil nakakasira ang ganito sa itinerary na nakaplano na. (Though I always include time allowance...)

Hiningi ni Kuya Michael Fajatin ang opinyon ni Teh about the Air . Narito ang interview sa sabaw dahil 24 oras nang gising na si Teh... 
(Teh is @15:15)

Actually, kung mahaba pa sana ang oras, (at hindi nasabaw si Teh sa override na nakasabit sa tenga ko) marami pa sana akong nasabi, lalo na sa duda ni Teh tungkol sa implementation ng batas na ito. Alam naman nating lahat na marami tayong magagandang batas. Pero sa implementation palagi bumabagsak ang problema. Kaya ang naging panawagan ni Teh sa mga authorities ay bantayan sana ang mga magpapasaway na local airline at maging firm sila sa pag-protect ng mga karapatan ng avid travelers tulad ni Teh.

Bukod sa kanila, may payo naman si Teh sa mga kapwa kong adventure din ang hobby. Take time to read the bill of rights para alam nating lahat ang lawak at limitation ng mga karapatan natin. Dahil baka mamaya, may mga benefits tayong matatanggap in some unfavorable conditions, tulad sa nangyari kay Teh. O kaya naman eh angal tayo ng angal, tapos 'yung angal natin, hindi naman eligible to be compensated talaga. Siyempre isipin din natin na ang airlines, may karapatan ding ipagtanggol ang mga sarili nila kung tayong mga pasahero din ang may pagkukulang.

With this bill of rights effective already, sa palagay ni Teh, we are one step closer in proving that it's really more fun in the Philippines. Bukod sa airline passenger rights and benefits, hopefully mag-improve din ang air trafic control equipment and airport facilities, safety issues in the Philippines lalo na rito sa Maynila, then mega-join na rin diyan ang beautification, expansion at maintenance ng mga tourist attractions ng Pilipinas. I believe that with these, we can proudly say that it's more fun in the Philippines. ;)

Top row: Teh Czarina and Teh, and GMA News Field Staff
Bottom left: Kuya Michael Fajatin (idol!), Teh, Oscar Oida (idol!)
Bottom right: Teh and Kuya Alfred
Special thanks to the following people for Teh's 2 minutes of fame...
  • Talent Manager (wehhh, mehhh gano'n talaga si Teh?) Teh Kinney
  • Teh Czarina, Kuya Alfred and the field staff of GMA News TV
  • News Anchor Kuya Michael Fajatin and Kuya Oscar Oida












~ Vocabulary ni Teh ~
[1] ETD - Estimated Time of Departure.

No comments:

Post a Comment